Today is my special day, but it looks like they don’t care. Someone was buried to work; tied up. And that’s my Mom, and of course before I forgot my Dad—they love their works more than me. Sadness clouded my features. Well, what’s new? They are always like this. I am weary for this kind of family, but I can’t complain.
I just want to hit the hay now but my eyes won’t let me. So, I chose to watched random videos.
Tanghali ngayon at ako lang mag-isa sa bahay. Gusto kong matulog pero ayaw ng mga mata ko kaya naman manonood na lang ako ng random videos. Habang pa-scroll scroll ako ay may nakakuha sa aking atensyon at may nakasulat sa ibaba ng video na iyon na ‘WHEN YOU PLAY THIS VIDEO, YOUR WISH WILL BE GRANTED’ I shake a leg to open it. I am dope to believe for this kind of s**t, but who cares anyway?
My eyes welled up, “Isa lang naman ang hiling ko, na sa na’y sorpresahin manlang ako nila Mama’t Papa, or hindi kaya ay batiin manlang ako. Kahit iyon lang ay magiging masaya na ako.”
I suddenly disappointed when I watched it. I spent a minutes pero walang nangyari, puro tawanan lang ang maririnig pero hindi mo naman makikita ang mukha ng tumatawa.
It bores me to tears, “Wala naman palang kakaiba sa video na ’to sinayang ko lang ang oras ko puro tawanan lang ang maririnig mo,” wika ko sa aking sarili.
Matutulog na sa na ako nang biglang mag-ring ang phone ko at mabilis pa sa alas kwatro ko itong sinagot.
“Hello? Phywein? Napanood mo ba ’yong curse video?” takot na tanong sa akin ni Akreyn.
“Huh? Curse video? Ang tanda mo na pero naniniwala ka pa rin sa sumpa!”
“If ever na may makita or mabasa ka about sa mga ‘hiling o wishes’ na puweding matupad, just please! Huwag mong panoorin! Dahil marami na’ng napapabalitang namamatay ng dahil d’yan at kinukuha ang laman loob, utak pati ang mga mata, sumpa ang video na ’yon,” takot na wika ng kaibigan ko.
“Masyado kang paranoid! Itu-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kusang mag play ang video na pinapanood ko sa aking laptop at nakapaloob sa video na ’yon ang isang lalaki at babae na binabalatan ang katawan gamit ang kutsilyo at apoy pati na rin ang ulo ay binalatan hanggang sa buto na lang ang maiwan at paulit-ulit na sinasaksak. Kinuha ang mga lamang loob pati na rin ang utak at mga mata—puro tilian ang maririnig. At may isang taong kumakain sa mga laman loob pero hindi makita ang kan’yang wangis o mukha sa video. Ibang-iba ito sa pinanood ko kanina, nakakadiri, nakasusuka, nakakatakot.
Dahil sa takot na bumalot sa aking sistema ay mas minaigi kong patayin ang laptop ko pero ayaw nitong mag shutdown o ma back kaya tinapon ko na lang ito ng dahil sa kaba’t takot.
Yakap-yakap ko pa rin ang aking sarili at naiiyak na ako dahil ilang saglit lang ay nakarinig ako ng yapak ng mga paa na papunta sa aking kuwarto kasabay no’n ang pagkatok ng ubod nang lakas na s’ya namang pagbukas ng pinto.
Kaagad akong pumunta sa may ibaba at gilid ng kama ko at sumilip, tumambad naman sa akin ang dalawang kalansay na ang isa ay may hawak na birthday cake.
“Sweetie? Huwag ka ng magtago nandito na si Papa at Mama, pati na ang cake mo ay nandito na rin,” wika ng lalaking kalansay ayon sa kan’yang suot.
“Happy birthday ’nak, hindi bat isa ito sa hiling mo? Ang batiin ka namin or sorpresahin? Gusto mo pa yatang maglaro ng hide and seek?” wika ng babae sabay tawa ng ubod nang lakas dahilan para mahulog ang mga kagamitan kong babasagin. “Magtago ka ng maigi,” dagdag pa nito.
Nangangatog na ako sa takot, “Hindi... Hindi kayo ang magulang ko,” usal ng aking isipan.
“Natupad na namin ang iyong kahilingan at ngayon naman ay sisingilin na namin ang kapalit nito, at ’yon ay ang iyong buhay,” tumawa ito na tila isang demonyo na kung saan ay umugong sa buong bahay.
To be continued...