Raziel Raffia Lynwood’s Pov
I know, beating Zuri up will not stop him from bringing trouble to the other floors. At sanay din naman sa sakit ng katawan ang loko-lokong ito pero hindi din kasi siya madadaan sa masinsinang usapan.
Kaya ngayon, inutusan ko sina Adzel at Azmir na ibalot ang katawan ni Zuri at ibitin ito patiwarik. We just make sure na nakalabas ang kanyang ulo para naman makahinga siya ng maayos.
At habang nakabitin siya patiwarik ay sinabihan ko ang dalawa na hambalusin ng paddle ang likod ng binti nito para kahit paano ay maparunsahan siya sa ginawa niya.
Bumuntong hininga ako nang makitang hindi man lang umaaray si Zuri. “Hindi ka man lang ba na-guilty sa nangyari?”
“Why would I?” balik tanong niya sa akin. “That bastard hit my friend.”
Muli akong bumuntong hininga. “You promise before, Zuri.”
Nag-iwas siya ng tingin. “I-I’m sorry for not keeping that promise but I’d rather break it than let that bastard get away after what they did to Kirih-- Ah!” Hindi na niya naiwasang sumigaw nang muling hampasin ni Adzel ang likod ng kanyang hita. “Damn it. Adzel! Are you trying to kill me?”
“No,” walang ganang sambit ni Adzel tsaka ibinaba ang paddle. “I am punishing you.”
“s**t! Ang sakit no’n”
“Iyon ang purpose ng parusa, Zuri.” natatawang sabi ni Azmir at ibinaba na din ang paddle na hawak tsaka sinimulang kalasin ang pagkakatali ni Zuri. “Kung kanina ka pa sana umaray, kanina pa din sana tayo natapos dito.”
“Tsk. Hindi naman kasi masakit ang mga pa-aray!” Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin dahil sa pambabatok na ginawa ko sa kanya. “Nakakarami na kayo ah.”
“Ikaw ang may kasalanan nito kaya huwag kang mag-angas ngayon,” ismd ko.
Inirapan nalang niya ako at hinimas ang mga parteng masakit sa kanya pagkatapos siyang pakawalan ni Azmir.
“So, can you tell me what really happened up there?” I asked.
“What for?”
“For Dad to see that you are just protecting someone,” ani Adzel. “All of the people on this floor think that you keep doing troublesome things on the other floor because you want our father’s attention which he hardly gave to us.”
“I don’t care about him,” sabi niya.
“Oh come one.” Ginulo ko ang buhok niya. “Pare-pareho tayong gumagawa ng paraan para makuha ang atensyon ni Daddy dahil masyado na siyang busy mula nang ipasa sa kanya ni Lolo ang pagiging leader ng human society.”
“Like what I said, I don’t care about him.” madiin niyang ulit.
Ang sarap talaga sakalin ng kapatid kong ito pero wala naman akong magagawa kung ayaw niya talagang ikwento sa amin.
“Fine,” sabi ko. “I won’t force you to say anything but I have to force you to stop what you are doing.”
Bumuntong hininga siya at nahiga sa sahig pagkuwa’y tumitig sa kisame nitong silid kung nasaan kami. “Nakapunta na ba kayo sa ibang palapag?”
Kumunot ang noo ko. “Anong kinalaman niyan sa sinasabi ko?”
Ibinaling niya ang tingin sa akin pagkuwa’y muling bumuntong hininga at bumangon. “Minsan, subukan nyong pumunta sa itaas nang malaman nyo kung ano ang mga bagay na nangyayari doon na hindi nyo nakikita dito.”
“Zuri.”
Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Tama na nga ang dramang ito. Bumalik na tayo sa bahay dahil siguradong nandoon na ang bisita ni Daddy.”
Napatayo na din ako nang maalala na may mga darating nga palang bisita si Daddy. At mga kasamahan niya iyon sa pamumuno sa buong tore kaya naman kailangan na kami mismo ang humarap sa kanila.
“Let’s go!” Agad kong hinawakan ang kamay ni Adzel at Azmir palabas ng silid at sumunod na lang sa amin si Zuri.
Nakahiwalay kasi sa main house ang silid na aming pinanggalingan dahil nagsisilbi iyong private place para sa aming magkakapatid.
“Zuri! Bilisan mo!” sigaw ko. Ang bagal kasi niya eh. Kailangan na naming maghanda.
“Baka nakakalimutan mong pinahambalos mo ang binti ko kaya huwag mong asahan na makakasabay ako sa inyo!” sigaw niya.
Tumigil ako sa pagtakbo at binitiwan sina Adzel at Azmir pagkuwa’y lumapit sa kanya. “Don’t be such a baby, Zuri.”
Ginulo niya ang buhok ko. “Mas maganda ka talaga kapag nakangiti.”
Natigilan ako.
“Don’t lose that smile whatever happens, okay?” aniya. “Though, at least not in front of us.”
Ngumiti na lang ako at tumango ngunit isang malakas na putok ng baril ang narinig namin na nagmula sa loob ng bahay.
“Si Daddy!”