CHAPTER 2

1432 Words
Halos makatulog na siya sa loob ng sasakyan sa haba ng binyahe nila. Ngunit hindi naman siya makatagal sa tulog sa tuwing sumasagi sa isip niya ang lalaking nakatakdang pakasalan. Magsasama sila sa iisang bubong at tanging sila lang ang nandoon. Sana lamang ay mabait ito at hindi pakitang tao lamang ang ginawa nito sa harap ng mga magulang niya. Madilim narin kaya hindi na niya nakikita ang labas bukod sa mga matataas na punong nadadaanan nila at malalawak na lupain na maging ang mga nagtatayuang matataas na bundok na natatanaw niya sa di kalayuan. Sobrang ganda padin ng mga iyon kahit natatakpan na ng dilim dahil pasado alas nueve na. "Manong nasa Aurora naba tayo?." Tanong niya sa Driver mula dito sa backseat "Mang Lito nalang madam, Yes ma'am malapit na rin po tayo sa mansyon ni Sir Luke." Sagot ng Driver na ikinatango niya "Ah mang lito may tanong ho ako." Muli niyang anas "Ano ho iyon?." Na tinignan siya sa salamin na naharap nito "Manong matagal naba kayong nagtratrabaho sa Sir Luke niyo na iyon?." "Oho, ang totoo'y simula noong bata pa si Sir Luke ay sakanya na kami nagtratrabaho." Nagtatakang napatingin siya dito "As in lahat kayo doon sa mansyon ng lalaking iyon?." pagtatakang tanong niya pa "Yes ho, lahat kaming andun matagal ng nagsisilbi sa kanya at tinuring na kaming parang kapamilya nito." "So mabait pala ang amo niyong iyon."Patango-tangong sagot niya ngunit narinig niyang tumawa ang matanda "Bakit ho? H-hindi po ba?."She asked "Hindi naman ho sa ganun, kung tutuusin ay masiyahing tao si Sir Luke na sa tingin ko naman ay magkakasundo kayo." Nangingiti namang tinignan niya ang matanda "Sana nga ho." Maya- maya lang ay may pinasukan itong isang malaking village at nang makarating sa isang malaking bahay ay agad na nagbukas ang gate niyon. Ipinarada lamang iyon ni Mang Lito sa isang napakalawak na espasyo roon na nagsisilbing parking lot ng Mansyon. "Andito na po tayo Ma'am Serenity." Pagkababa na pagkababa sa sasakyan ay muli niyang naramdaman ang lagabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan ngunit alam niya ring dahil iyon sa mapapangasawa. Baka kung anong gawin kase sakanya nito lalo na pag magkatabi silang matulog. Mukhang matinik pa naman iyon sa babae tsk! "Ma'am sumunod po kayo, nagaantay na po sila sa loob." Saad ni Mang Lito na ikinaputol ng pagiisip niya "W-wait, what do you mean na sila?." Tanong niya na ikinatigil ni Mang Lito sa pag hakbang "Sila Donya Consana at Don Renato po Ma'am, kasama sila sa nagaantay sainyo sa loob." Paliwanag nito na ikinabigla niya Hindi ko man lang napaghandaan.... "Halika na po." Anyayang muli ng matanda She took a deep breath before she step forward to go inside. Pag bukas ng malaking pinto na nagsisilbing main door ay bumungad agad ang mga taong nagaantay sakanya. Maluwag na nakangiti ang mga ito, pwera lamang kay Luke na seryoso lamang ang mukhang nakatingin sakanya. "Welcome Home!." Hiyaw ni Donya Consana na tuwang tuwang papalapit sakanya. Ngumiti siya pabalik dito bago ito hinalikan sa pisngi. "Why did you took so long hija?."Bakas ang pagaalala sa mukha nito "T-Traffic po e." Pagdadahilan niya at muling ngumiti Nagkaanyayaan ng pumasok sa dining room dahil andun nakahanda ang maraming mga putahe, dinaig pa nila ang magpapapiesta sa raming pagkain na nakahain sa ibabaw ng mesa ngayon. "So how was you hija?." Don Renato asked Nagpahid lamang siya ng table napkin sa bibig bago sumagot "I'm good, how about you po?." Mahinhin niyang sagot at matamis na ngumiti sa ginong Nasa ganun siyang sitwasyon nang magtama ang tingin nila ni Luke na matamang nakatingin sakanya. Walang ibang emosyon ang makikita roon kundi ang panunuri nito sakanya, pero bakit? "Well ito, nag iisip kung anong kasarian ang magiging anak niyo nitong si Luke."Pilyong sagot ng Ginong na ikinasamid niya kahit hindi siya nainom ng kung ano. "Ano kaba naman Renato? Binibigla mo si Serenity, I'm sure bibigyan naman nila tayo hindi ba?." Nakangiting sabat pa ni Donya Consana na hindi niya malaman ang isasagot mula dito. "A-Ahh - "Ilan ba ang gusto niyo?." Putol ni Luke sa isasagot niya na ikinabigla niya Hindi siya nabigla sa pag sabat nito kundi sa sagot nito sa Ginang. Humalakhak sa tuwa ang Ginang sa narinig nito sa sarili nitong Anak, agad niyang tinitigan ng masama ang binata na tumingin din sakanya. Tinaasan niya ito ng kilay sa iritang naramdaman niya sa sagot nito ngunit tinaasan lang din siya nito ng kilay pabalik na ikinainis niyang lalo! So Annoying! "Wow that's great! Mukhang magiging maayos ang pagsasama niyo anak, sanay mabigyan niyo kami agad ng apo ha!." Galak na galak na turan ng ginang "Okey lang ba saiyo iyon Hija?." Donya Consana asked her Pilit man ay ngumiti padin siya dito at sumang-ayon "O-oo naman po, No problem!." Tanging turan niya Nagpatuloy sa pagkain ang lahat at ganun din ang pag eespadahan ng tingin nila nitong si Luke. Pilyo itong ngumingiti sakanya ngunit may kakaibang apoy pa ang ibinubuga ng mata nito. Kita niya ang muhi,galit at inis sa mga mata ng binata,ngumingiti man ito sakanya ngunit iba padin ang tulis ng mata na pinapakita nito mula sakanya. Lumipas ang oras at tuluyan na ngang natapos ang pagkain, nagpapaalam na rin ang dalawa sa pag uwi ng mga ito sa sarili nitong tahanan. "Magpakabait kayong dalawa, ito ang una niyong gabi na magkasama kayo sa iisang bubong." "Bukas ay maghanda kayo dahil mag sisign na kayo sa marriage contract." "Yung mga binilin ko ha." Sunod-sunod na turan ng Ginang bago siya hinalikan sa pisngi at tuluyan nang lumabas kasama ang asawa nito. Inihatid pa ni Luke ang dalawa sa mga kotse nito, habang siya nama'y naiwan sa loob at hindi alam ang susunod na gagawin. Inilibot niya ang paningin, hindi niya pa kabisado ang mansyon na iyon. Gusto man niyang pumunta sa sarili nilang kwarto'y hindi naman niya alam kung saan iyon. "Tutunganga ka nalang ba diyan?." Baritong boses ang nagpapitlag sakanya kaya't agad niyang nilingon ang pinanggalingan nun. Si Luke ang bumungad sakanya na malamig na nakatingin sakanya, matapang naman niyang sinalubong iyon. Hindi niya alam ang problema nito sakanya kung kaya't ganito nalang ito tumingin sakanya na akala mo'y gustong gusto siyang sakalin ano mang oras. Kung nakakasakit lang siguro ang mga tingin nito'y kanina pa siya bumulagta. "Ano ba dapat?." Masungit kong tanong dito "Are you stupid? Fix your things sa kwarto mo." Saad nito na ikinausok ng bunbunan kong lalo "Are you idiot Mister? How would I know where my room is? Eh hindi naman ako taga dito." She said in a gruff voice Kitang kita niya ang pagaapoy ng tingin nito sakanya, tanging inis ang makikita roon. "Watch your mouth Lady, or else I'II kiss you until you run out of breath." He said and passed me Sa puntong iyon ay pinamulahan ako sa narinig mula dito ngunit hindi pa ito nakakalayo ay muli itong nagsalita. "Bago ako makabalik ay dapat naayos mo na mga gamit mo at kung hindi mo alam kung saan ang kwarto, find it yourself." Wala sa sariling naambahan niya ito sa inis mula sa likod nito habang papaalis ito. Padabog siyang nagtungo sa malaking hagdan at padabog na umakyat roon. Ngayon palang ay alam niyang hindi sila magkakasundo ng binata. Sobrang sungit nito at ganun din siya dahil hinding hindi siya magpapatalo sa mga ganitong klase ng tao. Pinanganak siyang maldita ng sariling ina, at mamamatay siyang ganon. Sa paglilibot niya'y tuluyan na niyang nakita ang isang Master Bedroom na alam niyang magiging kwarto nilang magasawa. Inilapag na niya ang maleta sa loob at nagumpisa nang mag ayos ng gamit ngunit natigil iyon nang biglang pumasok sa loob ang binata sa isang hindi maipintang mukha. "And who the hell said that we will sleep in the same room?." Matigas na tanong nito habang diretso itong nakatingin sakanya Agad namang bumakas ang kalituhan sa isip niya sa sinasabing iyon ng binata. "Go to guest room, hindi tayo magsasama sa iisang kwarto lang!." Asik nito Agad siyang napangisi na sinarado ang maleta at muling binuhat iyon. "Hindi ko rin gustong makasama ka sa iisang kwarto, dito ako pumasok dahil akala ko magpapakagentledog ka't ikaw ang magaadjust satin kaso hindi pala! How rude! ." Pinipilit kong itago ang galit na umaapaw sa damdamin ko Padabog kong nilagpasan ito mula sa pinto at saka pumasok sa isang Guest room. Kung alam lang ng lalaki ito na nagpipigil na siya sa galit ngayon dahil sa pagtrato nito sakanya ngayon. Ngayo'y alam niyang pagpapanggap lang ang pinapakita nito sa biyenan kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD