THE PREDICTION

1440 Words
One of my friends told me that I’m special one ’cause I could predict someone’s death by caressing thier hands, she believes that, it’s a blessing from above. But for me it was a cursed given to me. I was sixteen when I learned to used this ability. Pero nagbibigay pa rin ako ng isang babala sa mga taong nakikitaan ko ng kamatayan, na mag-ingat sila kahit na alam kong hindi kailanman matatakasan o maiiwasan si kamatayan. “Kuya! Be careful may taong galit sa iyo at sa mga kaibigan mo na gustong-gusto kayong patayin,” walang alinlangan kong wika kay kuya. “You know what! Just mind your own business, Yxeine! Pinapairal mo na naman ’yang pagiging weirdo mo! Kung may mamamatay man I’ll make it sure na iyong taong papatay sa akin ang mamamatay, not me!” ito ang huling tanda kong sinabi niya sa akin. 1 week nang huli kong makausap si kuya at iyon na ang huli naming pagkikita dahil bigla na lamang itong naglaho na parang bula, pinaghahanap na rin ito ng kapulisan at ng aming mga magulang. F??? ??????? Nagmamadali akong nagtungo sa aking room dahil malapit na magsimula ang klase, pero may umagaw sa aking pansin—mga taong naguumpukan. “Yxeine! Saan ka galing? Look at this, kung sino iyong natagpuang patay sa isang abandonadong room dito sa school,” wika ni Revnieyn, na halatang sobrang natatakot. Medyo naagnas na ito’t umaalingasaw na rin ang amoy, halos hindi na rin makilala at sabi ng isang investigador one week na raw itong patay. “Bakit daw pinatay?” I asked. “I don’t know but... Wait hindi ba? Nawawala rin ang kuya mo’t mga kaibigan nito na sila Josh at Max? Baka sila ’yan! Iyong hula mo baka nagkatotoo na naman kasi look, parang si kuya mo’t mga kaibigan niya,” wika nito. “Tatlo ang patay at tatlo rin ang nawawala, think about it, Yxiene!” dugtong pa niya. Alam ko sa puso’t isipan ko na sila kuya, iyon at ang mga kaibigan niya pero pinili ko na lang munang manahimik at hayaan ang authority ang magsabi sa resulta. “Hintayin na lang muna natin ang investigation before tayo mag-isip ng negatibong mga bagay!” wika ko rito. Maaga akong umuwi sa bahay dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nadatnan ko namang umiiyak si, Mama’t Papa. “Ma? Ano pong nangyari?” tanong ko rito. “Ang kuya mo patay na! Anak!” Naiiyak pa ring wika ni Mama. Kung ganoon tama talaga ang hula ko na mamamatay si kuya at mga kaibigan niya. “S-Sinong p-pumatay, Ma?” tanong kong naiiyak. “Hindi pa raw nila alam.” Wika nito at umalis papuntang kuwarto. Dali-dali namang tumabi si Papa, sa akin at hinaplos ang aking kamay at hinalik-halikan ang aking leeg. “Sa kama mo ako matutulog, mamayang gabi!” wika nito. Bigla ko itong naitulak dahil sa gulat hindi dahil sa siya ay tatabi sa akin sa pagtulog kun’di nakita ko na naman na may mamamatay at iyon ay si papa—may papatay sa kaniya ngayong gabi. “Pa! Mag-ingat ka ngayong gabi.” Wika ko rito sabay takbo papunta sa aking kuwarto. Umiiyak at nakahiga lang ako ngayon sa aking silid iniisip ang mga pangyayari, bukas ay kukunin na ang bangkay ni kuya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari masyadong mabilis. Bigla namang bumukas ang pintuan ng pinto at may isang taong yumakap sa akin mula sa likuran—si papa at wala itong suot pantaas. Ito na naman siya sa malademonyo niyang plano! Wala paring pagbabago. Kaya naman kaagad akong humarap dito. “Ano na naman ang balak mo?” Hinaplos-haplos nito ang aking mukha. “Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, ’wag kang magmalinis na para bang walang alam.” Ngumisi naman siya nang nakakaloko. “Naniniwala ka ba sa hula, papa?” tanong ko rito. “Kung mahuhulaan mo kung ano ang gagawin natin na alam ko namang alam mo kung ano iyon,” singhal niya. “Alam mo bang may gustong pumatay sa iyo? At ngayong gabi ka papatayin?” Pero imbis na matakot ay tumawa lang ito ng malakas. “Sino naman ang maglalakas loob na patayin ang isang, Mayor? Sa bayan na ito! Sa mismong pamamahay ko! Huh?” aniya. “Ako!” Singhal ko rito at inilabas ang isang punyal na kanina ko pa hawak-hawak. “Mamatay ka na!” Pinanlisikan ko ito ng mata at nakuha pang sumigaw bago ko ito gilitan ng leeg, sapat na upang marinig ni mama, na na sa kabilang kuwarto. Kaagad kong narinig ang mga yapak ng paa ni mama, at binuksan ang pintuan at pumasok sa aking silid. “Yxiene? Saan ang papa mo’t narinig ko siyang sumisigaw?” tanong nito. “O-Oh my G-God! Bakit may dugo ang damit mo’t mga kamay?” tanong nito sa akin na halatang takot na. Lumapit ako rito at isinara ang pintuan, at bumalik kaagad sa aking puwesto. “Hinahanap mo ba si papa? Ito siya, ow!” Sabay taas sa aking kamay dahilan upang makita niya ang pugot na ulo ni Papa. “B-Bakit mo siya pinatay? P-Paano mo ito nagawa? Isang kang demonyo! Go to hell!” wika nito habang pinipilit na hindi masuka. “Hmm... Demonyo? Kayo ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito! Besides wala naman akong kasalanan dahil nagbigay ako sa kanila ng isang babala! Akalain mo iyon tama ang hula ko sa kanila!” “Baliw ka na! Gawa-gawa mo lang ang prediction na iyan, mamamatay tao ka! Demonyo! Salot!” Nanlilisik ang mata niya dahil sa galit. “Tama, gawa-gawa ko nga pero ang mahalaga nagbibigay ako ng isang babala. Ayaw mo no’n? Magkasama na sila ni kuya!” Nakangisi kong wika. “Bakit mo ’to nagawa! Pati ang kuya mo pinatay mo! Ikaw dapat ang mamatay.” “Malungkot ka ba? Gusto mong sumunod?” tanong ko rito. “Demonyo, hayop ka! Wala kang kuwentang anak!” “Opz, mali ka riyan! Kayo! Kayo! Kayo ang walang kuwenta! Si kuya, hindi ba dapat siya ang protector ko? Siya ang magtatanggol sa akin? Pero bakit siya pa ang naging dahilan para mapahamak ako’t magdusa!” “Hindi niya iyon sinasadya! Lasing siya nang araw na iyon!” wika nito. “Ow? Come on! Alam mo pala ang tungkol doon? Pero wala kang ginawa?” “Kahit na! Hindi niya dapat iyon ginawa! Hinayaan niya akong baboyin ng mga kaibigan niya! At anong ginawa niya? Ayon pinanonood lang niya ako habang na e-enjoy pa niya ang pangyayari! Hindi pa siya nakuntento at sumali rin siya upang baboyin ako!” “Wala ka pa ring karapatan, para kitilin ang buhay nila!” wika ni mama. “Nararapat lang iyon, ako lang ang makapagbibigay hustisya sa sarili ko! Sawang-sawa na ako! You gave me too much pain as a result, I suffered!” “Kasalanan mo iyon hindi ng kuya mo! Kaya dapat ikaw ang namatay!” wika nito. “Kahit kailan talaga wala ka paring kuwentang, ina! Kahit kitang-kita mo na ang mga pangyayari! I was 12 years old when he took my virginty, freedom, happiness, dream! You knew who’s this! Am I right? Ang taong ginagalang ng mga mamamayan dito, si papa— si Mayor! “T-Tak—” “Takot?” pagputol ko sa sasabihin niya. “A-Anak mo rin ako! Pero hinayaan mo siya hindi ba? Nanood kalang habang ako naghihirap! Gabi-gabi niya iyon ginagawa, rinig mo! Nakikita mo kung paano niya ako baboyin pero dahil lang sa takot kang iwanan ka niya binaliwala mo ang lahat ng iyon, kaya ikaw ang demonyo—kayo!” “I-I’m sorry!” wika ni mama. “Huli na ang lahat, kayo ang nag-udyok upang maging ganito ako! Kung hindi ako gagalaw para makuha ang hustisya na nararapat sa akin, walang gagawa dahil mismong pamilya ko ang kalaban ko.” “Tumigil ka na!” “Titigil lang ako kapag napatay ko na ang lahat ng mga taong nagpahirap sa akin,” saad ko rito. “Alam mo ba? Batay sa aking hula noon mamamatay ka ngayong birthday mo? Pero dahil pakialamera ka! Mapapaaga yata ang kamatayan mo! And this is the first time na nagkamali ako sa prediction ko sa isang tao tungkol sa kamatayan niya.” Nakangisi kong wika. “D-Don’t kill me, please! I-Im begging!” Sabay luhod nito. “Let’s see! Mother! Kung magaling kang magtago baka mabuhay ka pa.” Tinakpan ko naman ang aking mga mata. “Magtago ka na! Mama, save your life!” Humahalhak kong wika. THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD