Kanina pa akong nakatitig sa babaeng nakaupo malapit sa amin ng kaibigan kong si Leex. Hindi ko mapigilang mainis, at ramdam na ramdam ko na rin ang paninikip ng dibdib ko. Ang saya-saya niya kaya siguro hindi na niya pansin ang ibang taong nakapaligid sa kaniya. Ayaw na ayaw kong maramdaman ito, sino bang tarantado ang magnanais na makaramdam ng pighati? Buti sana kung ako iyong tipo ng taong walang nararamdamang emosyon.
“Uy, Hendrix! Ayos ka lang? Kanina ka pang tulala habang titig na titig sa babaeng iyon.” Sabay turo sa babaeng tinititigan ko.
Hindi na lang ako umimik pa. Tumayo ako at naglakad palayo, gustong kong mapag-isa, gusto ko ng kapayapaan sa aking isipan pero paano ko iyon gagawin kung ang namamayani sa akin ay sakit, lungkot, at pagkadismaya?
Naramdaman siguro ni Leex, na hindi ako ayos kaya hinayaan na lang niya ako buti naman at marunong makiramdam ang taong iyon.
Naglakad-lakad na lang ako at hinayaan ko ang aking mga paa sa kung saan ako nito dadalhin. Hindi ko namalayan na nasa dalampasigan na pala ako, umupo ako roon at nagmuni-muni. Pinakatitigan ang singsing na nasa aking daliri. Isang kahibangan ang suotin ang bagay na ito. Pero bakit ganoon? Naiinis ako sa kaniya pero hindi ko magawang magalit!
Bakit nga ba ako naririto sa lugar na ito? Ay, oo nga pala isa akong photographer. At ako iyong nakuha para kuhanan ng mga laranawan ang dalawang taong iyon na malapit ng ikasal.
Nag-iinit ang aking pisngi habang inaalala ang masasayang nakaraan, tsk! Ang sakit lamang isipin dahil yung taong nagbibigay sa akin ng masasayang alaala ay magiging isang alaala na rin, grabi na pala ang pag-buhos ng aking mga luha hindi ko man lang namalayan. Bakit ba ganito? Bakit ang sakit magmahal?
Mabilis kong pinunasan ang butil ng aking mga luha nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Ksngina naman nito, panira ng moment.
Huminga ako ng malamin bago magsalita, “Bakit?”
“A-Anong bakit? H-Hindi bat ako ang dapat magtanong niyan? B-Bakit mo ako iniwan,” nagdadrama nitong ani.
“Sinto-sinto ka ba, Leex?”
“Pasalamat ka’t kaibigan kita! By the way, malapit na magsimula ang photoshoot kaya balik ka na rito.” Sabay baba ng tawag.
“Bastos na lalaki iyon, binabaan ako ng tawag.”
Tumayo na ako para bumalik. Kaya ko ba siyang harapin? Pero may nakabanggaan akong isang tao.
“H-Hendrix? I-Ikaw ba iyan?” gulat at may takot nitong ani.
Inangat ko ang ulo ko dahil napaupo ako at para alamin kong sino ang taong iyon. Kitang-kita ang gulat sa kaniyang mga mata, tsk halatang-halatang may ginawang kagagahan.
“Oh? Kamusta ang buhay abroad? Akala ko ba ay nasa Canada, ka?” pilosopo kong ani.
Hindi ito nagsalita bagkus ay niyakap ako ng mahigpit habang umiiyak. Miss na miss ko na ang taong ito, ang yakap niya, ang presensya niya. Pero bigla namang sumagi sa isip ko ang nalaman at nakita ko kanina kaya naman mabilis ko itong itulak palayo sa akin. Siya lang naman ang babaeng nakita ko na may kasamang ibang lalaki na kung saan ay malapit ng ikasal.
Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak, kahinaan ko siya kaya naman sa ibang direksyon ako lumingon.
“Kailan pa, Shelley? Masaya bang may naloloko kang tao? Masaya ba na may nasasaktan kang iba?”
“I-Im sorry.”
“Sinabi ko naman noon pa man sa iyo na bago pa man naging tayo ay kung darating iyong araw na hindi mo na ako mahal, at may nahanap ka na mas higit sa akin ay sabihin mo lang huwag mo lang akong lokohin! Handa kitang pakawalan Shelley, mahal na mahal kita, hindi kita kayang ikulong sa mga bisig ko kung alam kong nahihirapan ka. Na kung saan ka masaya ay doon kita susuportahan kahit na ikadudurog ko pa iyon!”
“N-Nagkulang ka kasi at lahat ng pagkukulang mo ay sa kaniya ko iyon nahanap.”
Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha na kanina ko pang pinipigilan, ngumiti ako rito ng peke. “Nagkulang ka rin naman e! Sobra-sobra pa nga, pero never kong hinanap iyon sa iba, at never kong naisip na cheating is a choice para mapunan iyong pagkukulang mo! B-Bakit? Bakit ang sakit-sakit mong mahalin? Grabi! Ang dali para sa iyo itapon ang lahat, sabagay hindi naman nasusukat sa tagal ng panahon ng pagsasama kung kayo talaga ang magkakatuluyan sa bandang huli.”
“S-Sasabihin ko naman sana sa iyo, pero naunahan ako ng takot at naghahanap lang ako ng tamang tyempo.”
“Tyempo? Stop! Stop defending yourself, would you? It’s kinda hard to give up something you’ve always wanted to, but the way I saw you recently you are so happy and contented on him—the way you smile, laughed and looked at him, oh I realized that I feel like throwing my hands up and saying I give up, I’ve had through enough for you.”
Lumuhod ito at nagmakaawang patawarin ko siya. “I-I am sorry for hurting you, please forgive me.”
Pinatayo ko ito at pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniyang mga pisngi. “I hate you! But I can’t stay longer like that, you know how much I love you, I really don’t like those persons who gave me a bad experiences that’ve been occurred in my life, but maybe that’s what they called ‘pagsubok’ the wrong one will leave and the right one will come. Stop crying I hated it when I saw you that you were crying, I just have a one wish na sana mahalin ka ng taong pinalit mo sa akin ng higit pa sa pagmamahal na naiparamdam ko sa iyo. Be happy, huwag mo na akong alalahanin kung may pakialam ka pa sa akin, dahil I know magiging maayos din ako but it takes time to heal this wounded heart. Wala rin namang magbabago kahit ano pang explain mo o paguusapan natin dito. But please do take care of yourself, I love you. And congratulations,” huling mga salita bago ako naglakad palayo sa taong pinakamamahal ko at sabay lahad din sa kaniya ng singsing na binagay nito sa akin.
She promised na ako lang but the word ‘promise’ is really meant to be broken.
THE END