THE SECRET PLACE I

1561 Words
Nagising akong may agam-agam sa aking puso’t isipan dahil napanaginipan ko na naman ang isang hindi pamilyar na lugar, para bang gustong-gusto na ng mga paa kong pumunta roon, kahit na ang puso ko’y ’di sang-ayon—nakababaliw. Nakapagtataka lamang dahil masyadong malinaw ang panaginip ko ukol dito, lahat-lahat ng mga detalye ay natatandaan ko. “Ma? Magpa-paalam po sa na ako,” wika ko sa aking Ina. “Saan ka pupunta? At parang biglaan yata, anak?” tanong nito sa akin. “May nais kasi akong puntahan na lugar, kung okay lang?” Nakangiti kong wika kay Mama. “Sige, basta mag-ingat ka!” Sabay hawi nito sa aking buhok. My curiosity was killing me so hard. So, I decided to go in that kind of place even tho I am not familiar, and my only basis was my dream. Nakahanda na rin ang mga kagamitan ko para sa byahe dahil alam kong malayo-layo ito. At kailangang handa ako sa anumang oras dahil hindi ko alam kung ano ang aking madadatnan sa lugar na iyon. **†** Inabot ako ng tatlong araw sa aking byahe, at salamat sa Diyos, at nakarating akong ligtas. Tama nga ang aking panaginip na may isang lugar na ganito. “Nakagugulat at nakapagtataka lamang bakit hindi ko ito nakita sa mapa—walang bakas na may lugar na ganito. O baka naman binura nila ito sa mapa?” tanong ko sa aking sarili habang kinukuhanan ko ang aking sarili nang video. “Para na akong tangang kinakausap ang sarili,” dagdag ko pa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, masyadong malawak ang lugar na ito, wala mang lang katao-tao. Malapit nang gumabi at parang unting-unti ko nang nahahanap ang takot ko’t pagsisisi kung bakit nagtungo pa ako rito. Pero ang aking mga paa’y patuloy pa rin sa paglalakad na wari bang may sariling utak na alam nito kung saan patutungo. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa isang lagusan. Walang alinlangan akong pumasok doon, kahit na ang totoo’y takot na ako. Pero bumungad sa akin ang isang kakaibang nilalang nawari mo’y isang halimaw, ito’y na sa tubig habang naka-kadena ang kaniyang dalawang paa at leeg. Akmang lalapitan ko na sa na ito nang may dumating na ibang tao. Kaya naman nagmadali akong nagtago. “Huwag ka nang pumalag! Isang halimaw! Dugo mo lamang ang kailangan namin sa ngayon! Kung ayaw mong patayin ka namin, sumunod ka sa kagustuhan namin!” wika ng isang lalaki. Pero masyadong matapang ang halimaw na tinutukoy nila dahil sa kinagat niya ang lalaking kumakausap sa kan’ya. “Ahhhhh! Aray! Pstsngsna mong halimaw ka!” Kinuha ng lalaki ang kaniyang latigo at nilatigo ang kawawang nilalang at iniwan na nanghihina at naliligo sa mismo niyang dugo. Nang mapagtanto kong wala na ang mga taong iyon dali-dali kong pinuntahan ang kawawang nilalang na kanilang sinaktan upang gamutin. “Ayos ka lang ba? Huh? Gusto mo bang gamutin ko ang mga sugat mo?” tanong ko rito habang ang katawan ko’y nanginginig pa rin dahil sa takot sa kaniyang anyo. Pero hindi man lang ako nito binigyan ng pansin sa halip lumangoy ito palayo sa akin. Nang mga araw na iyon ay hindi na ako umalis sa tabi niya, parati ko siyang kinakausap, pinapasaya at habang tumatagal ay nahuhulog na rin ang aking loob sa kaniya, wala akong pakialam kung halimaw ang tingin ng ibang tao rito. Noong una’y nahihirapan ako dahil lumalayo ito sa akin na wari bang takot sa lahat ng tao—walang pinagkakatiwalaan kun’di pawang sarili niya lamang. “Psttt! Ito pagkain! Kumain ka muna,” wika ko rito. Hindi nagtagal napalapit din ito sa akin dahil sa pangungulit ko rito na siya namang nagugustuhan kong gawin, pero hindi ko pa ito naririnig na magsalita tanging ngiti lamang niya ang tinutugon niya sa akin. Habang binibigyan ko ito ng makakain ay may biglang sumulpot na isang lalaki. “Tatiana? Anak? Bakit ka narito? Huh?” tanong ni Papa. Kaagad ko itong niyakap. “Papa? A-Akala ko’y p-patay ka na!” wika ko habang umiiyak. “Anak umalis ka na! Delikado rito!” wika niya. “Bakit? Sumama ka na lang sa akin, miss ka na ni Mama.” “Mahirap ipaliwanag kaya umalis ka na!” “No! Pa, ngayon na ngalang tayo nagkita after 8 years tapos gusto mo akong umalis kaagad! At isa pa bakit kakaiba ang lugar na ito? Wala ito sa mapa! Bakit siya naka-kadena?” sunod-sunod kong tanong. “Isa itong sekretong lugar! Lahat ng kakaibang mga nilalang ay dito dinadala upang pag-aralan at ang lugar na ito’y binura sa