ANG KABUTIHANG LOOB

1072 Words
Mahirap ang buhay lalo na at sa mga katulad naming walang pinag-aralan, pangingisda lamang ang kabuhayan. Kahit matanda na ay kumakayod pa rin para lamang may makain—isang kahid isang tuka kumbaga. Na sa dalampasigan ako ngayon nagmumuni-muni, pinagmamasdan ang magandang tanawin na s’yang nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Ngunit ang kapayapaang aking nararamdaman ngayon ay nagbabadtyang masira. “Halika na kasi, gusto lang naman namin makipagkaibigan sa iyo!” wika ng isang lalaki sa ’di kalayuan. Naagaw ang aking atensyon pagkatapos kong marinig ang pagtatalo ng isang babae at limang kalalakihan. “Ayaw ko man maging bastos pero ayaw kong sumama, sa na ay igalang ninyo iyon!” wika ng isang marikit na dilag. “Mag e-enjoy ka rin naman sa gagawin natin! Kaya sumama ka na,” wika pa ng isa sabay hila sa babaeng walang kalaban-laban. “Bastos!” tugon ng magandang dilag sabay dura at sampal dito. Akmang susuntukin na s’ya ng lalaki kaya dali-dali akong nagtungo roon. Hindi ko kayang tumingin na lang at makinig habang may binabastos ang mga lalaking iyon. “Hoy! Itigil na ninyo ’yan wala kayong galang! Kahit isang babaeng walang kalaban-laban ay pinapatulan ninyo at inaabuso,” wika ko. “Hoy, Tatang! Huwag kang magpakabayani r’yan! Umuwi ka na lang sa bahay ninyo at matulog! Uugod-ugod ka na ay gusto mo pang makipag-suntukan sa amin.” Dahil sa winika ng isa sa kanila ay naging dahilan iyon ng kanilang tawanan. “Gusto n’yo na bang mamatay? Uh!” Sabay taas ko sa bolong hawak-hawak ko at iniwasiwas ’to sa hangin para sila ay matakot at umalis, na kung saan ay hindi naman ako pinasubo ng hawak kong bolo. “Halina kayo! Baliw yata ang matandang ’yan,” bulong ng isa sa mga kasamahan niya ngunit sapat na upang akin itong marinig. Kahit na matanda na ako ay matalas pa rin ang aking memorya at pandinig. “Alis kung ayaw ninyong kumalat ang mga dugo ninyo rito!” Dali-dali naman silang tumakbo at nilisan ang babae. “Hija! Ayos kalang ba? Wala bang masakit sa ’yo?” nag-aalala kong tanong. “Ayos naman po ako! Salamat nga po pala sa tulong n’yo kanina, napakatapang ninyo lolo, akalain mong napaalis ninyo ang limang kalalakihan ng ganon-ganoon lamang.” Nakangiti n’yang wika. “Walang anuman, halika’t doon muna tayo sa bahay upang makakain ka at makapagpahinga dahil kanina mo pa hinahawakan ang iyong tiyan, siguro’y gutom ka na?” wika ko. Nakahihiya man pong aminin ngunit tama po kayo ako ay nakararamdaman na ng gutom.” **†** Nakarating na kami sa aking bahay naghanda na rin ako ng makakain n’ya kahit kaunti lang itong hinanda ko ay ang importante malagyan ang kan’yang sikmura baka magkasakit pa ito dahil sa sobrang gutom. “Hija, ano ang iyong pangalan?” tanong ko rito. “Mary Gwen po, Lolo.” Masigla nitong ani. “Saan ka ba nakatira? Dahil hindi pamilyar ang mukha mo sa akin marahil ay ngayon ka lamang nakatapak dito?” “Ang aking tahanan ay ang karagatan, Lolo. Ang napakalawak na karagatan ay aking pagmamay-ari.” Masayang tugon nito. “Hayst ang batang ito talaga. Siguro ay epekto iyan ng gutom mo kanina at kung anu-ano ang iniisip mo.” Nakangiti at naiiling kong ani. Gutom na gutom talaga siya dahil ni isang butil na kanin sa pinggan ay walang natira, ngunit nakapagtatakang ni hindi manlang niya ginalaw ang isda na inahin ko sa kaniya. Aakamang tatanungin ko na sa na siya nang mabilis itong tumayo at nag-salita. “Patawad! Lolo, ngunit hinahanap na ako sa amin gusto ko man na makipagkuwentuhan pero wala na akong oras na natitira rito. Maraming salamat sa kabutihang loob ninyo, pangako masusuklihan din kita.” Wika nito sabay takbo sa labas ng aking munting tahanan. **†** Narito ako ngayon sa karagatan upang mangisda para mayroon akong maibenta’t makain mayamaya, pero halos tatlong oras na akong nandito at ni isa’y wala pa akong nahuling isda. Siguro ay kailangan ko na itong itigil. Aalis na sa na ako upang umuwi ngunit mayroong dalawang kababaihan ang nagsiahon. “Huwag ka munang umalis, Lolo,” wika ng isang dalagitang marikit. “Sino kayo? Saan kayo galing? Huwag n’yong sabihing lumangoy lang kayo papunta rito?” takang tanong ko rito. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanila sa tanong ko. Tanging sinasabi lang nila ay may gustong kumausap sa akin. Ngunit sino? Sinabihan ko silang umahon ngunit umayaw sila, kung lumangoy sila papunta rito ay tiyak na mamamatay sila pero wala naman akong nakikitang bangka na iba rito. Hindi kaya.... Sa limang minutong paghihintay ay may umahon na isang marikit na babae at ang kan’yang wangis ay pamilyar sa akin, sobrang pamilyar. “T-Teka... Ikaw?” “Tama ako nga, Lolo. Ang malawak na karagatan na ito ang aking tahanan,” masayang wika nito. Tama nga ang na sa utak ko. “Kung ganoon isang kang... Kayong Sirena?” “Tama po kayo ako si Mary Gwen, ang prinsesa ng mga sirena na s’yang tinulungan n’yo noon ng walang pag-aalinlangan.” Sabay taas nito sa kanyang gintong buntot. Nakamamangha. “Sa tingin ko ay kailangan n’yo ng bumalik sa ilalim dahil baka may makakita pa sa inyo rito,” pagpapaliwanag ko. “Kay buti ng inyong kalooban, Lolo. Kunin mo ang mga gintong ito, ang aming handog, upang mapaayos ang inyong pamumuhay.” Sabay lahad sa gintong korona at mga gintong barya. “Tanggapin mo ito bilang pasasalamat sa inyong kabutihan na s’yang dahilan upang mabago ko ang pangit kong pananaw o paniniwala sa mga tao dahil sa nangyari sa nagdaang araw,” dagdag na wika nito. “Hindi ako humihiling ng kapalit sa pagtulong ko sa iyo, hija! Kusang loob ’yon.” “Alam ko. Kaya ang tulad mo’y dapat lamang gantimpalahan, upang mas marami kapang matulungan! Tumutulong kang walang kapalit, ngunit ang biyaya ay biyaya bawal tanggihan.” Hindi ko maipaliwag ang sayang nararamdaman ko, halos ’di ako makapaniwala sa mga pangyayari. “Mayroon lang sa na akong isang kahilingan.” “Ano iyon?” tanong ko. “Nais ko sanang panatilihin mong lihim ang tungkol sa aming mga sirena. Iyon lamang ang kahilingan ko sa inyo, Lolo, kaya naman hanggang sa muli, Lolo!” pagpapaalam nito. “Kung mayroon kang kailangan tawagin mo lang ang aking ngalan at darating ako,” dagdag pa nito at sabay silang sumisid sa malalim na karagatan. ANG WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD