Ika-labing Dalawa

4997 Words
“AAAAAACCK! Excited na ‘ko!” sigaw ni Shantalle sabay bangon sa pagkakasandal niya sa sofa habang nakatingin sa phone niya. “Na-receive mo na rin ‘yung email?” tanong naman ni Hiro na naka-apron at naghahalo ng kung ano sa bowl. Mula sa kusina ay sumulpot siya dito sa sala nang marinig ang sigaw ni Shantalle. “Yeees! Sino kayang mag-po-propose sa’kin this year?” sagot ni Shantalle na kumikislap pa ang mata. Huminto sa pag-inom ng apple juice si Gianna, “Diba default naman na ng management si Carlo sa’yo?” “Wala na bang iba?” “As if you have a choice.” “Malay natin, may maunang magyaya.” “You’re unbelievable...” umiling si Gianna sabay inom ulit ng juice. Nakatambay sina Gianna at Shantalle dito sa sala, samantalang si Hiro at Brie naman ang nagluluto ng almusal sa kusina. Kahit pwede naman silang kumuha ng chef o mag-order na lang sa labas ay mas gusto raw nilang sila na lang ang magluto para raw handa na sila kapag kinasal na. E’di sila na may love life! Tss.. wala namang forever... Habang nakatambay sila, nagpapakahirap naman ako rito sa pag-aaral. Ni hindi nga ako makalingon sa mga kasama ko. Nakaupo ako sa bean bag couch habang nakakalat sa isang plastic folding table sa harap ko ang mga libro, mga notes, mga highlighter, at mga ballpen ko. Hindi ako nakatulog at nakapag-review kaninang madaling araw pagkatapos ng taping dahil nag-ikot ako sa pagmamanman sa bahay pero wala akong nakitang kakaiba. Napapagod na ‘ko. Kaya rin siguro pinadala na ng mga magulang ko ang tatlo kong Kuya para tulungan ako sa misyon. Hayst.. ‘di ko pa pala nakakausap si Kuya Delio kahit nandito na siya sa bahay. Pupuntahan ko pa siya mamaya. “Naka-receive ka na rin ng email, Deya?” “H-Ha?” “I’m getting tired of what you’re doing.” ani Gianna na mula sa pagtayo ay umupo na sa sofa sa tabi ni Shantalle. “Tignan mo na ‘yung email mo!” “Para sa’n?” “For the ADS-CDN Grand Ball.” Kumurap-kurap ako saglit habang nakatingin kay Shantalle sabay dukot ng phone ko at tingin sa emails. Oo nga, may email from ADS din akong na-receive. Invitation ito sa Grand Ball na gaganapin next next week. Dalawang linggo na lang. Bakit naman bitin yata ang preparation time nila para dito? “Oo, may na-receive na ‘ko.” “Syempre naka-default ‘yan kay Gael!” sigaw ni Hiro mula sa kusina. “Pa’nong naka-default?” “Duh! This is showbusiness! Automatic na ka-date mo sa Ball ang ka-loveteam mo!” umiikot ang matang sabi ni Gianna. “Pa’no kung ayoko?” “Wow! Seriously?” nandidilat ang matang saad ni Shantalle. “Mukha ba ‘kong nag-jo-joke?” Hinawi ni Gianna ang buhok niya, “Well, that’s fine. I’ll just date Gael instead since I was his date last year.” “Sige, para pompyangin ka ng manager nila.” sarkastiko niyang sagot. “Wag ka nang magpabebe. ‘Di ‘yan makakatulong sa career.” sabat naman ni Hiro na may dalang mga pagkain na nakalagay sa tray. “Hindi siya nagpapabebe, ang tawag diyan, worth labelling and girl power.” singit din ni Brie na may dala ring tray na may mga juice at cups ng kape. Matapos mailapag ang tray sa mesa ay umikot si Hiro at tuminging nakakunot noo sa nobya, “Whatever it is, sila pa rin ang magiging magka-date dahil magka-loveteam sila.” Tss.. whatever! But speaking of Gael, nasa’n nga ba ‘yun? Nagsipagkuhaan ng pagkain ang mga kasama ko sa living area habang ako naman ay tila wala sa sariling lumilingon sa kung saan saan kahit pa nakikita ko naman na wala nga rito ang hinahanap ko. Para bang nakulong ang utak ko sa mga libro at ngayon lang nakalaya at kinikilala kung nasaan ako. “Hinahanap mo si Gael? May klase ‘yun. Alam niya schedule mo tapos ikaw hindi mo alam ‘yung kanya? Grabe ka na talaga!” parang nagmumukmok na batang saad ni Hiro. Huh? Alam na ni Gael ang schedule ko? “Hindi ko siya inutusan na alamin ang sched ko kaya hindi ko obligasyong alamin ang sched niya.” “Bakit naman? Boyfriend mo ‘yun ‘diba?” naka-smirk na tanong ni Shantalle. “What?” “You’ll be his showbiz girlfriend soon, like what he had with Gianna.” Umikot ang mata ko at muling tumutok sa mga pinag-aaralan ko. ‘Di ako nakikain sa kanila ng almusal though ang perspective ko sa buhay ay libanan na lahat ng kain sa isang araw ‘wag lang ang almusal, hindi muna ako kakain ngayon, wala akong gana. Iniligpit ko ang mga gamit ko para dalhin sa taas sa kuwarto ko. Naghintay pa ako ng almusal pero ‘di rin pala ako kakain. Tsss... Pagdating ko sa 3rd floor ay nakasalubong ko si Kyle na mula sa isang kuwarto. Buti naman at naka-pajama siya, ‘di tulad ng iba na naka-boxer shorts lang. “Good morning.” bati niya. “Good morning din!” masiglang sagot ko pero hindi nakatingin sa kanya dahil nagta-type ako ng code ng lock ng kuwarto ko. “Have you eaten your breakfast?” “Not yet, I think I’ll just rest and wait for lunch time instead.” “Not good for you to skip it. How about.. having breakfast outside?” “Akala ko ba bawal lumabas dito?” “Who told you that?” “The guards.. and the boss of this house.” Tumawa siya. Ang gwapo rin talaga nito ni Kyle, lalo na kapag ngumingiti. “I guess, that rule only applies to you whenever he’s around.” “The heck?” Walang hiya talaga ‘tong Gael na ‘to. So ako lang pala ‘di pwedeng lumabas? “But since he’s not here, that should be an exception to the rule.” Itinago ko pagkainis ko kay Gael. Pag-uwi talaga no’n babatukan ko ‘yun. “I haven’t had my breakfast yet, so...” Medyo huminto siya at parang nahihiyang tumingin sa sahig. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. “Would you mind joining me outside?” Napangiti ako. Gusto lang pala ng kasama mag-almusal. “I won’t mind. That would be great!” Lumabas na naman ang ngiti niyang hindi ko alam kung pinasadya ba talagang mang-hypnotize ng mga kababaihan. Sa reaksyon niya ay para bang ‘di siya makapaniwalang pumayag akong sumama sa kanya. “Okay, I’ll just wait at the parking.” “Aight.” saad ko bago tuluyang makapasok sa kuwarto ko at magsara ng pinto at magbihis ng simpleng damit since mag-aalmusal lang naman kami. Nag-peach sweat shirt, navy blue na pajama pants, at white flat slide sandals lang ako. Matapos ipusod ang buhok ay bumaba na ‘ko. Nagtanong pa si Hiro kung saan ako pupunta pero ‘di ko siya pinansin at dumeretso na sa parking lot. Hinanap ko siya sa malawak na parking. Iilan lang ang naka-park na kotse dito pero napakalaki nito. Wala ang kotse ni Gael dito dahil nga may pasok siya. Saan kaya ang kotse ni Kyle dito? Walang tao kaya baka nauna ‘ko sa kanya. Nagulat ako sa tumunog na kotse na parang pinindot ang key fob. Ang tunog ay mula sa sulok ng parking lot kaya’t nagpunta ako ro’n. Nakasandal si Kyle sa harap ng isang Geely Azkarra at hawak hawak ang key fob sa kanang kamay habang nakatingin sa’kin. Nakasuot siya ng mauve colored polo shirt, beige na pants, at white rubber shoes. Ang weird lang.. Bakit ang layo ng pina-parkingan niya sa kotse niya at pinakasulok pa talaga eh napakalawak pa ng space banda sa malapit sa exit? Ayaw niya yatang itabi ang mga kotse niya sa iba. Nakangiti niyang binuksan ang front seat ng kotse upang papasukin ako. “Thank you.” Hindi katulad ni Gael ay mabilis magpatakbo ng sasakyan si Kyle. “Where do you usually go for breakfast?” “Wala. Sa bahay lang.” “Any preferred place to eat?” “Lumaki ako sa hirap, Kyle. Sanay ako sa 3-in-1 na kape at pandesal, o bahaw na sinangag at ilog na sunny-side-up sa umaga. Ikaw na ang bahala sa lahat, sa restaurant, sa order, o sa kahit ano pa man.” deretsong sabi ko. Napatanga naman siya sa’kin at na-sense kong ‘di niya alam kung paano sisimpatya. Tumikhim siya’t muling ngumiti, “No problem, I’ll take charge.” “Thanks!” Pareho kaming natahimik na nagdulot ng hindi komportableng pakiramdam sa’kin. Na-feel ko ang urge na magsalita’t magkaro’n ng social sense na wala naman talaga ako. “I saw you before sa t.v. when I was 12. Teen star. Gumaganap na bunsong anak or younger version ng bida. Ang tagal mo na sa showbiz ‘no?” biglang sabi ko out of nowhere. “Yup, since I was 6. I just stopped a bit when my parents took me in U.S., then came back again to showbiz when I was 16. Nakaka-drain din minsan dahil gano’n na lang lagi ang ginagawa ko.” wika niya na slang pa rin talaga ang pagkakabigkas sa mga tagalog parts. “Have you ever been to school?” “Home schooled just to learn the basics, pagkatapos wala na. They want me to focus sa career which makes me one of the successful ones sa industry, but I can’t help but feel envy to those who have their own degree.” “Schooling is not for everyone. Kaya naman pinapasok ng magulang ang anak sa school para magkaro’n ng magandang trabaho at kita in the future. Kung meron ka na’ng gano’n, it will not make sense. And the life you have right now is way better than those who have their degree, so you should not feel bad about it. We all have our own paths to take.” “I love your optimism.” “How you view the world will determine how you’ll deal with different kinds of stuff everyday, so you should turn your nightmares into sweet dreams.” Ngumiti siya nang malapad at bahagyang namula ang mukha. Sa totoo lang ay nagpapanggap lang akong positive madalas para mag-uplift ng ibang tao. Ilang saglit lang ay binagalan na niya ang pagpapatakbo sa kotse’t ipinark ito sa parking area ng isang establishment na ‘Cookbook Cafe’ ang pangalan. Labas palang nito ay parang mamahalin na ang dating. Napalunok ako sa pag-iisip na mapapagastos ako ng mahal.. ay oo nga pala—mayaman na rin pala ‘ko, nakakalimutan ko pa rin minsan. Sumenyas siya sa’kin na maghintay kaya’t naupo muna ako sa loob ng kotse. Nagpunta sa likod ng restaurant si Kyle at tila ba naghanap ng assistance mula sa mga crew. Agad din niya akong binalikan at binuksan ang pinto ng front seat. Dumaan kami sa isang pathway sa likod habang gina-guide ng mga crew. Walang ibang tao at parang pasadya talaga ito para sa mga special guests. Sa pagbukas nila sa isang pinto ay bumungad ang isang malawak na room na may malaking theater screen, tuxedo sectional sofa at turin dining table. May mga libro rin na nakalagay sa mga hanging shelves at ang theme nga ng mga gamit ay para kang nasa school o sa library pero modern pa rin ang design. Feeling ko ay naramdaman ni Kyle ang hilig ko sa pagbabasa kung kaya’t dito niya ako dinala. Kumuha ako ng isang librong may title na ‘Reaching Down the Rabbit Hole’ ni Allan Ropper bago ako umupo at sabik na binuklat buklat ang mga pahina nito. Hindi ko naman ito babasahin dito pero babasahin ko ang overview para bibili ako ng sarili kong kopya kapag maganda. “I never liked books.” Napalingon ako kay Kyle na nasa tabi ko at nakatukod ang kamay sa chin niya habang pinagmamasdan ako. Muli akong tumingin sa libro, “I love ‘em, but never had the time to read the books I truly love. I am drowned by academic theories.” “Good thing it’s just books. It’ll be painful if you never had time with the person you truly love.” Ay, may hugot si Koyah... Sa muli kong pagtingin sa kanya ay namataan ko ang galit sa mata niya na agad ding nawala nang bigla siyang humalakhak na para bang tinatawanan ang sarili niya. Hindi ko alam kung ang galit bang nakita ko ay totoong nawala o muli niya lang ibinaon nang malalim sa pagkatao niya. “Ayan naman ang ‘di ko na-experience. Pero.. ewan ko rin.” sagot ko sa kanya sabay tawa rin nang pilit. Ilang saglit lang ay may nag-serve na sa’min ng red iced tea. Nag-va-vibrate ang phone ko sa bulsa ko pero hindi ko ‘to titignan. Wala naman akong naaalalang important appointment ngayong araw. “Smells like heartbreak.. Can you tell me more about it?” tanong ko matapos lumagok ng iced tea. Ngumisi siya nang bahagya, “I let her go and let her love someone else because that’s what she wanted, but the person she loved didn’t love her back.. and what’s more awful is.. he was the reason why her life ended.” Hindi ko naitago ang gulat ko, “So.. she’s dead?” Nakangiti siyang tumango nang dahan dahan. Nababakas na naman sa mukha niya ang pinaghalong galit at lungkot. Nanatili namang gulat ang reaksyon ko. “But that’s a long long time ago. I’ve already moved on.” tumawa na naman siya. Hindi naman niya mababanggit ‘yun kung totoong naka-move on na talaga siya. Pero kung tutuusin, masakit naman talaga ‘yun. Nakakaawa ang mga taong na-e-experience ang mga gano’ng pangyayari, lalo na kung may involve na pagkamatay ng mahal sa buhay. “Okay...” ngumiti na lang ako. Unti unti nang sinerve sa amin ng mga crew ang mga pagkain na hindi pamilyar. Inilihis agad ni Kyle ang usapan at napunta kami sa kung ano anong topic gaya ng pamilya niya kaya nalaman ko na may isa siyang kapatid na babae na nasa showbiz din habang may malaking business naman sa manufacturing ang parents niya. American ang tatay at Filipino naman ang nanay niya. Sa Samar din pala ang probinsya ng nanay niya pero hindi pa raw siya nakakapunta do’n. Nagkuwento naman ako ng tungkol sa’kin gaya ng experiences ko no’ng College as a working student. Inemphasize ko sa kanya ang mga hardships na hindi niya narasanan sa buhay. Mga nakakalungkot, nakakapagod, at nakakatawang mga nangyari sa buhay ko. Nang mapasulyap ako sa wall clock na nasa dingding ay tsaka ko lang namalayan ang oras. Mag-aalas-siyete imedya lang kami pumunta rito pero sa haba ng kuwentuhan namin habang kumakain, inabot na kami ng alas-dyis. “Sorry, natagalan yata tayo rito.” saad niya. Kinuha niya ang lalagyan ng dinner bill at naglagay ng cash doon. “Magkano ambag ko?” “No, it’s all on me.” “Huy, hindi naman ako sumama sa’yo para magpalibre.” “I invited you, so I can treat you.” Saglit akong tumitig sa kanya bago ngumiti, “Thanks, but next time I’ll pay at least half.” “I can treat you any time of the day and you don’t need to worry about anything.” Bago kami umalis ay isinalansan niya muna ang mga pinggan para hindi na mahirapan ang mga magliligpit. Ang bait naman talaga. As usual ay inalalayan niya ako pasakay ng kotse. “We still have time. I’ll show you my favorite place.” Mga sampung minuto lang ay pumasok ang kotse sa isang gwardiyadong puting gate. Mukhang kilala na ng guard ang sasakyan niya kaya agad siyang pinapasok. Pagmamay-ari rin kaya ng pamilya nila ‘to? Malubak dahil hindi sementado ang daan. Maraming matatayog na puno sa paligid. Huminto ang kotse sa ilalim ng isang puno. Muli akong kinabahan dahil wala akong ibang taong nakikita bukod sa aming dalawa. Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto ng kotse at agad akong lumabas. Kahit mainit ang panahon ay ang presko sa pakiramdam ng paligid dahil sa mga puno. “Let’s go.” wika niya sabay hawak at hila sa kamay ko. Nagulat man ay nagpadala na lang din ako. Nang makarating kami sa looban ay mga tao na. Nagsibati sa kanya ang mga ito na tila siya ang amo na tinugunan niya rin naman. May malaking animal farm na napaliligiran at nahahati ng wooden fence. May mga baka, mga kalabaw, mga kambing, mga manok, at iba pang mga kahayupan. Bigla ko tuloy na-miss ang probinsya. May lalaking lumapit sa amin na may hila-hilang puting kabayo. Naalala kong paborito kong sumakay sa mga kabayo no’ng bata ako habang inaalalayan ni Papa. Ipinasa ng lalaki kay Kyle ang tali at nagpasalamat si Kyle bago ito umalis. Hinimas ko ang ulo ng kabayo at bahagya itong yumuko. “Her name is Winter, and she came here to give you a ride.” “Yey!” napatalon-talon ako habang pumapalakpak. Inalalayan ako ni Kyle para makasakay nang maayos kay Winter. Nang makasakay ay alam kong abot tenga ang ngiti ko. Ang tagal ko nang ‘di nakakasakay sa kabayo at ngayon ko na lang ulit mararanasan ang thrill nito. Marahang hinila ni Kyle ang tali’t mabagal ding tumakbo si Winter. Sa kinalalagyan ko ay kita ang lawak at ganda ng natural view ng area. ‘Di ko na alintana ang tirik na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. “You own this place?” “My grandfather on mother’s side.” Dumaan kami sa isang parang masukal na parte ngunit kalaunan ay nakalabas din. Tinatago lang pala nito ang malawak na field ng mga bulaklak. Ang dinadaanan na namin ngayon ay naghahati sa field ng pink dahlias at yellow daisies. May natatanaw pa akong mga ibang klase ng bulaklak sa ‘di kalayuan gaya ng white dandelions at red carnation. “What’s your favorite flower?” “Roses.” “Sayang.. Next two months pa ang season nila.” “No, these flowers are beautiful.” “Just like you.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingala sa’kin. Naghahanap ako ng tamang i-re-react ngunit naubusan na ‘ko ng mga pamplastik na sagot. Hindi ako naniniwalang maganda ako kaya wala akong masabi. Tumingin na lang ako ulit sa malayo’t natawa. Nang maaninag ko sa gilid ng mata ko na ‘di na siya nakatingin sa’kin ay sinulyapan ko siya, nakangiti itong lumilinga rin sa mga bulaklak. Huminga ako’ng malalim at hinayaan na lang na makarating kami sa dulo ng field. Mga matatayog na puno na naman ang nadaanan namin. Sa pag-aliwalas na naman ng paligid ay isang pahabang pond ang bumungad na may mga lotus at water lilies. May maliit na arch bridge na napapalibutan ng carolina jessamine vines na dumudugtong sa magkabilang dulo ng pond. Itinali ni Kyle ang kabayo sa isang puno. Inilahad niya ang kamay niya upang tulungan akong bumaba na agad kong tinanggap. Pinanatili niyang hawak ang kamay ko habang naglalakad. Dinala niya ako sa pinakagitna ng bridge upang doon tignan ang pond. “Wow...” “I go here whenever I have problems to relax my mind, then eventually, I’ll have the solution.” Napangiti ako habang nakatingin pa rin sa pond, “Sana ako rin. Sana magkaro’n na rin ako ng solusyon sa mga problema ko.” “Of course, you will. Everything has its ending.” “Parang mas nakakalungkot isipin na lahat ng bagay may katapusan.” “I thought you wanna end your problems?” “Buti sana kung problema lang ang natatapos, kaso kahit ang magaganda at masasayang mga bagay, hindi nagtatagal nang panghabangbuhay.” “I do agree, but sometimes it depends on you, it depends on us. Sometimes, no matter how difficult the odds are, we make it possible for our happiness to last for a lifetime.” Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang buhok ko gamit ang kaliwang kamay niya. Sa pag-alis niya ng kamay niya ay may hawak na siyang isang malaking purple tulip. “Di mo sinabi na may lahi ka palang magickero.” Ngumiti siya’t iniabot sa akin ang bulaklak. Tinitigan ko lang ito at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ano. Mula pa kasi noon, ‘di ko na feel tumanggap ng bulaklak galing sa mga lalaki. Mas okay pa nga kung kaibigan kong babae ang magbibigay sa’kin ng flower as a friend. Kahit may mga nagbibigay sa’kin no’ng College, ‘di ko talaga tinatanggap. Tinignan ko siya at kita kong sumeryoso ang mukha niya. Sa muli kong pagtingin sa bulaklak ay may napansin akong nakaukit sa petal nito: ‘Will you be my date?’ “I can’t imagine going to the Grand Ball if I’m not with you, Deya. Will you be my date?” Napaatras ako nang kaunti. Napalunok ako sa pag-iisip. “B-Bakit ako?” Sh*t! Ano ba, Deya? Bakit nagtatanong ka pa? Ngumisi siya, “Because I find you amazing. I think I’ll enjoy the night with you more than anyone else. I also wanna know more about you.” Okay naman si Kyle eh.Tsaka isang gabing date lang naman ‘yun. At infairness, ang effort niyang mauna ah? Talagang sinave ako umaga palang. Tinanggap ko ang bulaklak at inamoy ito, pagkatapos ay tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. “Pumapayag ka?” “Yes.” naka-smile kong sagot. “Yes!” tumalon siya’t bigla akong niyakap, “Thank you, I’ll promise to give you the best night ever.” ~~~ ~~~ ~~~ “Hoy! Deya! Buksan mo ‘to!” Kanina ko pa naririnig sa panaginip ko ang tumatawag sa pangalan ko. Hayst.. meron na pala talagang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Sa pag-upo ko sa kama ay napahilamos ako sa mukha ko. Tinanggal ko muna ang mga muta ko at laway bago tuluyang umalis sa kama. Tamad na tamad kong binuksan ang pinto. “Deya! Ano ‘tong ginawa mo?” bungad na sigaw sa’kin ni Brie. “Bakit?” “Lagot ka sa manager n’yo ni Gael! Bakit mo tinanggap ‘yung invite ni Kyle sa’yo?” Nawala ang antok ko sa narinig at bigla kong naihawi ang iba kong buhok na nakatabon sa mukha ko, “Ha? P-Pa’nong—“ Halos idikit ni Brie ang phone niya sa mukha ko. May post na may ilang photos namin ni Kyle sa arch bridge kanina. Sa mga photos ay halatang kuha mula sa isang hidden camera sa ‘di kalayuan mula sa puwesto namin. Hindi ko naiwasang makaramdam ng inis kay Kyle dahil hindi niya sinabi sa’kin na may camera pala sa paligid. Wala namang kaso sa’kin kung alam kong may camera pero bakit hindi siya humingi ng consent mula sa’kin? At talagang pinublicize pa ng ganito kabilis. “Deya! Hindi ‘to joke! Magiging malaking issue ‘to kasi si Gael dapat ang ka-date mo! Hindi si Kyle! Pa’no mo ‘to babawiin ngayon?” Sinubukan kong i-relax ang sarili at hindi ipahalatang alam kong mali rin ang ginawa ko, “A-Akala ko ba okay lang sa’yo ‘tong ganito? At alam ko wala namang masama na tinanggap ko.” Pumasok si Brie sa kuwarto. “Hindi ‘yun ang sinasabi ko!” halos nagdadabog na asik niya, “Okay lang magpakipot, pero siya pa rin ang tatanggapin mo para sumikat kayo! Deya, matalino ka naman, alam mo na dapat ‘to!” “Hindi ko naman ‘yan balak bawiin. Kung si Kyle ang i-de-date ko ngayon, e’di siya. Kung gusto n’yo si Gael, e’di next year na lang siya.” Napasapo sa noo niya si Brie at parang gusto niya na akong sapakin. Umupo siya sa kama ko. “Hindi ko akalain na kailangan ko pa ‘tong i-explain sa’yo. May parating kayong pelikula ni Gael na kayo ang parehong bida at magka-loveteam. Tignan mo ngayon ang mga comments ng mga tao dito sa post, sinasabi na nila na bagay raw kayo ni Kyle, kinikilig na sila. Sa pelikula, kasali si Kyle do’n pero hindi siya ang partner mo do’n, dapat kayong dalawa ni Gael ang kakikiligan. Pero sa ginawa mo, pa’no na ‘to ngayon? Anong mangyayari? I-a-adjust ng direktor at writer ang takbo ng storya para kayo ni Kyle ang end game?” Itinaas ko lang ang dalawang balikat ko na kunwari ay nagsasabing hindi ko alam at wala akong pakialam. Naiintindihan ko naman eh, pero wala na akong magagawa dahil tapos na. Sumandal ako sa pader sa tabi ng pintuan, “Alam na nila ‘to ‘diba?” “Ako palang ang nagsabi sa’yo no’ng makita ko ‘tong post! Pero malamang alam na rin nila ngayon at ewan ko na lang kung pa’no sila magagalit sa’yo!” Nanahimik na lang ako pero paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko ngayon na sh*t talaga. Hindi ko naisip kanina ‘yung tungkol sa love team, sa gusto ng management, at sa pelikula. Gano’n na ba talaga ka-hypnotizing si Kyle para pumayag ako ng gano’n gano’n na lang? Tumunog ang phone ni Brie at may sinagot na tawag. “Ah.. oo, gising na siya.” wika niya sa kausap sa kabilang linya sabay tingin sa’kin. Tinignan ko lang din siya at naghintay ng mga susunod na mangyayari sa buhay ko. “G-Gano’n ba?” napahimas sa batok niya si Brie at napahilot sa sentido niya, “sige, ako na’ng bahala.” Sa pagbaba niya ng tawag ay seryoso’t deretso itong tumingin sa’kin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. “Maghanda ka, kakausapin ka ni Direk Lory at ni Sir Ricky.” matalim na sabi nito habang binubuksan ang malaking cabinet sa kuwarto ko. Napatayo akong deretso mula sa pagkakasandal, “Wait, ano ba mangyayari? Matatanggal na ba ‘ko?” Sa mukha niyang kita ko ang side view ay nakita kong ngumisi siya, ngunit agad din niya itong inalis nang tuluyan akong lingunin, “Good luck. Galingan mo na lang ang pangangatuwiran at mag-isip ka na ngayon kung pa’no lulusutan ang ginawa mo.” Sh*t naman talaga! Lalo tuloy akong nag-overthink. Ano bang pwedeng gawin? Sa lahat ng gusot na ginawa ko sa buhay, ito yata ang pinakamahirap plantsahin sa lahat. Nangangatog akong nag-toothbrush at naghilamos. Kinuha ni Brie ang isang red puff sleeve dress mula sa cabinet. May kinuha rin siyang metallic gold ankle strap heels mula sa compartment sa ilalim nito. Binuksan niya ang ilaw ng vanity mirror at hinila ako para paupuin sa harap nito. May hinila siyang kung ano mula sa gilid ng vanity mirror na dahilan ng paglabas ng lalagyan ng iba’t ibang klase ng make up. Bakit hindi ko alam na may ganito pala sa kuwarto ko? “Dapat maganda ka pa rin habang sinisermunan nina Direk.” naka-smirk niyang sabi habang mabilisan akong mini-make up-an. Pinalugay niya lang ang buhok ko ngunit kinulot niya ang dulo. Pagkatapos niyang ayusin ang mukha at buhok ko ay pinasuot niya sa’kin ang dress at sandals na kinuha niya. Sa sobrang kaba ko mabilis akong nakapaghanda. Relax lang siya sa paghanda ng kotse ngunit para naman akong hinahabol ng itak sa pagkatarantang sumakay rito. Madilim na sa labas, hindi ko na tinignan ang oras, basta alam kong gabi na at kailangan ko pa ‘tong trabaho ko. ‘Di ako pwedeng mawala rito agad agad. Pumarada ang kotse sa isang sa tingin ko ay private place. “Bumaba ka na. Sundan mo ‘yang blue lanterns sa taas.” Dahil sa sinabi ni Brie ay tinahak ko ang linya ng blue lanterns. Napakadilim ng buong paligid at tanging ang mga ito lang ang nagbibigay liwanag. Kung kanina’y nagmamadali ako, ngayon ay dahan dahan lang ang nagagawa kong paglakad. Kung matatanggal man ako sa trabaho ay gusto kong i-delay. Ang nakikita kong malaking yurt tent na siguro ang dulo ng daan. May dilaw na ilaw ito sa loob. Siguro nando’n sila. Hindi na mga blue lanterns ang nasa taas kun’di fairy lights na na iba’t iba ang kulay. Nang marating ko ang parteng fairy lights na ang mga ilaw ay iniluwa ng yurt tent ang isang lalaking naka-tuxedo suit. Lumakad siya papunta sa kinatatayuan ko at inilahad ang kamay niya. Namumula ang mata at ilong niya na parang galing sa pag-iyak ngunit may pilit na ngiti sa labi. Sa pagtanggap ko ng kamay niya ay sabay kaming lumakad sa aisle papunta sa yurt tent. Alam kong naninigas ako at hindi ko alam kung namamawis ba ang mga kamay ko. Sa paghawi niya ng entrance ng tent ay bumungad sa’kin ang isang napakagandang set up ng dinner date. Tumugtog ang violinist na nasa labas ng yurt tent ng mahinang violin version ng ‘Can’t Help Falling in Love’. Kasabay nito ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Hinila ni Gael ang isang upuan upang paupuin ako. Hindi ako makapagsalita, tila natutuyo’t ang lalamunan ko at nauubusan ako ng hangin. “I set this up for you, pero may nauna na pala sa’kin.” “I-I’m sorry.” “It’s okay.. That’s just one night. Ano naman kung.. s-siya ang mas gusto mong kasama kaysa sa’kin.” Bakit gano’n? Parang tinutusuk-tusok ng karayom ang dibdib ko. Ano naman kung nasasaktan siya? Bakit ako naaapektuhan? Napatayo ako’t tumalikod sa kanya upang saluhin ang luha kong kanina pa nangingilid. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko, para hindi siya makarinig ng anumang sign na umiiyak ako. Dinig kong umusod ang upuang kinauupuan niya kaya’t nagmadali akong ayusin ang mukha ko. Iniharap niya ako sa kanya ngunit nanatili akong nakayuko. Hinigit niya ako’t nadama ko ang mahigpit niyang yakap na lalong nagpatulo ng mga luha ko. “Even if I’m not your date anymore for the Grand Ball, I’ll share this night with you instead.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD