Ika-anim na Kabanata

4999 Words
"Hanggang anong oras ba tayo dito? May lakad kasi kami ni Kian ng 3 PM." Hindi ko pa pala siya natatanong kung anong meron sa kanila nung Kian. "Kayo ba ni Kian?" deretsahang tanong ko na naging dahilan para mabulunan siya sa kinakain. Humigop siya sa strawberry shake niya. "Hmm. Hindi." "So ano kayo? Friends?" "H-Hindi rin." "What?!" "But we both know that we're special for each other." hindi makatinging saad niya. Kung wala lang kami sa restaurant ay binatukan ko na 'to. "No, Doi. You'll not do that to yourself, you'll not hurt yourself in any way." madiin kong sabi sa kanya. Muli siyang sumipsip sa straw ng shake niya. "N-Ngayon lang mangyayari sa'kin 'to, Deya." Ang sarap niyang sigawan pero nasa labas kami kaya hindi ko magawa, "Anong ngayon lang? Ano kayo? Magka-MU? F*ck buddies? Friends with benefits? Kailan ka pa pumasok sa ganyan? Akala ko ba wala tayong lihiman sa isa't isa?" pabulong kong asik sa kanya habang pinipigilang mapataas ang boses ko. "Bakit? Ikaw lang ba pwedeng gumawa ng gano'n?" "Anong sinasabi mo? Doi, ayoko na namang mag-away tayo. Pero bakit? Okay lang sa'kin na magka-boyfriend ka, pero 'yung walang label, ayokong pumasok ka sa ganyan." "Kung hindi mo pa rin naaalala, Kian was your suitor back in high school." parang naiiyak na sabi niya. "What?!" Si Kian? Manliligaw ko? "T-Teka lang. Anong kinalaman nito sa meron kayo ngayon ha?" "B-But he's mine now." "But he's not officially yours, Doi." Tumulo ang isang butil ng luha niya sa kanang mata na agad niya namang pinunasan. "No'ng high school, kami ang laging magkasama. Ako lagi ang pinagsasabihan niya ng mga problema niya at ako ang laging nandyan para sa kanya. Pero ikaw pa rin ang gusto niya noon kahit ni-re-reject mo siya." "So kuwento pala 'to ng 'You Belong With Me' ni Taylor Swift?" tatawa tawang wika ko. "I've never been serious like this, Deya." nagmamaktol niya namang sagot. Humagalpak ako sa pagtawa. Naiintindihan ko man ang nararamdaman ng kambal ko ngunit hindi ko maiwasang pagtawanan siya dahil sa kakaibang reaksyon niya na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. "Bakit 'di mo linawin sa kanya? Ba't 'di mo lagyan ng label?" seryosong tanong ko pagkatapos tumawa. "Natatakot ako." "Mas matakot ka kung tatagal pa 'yan at mas lalo kang masasaktan. Akala ko ba alam mo ang mga tamang desisyon na gagawin?" "P-Pa'no kung.. pa'no kung ikaw pa rin pala ang gusto ni Kian?" "Isasaksak ko siya sa baga mo." "Seryoso ako, Deya." "Ang tanga naman niya kung gano'n. Eh magkamukha lang tayo. Kung hindi gusto ng isang mukha, edi yung isa pang mukha naman. Gano'n lang 'yun kasimple. Pero para malaman mo ang totoo, tanungin mo siya." Napayuko si Doi. Isinalaksak ko ang isang slice ng Hawaiian pizza sa nakatikom niyang bibig sabay tawa ulit. "Ano ba?! Nag-e-emote 'yung tao eh!" "Kausapin mo siya at i-open mo ang tungkol do'n. Kapag hindi mo 'yan ginawa, ako ang gagawa na may kasama pang uppercut para sa panggagamit niya sa'yo." "Sige, gagawin ko." Alam kong labas sa ilong ang sinabi ni Doi. Alam kong nagsisinungaling siya, 'di niya 'yan gagawin. "Bakit 'di mo ako gayahin? Isang linggo lang kung mag-move on." payabang na wika ko sabay kagat ng isang slice ng Spinach pizza. "Isang linggo lang nakaka-move on ka na, maliban kay Gael 'diba?" naka-smirk na sagot niya. "Sabihin mo nga Doi, who's Gael for me?" "I don't know." kibit-balikat niya sabay lamon naman ng Lasagna. "Sabihin mo ang nalalaman mo. Bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya?" "Hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang 'yun lang ang lalaking iniyakan mo." Hindi na ako nagtanong pa. Ayoko nang malaman kung ano man ang nakaraang 'yun. May dahilan kung bakit hindi ko na naaalala ang parteng 'yun at mukhang dapat pa yata akong magpasalamat. ~~~ ~~~ ~~~ Naalimpungatan ako galing sa mahimbing na pagkakatulog. Napatingin ako sa orasan.. ala-una ng madaling araw. Ito ang unang gabi kong natulog sa bahay ni Gael. Kahapon kasi ay sa apartment pa ni Doi ako natulog dahil weekend at wala siyang pasok sa trabaho. May narinig akong kumakaluskos galing sa labas ng kuwarto. Pambihira naman oh! Ang ganda ganda ng kuwarto, 'di pala sound proof. Parang may naglalakad.. o mas tamang i-describe na parang may gumagapang sa kahoy na pader sa corridor. Kinuha ko sa backpack ko ang langis na nakalagay sa isang maliit na bote at gano'n na lang ang talon ng t***k ng puso ko nang makitang kumukulo ito. Grabe ang pagkulo na tila ba napakalapit ng isang aswang sa kinaroroonan ko. Hindi ko nilalabas ang langis na ito dahil mahahalata ng mga taong minamanmanan ko ang tunay kong motibo. Sh*t naman. Itataon pa na gusto kong matulog nang payapa. Inilabas ko ang isang punyal mula ulit sa backpack. Inalis ko ang makapal na kumot na nakatabon sa paa ko at aktong bababa na sana sa kama pero huminto ako. Naisip kong hindi ako dapat sumugod ngayon. Nag-iisa lang ako at hindi ko alam kung gaano sila karami. Kailangan ko munang magplano. At least alam ko na ngayon na meron nga talagang aswang dito sa mansyon na 'to. Nagitla ako nang may marinig na sigaw ng isang babae galing sa labas. Hindi naman mismong galing sa corridor ang sigaw pero mula sa isang kuwarto o parte ng bahay na medyo may kalayuan sa kuwarto ko. Kung may binibiktima sila ngayon, hindi naman ako pwedeng matulog na lang dito at hayaang mamatay ang taong 'yun. Bumaba na ako ng kama. Nagbulsa ako ng ilang salt at garlic shots. Dinala ko ang punyal at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Walang tao, walang kahit ano sa corridor. Tahimik na at tanging mga kulay dilaw na ilaw lang ang makikita. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kuwarto ko at marahang naglakad papunta sa hagdan. Dalawa ang hagdan, pataas at pababa. Hindi pa ako nakakarating sa taas nito at malakas ang pakiramdam ko na kung may gagawin man silang masama ay dito nila 'yun isasagawa. Tinungo ko na ang hagdan pataas. Sa bawat hakbang ko ay excitement ang sinisigaw ng puso ko. Matagal na akong 'di nakakakita ng aswang, gusto kong makakita ngayong gabi. Nang malapit na ako sa itaas ay idinungaw ko muna ang ulo ko sa floor nito. Madilim... Nag-usal ako ng ilang dasal at ilang saglit pa ay nag-adjust nang mabilis ang mata ko sa dilim. Ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang mga bagay rito sa taas. May mga saradong kuwarto na iba't iba ang anggulo ng pinto. Hindi ito tulad ng nasa baba na corridor style. Kalat kalat ang mga kuwarto dito at mukhang intended na magkaroon nang mas malawak na space sa labas ng mga kuwarto. Nahagip ng mata ko ang isang kuwartong may bukas na pinto. Kaunti lang ang siwang ng pagkakabukas nito pero tila ba may kung anong gumagalaw sa loob. Tuluyan ko na ngang inakyat ang 4th floor. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang parang cabinet nang makitang bumubukas nang malaki ang pinto. Sumilip ako mula rito at natanaw ang aswang na nasa labas na ng kuwarto. Pinigilan ko ang paghinga para hindi niya marinig. Napakatalas kasi ng pandinig nila pati na rin ng pang-amoy. Kung maaamoy niya man ako ay nakahanda na akong patayin siya. Dahan dahang gumapang ang halimaw sa paligid ng kuwarto. Tila alam niya na may madidistorbo sa baba kung hindi siya mag-iingat sa paggapang. Inilibot nito ang tingin niya sa paligid at mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa kinatataguan upang hindi mahagip ng mata niya. Ilang saglit pa ay lumiko ito papunta sa malaking bintanang nakabukas at agad na tumalon palabas. Sa'n ka pupunta ngayon? Mabilis din akong nagtungo't sumilip sa bintana ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang wala akong makitang aswang sa baba. Imposible siyang makawala nang gano'n kabilis sa paningin ko dahil wala namang bubong o kahit anong bagay na pwedeng humarang sa daraanan niya para hindi ko makita. Malawak na ground lang ito na kitang kita ang lahat ng nasa baba. Tinignan ko ang itaas ng labas pati na ang magkabilang gilid nito ngunit bigo talaga akong makita ang aswang. Baka sa bubong ito dumaan... Pinigilan ko ang sariling magpunta sa labas para sundan siya. Nasa teritoryo nila ako kaya't mahihirapan ako. Ibinalik ko ang atensyon sa buong floor. Kakalap na lang ako ng maaaring mahalagang bagay dito. Dahan-dahan akong nagpunta sa pinanggalingang kuwarto ng aswang. Nakabukas pa rin ito. Halos masuka ako sa lansa ng amoy na sumalubong sa akin. Amoy dugo at parang nabubulok na karne. Madilim sa kuwarto ngunit hindi ko na binuksan ang ilaw at sa halip ay patuloy na ginamit na lang ang night vision na ipinagkaloob sa akin. Malawak ang room at may mga drawers, cabinets, at hanging built-in shelves na may glass cover. Gawa sa tiles ang sahig nito. May mga steel tables din na nanlilimahid sa parang malapot na liquid. Nilapitan ko ang isa sa mga steel tables at nang pakatitigan ko ang liquid ay nakompirma kong dugo nga ito ng tao. Sunod kong tinignan ang mga shelves na natatakpan nga lang ng salamin. Hindi na ako hinintakutan nang makita ang mga parte ng katawan ng tao na animo'y naka-display sa estante. Binuksan ko ang isang steel cabinet at ang narito naman ay mga pugot na ulo ng mga tao na sa malamang ay pagmamay-ari ng mga katawan kanina. Ang karamihan sa mga ulo ay nakapikit at nakanganga. Nakuha ng isang ulo ang atensyon ko dahil nakadilat ito. Tila ba ito ay nakatingin sa'kin. Pinakatitigan kong maigi ang ulo at napaatras ako nang makilala kung sino ang nagmamay-ari nito. Siya ang babaeng nawawala na nakita ko sa f*******: post ni Doc Cris. Sa malamang ay wala pang nakakaalam kung nasaan ang babaeng ito at hindi na nila malalaman kung saan ba ito napunta. Hindi ko maalis ang tingin sa mata nitong nakadilat. Para itong takot na takot, nagmamakaawa, at nanghihingi ng tulong sa akin. Hindi ako nakagalaw nang may kung sinong galing sa likuran ko na tumakip ng panyo sa ilong at bibig ko. Nalintikan na... Hindi muna ako huminga at sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakatakip sa'kin pati na ang braso niyang nakapulupot ngunit bigo ako. Kung hindi ako makakatakas sa kanya ay katapusan ko na. Dahil nakita ko na ang pinaglalagakan ng mga bangkay at nalaman ko na ang sikreto nila ay hindi na nila ako bubuhayin pa. Kulang ako sa hininga dahil kanina ay pinipigilan kong maamoy ang nakasusulasok na lansa ng kuwarto, kaya't wala na akong napamilian kundi ang huminga sa panyong itinatakip niya, na natitiyak kong may kemikal na pampahilo. Naramdaman ko ang unti unting pag-ikot ng paningin ko. Ang pakiramdam ay parang pinipiga ang ulo mo hanggang sa mapisat. Nanlupaypay na ang buong katawan ko at naramdaman kong binuhat ako ng isang lalaking hindi ko na maaninag ang mukha dahil sa nanlalabo kong paningin. Mukhang tuluyan na akong natalo ng pagiging agresibo ko... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... ... "Deya?" "Deya, ayos ka lang?" Naririnig ko ang mga pagtawag sa pangalan ko ngunit nanlalabo ang paningin ko kaya't hindi ko sila magawang lingunin. Sinubukan ko pang idilat ang mga mata ko nang mas maigi at hinintay na matapos ang pakiramdam na umiikot ang ulo ko. Iniangat ko ang ulo ko at itinukod ang siko para bumangon sa kama ang kalahati ng katawan ko. "Hey.. Are you alright?" bungad na tanong sa akin ni Kyle habang hinihimas pa ang kaliwang pisngi ko. "B-Bakit?" Nasa kuwarto ko pa rin ako. Nakapalibot ang mga kapwa ko artista sa akin at ang dalawang kapatid ni Gael na sina Helena at Gab. Pansin ko namang wala si Gael dito. "Is it normal to sleep for almost 20 hours?" tanong naman ni Gianna. "A-Ano bang nangyari?" "Deya, alas-kuwatro na ng hapon. Mula sa pagtulog mo kagabi, ngayon ka lang nagising." saad naman ni Hiro. "Sinusubukan ka naming gisingin kaninang umaga pero kahit anong gawin namin sa'yo, hindi ka pa rin nagigising. Akala namin kung ano nang nangyari sa'yo, Ate." nag-aalalang wika ni Helena. "How do you feel right now?" tanong ni Brie na nakahalukipkip habang nakasandal sa cabinet. "M-My head hurts." "Sino ba namang 'di sasakit ang ulo sa pagtulog ng gano'n katagal? Gosh! Pinag-alala mo kami, Deya!" nandidilat na sabi ni Shantalle. Napahawak ako sa ulo ko. Ano nga bang nangyari't sobra sobra naman ang haba ng tulog ko? "At least she woke up already. Maybe she needs some recovery time. Cancelled naman ang taping so we don't have to worry anymore." sabi ni Kyle. Isa isa silang nag-alisan sa kuwarto ko. Inalalayan naman ako ni Kyle na makatayo sa kama. "I'm fine. Thanks." saad ko habang dahan-dahang inaalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Naramdaman ko ang matinding gutom sa tiyan ko. Kung alas-kuwatro na ngayon, nalipasan na ako ng almusal, tanghalian, at meryenda. Si Kyle ang nagsara ng pinto ng kuwarto nang makalabas na kami, "I know you're hungry. Let's go to the ground floor." Tango lang ang naisagot ko. Nang makababa kami sa ground floor ay naramdaman ko bigla na parang maiihi ako kaya't nagpaalam muna ako kay Kyle na mag-c-cr lang. Pumasok ako sa mala-mall na restroom for girls. Matapos umihi ay naghugas ako ng kamay sa sink at napatingin sa salamin. Napaatras ako nang makita ang isang nakasabit na ulo ng babaeng duguan sa repleksyon. Sa pagkurap ko ay agad itong nawala. Napahilamos ako ng tubig sa mukha ko. Tumingin akong muli sa salamin at wala nang nakita pang iba liban sa sarili ko. Sa ilang pagkurap ko ay naalala ko ang nangyari kagabi. Naalala ko ang 'di sinadyang pagkagising ko ng madaling araw at ang lahat ng mga sumunod na pangyayari. Panaginip ko lang ba 'yun o totoo ang lahat? Alam kong totoo 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero bakit binuhay pa nila ako? Bakit hindi na lang nila ako sinama sa mga hati-hating katawan na gagawin nilang pulutan? Huminga ako nang malalim nang paulit-ulit. Dapat akong mag-relax. Dapat hindi nila mahalatang naalala ko ang mga nakita ko. Dapat ay magmukhang wala pa rin akong alam sa sikreto ng pamilya ni Gael. Kalmado akong lumabas ng restroom at inilibot ang paningin sa dining area. Nakaupo doon sina Kyle, Gael, at Heather. Kumakain sila ng kung anong mamahaling pagkain na bihira ko lang makita kaya't hindi ko kilala. "Deya, come on here." pagtawag sa akin ni Kyle habang tinatapik ang katabi niyang upuan. Nakangiti akong umupo sa tabi nito. Imbis na makikain sa kung anong nilalantakan nila ngayon ay kumuha na lang ako ng tinapay na nasa mesa at nagpalaman ng peanut butter. "H-How's your.. first night sleeping in our home?" tanong ni Gael na nagpatigil sa akin sa pagkagat sa tinapay. Nahalata ko sa mukha nito ang nerbyos at nakakatawang panoorin ang reaksyon nitong abang na abang sa anumang sasabihin ko. Kita ko namang umikot ang mata ni Heather sa Kuya niya. Tumingin ako nang matalim kay Gael at nag-smirk. "Everything's fine.. It's just that..." Huminto ako at tinignan ang mukha niya na hanggang ngayon ay nakanganga sa pag-aabang ng sasabihin ko. "I just had a nightmare.. a super scary nightmare. That when I woke up after, I found it hard to sleep again." Kita ko ang pagluwag ng hininga nito ngunit patuloy akong tinignan upang makasigurado kung totoo ba ang sinasabi ko. "Ayun siguro ang dahilan kung bakit super late akong nagising, and I'm sorry for that.. para tuloy akong literal na palamunin sa bahay n'yo." Iniwasan niya akong muli ng tingin at tumango, "Well then, don't forget to pray before you sleep tonight. So you won't get into nightmares again." Muntik na akong matawa pero buti na lang at napigilan ko. Ang isang aswang ay iniengganyo akong manalangin. How ironic... "I always do that before I sleep, but thanks anyway." Nanahimik ang lahat at kumain na lang. Mabilis kong natapos ang tatlong magkakapatong na bread loaf with peanut butter. Tinignan ako ni Kyle at naiiling na natawa ito sa'kin. "Bakit?" tanong ko sa kanya bago uminom ng iced tea. "You have a grinder mouth. You finished the loaf in just a minute." "Ah sorry, sanay lang ako kumain nang mabilis para 'di ma-late sa school." "No, I actually find it cute." Hehe.. enebe... "Silly." "I think you should eat more." "Okay na 'ko." Kumuha si Kyle ng pinggan at sumandok ng kanin. Pagkatapos ay nilagay niya ang parang karneng luto at nilagyan ng sauce ang ibabaw ng karne. "This is Iberico ham, made from pure breed Black Iberian pigs from Spain. You should have a taste." "All the way from Spain?" "Yup." Kinilatis ko ulit ito upang masiguradong hindi ito karne ng tao. Napalunok ako nang maalala rito ang mga pira-pirasong parte ng katawan ng tao na nakita ko kagabi. Nang masiguradong totoong pork ito ay sinamahan ko ito ng kanin at sumubo ng isa. "Hmm.. sarap ngaaaa!" saad ko sa pagitan ng pagnguya at paglunok. "See? You should eat more. You're really thin." naka-smile na saad niya. Wala pang tatlong minuto ay naubos ko na ang kaunting kanin na nilagay ni Kyle sa pinggan. Nagulat ako nang bigla niya ulit itong lagyan ng kanin. "You are not suppose to ruin her shape." Pareho kaming napalingon ni Kyle kay Gael na matalim ang tingin sa amin. "She haven't eaten her breakfast and lunch, so she must eat a lot now." "That causes even more fats to accumulate. She's an actress, she should control what she eats." "A one-time-one-day meal will not cause that much, dude." "What if she get used to it?" "Then so be it. If a woman is pretty, she'll still be pretty even if she changes body shape." "I know, but only if she's popular already! You're not helping so stay away from her!" asik ni Gael. Huminto nang saglit si Kyle at kumunot ang noo, "What's your problem, bro?" sabi nito sa mahina ngunit madiing boses. Hinawakan ni Heather ang balikat ni Gael na nagpabalik sa wisyo nito. Yumuko ito nang saglit, pagkatapos ay nag-walk out sa dining area at iniwan ang pagkain nito sa mesa. Sumubo muna ng isa si Heather sa pagkain niya sabay sunod din sa pag-walk out ng Kuya niya. "Fre*kin' lame..." bulong ni Kyle. Nagkibit-balikat ako't kinain na lang ang ulam at kanin na nasa pinggan ko. "Deya." "Hmmm?" "Is Gael your ex-boyfriend?" Tumitig muna ako kay Kyle. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil hindi ko maalala. Pero bakit iba ang epekto sa'kin ng tanong na 'yun? May parte ng puso ko na kumikirot. Naging kami ba dati? Hindi? Siguro? Hindi ako sigurado. "N-No?" "Why does it seem like a question?" "I mean, no. I-I don't even know him before." Tumango lang siya at iniligpit ang pinagkainan niya. Nang matapos din ako ay dinala ko rin ang pinggan ko at sinundan siya papuntang sink. Ilalapag ko na sana ang pinggang ginamit ko ngunit kinuha niya na 'yun at nilapag din sa ibabaw ng sink. Akala ko ay iiwanan niya na ang mga pinggan ngunit sinabunan at hinugasan niya pa ito kasama ng mga kutsara't tinidor. Marami namang maids dito pero naghugas pa talaga. Ang bait naman. Hinintay ko siyang matapos at sumandal sa pader na katabi ng sink. Nang matapos ay nagpunas siya ng kamay sa refrigerator towel. "Bakit mo naitanong?" Sumandal naman ito sa sink nang marinig ang tanong ko. "Wala. 'Wag mo nang intindihin 'yun. Baka.. masyado lang akong nag-iisip." "Na-cancel ba ang taping dahil sa'kin?" Lumapit siya sa'kin, "Not because of you, but because of what happened to you a while ago." "Edi gano'n na rin 'yun." "Don't blame yourself, it's obviously not your fault. Ayos lang naman kay Direk. Hindi naman malulugi ang productions sa isang araw na postponed shoot." Ngumiti ako. "Hoy! Anong ginagawa n'yo diyan? Nagsasarili kayo ng mundo ah!" Medyo nagulat ako sa pagbulyaw ni Shantalle mula sa likod ko. Nakasandal siya sa pader na entrada ng kusina. Lumapit siya sa amin, "Kayo ah.. Mamaya na kayo maglambingan. Tara sa kubo!" saad niya sabay hila sa kamay ko palabas. Nagpahila ako kay Shantalle hanggang makalabas ng bahay. Ramdam ko naman na sumusunod si Kyle sa amin sa paglakad. Nang nasa labas na ay kita ko ang ulap na pinaghalong kulay kahel at lilac. Paborito kong parte ng araw ang paglubog nito hanggang gabi. Ang lamig ng simoy ng hangin at kapayapaan sa pakiramdam ang dahilan kung bakit gustong gusto ko ng takip-silim at gabi, 'di tulad kapag umaga na damang dama mong may trabaho ka at masyadong busy ang mga tao sa paligid. Dumaan kami sa isang pilapil sa gitna ng malawak na taniman. Halos tumatakbo na si Shantalle habang hila hila ako at medyo kinakabahan ako sa ginagawa niya dahil baka madapa siya at masama akong mahulog. Basa pa naman ang taniman na babagsakan namin kung sakali, pero sa nakikita ko ay mukhang sanay na siyang tumakbo dito. Tanaw ko sa 'di kalayuan ang malaking kubo na nakita ko noong unang araw ng pagpunta ko sa bahay ni Gael. Mukhang ito yata ang tambayan nila lagi tuwing free time. Nang marating namin ay hindi na makitid ang tinatapakan ko sa wakas. Ang kubo palang ito ay walang dingding. May mababang harang lang ito sa bawat gilid at gawa sa kawayan ang sahig. May kulay dilaw na ilaw lang sa gitna na nagbibigay liwanag sa loob nito. Nakasalampak sa sahig at nakapaikot sina Gianna, Helena, Brie, at Hiro, samantalang nakatayo't nakatalikod naman si Gael. Nakatukod ang magkabilang siko nito sa haligi at nakatanaw sa labas. May mga junk foods at crackers na nakakalat sa paligid at lahat ay hindi pa nabubuksan "Ayan! Kumpleto na tayo!" sigaw ni Brie. "Si Heather? 'Di n'yo isasali?" tanong ni Hiro. Tila nagkatinginan ang mga babae na para bang nag-uusap gamit lamang ang mga mata, pagkatapos ay tumingin ang lahat kay Helena. Napalunok naman si Helena, "Okay lang 'yun, pupunta na lang 'yun dito kung gusto niya. Sige na game na!" Pansin ko ang pagbalewala nila kay Heather. Mukhang hindi lang yata ako ang nakakaramdam ng kakaiba sa babaeng 'yun. "Teka, ano bang gagawin n'yo?" singit ko. "Truth or dare." ani Gianna habang hawak hawak ang isang babasaging bote ng G.S.M. Blue na walang laman. Naglapag si Brie ng kahoy na tabla upang maging flat ang paglalapagan ng bote bago ito ilagay ni Gianna sa gitna. "Dito tayo lahat guys!" -Helena. Ayokong sumali, sa dami ng pwedeng trip, truth or dare pa. Ang korni, "Go, dito lang ako, panonoorin ko lang kayo." "No. Kapag nandito ka, hindi ka pwedeng maging k.j.." saad ni Shantalle. "Nakakatampo ka naman, Ate Deya." nakangusong wika ni Helena. "I don't wanna join too." Napalingon lahat kay Gael nang magsalita ito. Tumalbog sa pagkakaupo si Helena, "Tinatanong ka ba namin Kuya? Charot!" "Uyyy.. gaya gaya, ayaw rin sumali..." pang-aasar ni Hiro na ikinataas ng isang kilay ni Gael. "Fine, let's just do this without them." -Gianna "Hindi! 'Di tayo maglalaro kung hindi kasali lahat!" parang batang asik ni Hiro. Tinanguan ako ni Kyle, sign na gusto niya akong sumali. "O sige na. Sasali na 'ko." saad ko at nakiupo na kasama ng karamihan. Sumunod naman ding nakiupo si Kyle sa tabi ko. "Yown!" Nakangiting tumayo si Hiro at inakbayan si Gael. Hinatak niya ito papunta sa bilog na binuo namin sa gitna. Hindi naman pumalag si Gael at naupo na rin kasama namin. Nagdidiwang na pinaikot ni Gianna ang bote sa gitna namin. Nanahimik sila habang pinapanood itong umikot at ilang saglit pa ay huminto ito na itinuturo si Hiro. "Truth or dare?" maangas na tanong ni Gianna. Napakamot ng ulo si Hiro habang nakabusangot. "Truth." "Have you ever dated someone else behind Brie's back?" "N-Never! My faithfulness is for my one and only Brie!" "Talagaaaaa?" nakangiti at nakaikot ang matang wika ni Brie. "Even before when you're not in showbiz yet?" tanong ulit ni Gianna. "Teka, ba't may follow up question? Sinagot ko na ah!" "Bakit masama ba? Guilty ka 'no?" hirit naman ni Shantalle. "Bro, tulong.. pinagtutulungan nila 'ko..." naiiyak na sabi ni Hiro habang nakatingin kay Gael. Tinawanan lang ni Gael si Hiro. "Basta 'yun ang totoo. Wala akong ibang dinate bukod kay Brie mula no'ng naging kami." "Okay, we got a good boy right here." saad ni Kyle habang tumatawa rin. Iritang iniikot na ni Hiro ang bote para sa susunod na tatanungin. Tumuro naman ito kay Helena. "Dare!" "I dare you to go home." Natawa naman ang karamihan sa sinabing 'yun ni Gael. Kita naman ang pagnguso ni Helena, "That's invalid! Kuya Hiro should be the one to command me the dare!" Nang humupa ang tawanan ay nagsalita na si Hiro, "I dare you to tell us your biggest secret." Natahimik si Helena at naging blangko ang mukha. Tumahimik din ang lahat sa paghihintay ng sagot niya ngunit tila ba hindi na maganda ang timpla ng mukha niya. "Helen? Huy!" pagkuha ni Brie sa atensyon ni Helena. Tila nawalan ng dugo ang mukha ni Helena at nanatiling tikom ang bibig nito. "Nako nako Gael. Mukhang malala ang sikreto nito ah? Need mo yatang i-counsel?" wika ni Shantalle na nagbubukas ng isang balot ng crackers. "Di ba dapat sa truth 'yun at hindi sa dare?" wika ni Gael. "Eh 'yun 'yung dare ko sa kanya eh." "Then change it." Nagulat naman ang lahat kay Gael. Parang 'yun lang naman ipapabago pa? "Madaya! Walang gano'n!" angal ni Gianna. Tinitigan ko si Helena at nakatulala pa rin ito. Mukhang nakaka-trauma ang pinakamalaking sikreto nito sa buhay na sa sobrang grabe ay nawawala siya sa diwa sa pag-alala lang no'n. "Bro, walang kapatid kapatid dito. That's just a simple dare." sabat naman ni Kyle sa slang niyang pagsasalita. "This is for fun, right? Then it's not amusing anymore." Pansin ko ang galit sa mata ni Gael dahil sa isang dare na kung tutuusin ay pwede namang pagsinungalingan na lang ni Helena ang sasabihing sikreto. Pero mukhang sadyang malalim ang totoong sikreto niya kaya't sa sarili niya mismo ay hindi niya magawang magsinungaling. Tinignan ko si Hiro. "Baguhin mo ang dare." saad ko nang magtama ang mata naming dalawa. "What?" -Shantalle "B-Bakit ko babag--" "Ang sabi ko, baguhin mo." madiin kong sabi na nagdulot ng pagkagulat at kaunting takot sa mga kasama ko. "O-Okay, heto na nga. Babaguhin na." Natahimik ang mga nasa bilog at nag-antay na lamang sa muling pagsasalita ni Hiro. Medyo nahimasmasan naman si Helena at napatingin sa akin na hindi ko mabasa ang reaksyon kung nagtatanong ba o natatakot. "I dare you to show a picture of your boyfriend." Tumingin muna si Helena sa Kuya niya bago sumagot, "W-Wala akong boyfriend." Halata kong nagsisinungaling siya sa isinagot niya. "How about a crush or someone you like?" singit ko. "Dali naaaa." pamimilit ni Shantalle na sinundan na ng panunukso ng iba. "Okay, but not the whole face." "O sige sige, pwede na 'yan. Makikilala ko rin 'yan." sambit ni Hiro na sinusuntok suntok nang pabiro si Gael. Tumingin muna si Helena kay Kyle bago nagbukas ng iPhone. Ilang saglit pa ay itinaas niya ang phone habang nakalagay sa screen nito ang picture ng isang lalaki na nakayuko pa at may harang na kamay sa buong mukha, halos buhok nga lang ang kita dito. Nagsilapitan naman ang mga ulo naming lahat sa screen para makita ito nang malapitan. Kataka-takang parang kilala ko ang lalaking nasa picture kahit hindi buo ang mukha nito. "Luh! Wala ka bang ibang picture na kita kahit man lang 'yung kalahati ng mukha?" singhal ni Brie. "Edi nakilala na nating lahat kung gano'n." saad naman ni Shantalle. "Do we know him?" tanong ko na halatang ikinamutla ulit ni Helena. "No. He's n-not in showbiz." Pansin ko ang maiging pagtitig ni Gael sa picture ng lalaki. Pinipilit niya siguro itong kilalanin dahil nararamdaman niya rin na hindi lang infatuation ang meron sa kapatid niya at sa lalaking ito. Nahahalata niya rin sigurong nagsisinungaling ang kapatid. Ibinaba na ni Helena ang phone niya at itinago ulit sa bulsa. Dinamba na nito ang bote sa gitna at sabik na sabik na inikot ito. Itinuro ng bote si Gael na siyang ikinapalakpak ni Gianna. Mukhang excited ang bruha sa mga revelations basta tungkol kay Gael. "Truth." walang reaksyong saad ni Gael. Ngumisi si Helena bago nagsalita, "What's your message to the girl whom you fell in love with?" Tumitig nang walang emosyon si Gael sa kapatid. Humiyaw naman si Hiro at nakipag-apir kay Helena. "Ano na Gael? 'Wag mong sabihing gusto mong baguhin ang tanong!" hirit ni Brie. "To her..." Nanahimik ang lahat sa pag-aabang ng kasunod na sasabihin ni Gael. "...I'm sorry..." "...I'm sorry if I didn't realize how special you are for me..." Naninikip ang dibdib ko. Yumuko ako't pinanatili ang paningin sa sahig. "...I've hurt you. I swear, I want to punish myself for doing those things. I-I always want to make it up for you..." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Bakit may kumukurot sa puso ko? Bakit ako nalulungkot para kay Gael o para sa taong pinatutungkulan niya? "...I miss you, I miss you so much. Sana may pagkakataon pa 'kong mabago ang lahat ngayon. Sana gano'n pa rin ang nararamdaman mo para sa'kin." "Awwww!" sabay sabay na reaksyon ng lahat maliban sa'kin. Sa pag-angat ko ng ulo ay tinignan ko si Gael na nakatingin pala sa'kin. Agad niyang iniwas ang tingin niya at bumaling sa ibang direksyon. "Mystery girl reveal!" sigaw ni Shantalle "Not now." "Oh, i-re-reveal niya rin pero hindi pa ngayon. Antayin na lang natin." ngiting ngiti na saad ni Hiro. Binatukan ni Gael si Hiro bago niya ipinaikot muli ang bote. Dahan dahang huminto ito at eksaktong tumuro sa akin. Iniangat kong muli ang tingin ko papunta kay Gael na deretsong nakatutok na pala ang mga mata sa akin. Kapag dare kasi, baka hindi ko magustuhan ang iuutos niya. Kapag truth naman, pwede akong magsinungaling. “Truth.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD