HER SACRIFICE

1950 Words
Mabilis akong napaatras nang masaksihan ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan, nanginginig ang tuhod ko habang palayo ako nang palayo sa apartment ng boyfriend ko. Paano niya iyon nagawa sa akin? Hindi mawala ang imaheng nabuo sa utak ko. At ang babaeng iyon! Gagawin niya talaga ang lahat-lahat masira lang ako, mahal ko ang boyfriend ko at mahal na mahal ko rin ang babaeng kasama niya sa panloloko sa akin. Kaya naman siguro ay mas ayos na ang gano’n ang makuha niya ang lalaking mahal ko, ayos lang sa akin na wala ng matira para sa sarili ko dahil kahit ako ay paubos na rin. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ng matalik kong kaibigan. Umupo ako roon na para bang isang pulubi, wala akong lakas para kumatok, pinunasan ko ang butil ng mga luha na kanina pa nakikipagkarera. Ang sakit sobrang sakit, ang malamang palihim kang niloloko ng taong mahal mo. Doble iyong sakit dahil hindi ni minsang sumagi sa utak ko na magagawa niya iyon, sobra-sobra iyong tiwalang binigay ko sa kaniya pati pagmamahal ko ay binuhos ko sa kaniya. “Pstt! Shein? Ayos ka lang ba? Ang lalim yata ng iniisip mo,” wika ng matalik kong kaibigan na nagpagising sa aking natutulog na ulirat. “Oh? Sisirin mo nga,” pabiro kong ani rito para hindi niya mabakas ang sakit na nakapaloob sa aking puso. Her forehead creased. “Parang kang sira. Anyway kailan mo sasabihin sa kanila? Alam mo iyon deserve nilang malaman para naman makonsensya sila kahit papaano,” wika nito gamit ang malungkot niyang boses. I gave her a forced smile, “They don’t care, Yale. We’re just wasting our slobber.” “Puwedeng bang huwag mo ng ituloy? Hindi naman niya deserve iyon e!”—Yale. “Buo na ang desisyon ko ’wag ka ng kumontra pa, I only had a 5 to 10 percent to survive kaya mas okay na iyong ganito. At least kahit sa huling pagkakataon makita manlang nila na may maayos din akong naidulot sa kanila.” “Ang selfless mo! Ang dami mo na ngang nagawa sa kanila hindi ba? Sila iyong may problema e! Hindi ikaw. H-Hindi pa ako handa, never akong magiging handa.”—Yale. “Tsk, ayaw kong mag-iyakan tayo rito kaya uuwi na ako sa bahay,” wika ko rito at mabilis na tumayo hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil mag-iiyakan lang din kami, parati kaming nauuwi sa ganoong sitwasyon. Pagod na akong maging malungkot, pagod na akong umiyak, pagod na ako sa mundong ito, pagod na akong mahalin iyong mga taong puro pasakit na lang ang binabalik sa akin. Pero bakit kasi ang rupok ko pagdating sa kanila? Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na ako sa bahay. Walang sigla kong binuksan ang pintuan at isang napakalakas na sampal ang sumalubong sa akin—sampal iyon ni Mama. “Isa ka talagang malanding babae! Ano? Buntis ka na ba huh? Puro problema na lang ang dala mo sa pamilyang ito! Sana hindi na lang kita naging anak!” Ang sabi ko ay pagod na akong umiyak, pero heto ako naguunahan na namang magsibagsakan ang mga luha ko. Sa pamamahay na ito walang akong boses. “Ma? Anong ibig mong sabihin?” “Huwag ka ng magmaang-maangan pa riyan, wala ka talagang kwentang anak! Puro pasakit na lang ang dala mo! Sana mawala ka na lang!” wika ni Papa, habang pinapakita niya ang video ng isang babaeng may kahalikan. Kamukha ko ang babaeng na sa video, kamukhang-kamukha pero hindi... Hindi ako ang babaeng iyan. Mabilis akong tumalikod para umalis kahit naman ipaliwanag ko ang sarili ko ay hindi sila makikinig sa akin sa bahay na ito puro pagkakamali ko lang ang nakikita kahit hindi naman ako ang may gawa. Sabi ng iba ang saya ng buhay ko pero hindi nila alam na para pala itong impyerno. Napasubsob ako sa sahig, dahil sinipa pala ako ng kakambal ko. Ganito sila parati... Parati nila akong pinagtutulungan. Ang babaeng ito siya ang puno’t dulo ng kamalasan ko sa buhay pero kahit minsan hindi ko siya siningil, mahal ko ang kapatid ko kahit puro pasakit ang pinaparamdam niya sa akin. “Malandi ka talaga! Gusto mo talagang ipahiya si Mama at Papa, pati na rin ako dahil magkamukha tayo, ilugar mo ang kalandian mong iyan!” Mabilis akong tumayo, at pinunasan ang luha ko hindi mahahalatang may sakit sa puso ang babaeng ito ang lakas sumipa e. “Napakabastos mo talagang bata ka! Kinakausap ka pa namin ng Papa, mo ay gusto mo ng umalis!”—Mama. “Bakit pa kasi naging anak pa natin ito! Bakit hindi mo gayahin ang kakambal mo, parating top sa klase, maraming achievements, mat—” Humarap ako sa kanila at pekeng tumawa. Pero hindi ko pa ring mapigilang mapaiyak. “Bakit pa? Sa bahay na ito ay wala akong halaga kahit minsan hindi niyo ako pinakinggan, pagod na akong lumaban. Suko na ako sa inyo.” “Abay sumasagot ka n—” “Tama na Ma! Kung kabastusan ang sabihin ang totoo, okay fine! Bastos na ako. Alam ko namang galit kayo sa akin dahil sa nangyari kay Ralf! Pero Ma? Ni minsan ba tinanong niyo ako kung ano iyong totoong nangyari? Ni minsan ba? Inalam mo iyong katutuhanan? Ma’t Pa! Araw-araw kong pinagdurusahan iyong kasalanang hindi ko nagawa! Ako iyong tinuro ng kambal ko sa pagkamatay ni Ralf, at mabilisan niyo namang siyang pinaniwalaan dahil may sakit siya sa puso. ‘Hindi siya magsisinunglaing sa inyo’ iyan ang nakatatak sa kukuti ninyo! Kahit na ang totoo ay siya naman talaga ang naging mitya ng kamatayan ng kapatid namin dahil naitulak niya ito sa hagdan.” “Tumigil ka na! Shein! Hindi iyan totoo, ikaw iyong may kasalanan kong bakit namatay si Ralf!” “Ikaw iyong tumigil sa kasinungaling mo, Shine! Naagaw mo na iyong boyfriend ko, wow! New achievement ba?” “Gusto mo lang sirahan ang kapatid mo dahil naiingit ka sa kaniya!” —Mama “Diyan! Diyan ka magaling Ma, bakit ako maiingit sa katulad niya? Kong lahat-lahat naman ng achievements na nakukuha niya ay akin naman talaga, iyong pagiging top ako naman talaga iyon e! Pinapakiusap ko lang iyong teachers namin na siya iyong parangalan dahil iyon ang kagustuhan niya! Marami siyang katarantaduhan na hindi niyo alam, sabagay anghel niyo siya kung ituring habang ako ang salot, Ma’t Pa? Anak niyo rin naman ako huh! Pero bakit ni minsan hindi ko naramdamang naging magulang kayo sa akin? Ang sakit-sakit dahil alam na alam niyong nasasaktan ako pero wala kayong pakialam! For almost 13 years kong kinimkim iyong sekreto mo Shine! Hindi na ako nag-complain pagkatapos mong isisi ang kasalanan mo, inako ko iyon at tinikom ang bibig dahil mahal kita e! At may sakit ka sa puso! At iyong mga katarantaduhang gingawa mo sa school sa akin iyon naisisisi pero wala kang narinig sa akin na panunumbat!” “Is it t—” “No! Stop, Pa! Let me have this moment, sa pamamahay na ito ngayon lang ako nagka-boses, dahil kahit paulit-ulit niyo akong sinasaktan physically, through your words ay wala kayong naririnig na sumbat sa akin, ayaw kong ibaon ang lahat sa hukay total mawawala rin naman ako sa mundong ito.” “Ang dali sa inyong husgahan ako. Oo, kasintahan ko ang lalaking iyon sa video pero hindi ako ang kahalikan niya kun’di si Shine, nakita ko sila kaninang umagang naghahalikan at naglagay siya marahil ng camera para isisi na naman sa akin ang kagagawan niya!” Halos hindi na rin ako makapagsalita ng maayos dahil sa kaiiyak ko. “Alam ko kahit na sinabi ko na ito ay hindi niyo pa rin ako paniniwalaan. Sana Ma’t Pa, naging pantay kayo sa pagmamahal na pinapakita niyo sa anak niyo! Alam na alam niyo kung ano ang bawal para kay Shine, kung ano ang gusto at nagpapasaya sa kaniya pero... Pero ni minsan ba ay kinumusta ninyo ako? Ni minsan ba’y napansin niyo na iba na ang kulay ng kutis ko, na madalas nanghihina ako ni minsan ba ay napansin niyong hindi ako okay? Na may dinaramdam ako!” Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago alisin ang wig na gamit ko para takpan ang nalalagas kong buhok. Kitang-kita ko ang pagbagsakan ng mga luha nila, ang malulungkot nilang mga mata. “Anak ko.”—Papa at Mama. “Nakakatawa lang ang tagal kong gustong marinig ang salitang iyan galing sa inyo, kailangan ko lang pala magkaroon ng malalang karamdaman para lang tawagin niyo akong anak. Sorry po kung naging parte ako ng pamilyang ito, hindi ko naman hiniling na maging parte nito. Ngapala Ma’t Pa, matutupad na po iyong kahilingan niyong mawala ako, hindi lang sa buhay niyo kun’di pati na rin sa mundong ito. Ngapala congrats, Shine! Nabalitaan kong my heart donor ka na raw? Masaya ako para sa iyo. Mahal na mahal ko kayo Ma’t Pa, Shine, pero sana sa susunod kong buhay hindi na kayo ang magiging pamilya ko dahil sa piling niyo para akong buhay na patay halos mag-iisang taon ko nang dinaramdam ito pero wala manlang kayong napapansin, sa bagay wala rin naman akong halaga sa inyo.” Mabilis akong naglakad palayo ayaw kong kaawaan nila ako dahil sa malapit na akong mamatay, ayaw kong sabihin nilang mahal din nila ako dahil sa naawa at nakokonsensya lang sila. **†** “Kumusta ang lagay ng anak ko, Doc? Kumusta ang naging operation?” tanong ng ginang na si Conception. “Be happy, Ma’am. Dahil naging successful ang operation.” “Thank you, Doctor!” “Thank you, sa heart donor. Well, if you don’t mind let me excuse my self,”—Doctor. Masayamg nagyakapan ang mag-asawa. “Mahal hindi bat kaibigan si Shien iyon? Si Yale?” wika ng asawa ng babae. “Oo, baka alam niya kong nasaan si Shein.” “Yale!” mabilis naman itong lumingon. “Oh? Mrs. Mallery,” walang emosyong wika ng kaibigan ni Shein. “Hija, alam mo ba kung nasaan si Shien? Ang tagal na kasi namin siyang hinahanap magtatatlong taon na pero hindi namin siya makita nag-aala na kami sa kaniya, miss na miss na namin ang anak namin.” “Tsk. Seryoso kayo? Nag-aalala kayo sa kaniya? Gusto niyo siyang makita? Oh miss na ninyo?” Masaya itong ngumiti. “Oo, sana.” Ngumiti ito ng peke. “Sige kamustahin ninyo ang malamig na katawan ng kaibigan ko sa morgue! At kamustahin ninyo ang puso niya sa anak niyong si Shine!” Naging balisa ang ginang. “A-Anong ibig mong sabihin?” “Ang selfless ng kaibigan ko ’di ba? Dahil kahit nag-aagaw buhay na siya ay kayo pa ring pamilya niya ang nasa isip niya na kahit puro pasakit ang dulot niyo sa kaniya ay minahal pa rin niya kayo! Si Shein, ang donor ni Shine! Wala kayong alam? Sabagay wala naman pala kayong pakialam sa kaniya! Hiniling nga ninyo na sana mawala siya, oh! Ayan isa na siyang bangkay ngayon magsaya kayo! Pinilit ni Shien, ang lahat para gumaling siya lumaban siya sa sakit niya para maidonate lamang iyong puso niya kay Shine, hindi manlang ba kaya nagtaka kung bakit ang tagal bago naoperahan iyang demonita ninyong anak?” Mabilis na tinalikuran ni Yale, ang mag-asawang nag-iiyakan. “Huwag kayong umakto na para bang may pakialam kayo, wala kayong kuwentang mga magulang. Isa lang naman ang hiling ng kaibigan ko iyon ay ang mahalin niyo rin. Ang swerte ninyo sa kaibigan ko pero ang malas naman niya sainyo,” pahabol nitong wika. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD