THE CURSED VIDEO—part II

531 Words
I’m ready to eat your flesh, sweetie! I know your flesh is very Juicy and tender—delicious,” wika ng lalaking kalansay. Nandito pa rin ako sa ilalim ng kama habang natatakpan ng kamay ko ang aking bibig, but the way sila mag-usap o magsalita ay parang alam nila kung saan ako nagtatago. “Uhmm! Honey, before we forgot kunin na muna natin ang special gift natin para kan’ya,” wika n’ya sa kan’yang kasama. ‘Aba! Nag-e-english ang mga kalansay na ito!’ Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila na gift, pero bigla na lang silang lumabas at sinarado ang pintuan. Hindi pa rin ako umaalis sa aking kinaroroon dahil ang katawan ko ay nanginginig pa rin dahil sa takot at pangamba. After a few minutes bigla na lang nagbukas ulit ang pintuan. I knew it, bumalik na sila. Pero may kasama na sila sa pagbalik nila, at ginuguyod ito ng lalaking kalansay at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ’yon—si kuya pero wala na ’tong buhay. Pinahandusay nila ito sa sahig at bigla namang ipinasok ng babae ang kutsilyo sa bunganga ni kuya at tinadtad ito ng saksak. At hindi pa ’to nakuntento dahil hinati pa n’ya ang katawan nito sabay kuha sa laman loob, at kaagad n’ya ’tong binigay sa kasama na s’ya namang kumain sa laman loob. “Napakasarap na pagkain! Honey,” wika ng lalaki sabay subo naman sa kan’yang kasama. “Sana pala ’di ko na lang pinanood ang video na ’yon, sana ’di na lang ako humiling!” wika ko sa aking sarili. Kaunting-kaunti na lang at maduduwal na ako sa aking nasasaksihan. Dahil sa takot ay pinikit ko na lang ang aking mga mata at tinakpan ang aking tainga, upang wala akong marinig. Sa tingin ko ay mga sampong minuto na akong nakapikit kaya naman napag-isipan kong imulat na ang aking mga mata. “Wahhhhhhh! Ahhhh! Mamaaaaaa!” sigaw ko nang makita ko ang babeng kalansay na nakangiti habang nakatingin sa akin. “Shhhh! Huwag kang sumigaw, nagustuhan mo ba ang gift namin—bangkay ng kuya mo! Don’t worry dahil susunod ka na sa kan’ya,” sabay turok ng punyal sa aking noo. **†** Nagising akong tumatagatak ang malalamig kong pawis at kaagad akong bumangon upang maghanap ng orasan upang malaman ko kung nasa realidad na ba ako o isa pa rin ’tong lucid dream kung tawagin. Tama! Lucid dream lang ang lahat ng ’yon at aware ako roon. Gusto ko lang malaman kong totoo ba ang tungkol doon, bago pa man ako natulog ay nanood ako ng horror movie at pagkatapos ay humiga akong magkapantay ang aking mga paa gayon din ang aking mga kamay. At nag-focus at nag-isip na ako ng mga nakakatakot na scenario hindi ko lubos maisip na sobrang nakakatakot pala ang aking ginawa dahil muntikan na akong hindi magising at makulong sa aking mismong panaginip. Akala ko ay ’di na ako magigising pa sa katotohanan. Isa lang ang aking masasabi, hinding-hindi na ako susubok pang pumasok sa tinatawag nilang ‘lucid dream’ dahil baka hindi na ako magising ulit at maging sanhi pa ng aking maagang matayan. ANG WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD