Ang buong akala ko ay kilalang-kilala ko na ang nobya ko pero isa yatang malaking pagkakamali iyon. Maglilimang taon na kaming magkarelasyon pero ngayon lang mas lumala ang awayan namin sa kadahilanang hindi ko mawari.
“May gusto ka bang sabihin sa akin, Stella?” mahinahon ngunit may diin kong ani.
Her expression dulled. “Nothing! And all the things I want to do are none of your business, Ace!”
I flashed a smile—a fake one. When it comes to this woman, I am softhearted. These past few weeks she’d always pushing me away, I don’t know what’s the reason behind of this. And this kind of shitty is driving me crazy.
“What the heck! Stella? Seriously! Boyfriend mo ako wala na ba akong karapatang magtanong? Ano ba ang problema? Sabihin mo sa akin para maayos natin.”
“Hindi pa ba halata? Ayaw ko na! napapagod na ako sa ganitong sitwasyon, sa una lang naman... Sa una lang masaya after that wala na puro problema na lang.
“Na sa iyo kasi ang problema, ni hindi ko nga alam kong ano ang pinupunto mo riyan. Bakit hindi mo kasi sabihin huh? Hindi ako manghuhula para malaman ng ganoon kadali ang lahat.” Napakagat ako sa aking labi. “N-Napagod din naman ako sa relasyong ito pero narinig mo ba akong nagreklamo? N-Naramdaman mo bang sumuko ako?”
“Pasensya na pero ayaw ko na.”
Hindi ko mapigipang mapaluha, bahala na kung ang tingin niya sa akin ay mahina dahil sa nakikita niya akong lumuluha. “Iyan lang ba iyong rason mo, huh? Pwede naman tayong magsimula ulit. Bakit ka ba kasi ganiyan? Gusto mo mo akong iwanan na maraming katanungan sa isipan, hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali na kung bakit ka nagkakaganiyan! Bigyan mo ako ng matibay na rason para pakawalan kita.”
“Para sa akin sapat na rason na ang sinabi ko.” Naglakad itong palayo sa akin.
I laughed sarcastically. “It because of that guy? Am I right? Ang akala mo ba ay hindi kita nakitang may kasamang iba? Tell me, siya ba ang dahilan?”
Hindi ako nito pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad palayo sa akin.
Nababaliw ako sa sitwasyong ito hindi ko alam kung saan ako magsisismula, hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali. Ginawa ko ang lahat-lahat para lang maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal pero hindi pa ba iyon naging sapat sa kaniya? Sino ba talaga ang may mali sa aming dalawa?
**†**
Lumipas ang buwan, araw at gabi na ganoon pa rin ang sitwasyon namin at palala pa rin ito nang palala. Hindi ako pumayag na makipaghiwalay sa kaniya, bahala na.
“Sa’n ka galing?” tanong ko rito.
“Kay Cassandra,” walang emosyon niyang ani.
Alam kong nagsisinungaling ito dahil nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki.
Hindi na ako umimik pa, napapagod na rin akong suyuin at ayusin ang relasyon naming magulo hindi ko alam kung saan nagsimula ang salot sa problemang ito. Ang hirap lumaban sa relasyong hinihintay na lang ng taong mahal mo ang sumuko ka.
Parati ko siyang sinusundan at parati kong nakikitang kasama niya ang lalaking iyon at bilang ganti sa pagtataksil n’ya sa akin ay every time na makikita ko sila ng kabit n’ya’y nagdadala naman ako ng babae sa condominium namin at mismong sa harapan n’ya kaming naghaharutan. Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman kong sakit simula nang lokohin niya ako, sa paraang ito magiging patas kami.
Nakita ko sa mga mata n’ya ang galit at inis, pero mas pinili n’yang manahimik at umalis.
Walang araw o oras na ’di kami nag-aaway. Nagbago na ang babaeng mahal ko... Siya lang ba?
“Sa’n ka pupunta, huh? Sa lalaki mo! para ano? Para makipaglandihan?”
Ang magandang relasyon namin sa loob ng limang taon ay nasira. I hate her!
“Wala kang pakialam, Ace! Ikaw nga nakikipaglandian sa mga babae d’yan sa mismong harapan ko pa. May narinig ka bang reklamo mula akin? Hindi bat wala?”
“Dahil kasalanan mo rin naman, ganoon din naman ang ginagawa mo sa akin huh! Nakikipaglandian ka rin!” sigaw ko sakan’ya.
Gusto ko siyang sisihin sa lahat ng ito, pero bakit ramdam kong ako iyong nagbago? Bakit mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa ko?
“Wala kang proweba, Ace! Pero ako mayroon dahil mismong dalawa kong mga mata ang nakakita! Stop blaming me na ako ang nag-cheat, dahil sa totoo lang ikaw naman talaga ’yon!”
Iniwan n’ya akong nakatulala, I know gusto n’ya lang baliktarin ang lahat. S’ya naman talaga ang nag-cheat at hindi ako, gusto ko lang gumanti sa kanya. Pero tama ba ang naging paraan ko?
Narito ako ngayon sa bar, ’di parin maalis sa aking isipan ang sinabi ni Stella.
Nagising na lang ako sa condominium ko na may kasamang ibang babae na walang saplot, sakto namang dumating si Stella, kita ko naman sa kan’yang mga mata ang lungkot, galit at mabilisang pagtulo ng luha sa kan’yang mga mata at tumakbo paalis.
Dapat masaya ako dahil naging effective ang plano ko, dapat masaya akong nakikita s’yang umiiyak ng dahil sa akin, pero hindi ganoon ang naramdaman ko ngayon—galit at inis sa sarili ang nararamdaman ko dahil sa pagiging gsgo ko. Isa akong gsgo!
Iyon ang huling araw na nasilayan ko ang babaeng mahal ko.
5 MONTHS LATER
I was busy scrolling through my cellphone here at park nang may biglang sumuntok sa aking pisngi.
Napahawak ako rito dahil sa sakit, lintik na tao ito! “What the hell is your problem?” galit na tanong ko sa taong sumuntok sa akin.
“Well! You deserved that, Ace! So much!”
Kaagad kong inangat ang ulo ko dahil pamilyar ang boses n’ya sa akin.
“C-Cassandra? Ano bang problema mo huh? Bakit mo ako sinuntok!”
“Ang kapal talaga ng pagmumukha mo Ace, how could you do that to her! Pa’no mo nakayanang lokohin si Stella!” nanggigigil na tanong nito.
“You don’t know anything! S’ya ang naunang nanloko—not me. Kaya bago mo ako husgahan tanongin mo muna iyang kaibigan mo!”
Pero isang malakas na sampal lang ang nakuha ko sa kan’ya.
“Kung hindi kalang babae, Cass! Kanina ka pa nakatikim sa akin!”
“Masyadong makitid ang utang mo, Ace! Nakita mo ba silang naghahalikan, nagyayakapan, nagkakandungan? O anupaman? Hindi bat wala? Alam mo ba ang estorya sa likod no’n? Sa na ay pinairal mo iyang kukuti mo! Iyong lalaking pinagseselosan mo ay boyfriend ko! Pinsan ni Stella, na doctor niya.”
Hindi maprocess kaagad ang sinasabi niya sa akin. “ D-Doctor? Boyfriend mo? Huh? Ang gulo! Bakit wala siyang sinabi?”
“Mahal na mahal ka ng kaibigan ko, kaya hindi niya iyon sinabi dahil ayaw ka niyang saktan ang selfless ng kaibigan ko alam mo ba iyon? Ayaw niya talagang malaman mo ang totoo, pero isa ka pa ring tsngina! Inisip niya na kapag ginalit kan’ya ay iiwanan mo s’ya, at ’pag ganoon hindi na masyadong masakit para sa kaniya ang iwan ka sa mundong ’to. Kapakanan mo lang iniisip niya, kaya naman kahit na sobrang sakit na sa kaniya na nakikipaglandian ka sa iba na sa mismong harapan pa niya ay ’di ka pa rin niya pinipigilan!”
“Wait... Anong ibig mong sabihing Doctor ni Stella, ang boyfriend mo? Wala akong maintindihan sa sinasabi mo!”
Humagagulgol ito ng iyak, bakit parang dinudurog iyong puso ko? Bakit parang ramdam kong may maling nangyari? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat-lahat?
Tumikhim muna ito bago magsalita. “S-She had a cancer, Ace. Nakakaawa nga siya habang nakikita ko siyang nalalagas iyong naggagandahan niyang buhok, mahal na mahal niya ang buhok niya hindi ba? Iyong maganda niyang mukha, magandang kutis naglaho iyon, sobrang payat niya halos hindi na siya makilala. At sa tuwing sinusumpong siya ng sakit halos hindi niya mailugar ang sarili niya, sobrang sakit dahil wala... Wala akong magawa para pagaanin iyong dinadamdam na sakit ng kaibigan ko. Hanggang tingin lang ako.”
“Bakit ’di mo sinabi sa akin! Bakit!?”
“Talaga ba? I tried, Ace! I tried many times! Pero anong ginawa mo, remembered that day? Na tumawag ako sa iyo pero pinatay mo lang ang tawag ko at mas pinili mong makipaglandian! That day is naghihingalo na si Stella, at wala siyang bukang bibig kun’di ang pangalan mo! Kaya don’t blamed me! Instead blame yourself!”
“Where is she? Gusto ko siyang makausap at makita, please! Dalhin mo ako sa kaniya, nakikiusap ako gusto kong humingi ng tawad sa kaniya!”
“Wala... Huli ka na, Ace.” umiyak ulit ito. “P-Patay na siya, Ace! Patay na s’ya noong nagdaang buwan! At kasalanan mo kung bakit ’di mo na s’ya nakita dahil mas pinili mo ang mga babae mo kaysa sa kaniya! I just want to clarify one thing! Ikaw ang nag-cheat not Stella.”
Inis at galit ang namayani sa puso ko, kasalanan ko ang lahat kung naging mas maunawahin pa ako, kung inalam ko sa na muna ang katotohan, at hindi nagpadala sa galit at emosyon sa na sa mga buwang natitira sa kaniya ay nakasama ko pa siya at sa na bago siya namaalam sa mundong ito ay pawang masasayang alaala ang maipapabaon namin para sa isa’t isa pero masiyadong akong tanga instead of loving her I chose the path of hate.
ANG WAKAS