Ika-walong Kabanata

4739 Words
"Sure, Ate! Punta muna tayo do'n." saad niya sabay hila ulit sa akin sa kabilang dereksyon naman para umakyat sa taas. Akala ko ay sa hagdan niya ako dadalhin ngunit pumunta siya sa isang sulok at nakita ko ang pinto ng elevator doon. Lintek na 'yan! May elevator pala 'to? Bakit 'di nila gaanong ginagamit? Pumindot siya sa 'up' button at agad din itong nagbukas. Pumasok kami at nalanghap ko ang amoy ng parang bagong biling gadget na kalalabas lang sa karton. Paglabas namin ay sa gilid lang ito ng pinagtaguan kong cabinet no'ng nagpunta ako rito. Binuksan niya ang ilaw. Napipinturahan pala ng pula ang buong paligid nito pati na ang sahig. Kahit paborito ko ang kulay pula ay kinikilabutan ako sa epekto ng kulay nito sa lahat ng dingding. Nagbibigay ito ng uncanny feeling at parang bumabaliktad ang sikmura ko. Sinadya ba nilang gawing pula ito upang hindi mahalata ang mga mantsa ng dugo? "Dati 'tong maid quarters. Kaso naging bodega na lang no'ng nag-decide sina mom and dad na i-separate ang quarters ng mga maids sa bahay." "With this bright red paint?" saad ko sa mukha kong parang nandidiri. Tumawa siya, "I don't know why they painted this red, but they said it energizes people, so the maids will be stimulated to work hard." "Okay." kunwaring sang-ayon ko. Naglakad pa ako at nagbusisi sa mga nakalagay na gamit sa labas ng mga kuwarto. May mga gamit ng baby tulad ng stroller, crib, at walker. May maliliit ding bike na pangbata at mga laruan na nasa loob ng mga boxes. Mukhang mga dating gamit ito ng magkakapatid no'ng mga bata pa sila. "Can we see what's inside the rooms?" nakangisi kong pakiusap sa kanya. "They're just dusty unused beds, but if you want to take a look, yes we can do that." Isa isa niyang binuksan ang mga kuwarto. Puro mga double-deck na kama lang ang nasa loob na may puting bed sheets. Lalong sumasakit ang ulo ko sa nakikita dahil mistula itong asylum na sa sobrang pagka-plain ay para kang mababaliw rin kapag natulog ka sa isa sa mga kuwarto rito. Inabangan ko ang pagbukas niya sa kuwarto na nadiskubre kong pinaglalagakan ng mga katawan. Ito ang kuwartong pinakahuli niyang binuksan dahil nasa pinakasulok ito. Sa pagbukas niya ng ilaw ay nagulat ako nang makita ang loob dahil 'di tulad no'ng una ko itong makita ay napakaaliwalas nito. Napipinturahan ng white ang lahat ng dingding. Narito pa rin ang mga built-in shelves, cabinets, at steel tables pero wala na ang mga dugo, pati na rin ang mga parte ng katawan. Kahina-hinala pa rin dahil sobrang linis nito at halatang bagong ayos kung ikukumpara sa lahat ng ibang rooms dito na maalikabok na at amoy luma. Hindi ako nagpahalatang paranoid ako at nagdahan dahan lang sa kilos ko na para bang ngayon ko lang nakita ang lahat. Unti unti kong pinagbubuksan ang mga wooden at steel cabinets. May mga gamit na pang-opera na halos makikita lang sa ospital at mga laboratory equipments ngunit malinis lang mga ito. Walang bakas. Nilingon ko si Helena at normal lang itong nakatingin sa akin. "So what room is this for?" "This is actually our abandoned laboratory." Abandoned, huh? "This belongs to my sister Heather. I remember when she's still in high school, I was in elementary that time, she always go here to make crazy experiments." "I see." "She wanted to be a scientist back then, but ended up being a doctor which is somehow related to what she really wanted." pagpapatuloy niya sabay hagikhik na tila natatawa sa Ate niya. "Oh! so she's a doctor?" "Yep." "Bakit nauna pa yatang matapos mag-aral sa graduate program si Heather kaysa kay Gael eh Kuya mo ang eldest?" Bumuntong-hininga siya, "Well, let's just say, Kuya went through a lot before." "I bet that's too personal so I won't mind if you won't share it." "No, I actually really want you to know about this." Kumunot ang noo ko. At bakit naman kailangan ko pang malaman? "When he graduated high school, he went away." "O-Okay?" Hinayaan ko na lang siyang magkuwento. "Dad and mom tried their best to stop him from moving on his own, but he insisted. Tumakas siya sa bahay at nagsarili ng buhay." The prodigal son pala ang peg. But why? "His friends said he was nowhere to be found, some said their seeing him in different places." That's weird. Mayaman na nga sila tapos magagawa niya pang magrebelde. "Our parents found him in an apartment somewhere in Bulacan and from that on, we've tried our best to get him back to his normal life. Dad enrolled him in College for him to continue his studies. But then, he became worse. He became a drunk lord, always coming home late and wasted. Later on, he turned into a womanizer, entering clubs nearby the university." "I just don't get it. Why would he do that?" "I also kept on asking that to our parents and Ate, but they're just saying that Kuya had his own reasons, which according to them, I don't need to know." Tumango tango ako upang ipahayag ang simpatya. Hindi ko man alam kung totoo ba talaga, nararamdaman kong sinsero si Helena sa paraan niya ng pagkukuwento. Pero hindi kaya.. nalaman niyang mula siya sa lahi ng mga aswang at hindi niya matanggap kaya nagpakalayo layo siya? "Good thing he changed. Maraming pumuri sa hitsura niya no'ng College siya kaya nagkaroon ng confidence mag-audition sa ADS.. Since then, he has been seriously engaged to his career and studies. 'Yun nga lang, hindi pa rin nawala ang pagiging lasinggero at babaero." dugtong niya sabay tawa. "Well, at least nai-save n'yo siya. Mahihirapan siya kung hindi, lalo na't mahirap mamuhay sa mundo ngayon." Lumabas ako ng kuwarto at sumunod naman siya. Isinara niya na ang pinto nito. Nagpunta siya sa elevator at nagpindot na ng button pababa. "How about you Helena? Anong course ang tini-take mo ngayon?" wika ko nang makapasok na kami sa elevator. "Accountancy, same with what Kuya took in undergrad." "D*mn, math wizards. I really hate math, Helena. You're blessed to stand seeing computations everyday." Natawa siya, "Sa law school din naman may math 'diba?" "Yup, and it fuddles me everytime. Mas malala pa makalasing kaysa gin eh." pareho kaming medyo natawa. Nagbukas na ang elevator sa 2nd floor. "This floor is for indoor recreational activities. You can go here if you want some leisure time." Ang sahig dito ay brown vinyl marley. Sobrang aliwalas ng paligid dahil sa puting pintura at modern nitong design. "Here's our gym." binuksan niya ang isang glass door at bumungad ang malawak na fitness studio na may mga equipments gaya ng dumbbell and barbell sets, training bench, pull-up frame and bars, treadmill, at marami pang iba. "This explains his chest and biceps..." bulong ko sa sarili. Tumawa si Helena. Mukhang narinig niya yata ang dapat sanang ako lang ang makakarinig. Sh*t! Mukha tuloy akong manyak! Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Aight. This is Kuya's everyday morning routine." Lumabas kami ng gym at tinahak ulit ang mahabang hallway. Binuksan niya naman ang katabi nitong kuwarto. "My favorite place in this house, the art room." Napanganga ako sa ganda ng loob ng room. Pastel green ang kulay ng walls at may mga abstract paintings at portraits na naka-display. May area din kung saan may easel stand na may nakalagay pang malaking canvas at sa tabi nito ay ang table kung nasaan ang mga paint brush at sari-saring art materials. "Whose work are these?" mangha kong tanong. "Mine." "All these?" "Most paintings are mine. But some were Ate's. May iilan ding paints si Ate Heather dito. Pero 90% ay sa'kin." nakangiti at proud niyang sabi. "Woah! You're a certified artist! You should sell one of your works!" "Thank you, but painting's just my hobby, my past time and stress reliever." Isa isa kong tinignan ang mga painting. Ang mga portraits ay mistulang picture lang ng tao dahil sa pagiging mukhang totoo. Napukaw ang atensyon ko ng isang painting sa dulo ng isang wall. Ang bandang gitna nito ay dalawang kamay na may hawak na ulo ng tao na halos maligo sa dugo. Ang nagsisilbing background ay mga ulo na iba't ibang reaksyon ng paghihirap at mga pira-pirasong parte ng katawan na halos balot din ng dugo. Ang mismong buong painting nga ay parang gawa rin sa tunay na dugo ng tao. Iniiwas ko ang tingin ko rito at kunwari'y tinignan ang ibang mga paintings. Napalunok ako. Tinignan ko si Helena na nakangiting lumilibot din ang paningin sa mga gawa niya. "T-Tara na sa ibang rooms?" saad ko. "Sure!" Sa mga katapat na rooms naman kami tumingin. Pinakita niya ang table tennis room, KTV bar, billard room, gaming room, at book stock room na mistulang malaking library. "Ito naman ang part na halos walang pumupunta." wika niya habang binubuksan ang pinakadulong kuwarto. "Wow!" halos pasigaw kong reaksyon nang makapasok sa loob. Tumambad ang napakalawak na room na may napakaraming musical instruments na halos lahat ay alam kong tugtugin. May acoustic at electric guitar, ukelele, violin, piano, drums, marimba, flute, saxophone, oboe, lyre, at marami pang iba. "This. is. cool! This will be my favorite place then." ngiting ngiting saad ko. "Nice!" Dali dali akong umupo sa grand piano at tumesting tumugtog. Tinipa ko ang chords ng Can't Help Falling In Love ni Elvis Presley. "Wise men say.. only fools rush in..." pagkanta ni Helena sa sintunado nitong boses. Pinigilan ko ang sarili na matawa sa pakikinig sa kanya. "But I can't help.. falling in love.. with you-- sorry, I really don't know how to sing." Nginitian ko lang siya. Alangang i-real talk ko kung gaano siya kasintunado? "Shall.. I stay.. would it be a sin... If I can't help.. falling in love.. with you..." dugtong ko. Itinigil ko na rin ang pag-pi-piano at natatawang tumayo. "Dang! That was the most beautiful voice I've ever heard in my life! Can you teach me how to do that?" No, darling. Kahit pa mag-enroll ka sa 1 year crash course ng voice lesson, kung 'di ka marunong, wala talaga. "Of course!" Ngumiti siya, "I don't know why Kuya put up this music room when no one in our family has a talent in music. Si Kuya lang talaga ang nag-insist na dapat may music room dito though even him has zero knowledge in music. Ni isang nota, 'di matatamaan ng kahit sino sa'min dito. Even in dancing, we can't even groove to the beat. Just look at Kuya's t****k videos dancing with his friends, he looks like a sh*tty lifeless potato." Tumawa naman ako, "Well, every individual has his or her own talent. If music is not for you, then there are hundreds of fields to be good at." Bumaba na kami sa ground floor. Tinignan ko ang oras sa relo ko, 4 minutes before 12 noon. Sakto lang, 'di naman siguro mahahalata ni Gael na 'di talaga ako nagpahinga. Sa living room ay nakaupo't nag-uusap sina Congressman Eliazar, Tita Jennifer, at Direk Lory. May wine drinks at mga prutas sa ibabaw ng nesting table sa harap nila. Nag-bow ako nang magsilingunan sila sa dereksyon namin ni Helena. Tumango naman sila bilang tugon at ipinagpatuloy na ang pag-uusap. "Let's go outside." sabi ni Helena sa mahina niyang boses. Sinundan ko siya palabas sa likuran ngunit napahinto kami nang makita sa isang sulok si Heather at ang isang babae. Pinakatitigan ko ang babae at nakilalang si Korrine pala ito, ang chinitang babaeng kasama ni Gael noon sa Galaxy Bar at nakita ko rin sa MOA seaside. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" halos pabulong na asik ni Heather kay Korrine. "Bakit ba? Ano bang problema mo?" sagot naman ni Korrine sa palaban ngunit mahina ring boses. "Sinabi ko na sa'yong 'wag na 'wag ka nang pupunta rito! Bakit ayaw mong sumunod?" nanlilisik ang matang saad ulit ni Heather. Walang sali-salitang hinila ako ni Helena papunta sa field upang maiwas sa nag-aaway na mga babae. Lumiko kami sa kaliwa at natanaw ko ang malaking tennis court. Nababakuran ito ng chainwire fencing. Pumasok kami sa loob, umakyat sa bleachers at naupo. "Sorry about what you've heard. Ate is always like that to every girl who dates Kuya." Tumango ako, "Sorry to ask this but do you know why?" Umiling siya at pumangalumbaba habang nakapatong ang mga siko sa hita. "Ate might be just overprotective with Kuya. Or maybe she's just really against with Kuya being a womanizer. Ako, I'm trying to be nice with girls na dinadala ni Kuya sa bahay." Nadama ko ang paghampas ng hangin sa gilid ko, dahilan para lumipad ang ilang buhok ko sa mukha ko. Hindi ko gets. Ang mga babaeng nakaka-date ni Gael ang mga biktima ng pang-aaswang. Bakit pinapaalis sila ni Heather? Ibig sabihin ba no'n ay ayaw niyang nabibiktima sila? Hindi ba kasali si Heather sa lahi ng mga aswang? O baka naman out of conscience ay ayaw niya ring mapakambiktima siya at binibigyan pa ng pagkakataong makaalis ang mga babae? ~~~ ~~~ ~~~ "Bianca, tama na 'yan. Lasing ka na." Nilagyan ko pa rin ng alak ang shot glass at mabilis itong tinungga. Dinala ko ang shot glass at bote ng alak at pasuray suray na lumakad sa gitna ng dance floor ng bar. "Huy Bianca! Madapa ka!" "Walang kuwenta ang mga lalaki! Sinong magsasabing hindi?" sigaw ko sa gitna habang itinataas ang bote ng alak. Muli kong nilagyan ang shot glass at tinungga ulit ito. Kahit sumusuray ay pinilit kong gumiling. Dinama ko ang sakit at hinayaang tumulo ang mga luha habang tumatawa. Sa hilo ay hindi ko na nakontrol ang sarili at tuluyan nang natumba, ngunit bago ko pa man maramdaman ang sahig ay may humawak sa magkabila kong braso kasabay ng pagsandal ko sa isang matipunong dibdib ng isang lalaki. Ang amoy niya.. Mint scent na hindi naman masyadong masculine pero napakabango. "Gawk-- a guy? Another worthless b-being.. D-Don't touch me..." naniningkit na saad ko sa kanya dahil sa nanlalabo kong paningin. "You need to go home." "Home? Do I have one?" tinawanan ko siya, "I treated him.. like my h-home.” Lalagyan ko pa sana ng alak ang shot glass nang agawin niya sa'kin ito at narinig ko ang pagkabasag sa sahig na ikinatili ng ilang tao sa paligid. Napasubsob ako sa dibdib niya. Hinigit naman ng braso niya ang bewang ko upang magkaroon ako ng suporta sa pagtayo. Ngayon ay napakalapit na ng mukha namin sa isa't isa. Wala nang isang pulgada ang pagitan ng mga labi namin at kung may tutulak man sa isa sa amin ay talagang maglalapat na. "Cut!" dinig kong sigaw ni Direk. Agad akong lumayo sa pagkakalapit namin ni Gael at pinunasan ang pisngi dahil sa luhang pinakawalan ko kanina. Inasahan ko na na magiging ganito kahirap umarte. Wala naman akong magagawa kun’di pilitin ang sarili hanggang sa magawa ko ang totoo kong pakay dito. “15 minute break!” sigaw ng isang crew. Kanina pa kami nasa shoot at nakailang eksena na rin kami. Nag-umpisa kami ng hapon at ngayon ay gabi na. Outdoor ang setting namin ngayon kaya damang dama ang paglipas ng araw. Umupo ako saglit sa tabi ni Shantalle. “You’re too good for a newbie.” Napalingon ako sa kanya nang bigla itong magsalita. Wala namang ibang newbie dito kun’di ako kaya walang duda na ako ang kinakausap niya. “T-Thanks.” “Keep up the good work.” ngumiti ito sa’kin sabay tayo at punta sa ibang grupo ng mga matatagal nang artista. Inilibot ko ang paningin ko at natanawan ang ibang mga cast na nakikipagkuwentuhan din sa mga extras. Nahagip ng mata ko si Gael dahil bagama’t nasa loob siya ng circle ng mga artistang nag-uusap ay nakatingin ito sa’kin. Agad naman itong nag-iwas ng tingin. Napansin ko namang ako lang ang tanging walang kasama sa lahat. Okay, so OP na ulit ako rito. Hinugot ko sa bag ko ang hoodie kong green at sinuot, isinaklob ko rin sa ulo ko ang hood upang hindi mapukol sa’kin ang atensyon ng ibang mga tao. Tumayo ako’t sa kabilang part ng building tumambay kung saan malayo sila. “Deya?” Sinipat ko ang pinagmumulan ng boses ng lalaki sa kaliwa ko. “Cris? H-Hi..” bati ko sa kanya na pinipilit itago ang gulat. “Small world. You’re here as well.” nakangisi nitong saad. “What brings you here?” “Just bought these.” itinaas niya ang hawak niyang mga plastik na parang mga handy tools na pangkumpuni ng gamit, “will be fixing my dog’s house tonight.” Nagtaka ako dahil sarado naman na ang mall dahil masyado nang malalim ang gabi, pero agad ko ring na-realize na may nag-iisa palang convenience store na bukas 24/7 dito. “It’s weird.” “Why?” “You have that manly physique and you’re a dog lover.” Tumawa siya, “What’s wrong with that? Is it gay for you to be a dog lover?” “No, just a bit strange. But that’s so nice of you taking care of dogs.” Lumapad ang ngiti niya, “By the way, masyado ka yatang busy para hindi mapansin ang mga chats ko sa’yo.” “Ow..” Dali dali kong binuksan ang phone ko at nagpunta ng messenger. Nakita ko nga na may mga unread chats ako, ‘di lang kay Cris kun’di pati na rin sa ibang mga kakilala ko. “Sorry.. pero totoong busy talaga ‘ko lately.” “And you’re here for?” Ano ba? Ano bang sasabihin ko? Na artista ako at nasa taping? ‘Di kaya sobrang magulat ‘to? “W-Work?” Sumilay ang pagtataka nito sa mukha. Ba’t kasi patanong na naman sagot mo Deya? “Yeah, here for a work related stuff hehe.” “Nadidistorbo yata kita.” “Ahh.. no. You’re good. Do you live near this mall?” “Yes, just actually a few blocks away.” “So I guess, I can drop by.” Nagulat ito at bumakas sa mukha ang medyo pagkaasiwa, “Of course, anytime when you’re free.” Syempre ‘di ko naman talaga ‘yun gagawin. Maliban na lang kung kailangan ko. Lol. Narinig ko ang sigaw ni Direk sa set. Ang ikli talaga ng 15 minutes grrrr! “Cris, sorry I have to go. See you around again!” nagmamadaling paalam ko. “O-Okay, bye. Take care.” “You too. I’ll reply to your chats later, or tomorrow maybe, but yeah.. I’ll make sure to respond.” “Thanks, bye.” Tumakbo ako papunta sa set ng taping. Medyo malapit lang ito sa tinambayan ko kaya kung susundan ako ni Cris ay malalaman niya nang artista ako, pero ‘wag naman sana. Well, malalaman niya rin naman kung papanoorin niya ako sa t.v. o sa sine pero ‘wag muna ngayon. Baka kasi mag-iba ang tingin niya sa’kin. Minsan mas okay na isa ka lang normal na tao sa paningin ng iba para malaman mo ang totoo nilang ugali. Pagdating ko ay nadatnan ko ang crew na nag-re-retouch ng make up ng ibang mga artista. “Hey! Where have you been?” bulyaw sa akin ni Sir Ricky. “Sorry po.” “Dali na, i-retouch na ‘yan!” muli niyang sigaw sa ibang makeup artists na dali dali namang humabol sa akin upang abutin ang mukha ko. Nadaanan ng mata ko ang ibang casts at nagtaka ako kung bakit may nakikiepal sa pag-aayos kay Gael. Si Korrine. Wala kanina ang babaeng ito buong maghapon pero biglang sumulpot ngayon. Inaayos niya ang kuwelyo ni Gael na kanina pa naman maayos. Naka-ponytail ito at nakasuot ng cream colored shirt at maong shorts na sa sobrang ikli ay halos litaw na ang singit. Seriously? Ito ba talaga ang girlfriend ni Gael? Pagkatapos ma-retouch ay nag-ipon ang mga cast na sinabayan ko na lang din. “Hi Deya!” kaartehan palang ng boses ay alam ko na kung sino. Hindi ko ugaling tiisin ang pagkabuwiset ko sa isang tao pero hindi ko rin magawang ilabas ito ngayon. Artista ako at may image na iniingatan. Isinuot ang pinaka-plastik ngunit pinakamukhang totoo ring ngiti, “Hello. Korrine, right?” Naka-smile din siyang tumango. Naaalala niya kaya na ako rin ang nakipagbugbugan sa bar at nagtaray sa kanya sa MOA? “Uy galingan n’yo ah? Ikaw muna bahala sa boyfriend ko. Basta ‘wag mo lang aagawin.” malambing ngunit sarkastikong saad niya. “Of course. Hindi ako gano’ng klase ng babae Korrine. Hindi ako mang-aagaw. At lalong ‘di rin ako pumapatol sa pinagdaanan na ng ibang babae.” sagot ko sa sobrang malambing at mahinhin kong boses ngunit mas lamang lang ang pagkasarkastiko. Nagkatinginan naman sina Hiro at Gael at nanatiling gulat ang pag-uusap ng mata nila sa isa’t isa. Kahit sina Shantalle at Gianna na panay ang basa sa script kanina pa ay napaangat ang mga ulo at napamulagat ang mga mata sa amin. Patuloy na isinuot ni Korrine ang plastik nitong ngiti, “Thank you naman kung gano’n.” “Guys, gear up!” Nagsialisan ang mga hindi naman kasali sa eksena nang sumigaw si Direk. Minadali na ng mga crew ang pag-aayos ng lights at setting, at pumwesto na ulit ang mga camera man. Pumwesto na ako at naghintay sa queue. Napangiti ako nang maisip ang susunod na eksena. “Rolling now.. action!” Sumayaw sayaw ako sa gitna ng kunwari ay dance floor hanggang sa may humawak sa braso ko na isang lalaki. Hinigit ako niya ako papalapit sa kanya. "Back off." kalmadong sabi ni Gael kasabay ng pagtulak sa lalaki upang lumayo sa akin. "Hoy! Bastos ka ah?" saad naman ng lalaki sabay suntok kunwari kay Gael. Gumanti si Gael na naging simula ng suntukan. Umakto namang natakot ang mga tao at nagtitili habang tumatakbo. Kunwari'y wala akong pakialam dahil sa kalasingan, naupo sa isang upuan, at pabagsak na umubob sa mesa. Sa pagtutok sa akin ng camera ay cut naman ang eksena ng dalawang nagsusuntukan upang lagyan ng pekeng pasa ang gilid ng bibig ni Gael. Sa pagpapatuloy ng eksena nila ay may mga bouncer na pumigil sa dalawang nagsusuntukan. Ramdam ko namang hinigit ni Gael ang braso ko at binuhat ako na parang bride sa kasal. Pinanatili ko ang walang malay na hitsura. Nakapikit man ay ramdam ko ang kamerang sumusunod sa amin ni Gael habang buhat niya ako at patungo sa kotse. Binuksan ni Gael ang front seat at isinakay ang walang malay na ako bago isara ang pinto. Madali naman siyang nakaikot at nakasakay sa driver's seat. Unti unti kong iminumulat kunwari ang mata habang umuungol din. Sinipat ko si Gael na nakatitig na sa akin na parte naman ng eksena. Nilingon ko na siya nang tuluyan at tinignan gamit ang namumungay na mata. "Where have you been?" tanong ko sa panlasing na boses sabay hila sa damit niya papalapit sa akin. Hindi naman kasama sa eksena ang pagnanasa ko sa amoy niya pero dinama ko na lang din upang lalong maging maganda ang kalalabasan. Ikinawit ko ang kaliwang braso ko sa batok niya dahilan upang mas lalo kaming magkalapit sa isa't isa. Alam kong anumang oras ay sisigaw na si Direk ng 'cut' kaya hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Tuluyan ko nang hinila si Gael kaya't naglapat na ang mga labi namin. Ramdam ko ang gulat niya dahil hindi ito kasali sa eksena, pero malahata man ito ng nanonood ay iisiping parte lang ito ng utos ng direktor. Bahagya ko lang na iginalaw ang mga labi ko at sinipat si Gael na nakapikit na rin. Nang sinimulan niyang igalaw ang mga labi niya ay dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko na hindi ko pa naramdaman sa lahat ng lalaking nahalikan ko na. Sh*t. Acting lang naman 'to. "Cut!" Bigla kong naitulak si Gael sa loob ng kotse at dali daling lumabas. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Lumingon ako sa kabilang parte ng sakop ng taping pero 'di pa pala tapos ang eksena naman nina Hiro, Gianna, at Shantalle. Kung sa camera titignan ay hindi mahahalatang sa iisang lugar lang shinoot dahil sa sobrang pagka-unique ng arrangement sa kabila. Ilang segundo lang ay natapos na rin ang eksena nila. Padaskol akong kumuha ng tubig mula sa mga nakaplastic na bote sa gilid at mabilisan itong ininom. Tinignan ko ang oras, mag-aalas-tres na nang madaling araw. "Pack up! I-chat ko sa GC ang start tomorrow!" anunsyo ni Direk. Mabilisang nagligpit ang mga crew sa set. Nagtipon na naman ulit ang mga artista. Ako lang yata ang nagliligpit ng mga gamit ko. Habang nagliligpit ay sumisipat ako kung nasaan si Gael. Niyayakap siya ni Korrine ngunit nakatingin siya sa direksyon ko. Napansin naman 'yun ni Korrine kung kaya't bahagya itong nainis at hinila ang boyfriend niya sa kung saan hindi ako kita. Hindi ko napigilang mapangisi. I bet hindi ipapaalam sa kanya ni Gael na hindi kasama sa eksena ang paghalik na ginawa ko. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay nagmamadali ko silang pinuntahan. "Hey.. May iba pa ba kayong pupuntahan?" Sabay na lumingon ang dalawa. "Not at this time--" "We're dropping by our house, right?" pagputol ni Korrine kay Gael. "But I need to drive her home." Nilingon naman ako ni Korrine at bahagyang tumaas ang kanang kilay nito. "Let your driver do that for Deya." "Korrine, I'm tired." "Sa'min ka na lang magpahinga." "You don't need to worry about me. I can call my twin sister to pick me up." singit ko sa kanila sabay talikod paalis. Bigla naman akong hinawakan ni Gael sa kamay at hinila. Hindi ako nagulat dahil doon, ang ikinagulat ko ay ang pag-iwan niya sa girlfriend niya. Kung ako kay Korrine, makikipag-break ako sa'yo Gael, may kasama pang malakas na batok na ikahihimatay mo. Nang makarating sa kotse niya ay sinusian niya ito gamit lang ang kaliwang kamay. Mahigpit niyang hawak sa kanan niya ang kamay ko na para bang tatakas ako kung bibitaw siya. Nang nabuksan na ang front seat ay tumingin muna ako sa kanya na sinasadyang ipabakas ang pagtataka sa mukha ko. "Get in, now." "Kailangan talagang sasakay ako habang hawak mo pa 'yung kamay ko?" Binitawan niya itong bigla at naiilang na yumuko. Nakangisi akong sumakay at hinintay na isara niya ang pinto at umikot sa driver's seat. "Iniwan mo ang girlfriend mo?" tanong ko nang makasakay na siya. "Korrine has body guards and a driver to send her home." Gusto ko pa sanang sabihin na, 'isn't it rude to leave your girlfriend for another girl without saying anything?' pero hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya at tumingin na lang sa daan. Hindi ko namalayan na nakauwi na kami dahil nakatulog ako sa biyahe. Naramdaman ko ang pagod nang magising sa tapik ni Gael sa pisngi ko. Nasa labas na siya ng kotse at nakaabang siya sa bukas na pinto ng front seat. Mabilis akong lumabas ng kotse at dinala ang bag ko na agad niya ring inagaw. Huwag niyang sabihing ihahatid niya ulit ako sa kuwarto ko? "Pagod ka na rin. Hindi naman mabigat 'yang bag ko kaya ako na lang ang magdadala niyan." "Yes, I'm tired. So I don't have energy to argue with you. Go to your room." maawtoridad niyang sabi. Tumalikod na ako at dumeretso sa elevator. Gagamit pa kasi ng hagdan eh may elevator naman pala. Bagama't nabigla siyang alam ko nang may elevator ay hindi na siya nagsalita at agad na sumunod sa akin. Sa pagdating namin sa kuwarto ko ay dali dali akong nag-type ng unlock code at kinuha sa kanya ang bag ko. Ngunit inilayo niya 'yon na tatanga tangang hinabol ko naman. Mabilis niyang inabante ang katawan niya papunta sa'kin at kinorner ako sa pader. Nakaharang ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ngunit hindi ko pinahalata ang pagkaasiwa. "Repeat it." Kumunot ang noo ko. Ha? Ano raw? "H-Ha?" Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang pinapaulit niya sa'kin. Ubod nang lakas ko siyang tinulak at mabilisang hinila ang bag ko. Patakbo akong pumasok sa kuwarto at ini-lock agad ang pinto. Ibinato ko naman ang bag ko sa kama. "Repeat your face! Arrggh!" pabulong kong asik habang nakasandal sa pinto at inihihilamos ang kamay sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD