Mahirap lang kami pero lahat ng kailangan ko’y binibigay sa akin ng aking Ama, mahal niya ako iyon ang sabi niya habang ako mahal ko lang s’ya kapag nakukuha ko ang gusto o mga luho ko maliban sa bagay na iyon ay wala na akong pakialam sa kan’ya—iyon ang bagay na parati kong sinasabi sa kaniya. I don’t even care about his sacrifices pagdating sa kan’ya ang puso ko ay sarado.
“Hoy! Calzeina, kanina ka pa yata tinatawag ni Manong street vendor? A-Anak daw?” wika ng kaklase ko.
“H-Huh? Baka na mali lang kayo ng dinig, pakatitig nga ninyo siya paano ko magiging tatay ang isang katulad n’ya! Wait lang pagsasabihan ko iyang si Manong, pinapahiya ako e.”
Dali-dali akong lumapit sa taong nagbebenta ng street foods at pekeng ngumiti rito.
“Ano ba! Mahiya ka naman kasama ko ang mga kaklase ko, huwag na huwag mo akong tatawaging anak ulit! Dahil wala akong Ama, na isang kagaya mo! nakakahiya ka!” may diin kong ani rito na punong-puno ng inis.
“Bibigyan lang sa na kita ng makakain mo para ’di ka magutom, patawad kung ganito lang ang Papa mo,” malungkot n’yang wika at kitang-kita ng aking mga mata ang pagtulo ng kan’yang mga luha pero wala pa rin akong pakialam sa kaniya.
Mabilis akong bumalik sa aking mga kasamahan.
“Tara na guys! Balik na tayo ng room!”
“Sino ba ‘yon?” tanong ni Veixn.
“Akala ni manong ako ‘yong anak n’ya kaya tinawag akong anak, kadiri siya!”
**†**
After matapos ang klase namin ay kaagad akong umuwi sa bahay para kausapin ang Tatay, ko dahil ’di ko nagustuhan ang ginawa n’ya kanina. Gusto yata akong ipahiya!
“Tay, naman! Sa susunod ’wag mo akong ipahiya sa mga kaklase ko o sa ibang mga tao! Nakakahiya ka! Tignan mo nga iyang sarili mo para kang pulubi, gusto mo ba akong kutyahin nila?”
“Pasensya ka na anak! Alam ko naman kung saan nanggagaling iyang galit mo kaya nalayo iyong loob mo sa akin. Galit ka sa akin dahil sa pagkamatay ng iyong Ina, pero anak hindi ko ginusto na mamatay ang nanay mo sa bahay dahil sa wala tayong pang-hospital sa kan’ya kung nasasaktan ka dahil ’don mas triple ang sakit na binibigay mo para sa akin lalo na’t iyong kaisa-isang pinagkukunan ko ng lakas ngayon ay kinahihiya pa ako, at kinasusuklaman.”
“O-Oo! At sa na nga ikaw nalang ang nawala imbis na si Nanay! Dahil wala kang kwentang Ama! Kasalanan mo ang lahat!”
“Sa na nga ako na lang dahil sa tuwing kinakahiya mo ako para akong sinasaksak nang paulit-ulit, iyon na siguro ang pinakamasakit na mararamdaman ng isang magulang ang ikahiya mismo ng kan’yang anak harap-harapan.” Sabay lakad n’ya palayo sa akin.
Pinagmasdan ko lang siyang palayo sa akin.
**†**
December 18, 2098 kaarawan ngayon ni Tatay, at balak ko s’yang sorpresahin at humingi na rin ng tawad. Pero sobrang aga nitong umalis sa bahay para magbenta. Dati bago s’ya umaalis ng bahay ay nagluluto muna at ginigising ako p-pero ngayon hindi na.
Na sa school na ako ngayon nakatingin sa paligid kung nandirito na ba siya, pero nabigo ako. Nagulat na lang ako nang biglang magring ang phone ko at may tumatawag na isang unknown number.
“Yes? Hello! Sino sila?” tanong ko sa kabilang linya.
“Ito ba si Ms. Vallejo?”
“Yes! Ako nga.”
“Huwag ka sanang magugulat sa sasabihin ko. Inatake sa puso ang Tatay, mo hija habang nagtitinda. At agaran naman namin siyang isinugod sa pinakamalapit na hospital pero... Pero hindi siya umabot, dead on arrival siya.” gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang mga katagang iyon, hindi manlang ako nakahingi ng tawad at naiparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal isang bagay na habang buhay kong pagsisisihan.
ANG WAKAS