Tinitigan ako ni Gael at nilabanan ko rin ito. Hindi ko na mabilang kung gaano katagal kaming magkatitigan. Siguro’y nag-iisip pa siya kung anong itatanong sa’kin.
Muling nadaanan ng anghel ang mga nasa kubo at nakikita ko sa peripheral vision ko na naglilipat lipat sila ng tingin sa aming dalawa ni Gael.
“When was the last time you’ve been in love? And tell us more about it.” seryosong tanong ni Gael.
Wala ba silang ibang pwedeng maitanong kun’di puro tungkol sa romantic love?
Napaisip ako.. kailan nga ba? Kailan ako huling totoong nagmahal? Pati ba naman ‘yun hindi ko maalala? O baka wala pa kasi talaga akong minamahal. Baka hindi ko pa ‘yun nararanasan sa buhay ko.
“I guess.. In my 25 years of existence, I’ve never been in love ever since.”
Kita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Gael, mula sa pagiging seryoso ay napalitan ito ng labis na pagtataka.
“Oh c’mon!” gitlang pagtayo ni Hiro at pag-angat ng kamay nito.
“As far as I remember, I only had flings back in high school and college. No strings attached.”
“Y-You sure?” bakas sa mukhang pagtatakang tanong din ni Helena.
“Yup. I don’t recall being in love with someone before. I’ve seen myself with guys but I totally haven’t had feelings for them.” simple’t kalmadong saad ko.
“That’s impossible. Wait.. you speak and act like a boy. Are you a lesbian?” nanlalaki ang matang tanong ni Gianna.
Tumawa naman nang pagkalakas lakas si Hiro. Ngumisi ako’t naghalukipkip.
“You think I am?” naka-smirk na tanong ko.
Pinandilatan din ako ng mata ni Shantalle, “Oh my gosh you’re really a lesby?“
“Hala.. sayang naman kung gano’n.“ komento naman ni Brie.
“No, she isn’t.” confident na sabi ni Gael.
Naputol ang pag-re-react nilang lahat nang sunggaban ko ng malalim na halik sa labi si Kyle.
“The f*ck...” dinig kong bulong ni Hiro.
Sa pagtapos ko sa halik ay gulat na mukha ni Kyle ang bumungad sa akin. Napasinghap naman si Helena sabay kagat nito sa pang-ibaba niyang labi.
Muli akong ngumisi, “So, did I confirmed your assumption?”
Pumalakpak si Gianna, “Damn! I love you girl! That’s one hell of a great job!”
“Y-Yeah. That’s.. too brave of you.” halata sa mukha ni Shantalle ang awkwardness.
Ang mukha ni Hiro ay parang takot ngunit nag-aalala sa tuwing titignan si Gael.
Nakatulala si Gael sa akin at hindi ko malaman kung anong sinasabi ng mukha niya. Tila hindi ito makapaniwala at para bang halos hindi na ito huminga habang nakakuyom ang kamao. Namumula naman ang mukha at mata ni Helena na hindi mo alam kung nagpipigil ba ng iyak o galit.
Alam ko, hindi naman maling halikan ang isang single na lalaki kung single din ako. Bakit hindi na lang nila sabihin sa harap ko mismo kung may mali ba sa ginawa ko?
Ginawa ko 'yun upang makompirma kung may kinalaman ba talaga sila sa buhay ko noon.
Nangangati akong malaman ang mga sikreto nila...
Mukhang hindi lang pagkaaswang ng lahi nila ang dapat kong alamin.
Subukan natin kung hanggang saan sila magpapanggap.
~~~ ~~~ ~~~
Lumabas ako ng university registrar matapos magpabago ng subject loads at schedule.
Dumeretso ako sa Malcolm Hall, pero this time ay hindi na bike ang gamit ko kundi 'yung motor ko na. Hindi na kasi kasing lapit ng dorm ko ang pinanggalingan ko.
Nang makarating ay nag-park lang ako sandali at dumako na sa room 140 kung saan ang unang subject ko.
Sobrang nakakapanibago ang building ngayon. Nakapagtataka dahil bawat taong makasalubong ko ay tumitingin sa akin. Hindi lang ako basta sinusulyapan pero sinusundan talaga ako ng tingin hanggang sa mabanat ang leeg nila.
"Deya!"
Agad kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Kumunot din naman ang noo ko dahil hindi ko siya kilala. Sino naman kaya 'to?
"Hi! Pwede magpa-picture?" wika ng isang babaeng nakasalamin na malamang ay law student din dahil sa formal nitong attire at may kasama siyang isa pang babae.
Napatitig ako sa kanya at tinuro ko ang sarili para ikompirma kung gusto niya ba talagang magpa-picture sa'kin. Mas lalong lumapad ang ngiti niya at tumango nang ilang ulit.
Baka ako ang magpi-picture sa kanila? Ako pa talaga ang uutusan?
"Saan n'yo ba gustong ma-picturan?"
Tumawa silang dalawa, "Hindi. We want a picture with you." sabi naman ng kasama niya.
"W-With me?"
Tumango ulit sila.
"Okay."
Sabik nilang ikinawit sa braso ko ang kamay nila at nag-selfie gamit ang iPhone 14 pro max na feeling ko ay fully paid. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti kahit pilit.
"Thank you." sabay nilang sabi bago umalis.
Anong trip ng mga 'yon?
Inayos ko ang damit ko at itinuloy ang paglalakad.
"Deya! Pa-picture naman!" saad naman ng isang lalaki na nakasalubong ko.
What?
"Why?"
"Hala. Ansungit mo pala sa personal."
"I mean, I don't understand why you need a photo with me."
Napuno naman ng pagtataka ang mukha ng lalaki.
"So, ayaw mo palang nagpapa-picture sa'yo?"
"Hindi naman. Pero--"
"Okay lang naman pala sa'yo eh, I'll just take one." saad niya sabay selfie ulit gamit ang iPhone kasama ako.
Hindi ako nakapagsalita at nagpasalamat na ito bago umalis.
Tinignan ko ang suot kong collared three-forths na maroon at black slacks na medyo fitted. Wala naman sigurong kakaiba sa suot ko o hitsura ko.
Naramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa. May text akong natanggap mula na naman sa isang unknown number.
What time is your first subject?
Ang number ay kapareho pala sa nag-text sa akin ng dinner sa bahay nina Gael. Sinundan pa ito ng isa pang text.
Please tell me when will your class end, so I can pick you up later.
Sino ba kasi 'to?
Mabilis akong nag-reply.
Who is this?
Itinago ko na ang phone ko. Napahinga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa room.
Pagpasok ko ng first subject ay pagsigaw sa pangalan ko ang bumungad sa akin.
"Deya, artista ka pala, 'di mo naman agad sinabi!"
"Pa-picture naman!"
"Ang swerte mo naman, makaka-love team mo pa si Gael Diaz!"
Napanganga na lang ako sa mga sinasabi ng classmates ko. Ang iba nga ay hindi na nagpapaalam at bigla bigla na lang kumukuha ng litrato galing sa mga mamahaling phone nila.
Bakit alam nila? Hindi pa naman ako pinapalabas sa t.v.
Kumurap ako nang ilang saglit at inisip kung paano ako mag-re-react.
Ngumiti ako at inayos ang postura ko, "Hindi naman. Mahihirapan nga ako eh, kasi pagsasabayin ko law school at pag-a-artista."
"Kaya mo 'yan! Tutulungan ka namin girl! Fighting!" saad ng isa kong classmate na si Venice. Sinundan ng sunod sunod na pahayag ng suporta ng iba ang sinabi niya.
"Thank you." nakangiting sabi ko.
Sa paglakad ko papunta sa upuan ko ay kanya kanya silang nakaw ng selfie at groupfie kasama ako.
Ito ang atensyon na pinakaayoko sa lahat. Ayokong ako ang laging napapansin ng mga tao. Sobrang hirap akong mamlastik kaya hindi ko talaga talent ang makisama nang maayos. Pero dahil artista nga ako, kailangan kong magbait-baitan.
Sa totoo lang ay ang sarap pagbabatukan ng mga classmates ko. Dati hindi naman ako napapansin ng mga 'to pero nabalitaan lang sa kung saan na artista ako ay para nang mga bulateng naasinan sa sabik na makita ako. Mga tao nga naman, kapag hindi ka mayaman o sikat, wala ka lang para sa kanila.. pero kapag nakakaangat ka na, luluhuran ka pa nila.
Bago ako umupo ay natanawan ko ang katabi kong si Liz. Nagsusulat ito sa notebook niya at nakabusangot ang mukha. Parang hindi siya natutuwa sa nangyayari.
"Hey." bati ko sa kanya kasabay ng pag-alok ng fist bump.
Walang gana nitong tinanggap ang fist bump ko na ikinakunot ng noo ko.
"What's the problem?"
"Turns out, you're not the Deya I know anymore."
"So you'll sulk because of this?"
"Why did you hide it from me?"
"Liz, I'm not hiding anything. I just started in showbiz and I need more money to suffice my law school expenses. I don't even know why you all knew it already, I haven't even appeared yet on national t.v.." pabulong kong saad.
Ipinakita sa akin ni Liz mula sa phone niya ang isang f*******: post mula sa ADS-CDN channel. Mula ang mga pictures sa ginanap na cast meeting ng Still Into You. Umabot na nga sa isang milyon mahigit ang reactions at libo libo ang mga comments nito.
"Oh sh*t." hindi ko napigilang sambit nang makita ito.
"Your face is circulating all across social media sites."
"I don't know that they'll publicize it that early."
"How come? You're a f*cking actress. Of course, they will."
"Well, it's my first time. My first ever experience of being known in public. Sa totoo lang, sobrang naninibago ako."
"So, hindi ka nag-disguise?"
"Why would I do that?"
"Wala kang existing contract sa ADS-CDN noon pa?"
"Wala. Funny thing is applied as a personal assistant but they dragged me to an audition instead."
"For real?"
Tumango ako ng ilang ulit. Naalis naman ang lungkot sa mukha niya at unti-unti itong napalitan ng ngiti.
"C-Congratulations." saad niya habang nakikipagkamay na tinanggap ko agad.
"Our schedules will not be the same anymore. I have to decrease my loads. Isang subject nga lang ang papasukan ko ngayong araw." malungkot kong sabi.
"That means, you'll also not graduate on time?"
Dahan dahan akong tumango.
"I'll support you with your endeavors, but is this what you want?"
'Di ako agad nakasagot sa tanong ni Liz. Hindi ko naman kasi pinangarap kahit minsan sa buhay ko na maging artista. Ang kambal kong si Doi, oo, pangarap no'n sumikat, pero ako hindi talaga. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Liz na no choice ako, siguradong magagalit 'to sa'kin.
"Y-Yes, pareho kong ia-achieve ang success sa career, both showbiz and law. It's like.. hitting two birds in one stone."
"Okay.. good luck, man. Just don't forget to work on your case digests."
Tumawa ako, "Of course, man. Thank you."
Inilibot ko ang mata ko sa paligid. May mga classmates akong maya't maya akong tinitignan at ngumingiti naman ako sa kanila sa tuwing nahuhuli kong nakatanaw sila sa'kin.
Nakita ko ulit sa unahan ang babaeng nakabangga ko sa first day ko rito na Paola pala ang pangalan. Nakatingin ito sa akin ngunit hindi ko siya mangitian dahil hindi ito makitaan ng kahit kaunting sign na natutuwa ito o magiging nice man lang sa'kin.
Sa pagdating ng prof ay umayos ang lahat at nag-focus na sa klase, isang madugong pakikibaka sa subject course na LAW 126 o Remedial Law 3. Inasahan ko nang walang pakialam ang prof sa kung ano mang pagbabago sa estado ko. Walang arti-artista o sikat sa law school, para sa mga prof, you're still a plain student that needs to strive to get good grades. Pansin ko nga lang na mas madalas akong ma-tripang tanungin, mas hirap ka na nga, mas lalo ka pang susubukin. Naiinis lang ako dahil 'di ako gaanong nakapag-review bago pumasok.
"Ms. Fontanilla."
Kahit panglimang round na ito ng pagtawag at pakikipagdebate ay nagulat pa rin ako.
"In the case that a married man has been accused of illegal sale of property or forging of a deed of sale, will his wife be sued jointly?"
Alam ko nadaanan ko 'to ng basa kanina, kaso sobrang bilis lang.
"N-No?"
"It depends." bulong ni Liz sa likod ko.
"Let me expand it a little bit for you, iha." saad ni Atty. Pacio habang tinitignan ako nang matalim.
"They are married, correct?"
"Yes, Attorney."
"So the property this man owned is also owned by his wife for the mere reason that they have their conjugal rights as a married couple, now, is the wife liable?"
"No, in the event that the wife hasn't had a knowledge to her husband's exploit, she shall not be liable to it."
"Mali..." muling bulong ni Liz.
Lagot.
"Is it stated that the wife has no knowledge about it?"
"N-No, but if the man sold the property without the wife's consent, that is voidable as per General Registered Case Number 246445."
"But what if, let's say, yes, he did not ask for consent, but she's clearly aware that her husband had sold it, can you say if she could be involved in the case?"
"Still no, because she's not present during her husband's act."
"Is Ms. Fontanilla correct?" tanong ni Atty sa lahat.
"No." agad na sagot ni Paola.
"Okay, Ms. Perez, why do you think Ms. Fontanilla's statement is wrong?"
"Given the fact that the wife is aware of her husband's act, she is considered liable to it, that is even without her consent."
"Please elaborate."
"General Registered Case Number 197514 states that when a married man illegally sold a property and no annulment has been made between him and his wife before the exploit, the wife shall be sued jointly."
"Exactly!"
Tumingin sa akin si Paola at ngumisi sa tagumpay niya. Tss.. ano naman? Nararanasan naman ng lahat ng law student 'to.
"So Ms. Perez, what grade will you give to Ms. Fontanilla?"
Tinitigan ako ni Paola at mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"5."
"D*mn that as**ole!" pabulong na asik ni Liz.
Dumami naman ang bulungan ng mga classmates namin.
"It's your first time receiving a 5 in this class, Ms. Fontanilla. Seems like showbiz is not helping. Maybe glamorizing fame's not for you." wika ni Atty. Pacio na may mukhang nang-iinsulto.
"5 pala ah.. Mabigwasan nga mamaya 'yang Paola na 'yan at nang matanggalan din ng 5 na ngipin." sabi ni Liz sa mababa at gigil niyang boses habang pinapatunog ang mga daliri niya.
"Please don't do that. I'm fine. Babawi na lang ako next recits."
Nanahimik na lang ako't 'di pinahalata ang pagkadismaya. Kahit nga dos ay hindi ko natanggap sa undergraduate ko at pati sa previous two years ko ng law school, tapos ngayon ay binigyan niya pa ako ng singko. Buti sana kung wala talaga akong naisagot. Masarap nga talaga siyang sapakin, pero dahil professional dapat tayo, babawi na lang sa mga susunod na mga recitations, 'yun ay kung makakabawi pa.
Pagpatak ng alas-dyis imedya ay natapos na ang klase. Klase ko lang dahil ako lang ang isang subject lang ang papasukan at ang karamihan ay may next class pa.
Opposite na ang dadaanan namin ni Liz dahil lalabas na ako at siya naman ay aakyat ng 2nd floor.
"Hey, Deya the actress. You forgot to review the cases a while ago?"
Lumingon ako sa nagsalita't tama nga akong si Paola the b*tchy as**ole 'to. Nadako ang tingin ko saglit sa kuwintas niyang kapareho ng sa akin at kumikinang ito sa pagtama ng ilaw. Sino ka kaya talaga?
Ngumisi ako, "Not that I forgot. I was just busy with some big life changes."
"Really? Do you know that even if you're an actress already, you're still a mediocre student with a matching trashy personality and antwacky outfits?"
"Oh.. I don't know that. But thanks for deliberately introducing yourself, because what you speak to others reflects who you really are."
"What have you done to make directors choose you as a leading lady? I guess, you explained them well how poor you are?"
"I showed them how talented I am. That I'm not just a spoiled 'allegedly' rich lady who depends on her parent's ill-gotten wealth."
Napahinto siya't umusok ang ilong.
"What's your proof? Who are you to say that? I can just rip you off to death and bury you to a place where no one can find you because you're just a nobody compared to me!" halos isigaw niyang saad habang lumalapit at dumuduro sa mukha 'ko.
"Is that.. a threat? Mukhang ikaw yata ang nakakalimot sa mga napag-aralan nating batas. And what's with the sudden indignation? Are you guilty?" nakangisi kong sagot.
Tila ba natauhan siya at napaatras.
"Such a waste of time talking to a daft! We're not done yet!" nagngangalit na wika niya sabay alis.
Not done with what?
Nakangisi ko siyang sinundan ng tingin. Ang mga loser talaga nagpapasimula ng gulo na ikinapapahiya ng pagkatao nila.
Napaigtad ako sa mga tilian sa labas ng building. Hindi pa naman suspended ang mga klase pero bakit masyado yata silang marami at hindi pigil ang mga tiling pinapakawalan nila?
Huminto ako saglit sa corridor upang pakiramdaman kung ako ba ang susugurin ng mga tao pero halos banggain na ako ng mga estudyanteng mula sa loob ng Malcolm Hall sa pagtakbo nila papunta sa labas.
Nag-vibrate ang phone ko at kita ko agad ang isa na namang text mula sa kanina pang unknown number.
Nanlaki ang mata ko nang mabasa ito.
I'm waiting for you outside the building.
Sino naman kaya 'to? Sigurado akong isa 'to sa mga artistang kasama ko sa bahay ni Gael. Pero bakit kailangan niya pa akong sunduin eh may motor naman ako?
Dahan dahan akong naglakad palabas ng building at gano'n na lang ang gulat ko nang malapit na akong makarating sa bungad. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
Napakaraming nakaputing guards na nakaposisyon mula sa entrance ng Malcolm Hall hanggang sa isang nakaparadang Bentley Flying Spur sa harap. Bumuo sila ng dalawang linya na nagbibigay lang ng daanan sa gitna.
Sa gilid ng mamahaling kotse ay nakasandal ang isang gwapong lalaking naka-shades at nakasuot ng black and white stripe na collared blouse at medyo fitted na maong shorts na above the knee ang haba. Nakaharap siya sa mismong entrance ng building.
Hinaharangan ng mga guards ang sinumang magtatangkang lumapit sa kanya. Tila strictly no touching yata siya ngayon.
Nahimasmasan ako nang may isang guard na umagaw ng dala kong bag. Hiyang hiya naman akong naglakad papunta kay Gael.
"You should give me your schedule, so I can drop you off and pick you up whenever you have classes."
Hindi ako nakapagsalita.
Binuksan niya ang pinto ng front seat at pinasakay ako doon. Pagkatapos ay umikot siya sa harap ng kotse at tsaka sumakay sa driver's seat.
Napairap ako. Tss.. kunwaring gentleman kapag nasa harap ng mga tao.
Inalis niya ang shades niya at tsaka pinaandar ang sasakyan.
Kita ko naman sa labas na pinapatabi ng mga guards ang mga 'di magkandamayaw na fans na humaharang sa daraanan ng kotse. Nang masigurado na nilang wala nang haharang ay nagsisakayan din sila sa dalawa pang kotse sa likod at bumuntot sa amin.
Ang taray.. nagpa-convoy pa nga ang mokong.
"What's with that face?"
Kumunot na naman ang noo ko sa tanong niya, pero nag-isip na lang ng kung anong isasagot.
"Bakit 'di mo na lang ako hinayaan sa sarili ko? Kaya ko namang bumiyahe mag-isa." saad ko habang tumitingin sa daan sabay halukipkip.
"Your life before is totally different from your life now. You can't even go outside by yourself."
"You think mahahabol nila ako sa motor ko?"
"Isa pa 'yan. Ayokong nang mag-mo-motor ka. Masyadong delikado."
"As far as I know, ka-love team lang kita, hindi jowa o asawa. Ni hindi nga kita kaibigan eh. Wala kang karapatang pagbawalan ako." madiin kong sabi.
Humigpit ang hawak niya sa manibela at huminga nang malalim.
“As long as you’re living in my house, you are bound to follow my commands, especially if that’s for your good.”
“Ay wow! May paggano’n ka pala? Hindi ako na-inform. Pinapasok mo ako sa bahay mo nang wala akong pinipirmahang kontrata na susundin kita, kaya gagawin ko kung ano gusto ko!”
Saglit siyang matalim na tumingin sa’kin bago itinuon ulit ang atensyon sa daan. Nanahimik siya saglit bago muling nagsalita.
“Okay, only if you can.” unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.
Aba’t binabantaan din ako ng isang ‘to ah!
“As if naman inescapable ka. Well, subukan natin kung maikukulong mo ako.”
“Sino bang nagsabi sa’yo na ikukulong kita?”
Tumaas ang kanang kilay ko. So ano palang gagawin niya? Walang ibang pwedeng magkontrol sa’kin kun’di ang nanay at tatay ko!
“Hindi na kita kailangang ikulong o pilitin, kusa kang susunod sa’kin.”
Iba rin ang taas ng level ng confidence ni loko. Ano ‘to? The Submissive Series?
Tinawanan ko siya at pagkatapos ay umiling ako at nanahimik na dahil malapit na kami sa bahay nila.
Nang ihinto niya ang kotse sa harap ng pinto nila ay dali dali siyang lumabas at umikot upang pagbuksan ako. Bumabawi ka ngayon ah...
Dumeretso ang dalawang kotseng kasunod namin sa parking lot sa likod at kita ko rin na sumunod sa kanila ang motor ko na minamaneho ng isa ring guard.
Binuksan ni Gael ang likurang pinto ng kotse at kinuha ang bag ko. Agad naman siyang tinakbo ng mga maids para tulungan ngunit tinanggihan niya.
Kinukuha ko ang bag ko sa kanya ngunit ayaw niya itong bitawan.
“Let me accompany you to your room.”
Inirapan ko siya at deretso nang umakyat sa third floor kung nasaan ang mga kuwarto.
Pagkarating ay itinakip ko ang katawan ko sa keypad unlock ng pintuan at itinype ang code ko.
“Baka pwede ko nang makuha ‘yung bag ko.”
Hinablot ko ang bag ko at deretsong pumasok sa loob at isinara ang pinto nang malakas upang maglikha sana ng eksenang ‘slamming the door’ kuno ngunit agad itong napigilan ni Gael.
“What?” mataray kong tanong sa kanya.
“Our taping will be at 2 PM. Please use the remaining time to rest. Lunch will be ready at 12.”
“Okay, thanks.” tinangka ko ulit isara ang pinto ngunit pinigilan niya ulit.
“Please give me a copy of your schedule.”
"Di ba sinabi ko na? ‘Di ako magpapahatid-sundo sa’yo. Hindi ako tulad ng ibang mga babaeng pinaglalaruan mo lang na mahihina. Hindi ako elementary o high school student na kailangan pang samahan palagi!” bakit ba binanggit ko pa ‘yung mga babae niya? Mukha tuloy alam ko na babaero siya. ‘Di mo na naman pinipreno bibig mo Deya!
“You’re not one of them. Kaya kita ihahatid-sundo because.. y-you’re different.” saad nito sa napakahinang boses na parang ayaw iparinig sa’kin pero narinig ko pa rin naman.
Anong sinasabi nito? Tss.. whatever.
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili, “Gael, sanay akong mag-isa parati. I’m a strong independent woman. Kahit pa artista ako at susundan ako ng mga tao, kaya ko silang i-handle. I’ve been living alone for many years already. Kaya ko na ang sarili ko.” saad ko nang dahan-dahan sa pinakamahinahong boses.
“So you’re strong and independent now? Where’s the Tita’s baby I’ve known before?” nakangising wika niya.
Huh? ‘Di ko na gets.
“Strong and independent as I always am. So please stop asking about my schedule and leave me alone now.”
Huminga siya nang malalim, “Okay, but expect that I’ll get a copy of it soon.”
“What do you mean?” ani ko kasabay ng pagpigil ko sa pinto sa ginawa kong tangkang pagsara nito.
“Even if you’re not disclosing it to me, I have a lot of ways to have it.” nakangiting sabi niya.
Powerful, huh? Sige, saang lupalop mo naman makukuha ang sched ko? Hindi naman ibibigay sa’yo ng registrar ‘yun dahil confidential file din ‘yun.
“Fine, then try to have it if you can.” mabilis kong sabi kasabay ng malakas na pagsara ko ng pinto. This time, hindi niya na ito pinigilan.
“Whooh! I’m tired!” asik ko sa sarili.
Nagbihis lang ako ng green silk terno pajama ko sabay talon sa kama.
Tumihaya ako’t tumitig sa kisame na may medieval carvings at silver mini chandelier.
Napaisip ako sa gustong paghahatid-sundo sa akin ni Gael. Bakit ‘di na lang pala niya ipagawa sa driver niya o guard ang gano’n? Hindi pa rin naman ako papayag pero mas may sense ‘yun kaysa gawin ng isang tulad niyang milyonaryo. Ang wirdo.
Pagod na talaga ako. Sinubukan kong ipikit ang mata ko at inasahang makakatulog agad pero hindi, pagod lang ako pero hindi ako dinadalaw ng antok.
Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang law school, ang gagawin ko sa taping, ang pagmamanman ko sa bahay na ‘to, ang pamilya ko sa probinsya, si Doi at si Kian, ang high school ko na hindi ko maalala, kung kailan ba ulit ako sasahod, arrgghh! Gusto ko muna talagang magpahinga. Pero natatakot ako, natatakot akong baka hindi magtagumpay ang mga plano ko. Dahil sa pagsasabay sabay ko ng mga bagay ay parang nagiging mahina ako sa lahat.
Bumangon ako. Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang libro ko sa Taxation at kumuha rin ng bond papers at ballpen para mag-notes na lang. Baka sakaling dalawin ako ng antok kung pagtutuunan ko ‘to ng atensyon, o kung hindi man ay at least naging productive ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Mula ulit ito sa unknown number na nag-te-text sa akin. Si Gael nga siguro ‘to malamang kaya’t bago tignan ang message ay sinave ko muna ang number sa contacts ko.
From: Gaelzky | 11:15
Stop studying. You must take a rest now.
Holy sh*t! Bakit alam niya ‘yung ginagawa ko rito?
Tumingin ako sa paligid lalo na sa kisame kung may CCTV ba o mga camerang naka-install dito sa loob ng kuwarto ngunit wala akong makita.
Kung meron mang hidden camera dito ay hindi ko talaga mapapatawad si Gael dahil dito ako nagbibihis at sumasayaw sayaw habang nagsa-sound trip. Idedemanda ko na talaga siya.
Kinuha ko ang phone ko at dali-daling nagtipa ng reply.
To: Gaelzky | 11:17
May hidden camera ba dito sa kuwarto?
From: Gaelzky | 11:18
Nope, I just know that you always study whenever you can’t sleep.
To: Gaelzky | 11:18
How do you know that I can’t sleep?
From: Gaelzky | 11:19
Because you’re again, always like that when something’s bothering you.
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit alam niyang may mga iniisip ako nang malalim ngayon pero hindi na lang. Baka kung saan pa umabot ang usapan namin.
To: Gaelzky | 11:20
But you’re sure that you don’t have cameras installed in this room, right?
From: Gaelzky | 11:20
I’m not a perve to do that. You don’t have to cite Privacy Act and Video Voyeurism, I know all of that by heart.
Nakahinga ako nang maluwag pero chini-check ko pa rin ang paligid dahil baka nagsisinungaling lang si Gael pero meron pala talagang hidden camera dito.
Imbis na makatulog ay lalo akong nagising. Bad trip ka talaga Gael! Ikaw may kasalanan ng lahat ng ‘to eh!
Mabilis kong itinabi ang libro, papers, at ballpen ko at nahiga sa kama. Niyakap ko ang isang unan sa tabi ko at nagtalukbong ng kumot.
Kaya ko ‘to, magpapanggap akong si super girl. Kailangan ko lang gumawa ng plan B in case na hindi tumalab ang mga gagawin ko ngayon.
Napadilat ako at naialis ang kumot sa pagkakatalukbong sa’kin nang biglang may kumatok sa pinto.
Bumangon ako’t agad itong binuksan.
Tumambad sa akin ang nakatayong si Helena hawak ang phone niya. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit at napansin ko ang laki ng eyebags niya at namumulang mata. Mukha siyang hindi natulog ng isang linggo.
“Uhm.. Napapunta ka rito Helen?” awkward na sabi ko sa kanya.
“Busy ka ba, Ate?” tanong naman nito habang nakangiti. Bakit parang ang creepy ng ngiti niya?
Gusto ko sanang magpahinga pero hindi ko naman pwedeng sabihin na ‘wag mo akong distorbohin Helena, nagpapahinga ako’. I will surely sound rude.
“Ahh.. Hindi naman. Bakit?”
“Lahat kasi sila alam na ang buong parte ng bahay namin. Ikaw na lang ang hindi. Tour sana kita dito kung okay lang. Magiging busy na kasi kayo masyado mula mamaya eh.”
Hay nako namaaan Helena! Ngayon pa talaga?
“O-O sige. Pwede naman.” sagot ko nang may ngiting aso.
“Yehey!” tatalon talon niyang saad habang pumapalakpak. Agad niya akong hinigit palabas ng kuwarto ko.
Bahala na kaming makita ni Gael. Ano naman kung ‘di ako magpapahinga eh kaunting oras na lang naman bago ang tanghalian?
Naalala kong sa taas ko pala nakita ang aswang at ang imbakan ng mga katawan. Gusto kong dalhin ako ni Helena doon.
“Helen, wait, para ‘di na tayo babalik sa mga higher floors, mag-umpisa na tayo sa taas since nasa 3rd floor naman na tayo. Anong meron sa 4th floor? Pwede mo ba ‘kong igala do’n?”
Huminto kami sa paglalakad. Tinignan niya ako at sumeryoso ang mukha niya.
Ang titig niya sa’kin ay kakaiba ngunit agad din itong napalitan ng napakalapad na ngiti.