mapa!” “Anong gagawin ninyo sa kaniya?” tanong ko ulit. “Isa akong scientist anak, pinag-aaralan namin kong ano ang puwedi nilang maidulot sa atin na maganda at madalas ay pinapatay nila ang mga ito kapag wala nang silbi.” “Paano mo ito nasisikmura, Papa? Ang pumatay? Hindi naman sila masama!” “Gusto ko nang umalis pagkatapos kong malaman na pinapatay sila, at malaman pa ang mga iba pa nilang illegal na ginagawa, gusto kong kumalas pero masyadong mahigpit ang bantay para sa akin at dahil ayaw na nila akong paalisin dito sinabi nila sainyo na patay na ako marami na akong alam na sekreto nila kaya naman hindi nila ako hahayaan na makawala rito ng buhay.” “Kaya pala parati kong napapanaginipan ang lugar na ito ay iyon pala ay dahil sa iyo—dahil nandito ka Papa.” “Saan ka dumaan at tila walang nakapansin sa iyo?” tanong ni Papa. “May isang lagusan dito kaya puwede kang makawala rito Papa.” “Kung ganoon kailangan na nating umalis dito dahil bukas na bukas ay papatayin nila ang halimaw na iyan.” “Please! Pa, ’wag mo siyang tawaging halimaw dahil may pangalan siya at isa pa hindi siya halimaw, masyado lang tayong mapanghugsa!” tugon ko kay Papa. “Ngapala bakit siya papatayin?” dagdag na tanong ko. “Kukunin ang kaniyang puso’t dugo na siyang unang sangkap sa gamot na gagamiting panlunas sa isang malubhang sakuna na darating, isa itong experiment ng ibang baliw na mga scientist na papatay sa milyong- milyon na katao sa isang iglap,” paliwanag ni Papa. Kinuha ko ang susi na hawak-hawak ni Papa, upang makawala si Aqua—Aqua ang ipinangalan ko sa kaniya. “Bilis Papa, at Aqua, nandito ang daan patungo sa labas,” kaagad na man silang sumunod sa akin. “Hindi siya puweding magtagal sa lupa, anak at baka mamatay siya.” “May nakita akong malapit na dagat dito noong bago ako dumating sa lugar na ito, kaya sumunod lang kayo sa akin.” Malapit na kami sa may karagatan, mga limampung hakbang nalang at mararating na namin ito, nang biglang dumating ang mga kalaban at nagpaputok sila. “Papa! H-Hindi, h-hindi,” nakita ko na lang itong may tama nang baril sa katawan. “Sige na anak, umalis na kayo! Sabihin mo lang sa Mama, mo na mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” singhal nito bago tuluyang nawalan ng buhay. “Papa! Huwag mo akong iwan! Ngayon lang tayo nagkita, gusto pa kitang makasama! Naparito lang ba ako para saksihan ang iyong kamatayan?” pero huli na ang lahat dahil wala na itong buhay upang sagutin ang mga katanungan ko. Hila-hila ako ngayon ni Aqua, kaunting hakbang na lamang at mararating na namin ang karagatan pero bago pa man iyon mangyari ay nalibot na kami ng mga taong may hawak-hawak na baril na nakatutok sa amin. “Isuot mo ang kwentas ko,” wika nito. “Marunong ka palang magsalita pero bakit ngayon lang? Ngayong malapit na tayong mamatay!” “Natuto ako nang dahil sa iyo, dahil sa pakikinig. Parati mong tandaan na mahal na mahal kita sobrang saya ko’t nakilala kita kahit sa maikling panahon lamang. Mabuhay ka para sa akin, para sa sarili mo at sa Mama, mo.” Sabay halik nito sa aking labi. “Mahal din kita kaya sabay tayong mamamatay,” wika ko rito. “Hindi! Buhay mo ngayon ang pinaka-mahalaga sa akin, kaya ako lamang ang dapat ang mamamatay. Pero hintayin mo ako pangako babalikan kita.” Dumating bigla ang ibang mga kalalakihan at walang alinlangan itong nagpaputok kahit wala pa itong utos sa nakakataas sa kanila, na siya namang dahilan upang matadtad ng bala si Aqua, dahil inako nito ang lahat ng bala sa papamagitan nang pagyakap sa akin, at sabay tulak nito sa akin nang malakas papunta sa karagatan. Nagtaka na lamang ako dahil kaya kong huminga sa ilalim ng dagat marahil dahil ito sa kwentas na binigay sa akin ni Aqua. Walang anu-ano’y umahon ako upang makita si Aqua, pero laking gulat ko nang makitang nakabulagta na ito’t wala ng buhay. Binuhat ito ng mga kalalakihan na siyang bumaril sa kaniya pero mas nagulat ako nang masaksihan ko na biglang naglaho si Aqua, na parang bula. A/N: Ang short-story na ito ay inspired sa isang movie na napanood ko lamang sa f*******: but I don’t know what’s the exact title of that movie, since sa sss ko lang nakita at cut lamang iyon. Basta bigla na lang ako nagkaroon ng kaunting idea upang gumawa ng story na which is inspired doon. By the way, thank you so much for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD