CHAPTER 3

1352 Words
Mabuti na lamang dahil may sariling bathroom ang Guest room na napasukan niya. Magdamag niyang binabad ang katawan sa tubig, palagi niya rin namang ginagawa 'yon kahit na nasa manila siya. Siguro'y ito na talaga ang panibagong magiging buhay niya, kailangan niya ring mag-adjust dito sa probinsya na 'to lalo na't di naman siya taga dito. Ipinikit niya ang mga mata habang ninanamnam ang malamig na tubig sa katawan. Nabwiset siyang lalo sa Luke na 'yon, akala mo'y kung sino siya na pwede niya akong sungitan! Sorry nalang siya dahil aawayin ko talaga siya! Ngayon may katapat na siya! Napadilat siya nang marinig ang mahihinang katok mula sa labas. Kunot-noo niyang nilingon iyon habang sinisiguro ng mga tenga niyang galing nga ang katok na 'yon sa kwarto niya. "Serenity!." Doon siya napabalikwas na hindi inalintana ang hubad na katawan. Agad niyang kinuha ang bathrobe na nakasampay at agad na sinuot iyon bago kunot-noong lumabas ng banyo. Tumambad sakanya ang binatang bagong paligo narin, bagsak ang basang buhok nito sa mukha habang nakatayo na sa loob ng kwarto niya. Nakapasok 'to sa kwarto niya! Sa inis ay agad siyang lumapit dito at pinagtulakan ito palabas ng room niya. Nagpadala naman ito at nang nasa labas na ito'y inangat niya ang isang kamay sabay duro sa binata. "How dare you- Naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita ito sa isang malamig na tinig. "Hindi ako papasok ng kwarto mo ng walang dahilan." "So?! Bakit ka pumasok?!." galit kong turan He sighed before he lifted the cloth that he was holding "Naiwan mo 'to sa loob ng silid ko." He said Her undies! Nanlalaki ang mata na agad niyang hinablot ang tela na hawak nito. Shit! Magsasalita pa sana 'to ngunit agad niyang isinara ang pinto. Pulang pula siya sa hiya, hindi niya alam ang magiging reaksyon. Jusko! Nakakahiyaaaa! Wala sa sariling nagtatalon, nagpapadyak at nasabunutan niya ang sarili. Ano nanamang sasabihin nito sakanya?! Sobrang sama pa naman ng ugali nung lalaki na 'yon! Antanga-tanga ko naman kase! "Ma'am Serenity?." "Ma'am? Gising na daw po." Napadilat siya sa pag gising sakanya ng isang tinig, nakita naman niya ang isang maid na nasa tabi niya. "H-Ha?." "Gising na daw po sabi ni Sir Luke, inaantay ka po niya sa garden." sabi pa ng bata-batang katulong "A-Ahh ganun ba? ." "Sige sabihin mo susunod ako." ani ko pa at tumayo na ng tuluyan. Nakalabas na ang katulong ngunit naka-upo padin siya sa dito sa kama. Muli nanamang bumalik sa isip niya ang nangyare kagabi, napahawak na lamang siya sa sintido niya. Hindi siya nito pinatulog kagabi, alas dose na sya mahigit nakatulog sa kakaisip sa kahihiyang iyon. So she's Seren? my childhood friend in Sweden, kaya pala pamilyar. Sinimsim niya ang kape na nasa tasa niya, kanina pa siya naka-upo dito dahil inaantay niya ang babae. Hindi siya nito pinatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung sino ito, dahil talagang pamilyar sakanya ang babae. Lalo na nitong kagabi na muli silang nagkita, mas lalo niyang napagmasdan ang mukha nito. Ang bawat ekspresyon na pinapakita nito, lahat 'yon ay pamilyar sakanya. Hawak-hawak niya ngayon ang librong ibinigay sakanya ng batang Seren. 'Little Red Riding Hood' ang book na ibinigay nito sakanya, paborito nito ang kwento na 'yon. Napaangat siya ng tingin nang maramdaman niya ang yapak ng kung sino papunta sa gawi niya. Tumambad naman sa paningin niya ang magandang babae na taas noong umupo sa kaharap niyang upuan na tanging maliit na lamesa lamang ang humaharang sa pagitan nila. Here she is.... "G-Good morning." uutal-utal nitong bati sakanya Agad niyang ibinalik ang tingin sa librong binabasa. "Hindi mo 'man lang ba ko pinaghandaan ng kape?." iritang tanong nito "You can make your own coffee or magpagawa ka nalang din." I said "Tsk! Selfish!." rinig niyang bulong ng dalaga "What?." sa puntong iyon ay muli niyang inangat ang tingin "Wala." mabilis na sagot nito na mabilis na iniwas sakanya ang tingin "You've changed a lot." seryosong usal ko na ikina-balik ng tingin nito mula sakanya Tumaas ang isa nitong kila'y at bumakas ang pagtataka sa mukha. "What do you mean?." she said "I said you've changed a lot, from the little girl who's quite and shy."usal niyang muli Sa puntong iyon ay kumunot na ang noo ng dalaga habang titig na titig ito sakanya. Ibinaba niya ang tingin sa libro bago muling nagsalita "Seren." ani niya sa pangalan nito Narinig niya ang pag-singhap nito kaya't muli niya itong tinignan. "Z-Zach?." He sadly smiled at her because of some reason, they will become a married couple later on when they sign the contract. Hindi ito ang gusto niyang maging bungad ng pagkikita nilang muli ng babae. "Yes, it's me your Zachary." "Really?!." hindi makapaniwalang tanong nito sakanya habang kitang kita ang katuwaan nito sa mukha "But I'm Luke now Serenity, there's a difference with that." Nawala ang mga ngiti nito sabay yuko "Yah, I see." tanging sagot nito "Pero wow ha, nasa'yo padin yang libro na binigay ko." puna nito sa libro na hawak niya "I kept it, now I think I should throw it." malamig na ani ko Wala sa sariling napangisi sa inis si Serenity dahil sa inaastang iyon ng binata sakanya, hindi siya makapaniwalang ganito na ang trato nito sakanya Although natutuwa siyang malaman na ito pala ang kababata niyang crush na crush niya noon ay naiinis naman siya dahil sa pagsusungit nito "Isauli mo nalang sakin Luke kung itatapon mo lang din naman." taas noong sagot ko dito "No Serenity, hindi na sa'yo itong libro dahil sakin na 'to." masungit na sagot nito, muli akong napailing sa sinabi nito sabay pahapyaw ng tawa. "What? Nakakatawa ba 'yon?." He frowned " No Luke, that's not yours."muling sagot ko ngunit mas lalo lamang kumunot ang noo ng binata "Binigay ko 'yan kay Zach, hindi sa'yo Luke...... may pagkakaiba sainyo hindi ba?." nakangising usal ko pa na sa puntong iyon ay kitang kita niya ang pag-iigting ng panga nito. "Yes Seren, you've changed a lot….. coz now you know how to play with me ha?." makahulugang sagot nito I smiled before I speak "Yes, for your information Luke, I am a pro." Sa puntong iyon ay agad akong tumayo, napagdesisyonan kong sa loob nalang ako magbrebreakfast dahil kung dito pa siya sa garden at kasama ang lalaking ito'y baka hindi matapos ang pagbabangayan nila. "Kung itatapon mo 'yang libro, mas magandang ibalik mo nalang sakin." "Dahil ibinigay ko 'yan kay Zachary na kayang mag-appreciate, mabait at maalagain, hindi sayo Luke na masungit, mainitin ang ulo at pangit!." Pagkasabi niyon ay agad niyang tinalikuran ang binata at mabibigat ang paang tumuloy siya sa loob ng kusina Kunot na kunot ang noong napaupo siya sa upuan na nandoon dahil hindi niya talaga mapigilan ang magalit sa binata Kakain na lamang siya kesa magutom dahil sa pag-aabalang mainis nang mainis sa binata! Nilinga niya ang paligid ngunit hindi niya makita ang mga maid ng mansyon na 'yon. Ngunit maya- maya lang ay pumasok ang isang matanda sa kusina, nakita siya nito ngunit dinaanan lang siya ng tingin habang nakataas pa ang isang kilay. Ganito ba yung mga maids dito? Dumeretso ito sa bandang fridge at mukhang may kinukuha doon, gutom na siya kaya't agad siyang tumayo at tinungo na rin ang fridge. Pero agad na umalis ito roon nang makitang papalapit din ako sa kinaroroonan nito. "Sige lang Manang, kunin niyo muna yung kukunin niyo." nangingiting sagot ko Nagulat siya sa naging reaksyon ng matanda dahil umismid ito sakanya bago ito nagsalita "Hindi na, ikaw na muna ang kumuha ng sa'yo." "A-Ah sige ho." Agad siyang kumuha ng egg at hotdog, nakita niya rin ang iilang lettuce na agad niya ring kinuha bago tuluyang umalis sa harap ng Fridge. Nagtungo na siya sa harap ng stove dahil lulutuin niya pa iyon. "Matagal na daw po kayo dito?." paguumpisa ko ng usapan "Hindi pa ikaw ang babae ni Sir Luke ay andito na kami." sagot nito, napakunot naman ang noo ko sa itinuran ng matanda "Ah ganun po ba." "Sabi ko nga po." Attitude?! Babaero pala ‘yang Sir Luke niyo na 'yan!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD