Kararating lang namin ngayon sa aming bagong tahanan dito sa probinsya, kasama ko ang aking mga magulang at kapatid.
Kay sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat, napaka-presko.
“Nice! This place is glamorous, the house is big, not bad,” saad ng bunso kong kapatid na lalaki.
Habang papasok kami ng bahay ay may umagaw sa aking atensyon, isang aparador.
“Mom? Kanino iyong aparador?”
“Sa dating may-ari ng bahay anak, pero mukhang hindi na nila iyan kukunin. Bakit?”
I gave a lopsided grin, “I like the design. Well, Mom, can I have it?”
“Of course ’nak, sabihan ko lang ang Dad, mo para matulungan ka niyang e-akyat iyan mayamaya.
“Thanks, Mom.”
“Don’t mention it, hija.”
**†**
Pagkatapos naming kumain at magpahinga’y dumeretso na ako sa aking k’warto para maglinis do’n, and it‘s already 5:30 p.m I couldn’t—I wouldn’t—imagine kung ano ang nakita ko nang pumasok ako sa aking silid, isang aparador na kanina lang ay na sa ibaba pa ng bahay namin.
Nang una’y nakaramdam ako ng pangamba, pero inisip ko na lang na baka inakyat ’to ni Dad, kanina bago pa man kami kumain.
Nagkimbit balikat na lang ako. “Hindi manlang nagpasabi si Dad.”
A FEW HOURS LATER
Natapos na akong maglinis sa buong k’warto nang may bigla akong naramdamang presensya sa aking likuran, pero nang lingunin ko ’to’y wala naman akong nakita—pagod lang siguro ’to. I need to take a bath, kaya naman kaagad akong pumunta sa bathroom para maligo.
Habang naliligo ako ay nakarinig ako ng yapak ng mga paa na kung saan ay papunta sa kinaroroonan ko.
“Mom? Ikaw ba ’yan? P’wede bang e-abot mo iyong towel ko? Nakalimutan ko kasing dalhin.”
Ka’gad naman niya itong inabot sa akin ngunit walang kibo at ’di ko rin nasilayan ang kaniyang mukha, “Eh? Alam na ba kaagad ni Mom, ang sasabihin ko? E wala pa ngang limang segundo nai-abot na niya sa akin ang towel ko,” wika ng aking magulong isipan. Sisilip pa sa na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko—nag voice message pala si Mom, for what?
“Nak, ingat ka riyan! Isara mo ng maayos ang pintuan at ’wag na ’wag kang magpapasok ng ibang tao sa bahay. Hindi na rin kami nagpaalam sa’yo kanina na pupunta kami sa bayan dahil sabi mo ayaw mong sumama.”
Hindi ko alam kung anong ere-react ko dahil simula nang umakyat ako sa kuwarto ko ay ’di ko na nakita’t nakausap ang parents ko, wala akong natatandaang may sinabi akong hindi ako sasama. A-At sino naman kaya yung nag-abot sa’kin ng isang towel? I hate my mind, ayaw ko ang iniisip nito ngayon.
I suddenly had a name for what I felt right now—fear. Ramdam ko na ang takot sa buong sistema ko, ang aking balahibo ay nagsitayuan na. At habang nangangatog na ako sa takot ay bigla naman akong nakarinig ng isang mahinang katok na habang tumatagal ay palakas nang palakas.
Lumabas ako kaagad sa bathroom para tignan kung ano iyon, at habang papalapit ako nang papalapit nalaman kung nanggagaling iyon sa aparador, may mga patak ng dugo at bakas ng paa na may dugo ang na sa sahig. Gusto kong sumigaw pero umaatras ang dila ko at ayaw bumuka ng bibig ko, aakmang bubuksan ko na sa na ang aparador nang may tumulong dugo sa aking mukha kaya naman ka’gad akong tumingala sa taas at ginising ako ng katutuhanan na iyong nagbabasa ay hindi gusto ng taong gusto niya.
WAKAS