CHAPTER 1

1693 Words
Dumating ang araw ng pag bisita ng magiging biyenan at ng mapapangasawa niya at ito kasalukuyan siyang paikot ikot sa malaking salamin dito sa loob ng kwarto niya. Hindi niya malaman ang isusuot na damit dahil ngayon palang naman niya mararanasan ang ganitong okasyon! Maya-maya'y narinig niya ang iilang katok na nagmumula sa pinto. "Come in!".Sigaw niya na nilinga ang pinto,sumingaw doon ang katulong nilang si Mariel "Yes?".Tanong ko kasabay ang pagtaas ng kabilang kilay ko "Madam ipinapaalam po ni Don na andiyan na daw po ang bisita at kailangan niyo na daw pong bumaba".Mahabang ani ng katulong na ang tinutukoy na nagutos dito ay ang Daddy niya kaya't agad siyang tumango "Pasabi na bababa na ako, salamat". Ayun lamang at tuluyan nang umalis ang katulong nila. Nagkausap na rin sila ng kanyang Ama sa nagdaang araw at ganoon din ang isinagot nito sakanya. Nagpirmahan na rin daw tungkol sa business contract na napagkasunduan sa kani-kanilang kompanya. Siguro'y siya naman ang tutulong sa mga magulang lalo na't alam niyang may problema ang mga ito Muli niyang sinulyapan ang sarili sa harap ng salamin, She's so gorgeous right now. She's wearing a puff yellow dress which suits her complexion with two inches crystal heels worn by her feets.It was made more elegant by the diamonds earrings and necklace she was wearing that is from Sweden when they lived there a many years ago. May kokonting kolorete din siya sa mukha ngunit hindi iyon mapapansin kung hindi tititigan habang bagsak na bagsak at tuwid na tuwid ang hanggang bewang na kulay tsokolateng mga buhok. Ngayo'y handa na siyang lumabas ng kanyang kwarto kaya tumapat na siya sa sariling pinto at huminga muna ng malalim bago tuluyang binuksan iyon. Rinig na rinig na nya ang pagtatawanan ng iilang hindi pamilyar na boses sa baba kaya't mas lalo siyang kinabahan nang mailapat na ang hakbang sa palapag ng malaking hagdan ng mansiyon na iyon. Patuloy pa siyang bumaba hanggang sa masilayan na niya ang malaking mesa at upuang nakalagay sa sala nila, kasalukuyan ding nakabukas ang ilaw ng malaking chandelier na ngayo'y kumikinang na sa ganda ng living room na iyon na ginawang dining room pansamantala lamang para sa okasyon. Calm down Serenity... Just calm down..... Agad siyang ngumiti nang malingunan siya ng sariling Ama sa tuluyang pagbaba niya sa salang iyon. "Oh here she is!".Kagalakang tukoy ng Daddy niya sakanya na agad siyang nilapitan Nakita niyang nagsilingunan ang mga bisitang naroon pati na rin ang Mommy niya na kumindat pa sakanya. Agad siyang nag mano sa ginang at ginong na nakaupo na sa mahabang lamesang iyon. Tuwang tuwa naman ang mga ito sa ginawa niya, nasanay kase siyang ganoon sa sariling magulang. "Wow you're so beautiful Serenity!".Tuwang-tuwa na puri sakanya ng ginang pagkaupo na pagkaupo sa tabi ng Mommy Binaling niya ang tingin sa katabi nitong binatilyo na hindi nakatingin sakanya kundi sa sinasabi ng Ginang na sa palagay niya'y Mommy nito. Pinakatitigan niya ang binata na ang makikita lang ay ang halfbody nito dahil nakaupo sila. He's wearing a white long sleeve polo na hapit na hapit sa matipunong katawan nito habang nakatupi pataas sa siko nito ang sleeve sa braso ng binata. So I'm going to marry this gorgeous man? How lucky she is..... Pero sa tingin niya'y pamilyar ang lalaki ngunit hindi nga lamang niya malaman kung saan niya ito nakita. "So how are you hija?".Napakurap siya at agad na binalingan ang ginang na kaharap "I'm good po".Tipid na sagod ko lang at ngumiti "By the way you can call me Mama Cons from now on,Cons for Consana".Utos nito sakanya na agad naman niyang ikinatango Nang balingan niya ang binata sa tabi nito'y sakanya na ito nakatangin, nagtama ang paningin nila sa sitwasyong iyon. Init ang naramdaman niya sa pagkakatitig sakanya ng lalaki na ngayon lamang niya naramdaman. Sobrang gwapo ng mukha nito habang nakatingin sakanya ngunit agad din niyang ibinaba ang tingin dahil parang pagpapawisan siya sa ipinupukol nito sakanya. I was even more nervous about this guy! Ganoon din ba ito titingin sakanya pag nagtalik sila nito? May kung anong imahinasyon ang pumasok sa isip niya na agad niyang ikinailing sabay ang pag lipad ng paru-parong kumikilita sa tiyan niya. The hell Serenity! "Son introduce yourself to her".Nakangiting sabi pa ng magiging biyenan sa binata Agad namang tumayo ito at inilahad ang palad sakanya sabay sabing "Sorry I forgot to introduce myself to you, I'm Luke Zachary Bernadotte soon to be your husband". Sumilay ang mumunting ngiti sa mga labi nito ngunit hindi niya matukoy kung totoo iyon. Why this guy is so familiar ? Did we met a year ago? "I'm Serenity, Serenity West".Tugon niya na tumayo rin at tinanggap ang pakikipagkamay nito Mainit ang palad na pinisil pa nito ang kanyang kamay bago ito binitawan Nakita niya pang kumunot ang noo ng lalaki na hindi niya batid kung bakit. At this point she turned her attention to the food over her plate. "Hija.... Sa Aurora kayo magsasama ni Luke base sa bisa ng pagkakakasal niyo, sa bahay ng lalaki nanunuluyan ang kanyang asawa".Muli niyang itinaas ang tingin sa sinabi ng ginang na nasa harap at agad na nilingon ang Mommy na nasa tabi niya. Her mother nodded as she looks at me, Alam niyang ganun ang mangyayari kaya hindi na niya balak pang kumontra lalo na't wala na din naman siyang magagawa. "Pupunta dito sa manila ang attorney na nagasikaso ng marriage contract nyo,sa harap niya din mismo kayo pipirma bilang sanhi na magiging magasawa na kayo, mapuputol lamang iyon after 3years" "May wedding ring na rin akong nabili sainyo so don't worry about it, Just wear formal clothes". Sa mga narinig sa Ginong na magiging biyenan ay parang nakaramdam siya ng lungkot. Hindi ganoon ang pinapangarap niyang kasal sa tanang buhay niya, nakakalungkot na ito ang unang kasal na mararanasan niya. How Disgusting! "So do you mean you're getting married?!". "At this age?!". "Yes! And I'm not happy about that!".Asik niya at nilaklak ang alak na nasa kopita niya "Wooah!Easy men! Mukhang maganda naman ang babae ah, at mayaman ngang talaga".Si Kaiden habang nagtitipa sa sarili nitong Laptop "Isa ang company ng mga ito sa pinaka malago sa pilipinas".Saad naman ni Theo na nasa tabi lang din ni Kaiden na nakatuon din ang tingin sa Laptop ni Kaiden "Tsk! Who cares?! I'm not interested with her but I need to do this for our Company".Galit niyang turan at nakita niyang tinignan siya ng mga kaibigan na nakaupo sa couch. "So how about Kate?".Narinig niyang sabi pa ni Blake habang matamang nakatingin ito sa direksyon niya "We broke up". "Because of this business contract!". "Bullshit!".Sunod sunod niyang turan at malakas na ibinato ang babasaging kopita sa harap niya. Umalingawngaw ang malakas na tunog ng pagbagsak nun sa loob ng mini bar ng bahay niya. Pira-piraso na lang ang babasaging kopita sa isang kurap niya, wala sa sariling naihilamos niya ang palad sa sarili habang matamang nakatingin lamang sakanya ang mga kaibigan. "So mukhang may papangalawa na kay Hades".Rinig niyang turan ni Blake "Wala na rin ang kanyang love of my life."Nagiiling na sabi ni Theo "You know guys, This are the reason why I hate love!".Sabi pa ni Kaiden "Speaking of Hades,mukhang andito na ang lasinggero".Theo smirks at them Agad siyang nag-angat ng tingin at nakita si Hades na papalapit sa kanila "Mukhang may hang-over pa".si Blake Nakakunot ang noo nitong napatingin sa basag na kopita at muling ibinalik ang tingin sa kanila. Katulad niya'y may pinagdaraanan din ang binata. Tinapunan niya ito ng tingin at agad na kinuha ang isang bote ng alak at tinungga iyon. Hindi niya alam ang gagawin kay Kate, sa taong mahal niya lalo na't nakipaghiwalay na ito sakanya noong malaman nitong magpapakasal siya sa isang babae, sinabi niya rin naman na business contract lang iyon ngunit ayaw talaga magpatinag nito at nilisan siya At ang babaeng pakakasalan ay nagpapahiwatig ng nakaraan sa isip niya, alam niyang kilala niya ito ngunit hindi niya maalala kung saan niya to nakita. Kasalukuyan kaming andito sa sala, nakalatag sa lapag ang mga bagahe niya na ang laman ay mga gamit niya. Malungkot niyang nilibot ang tingin sa loob ng mansyon na iyon. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, ang maagang mapahiwalay sa magulang. Ngayon ay mararanasan na niya ang sitwasyon ng ibang babaeng napapalayo sa magulang dahil sa pagaasawa. "So it means sa Aurora ko narin tatapusin ang pagaaral ko Mom? Dad?." Malungkot na baling ko sa sariling magulang na nasa harap niya habang kitang kita niya ang pamumula ng mata ng mga ito sanhi ng pagiyak "Yes same school with Hades at Eastern University, natransfer kana roon at handa na ang lahat, tapusin mo ang pagaaral mo hija...." "This semester na lang naman ang ilalabi mo sa school na iyon but still magsasama padin kayo sa lugar na yun ng magiging asawa mo." Sunod-sunod na turan ng kanyang Ina na nasa harap niya habang ang kanyang Ama ay nakatunghay din sakanya "Hija..... maging mabait na asawa ka sa magiging asawa mo ha." Biglang sabat ng Daddy nya "Kahit anong mangyare wag na wag mong gagawin sakanya ang ginagawa mong pagmamaldita dito sa atin." "Wala kang kakampi roon, wala kami roon para pag tanggol ka sa lahat ng ginagawa mo." Sunod sunod na anas rin ng kanyang Ama Parang gustong umapaw ng nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, nalulungkot siya sa mga paalala ng mga ito. Hindi niya matanong kung ano ba ang dahilan nang lahat ng ito. Bakit kailangan nya itong gawin? Anong problema ng magulang niya? Bakit kailangan humantong sa ganito? Mabilis niyang pinunas ang luhang pumatak sa pisngi niya. At muling tinignan ang mga magulang "Magiingat din kayo dito, wala rin ako dito." Turan ko "Wag kang magalala anak, dadalaw dalawin ka namin doon- "No mom kahit hindi na, ako na mismo ang dadalaw sainyo dito."putol niya sa sinabi ng magulang "Alagaan nyo nalang ang sarili niyo."Sabi niya pa na niyakap ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto ng sala nila at niluwa niyon ang isang matanda na driver ng kotseng sasakyan niya mamaya papuntang Aurora "Ma'am kailangan na daw po nating umalis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD