Ika-labing Isa

4978 Words
**Third Person’s POV** Pagkatapos ng kanyang klase ay nagpaalam na ang babae sa kanyang mga kaibigan. Marami siyang kaibigan sa klase nila. Halos lahat nga yata ay itinuturing siyang friend dahil sa alam nila kung saang prominenteng pamilya siya nagmula. Pero syempre ay mayroon pa rin siyang sariling circle of friends na laging kasama, at ‘yun ay ang apat na sassy and bully girls ng classroom. Bagama’t sumasama siya sa mga gimik ng mga ito sa labas, hindi naman siya nakikisali sa mga kalokohang ginagawa nito sa mga kapwa nila estudyante sa campus. Sa totoo nga lang ay hindi naman talaga niya kaugali ang apat na ito. Napilitan siyang pakisamahan sila upang iwasan ang panghuhusga ng mga tao, upang isipin ng mga tao na sa mga kalebel niya siya sumasama’t nakikipagkaibigan. Nang makalabas ng building ay bumuntong-hininga siya. Napagod siya sa pakikisama sa mga taong hindi niya gusto. Pero ano pa nga ba? Wala naman siyang magagawa. Sa pag-angat niya ng tingin sa labas ay kita niyang nakaabang na ang sundo niya. Nasa loob lamang ng kotse ang sumusundo sa kanya tuwing pauwi galing sa klase. Hindi siya hinahatid nito dahil ang sarili nilang kotse sa pamilya ang naghahatid sa kanya. Nagtataka nga ang mga magulang niya kung bakit ayaw niyang magpasundo, ni ang sariling sasakyang niregalo ng kanyang ama ay ayaw niyang gamitin. Napangiti siya. Isa itong ngiti ng kasabikan at labis na saya. Hindi niya hinihiling na maging gentleman ito at pagbuksan siya ng pinto sa kotse, ‘yun ay dahil siguradong magkakagulo ang mga tao sa paligid kapag lumabas ang taong sumusundo sa kanya. Patakbo siyang nagpunta sa kotse at pumasok dito. “How’s your day?” “Just fine. Our midterms will be next week, so our professors are pushing us to finish our pending projects.” “That will be easy for you.” Humagikhik ang babae, “Not easy, but I don’t have a choice, babe.” Nagsimula nang magmaneho ang lalaki upang umuwi sila sa iisang bahay. “Why don’t you hire an academic helper to finish your projects, so that you can focus on reviewing for the exam?” “That’s cheating.. and you know I hate that.” Ngumisi lamang ang lalaki habang nakatuon ang atensyon sa daan. Kinse minutos lamang ay nakauwi na sila. May kalapitan lang naman ang bahay ng babae sa university ngunit dahil nga mayaman ay ayaw sa pag-co-commute. “I’ll just check some updates with the team. I’ll get in after a few minutes.” saad ng lalaki sabay punta sa kusina kung nasaan ang mga katrabaho nito. Nakangiting tumango ang babae. Bitbit ang bag at mga libro ay deretsong umakyat ito sa 3rd floor kung nasaan ang mga kuwarto ngunit sa halip na hagdan gaya ng laging binibilin ng mga magulang ay elevator ang ginamit niya. Nang makarating ay kumatok muna siya sa kuwarto ng mga magulang upang ipaalam na nakauwi na siya. “Our princess is here.” wika ng kanyang ama na nakahiga sa king-size bed na kulay itim at ginto ang tema ng bedsheet. Umupo ito sa kama nang makita ang anak. Lumingon naman ang kanyang ina na nakaharap kanina sa vanity mirror at nagsusuklay. Humalik ang dalaga sa pisngi ng kanyang ama at pagkatapos ay sa ina namang nasa harap ng salamin. “Tell Yaya Toyang to prepare your dinner.” “No, mom. I can do it myself.” “But you’re tired from school.” Lumakad na siya palabas ng kuwarto ng mga magulang, “Nah, I’m fine.” Tinahak niya ang mahabang pasilyo at binuksan ang ikatlong kuwarto mula sa kuwarto ng mga magulang niya kanina. Inilapag niya nang maayos ang mga libro sa isang space ng malaking wooden rack, habang ang bag naman ay inilagay niya sa loob ng cabinet. Humarap siya sa full length mirror at sinimulang tanggalin ang checkered necktie na kulay pula, kasunod ang puting blouse at napakaikling pulang checkered na palda. Naupo siya sa kama upang tanggalin ang leather black shoes at mahabang puting medyas na abot hanggang hita. Ngayon ay nakasuot na lamang siya ng hapit na puting sando at black booty shorts. Litaw na litaw ang napaka-sexy nitong hubog ng katawan na pumapares sa mala-porselanang kulay ng balat at napakaganda niyang mukha. Kumuha siya ng tuwalya sa isa pang cabinet at pumasok sa shower room. Nang masara ang matte glass door nito ay hinubad niya nang lahat ang natitirang saplot. Binuksan niya ang cold shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa buong katawan. Kabilugan ng buwan ngayon ngunit maaga pa.. hindi pa masyadong malalim ang gabi. Pero nararamdaman niya na ang init sa kaloob-looban niya. Ito naman ang dahilan kung bakit malamig na tubig ang pinang-shower niya, para sana ibsan ang nararamdaman niyang kulo, ngunit alam niya rin sa sarili niyang napakahirap nitong tanggalin. Malalalim na hinga ang pinakawalan niya habang tumatama ang tubig sa kanyang dibdib. Natanaw niya ang bilog na buwan mula sa mataas na bintana. Naging mahigpit ang pagkakasara ng bibig niya. Hinihimas niya ang dibdib niya na paunti-unti ay napapalitan ng pagkalmot. Heto na naman ang pakiramdam niyang tila ba lalayasan siya ng katinuan. Ginulo niya ang buhok niya at hindi niya namalayang sinasabunutan niya na ang sarili. Bigla siyang nanigas. Sa muling pag-angat niya ng mukha ay lumitaw ang maiitim na ugat sa kanyang leeg pataas sa kanyang mukha na kanina lang ay nakahahalina, ngayon ay parang hinigupan ng laman ang pisngi niya. Isang impit na angil ang kanyang pinakawalan. Nanginginig na ang kanyang buong katawan. Gaya ng dati ay ginagamit niya ang buong lakas upang pigilan ang paglukob nito sa pagkatao niya. Mula sa pag-angil ng isang halimaw ay napalitan ito ng pag-iyak ng isang taong nagdurusa. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa nabawasan ang epekto sa kanya nito. Hindi ito tuluyang naalis, ngunit kahit papa'no ay nakokontrol niya na ito. Unti unti ring bumalik sa normal ang mukha niya. Pinatay niya ang shower at nagpunas ng buhok at katawan, pagkatapos ay itinapis ang puting tuwalya. Nanghihina siyang naupo sa kama. Luminga-linga siya sa paligid at hindi alam ang gagawin. Hindi niya nanaising itulog na lang dahil alam niyang magigising din siya at sa oras na 'yun ay hindi niya na makokontrol pa ang sarili. Tatayo na sana siya upang kumuha ng damit ngunit pinigilan siya ng mga katok sa pinto. Natakot siyang buksan ito sa una dahil ayaw niyang may madamay na naman sa nararamdaman pero naamoy niya kung sino ang nasa labas. Tama siya, ito nga ang lalaking mahal niya. May dala itong isang tray na hindi matukoy kung ano ang laman dahil natatakpan ito ng malaking metal cloche. Inilapag ng lalaki ang tray sa ibabaw ng storage bench na nasa gilid ng kuwarto. "N-Nagugutom ako." "Alam ko." sagot ng lalaki sabay ngisi. Dahil sa umaalingasaw na amoy ng nasa tray ay tumulo ang laway ng dalaga. Agad naman itong pinunasan ng lalaki gamit ang sarili nitong kamay. “I'll take away your hunger, babe." bulong ng lalaki sa tenga niya. Hinila ng lalaki ang tuwalyang nakabalot sa katawan ng dalaga. Inilantad nito ang kabuuan ng p********e niya. Sinubukan niyang takpan gamit ang mga braso at iniangat pa niya ang mga paa upang dumagdag sa pagtabon sa lantad niyang katawan. Natawa ang lalaki, “Ilang beses ko nang nakita ‘yan, ‘diba?” Namumula ang mukha ng babae at naghahalo ang pakiramdam ng labis na pagkagutom at init ng pagnanasa sa binata. Lumapit pa’ng lalo ang lalaki sa kanya’t ikinurba pababa ang katawan, dahil dito’y unti unting napapahiga ang babae sa kama. Ilang saglit pa ay tila magkapatong na sila, itinutukod lang ng lalaki ang braso niya sa magkabilang gilid ng dalaga. “Babe...” “Alam kong nauuhaw ka. Ako rin..” Marahas na hinalikan ng binata ang labi ng dalaga. Maya maya lang ay kung saan saan nang parte ng katawan ng babae napupunta ang kamay niya. Bumaba ang halik ng lalaki sa leeg at halos papakin niya ito sa sobrang init na nararamdaman. Unti-unting iniaangat ng babae ang shirt niya, nang madama ito’y saglit siyang tumigil at tuluyang hinubad ang pantaas na damit bago bumalik sa paghalik. Mahigpit na nakapulupot ang mga braso ng babae sa likod niya. Muling bumaba ang halik niya sa leeg hanggang sa bumaba pa ito sa dibdib. Halos malunod siya dahil sa napakalaking hinaharap ng babae. Kahit isama pa ang bibig at kamay niya sa isa sa mga ito ay hindi masasakop sa laki, bagay na labis na nagpapasabik sa kanya at lalong nagpapasikip ng kanyang pantalon. Nakararamdam ng kakaibang sensasyon ang babae dahil sa dila ng binata na naglalaro sa tuktok ng isa sa kanyang mga bundok. Pagkatapos ay unti unting bumaba pa ang bibig niya hanggang sa makarating sa pinakababa, sa pagitan ng mga hita ng dalaga. Hindi na napigilan pa ng babaeng mapakagat labi habang lumilikot ang dila niya sa p********e nito. Magaling sa mga ganito ang binata kung kaya’t tila langit ang sarap na naibibigay niya sa bawat babaeng kinakama niya. Sa lahat ng bagay na pwedeng magawa, ito lang ang maituturing niyang talento. Nagpakawala ng impit na ungol ang dalaga dahil sa sensasyong nadarama. Halos masabunutan niya ang lalaki, ngunit nais niya ring lalong idiin ang ulo ng binata palapit sa p********e niya. “D-Don’t stop. Please...” Huminto ang lalaki sa ginagawa’t nang-aasar na nginitian ang babae. “I love it when you’re begging...” muling bulong niya sa tenga nito. Muling hinagkan ng binata ang iba’t ibang parte ng katawan niya habang ang isang kamay nito ay ang baba niya ang nilalaro. Pakiramdam niya’y parang may sasabog sa loob niya anumang oras sa tindi ng sarap na nadarama. Hinintong muli ng lalaki ang ginagawa at hinubad ang lahat ng suot nitong pambaba. Sa paghinto ng binata ay nadama niya ulit ang gutom, idagdag pa ang matapang na amoy ng kung anong nasa tray kaya’t may tumulong laway na naman mula sa bibig niyang nakaawang. Nang makita ang nakatayong kahabaan ng lalaki ay bumangon siya’t dinakma niya itong parang isang gutom na leon. Ang paggalaw ng kanyang bibig, ulo, at kamay ay pagpikit at pagkagat labi naman ng binata. Inipon nito ang buhok niya’t dinala ang ulo niya sa mas mabilis na paggalaw. Nang bitawan ang buhok niya ay huminto siya’t siya naman ang ngumisi nang nakakaloko. Dahil dito’y tinulak niya ang dalaga pahiga ulit sa kama at muling dinamba ng malalim na halik ang mga labi nito. “You’re hotter when it’s full moon.” Sa kakaunting liwanag na pumapasok sa kuwarto ay makikita ang kanilang pulang mga mata. Lagi silang ganito kapag kabilugan ng buwan. “Do it now, please...” saad ng dalaga sa gitna ng kanyang paghangos. Dahan-dahang ipinasok ng binata ang p*********i nito sa kanya. Dahan-dahan ding gumalaw ang lalaki, dahilan para magpakawala siya ulit ng impit na ungol. “B-Babe...” Naging pag-ungol na ang halos bawat paghinga ng dalaga, bagay na lalong nagpapagana sa lalaki. Habang patagal nang patagal ay bumibilis ang paggalaw niya. “M-Masikip ka pa rin.. kahit ilang taon na.” “F*ck.. Babe.. Ugghh..” Sa pagbilis ay unti unting napupuno ang loob ng dalawa. Sabay nilang naabot ang kasukdulan. Bago pa man lumabas ang likidong mula sa binata ay hinugot niya na ito. “I love you...” biglang saad ng dalaga. Hindi sumagot ang lalaki. Nagpunta ito sa gilid ng kuwarto’t kinuha ang tray at nilapag sa bedroom sink. Sinundan ng babae ang amoy at lumundag sa kama papunta sa kinaroroonan ng tray. Iniangat na ng binata ang nakatakip na cloche dito at tumambad ang iba’t ibang lamang loob ng tao na nakalagay sa iisang malaking stainless bowl. May puso, baga, bituka, atay, pantog, pati, at utak na tila ba kaaalis lang sa katawan ng kung sinong tao. Agad na dinamba ng dalaga ang isa sa mga ito at kinain. Sa bawat kagat ay may sumisirit na dugo mula sa lamang loob na kanyang nilalantakan. Gutom na gutom siya kanina pa mula nang lumitaw ang buwan at ito lang ang mga bagay na makapagbubusog sa kanya. Kumuha ng dugo mula sa bowl ang lalaki gamit ang kamay nito’t ipinahid ito sa katawan ng babae, partikular na sa malaking dibdib nito, pagkatapos ay tsaka ito dinilaan. Nang medyo masimot ang dugo ay kumain na rin ito ng lamang loob. Kumuha rin ang dalaga ng dugo at ipinahid naman ito sa p*********i ng binata, tsaka ito dinilaan na parang ice cream. Tuluyan niya na itong sinubo at binilisan ang paggalaw. “Oh.. T-That’s so good, baby...” Hinawakan na niya ang ulo ng dalaga’t siya ang nagpagalaw upang lalo itong bumilis ayon sa gusto niya. Bagama’t nabubulunan na ang babae ay hindi siya tumigil hanggang sa maabot ang matinding sarap. Pumutok ang p*********i niya sa loob ng bibig ng babae na agad nitong nilunok. Pareho nilang nilamon ang mga lamang loob. Napaisip ang dalaga kung kaninong mga lamang loob kaya ang mga ito. Ang tao kayang may-ari ng mga ‘to ay may pamilya? May mga pangarap na gustong tuparin sa buhay? Nagtatanong man siya ngunit mas nananaig sa kanya ang gutom. Hindi niya gusto ang ginagawa niya ngunit mas lamang ang nararamdaman niyang pagkauhaw sa dugo at pagkatakam sa laman. Alam niyang pagkatapos niyang ubusin ang mga ito ay makokonsensya na naman siya. Sisisihin nya na naman ang sarili dahil pinabayaan niya na makulong siya sa ganitong sitwasyon. Hinayaan niyang lukubin siya ng kasamaan, nagpadala siya sa emosyon, kumapit siya sa patalim, araw araw siyang nadadaig ng pag-ibig. Naisin man niyang umalis at maging normal na tao ay hindi niya magawa. Hindi niya magawang matulungan ang sarili. Ang alam niya lang na ginawa niya ay ibigin ang lalaking kasama niya ngayon. ‘Yun lang, wala nang iba. ‘Yun ang dahilan kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na ito, kung bakit kahit labag sa kalooban niya ay hindi siya tumitigil, ang pagmamahal, ang pagmamahal na walang naidudulot na kabutihan sa kanya. ~~~ ~~~ ~~~ **Deya’s POV** “Tapos na ang trabaho ko diyan, ‘diba?” “Oo, Deya. ‘Wag kang mag-alala, kailangan lang naman namin ‘yung previous records ng mga sumali sa debate noon.” “Pero bakit kailangan ko pang i-send nang personal sa inyo? Pwede namang through email or i-send ko as file sa messenger.” “May mga details din kasi kaming itatanong sa’yo. Medyo naiipit kasi kami sa reimbursement ng mga prizes.” Napabuntong-hininga na lang ako, “Okay, sige. Pupunta na ‘ko.” “Yown! Thank you, Deya! Mag-iinga—“ ‘Di ko na siya nahintay matapos sa sasabihin at binaba ko na ang tawag. Nag-quit naman na ako as 3rd year representative ng Student Government, tatawagan pa talaga ‘ko para ihatid ang isang file na pwede ko namang i-send na lang electronically. Ang aga aga pa, halos kakauwi lang namin galing sa taping kaninang madaling araw, tapos gagawin ko pa ‘to para sa kanila? Hayst... Hindi na ako nagbihis dahil kabibihis ko lang naman ng pantulog ko. Naka-blouse at pajama na terno naman ako kaya pwede ko naman na ‘tong ipanlabas. Nagmamadali akong bumaba. Tamang tama, nandito pa sa living area ang mokong at hindi pa nagbibihis. Nagbabasa siya ng libro na sa title ay parang may kinalaman sa kurso niya. Nag-aaral din pala si g*go. “Samahan mo ako. May pupuntahan tayo.” Sa pag-angat ng tingin niya para tignan ako ay gulat ang bumakas sa mukha niya. “Are you asking me to go with you?” “Are you deaf or something?” “So you’re not protesting now.” sumilay naman ang ngiti sa labi nito. Akala niya yata ay gustong gusto ko siyang kasama. “If I complain, will it change your effin’ rule in this house? And I also realize that it will be favorable for me to have a personal driver.” sagot ko habang nakangiting nang-aasar na pinapaalam sa kanya na mapapagod siya sa ginagawa niya. “Alright then, let’s go!” wika nito sabay sara at tabi ng librong hawak habang nakangiti nang abot-tenga. Bumagsak naman ang ngiti ko. Tumayo siya agad at kinuha ang susi ng kotse niya na nakapatong lang sa ilalim ng nesting table. Dumeretso na siya sa labas at sumunod na lang ako. “Sa UP lang tayo, ibibigay ko lang ‘to sa mga officers ng student government.” saad ko habang inaangat nang kaunti ang folder na hawak ko. Sumaludo siya sa’kin, “Aye, aye, captain!” binuksan niya ang pinto ng front seat at sinara nang makasakay na ako bago siya sumakay sa driver’s. Ang taas naman yata ng energy niya ngayon. Akala mo ‘di puyat eh. Habang bumabiyahe ay nagpatugtog siya ng ILYSB ng LANY at nakikisabay pa ng kanta at pag-indak habang nag-da-drive. Napailing na lang ako sabay tingin sa daan. Saktong sa pagtatapos ng kanta ay nakarating na kami sa UP. Nagsuot siya ng shades bago bumaba ng kotse, sinuot ko naman ang puting mask ko. Pumasok kami sa Malcolm Hall at deretsong umakyat sa 2nd floor kung nasaan ang Office of the Student Government. Tinahak namin ang corridor. Bago makarating sa opisina nila ay napansin ko ang isang lalaking janitor na nag-ma-map ng sahig. Tumatagaktak ang pawis nito na maya’t maya niyang pinupunasan gamit ang braso. Bahagya akong napahinto dahil parang pamilyar ang janitor na ito. Umikot siya, dahilan para makita ko ang buong mukha niya. Kuya Daniel? “Oh? Are we heading in the wrong direction?” Napatingin ako kay Gael na siguro ay nagtaka kung bakit ako nakahinto sa corridor. “Ah.. no. Heto na actually.” wika ko sabay abante sa sundo na pinto. Sinipat ko ulit ang janitor ngunit nakatalikod na ito habang nag-ma-map. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang door knob para pumasok. “Yow! Sabi na si Deya na ‘to eh. Basta parang pulis kumatok, siya na talaga papasok.” ani Jholer na naglalaro ng ML sa phone niya. Siya ang genetically male ngunit bisexual na Vice President ng SG. Nagkakagusto paminsan sa babae, minsan sa kapwa lalaki. Hindi raw siya bakla, pero parang paminta. As usual ay magulo ang loob ng office. Maraming nagkalat na papel, pati mga envelopes at folders sa halos buong paligid. Si Zarah naman na Auditor ay nagkuskos ng mata at halatang kagigising lang. Nadistorbo ko pa yata ang tulog. “Look who’s here.” biglang tumayo si Patricia mula sa pag-Indian sit habang kaharap ang mga law books at notes. Siya naman ang Treasurer. Mayaman ang babaeng ‘to which explains her position. Huminto naman ang Secretary na si Xyna sa pagriritwal na panalangin niya sa sulok kaharap din ang mga law books niya. Sa gilid niya ay may mga kandila, mga rosario, at mga kung ano anong bato. Habang napabangon naman ang P.I.O. na si Queenie na kanina ay nagbabasa ng notes niya habang nakahiga sa couch. Ilang saglit pa ay tumili sina Patricia, Xyna, at Queenie sabay takbo papunta sa’kin habang nakataas pa ang mga kamay para yakapin ako. Tinaas ko rin ang mga kamay ko para salubungin sila pero agad ko ring binaba dahil nilagpasan ako ng mga bruha at dumeretso sa likod ko. Anak ng tokwa! Dinamba nila ng yakap si Gael na walang nagawa kun’di pilit na ngumiti. Napairap ako at pabagsak na inilapag ang folder sa malaking wooden table na may glass top. “Oh, ayan na. Ano pang kailangan n’yo sa’kin?” Tinignan ni Zarah ang laman ng folder at tumango tango, “Thanks!” saad nitong nakangisi, “Pa-picture naman ako.” Tinaasan ko siya ng kilay, “Ah.. so pinapunta n’yo ako dito nang personal para magpa-picture lang?” Ngumiti lang siya lalo. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing nang kaunti. Iniharap niya na ang front cam sa aming dalawa’t wala akong nagawa kun’di ang ngumiti na lang din. Pareho kami ng personality ni Zarah kaya no’ng officer pa ako ay kami ang magkasundo sa SG. Hindi naman siya tomboy pero hindi lang siya maharot gaya ng tatlo. “Uy sali ako!” tumayo mula sa upuan si Jholer at huminto sa pag-e-ML niya para makisali sa picturan namin. Nilabas niya naman ang iPhone niya at isinali ang lahat kasama si Gael na pinupuluputan ng tatlo. Siniswerte nga naman ‘tong mga babaeng ‘to. Na-anticipate kaya nila na sasama si Gael sa’kin kaya talagang pinilit akong pumunta rito? Hayst... “Aalis na kami.” “Huy wait lang!” sabay sabay na sigaw ng tatlo sa’kin at ginagwardyahan pa si Gael na hindi makatayo sa couch. “Masyado naman yatang mabilis!” -Queenie “Ang k.j. mo naman!” -Xyna Patuloy nilang kinausap si Gael kaya’t tinalikuran ko na lang sila para kausapin sana sina Zarah at Jholer ngunit naalala ko ang nakita ko sa labas kanina. Siya ba talaga ‘yun? O baka namamalikmata lang ako? “Zarah, pakibantayan mo ‘tong kasama ko. ‘Wag mong hahayaang makalabas dito sa office.” pabulong ngunit madiin kong bilin. Kumurap-kurap si Zarah nang ilang saglit bago tumango nang mabagal. Kung may magagawa ba siya? Oo, meron. Siya ang legit na black belter na kilala ko rito sa UP Law. Lumakad ako papunta sa pinto para lumabas. “Deya..” dinig kong pagtawag ni Gael na agad kong nilingon. Pumipiglas pa siya sa tatlong babae pero hindi talaga siya makatayo sa couch. “Diyan ka lang. Babalik ako agad.” “Deya! Wait—“ Isinarado ko na ang pinto at ngayon ay nasa labas na ako ng office. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala nang tao. Lumakad ako’t tinignan ang mga corridors. Medyo nakakahilo dahil halos pare-pareho ang porma ng mga hallway at mga rooms. Ito ang pinakamahirap para sa taong gaya ko na walang sense of direction. Pumasok ako sa isang hallway na may likuan sa dulo. Ginalugad ko ang buong 2nd floor pero wala akong nakitang janitor na naglilinis. Napabuga ako ng hangin sa dismaya. Baka nga imagination ko lang ‘yun, o baka naman na-mi-miss ko lang kasi siya. Nagpunta ulit ako sa c.r. para manalamin. Sa pagpasok ko ay nakita ko ang janitor na nakatalikod at nasa sulok na nagsasalin ng tubig sa isang balde. Wala siya dito kanina nang silipin ko ang c.r. kaya malamang ay baka nagkasalisi kami. Sa tindig at kilos niya ay talagang siya nga ito, ang pangangatawan niya at hairstyle na gaya ng kay Bruce Lee. Idol niya kasi ‘yun kung kaya’t lahat ng style ay ginagaya niya. Hindi ako umimik at hinintay siyang makaharap bago mag-react para hindi naman ako mapahiya kung hindi talaga siya ‘to. “Ay! Purdyos pursanto! Akala ko white lady!” gitla niyang anas matapos humarap sa akin. Isinara ko ang pinto ng c.r. at ni-lock ito. Inilapag niya naman ang bitbit niyang balde na puno ng tubig. Pinagbubuksan ko isa isa ang mga cubicle ng c.r. para masigurong wala talagang tao, pagkatapos ay muli akong humarap sa kanya. Mga ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ko siya dinamba ng yakap. “Kuyaaaa!” “Deya, ‘wag mo akong yakapin. Kanina pa ako naglilinis ng building, madudumihan ka.” Pinakawalan ko siya pero humawak ako sa magkabila niyang braso, “Bakit ka nandito? Wala bang janitor na babae para sa c.r. for girls?” “Wala. Kukuha pa lang sila. Kaya nga maaga akong naglilinis dito habang wala pang masyadong tao.” “Pero.. bakit ka nga nandito sa Maynila?” “Sa tingin mo, bakit? Bakit sa lawak ng Maynila, nandito ako sa UP Diliman?” ngumisi siya. Napasinghap ako sa pagtantong nandito siya para tulungan ako sa misyon ko, “Wait, alam ba ‘to nina Mama’t Papa?” “Hindi ako makakaalis nang hindi nila alam. Para namang ‘di mo sila kilala.” Tumalon talon ako habang pumapalakpak. “Pero Kuya, ano kasi...” Paano ko ba sasabihing hindi pwedeng malaman ng mga taong kakilala ko dito sa Maynila na magkapatid kami? Kailangan naming ipalabas na wala kaming kaugnayan sa isa’t isa para mas magawa namin ‘to nang maayos. “Alam ko.. at naiintindihan ko. Isa pa, artista ka eh. Magiging magulo naman kung makikilala rin nila ang pogi mong Kuya. Mahirap kung ma-di-discover din nila ‘ko.” Tumawa ako at hinampas siya sa braso. “Libre kita minsan.” “Sige ba, ‘pag nagtagumpay na tayo.” sagot niya. Hiningi ko ang f*******: account ni Kuya Daniel pero wala raw siya at inilabas niya pa nga ang phone niyang de-keypad na 3310 pa. Hiningi ko na lang ang bagong number niya. Buti na nga lang at marunong siyang magbasa kahit papa’no. Grade 3 lang kasi ang tinapos ni Kuya. 32 years old na siya pero dahil sa baba ng tinapos niyang pag-aaral at sa hirap ng buhay ay hindi pa siya nag-aasawa. Pinauna ko siyang lumabas ng c.r. at nag-antay ng ilang minuto bago ako lumabas. Kunwari ay hindi talaga kami magkakilala. Pinihit ko ang pinto ng SG Office ngunit ‘di ko ito mabuksan. Parang may kung anong nakadagan dito kaya’t kumatok na lang ako. Si Zarah ang nagbukas at mukhang siya rin ang nakaharang sa pintuan kanina. “Oh ayan ha. ‘Di ko talaga pinalabas.” saad niya na sumisipat sipat din kay Gael na nasa malapit din sa pinto at pawis na pawis. “Where have you been?” “Nag-c.r. lang ako. ‘Wag mong sabihing pati sa c.r. gusto mo akong samahan.” “Yiiieeeee!” panunukso naman ng ibang mga nasa office. “Sana all gustong samahan!” singit ni Jholer. “That long?” “Jumebs ako.” Huminto naman siya’t parang naintindihan niya na kung bakit napatagal ako. Hinila ko na siya palabas at nagpaalam na sa mga baliw sa opisina ng SG. Hinila ko siya hanggang sa makalabas kami ng Malcolm Hall. Na-realize kong kanina ko pa hawak ang kamay niya kung kaya’t sa paglakad namin papunta sa sasakyan ay agad ko itong binitawan nang hindi tumitingin sa kanya. Agad niyang pinaandar ang kotse sa pagsakay namin. Nagtaka ako dahil sa ibang route siya lumiko paglabas namin ng UP. Hinayaan ko na lang siya dahil baka meron din siyang sariling business na dadaanan o ano pa man. Nag-park siya sa isang paborito kong McD restaurant. Walang drive thru ang branch dito pero ito siguro ang pinakamalapit. Muli niyang sinuot ang shades niya at mask bago bumaba ng kotse. “Wait for me.” wika niya sabay baba. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa entrance ng McD. Dahil hindi siya pwedeng maglantad ng mukha sa publiko ay pinakita niya ang I.D. niya sa guard upang papasukin siya. Tumango naman ang guard at binuksan ang glass door para sa kanya. Nakapagtatakang hindi nagulat ang guard at napangisi pa ito. Napakunot ako ng noo nang mapagtantong kilala ko ang guard. Tinitigan ko pa siyang maiigi at kinusot pa ang mata ko. Si Kuya David, ang isa rin sa mga Kuya namin na sumunod kay Kuya Daniel. 29 years old at 2nd year high school ang tinapos. Sh*t! Bakit nandito silang dalawa sa QC? Sasali rin si Kuya David sa pagtulong sa’kin sa misyon? Nangangati akong bumaba rito sa kotse at kausapin si Kuya David pero hindi ko magawa dahil baka makita ako ni Gael o makilala ako ng ibang tao. Tumitig siya sa kotseng kinalalagyan ko at hindi ko alam kung naniningkit ba ang mata niya dahil sa init ng panahon o dahil tinatanaw niya kung may tao ba rito sa loob. Alam ni Kuya na paborito ko sa McD, kaya’t malamang ay maiisip niya ring kung bibili si Gael dito ay tiyak na kasama ako. Makakausap din kita Kuya David.. At least alam ko na kung saan kita hahanapin. Ilang saglit pa ay namataan kong lumabas na si Gael mula sa restaurant dala ang mga binili niyang take-outs. Sumaludo naman si Kuya David sa kanya bago siya lagpasan nito. Sinundan ni Kuya David ng tingin si Gael hanggang sa makasakay ng kotse at nakangising tumitig banda rito. Nang mailapag na ni Gael ang mga plastic ay mabilis din siyang nagmaneho paalis. Lumingon naman ako kay Kuya David na sinusundan pa rin ng tingin ang sasakyan. Pagdating namin sa bahay ay pinagsaluhan namin sa living area ang in-order ni Gael. Kami na lang ang gising sa mga casts. Ewan ko ba sa lalaking ‘to at naisip pang kumain kaysa matulog. Pagod na ako kaya’t mabilis kong nilamon ang paborito kong pancake, double cheese burger, at large fries. Sinikap ko pa ring hindi magkalat dahil nasa sala kami dahil na rin sa katigasan ng ulo ni Gael na gustong kumain dito imbis na sa kusina. Ako na rin ang nagligpit pagkatapos naming kumain. Habang nagliligpit ay pumasok si Cong. Eliazar mula sa entrada. “Good morning!” bati nito sa amin. “Good morning din po!” sagot ko habang tinitipon sa kamay ang maliliit na food dust sa ibabaw ng nesting table. “Tamang tama at hindi pa kayo natutulog. May ipapakilala lang ako saglit.” may tinawag siya sa labas na agad ding pumasok. “This is your new driver, Delio Avendaño.” Sa sobrang gulat ko ay napatulala na lang ako. “Good morning po, Ma’am, Sir.” nakangiting bati ng pinakilalang driver ni Cong. Eliazar. “I said, I don’t want a personal driver!” asik ni Gael. “What’s the problem of having a driver? Makakatulong pa nga sa’yo ‘to para hindi ka na masyadong pagod tuwing magbibiyahe kayo ni Deya. I hired him exclusively for the both of you.” What the effin’ F? So nandito na pala ang tatlo kong Kuya, at talagang personal driver pa namin ang isa. Sa una ay natutuwa pa ako pero parang ngayon, kinakabahan ako. Paano kung mas magiging magulo ‘to dahil sa kanilang tatlo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD