Ika-labing Tatlo

4992 Words
“Makalusot ka man pero may impact pa rin ‘to sa reputation mo.” Nakayuko lang ako habang kanina pa nakikinig ng morning sermon. “My goodness! Bago ka pa lang dito sa industry, Deya! Napakaaga pa para lumandi ka!” Makalandi naman ‘to. Eh ayun na nga eh, bago ako pero ‘di ako ininform sa mga ‘di dapat gawin. Kasalanan ko pa talaga? “At wag kang mag-isip na may kasalanan si Kyle dito! Hindi natin sakop ‘yun! Eh sa gusto ring sumikat ni Kyle at agawin ang spotlight sa inyo eh! Team natin ‘to at sa pagdaan ng mga araw, meron at meron talagang sisira sa’tin! Kaya as a part of this team, hindi mo dapat sila hayaang gawin ‘yun!” mahabang litanya ni Sir Ricky. Tss.. showbiz sucks, pero ‘di ko in-expect na ganito ka-f*cking terrible ang buhay ng mga artista. “Again, all you need to do is be dedicated to your love team. Just stick to Gael for us to reach our goal. This should never happen again. You’ll not do something unless the management allows it. Nagkakaintindihan ba tayo, Deya?” “Yes po, sorry po ulit.” parang maamong tupang sagot ko. Lumakad na paalis ng veranda si Sir Ricky para pumasok sa loob ng bahay at doon naman maghihimutok kina Direk at sa mga kapwa ko artista. Napabuga na lang ako ng hangin. Nanliliit ako sa hiya. Bukod sa sinisira ko ang love team, mukha pa ‘kong malandi sa paningin ng mga tao dahil feeling nila, nagtataksil ako kay Gael. Arrggh! F this life! “Hi, Ma’am.” Nagitla ako mula sa pag-iisip nang malalim nang marinig ang boses ng isang lalaking sumulpot galing sa isa sa mga poste ng veranda. Ang boses at mukha nito ay pinagsawaan kong makita mula no’ng bata. Itong mukhang ‘to na madalas kong kabwisitan dahil lagi akong inaasar pero lagi ko ring sinasapak. Pinagtatanggol ako nito kapag may umaaway sa’kin pero mas madalas niya akong inaaway. “Mukhang malalim po ang iniisip n’yo ngayon, Ma’am. Ano po bang problema natin?” unti unti siyang lumapit hanggang sa pasimpleng naupo sa harap ko. Ang babasaging bilog na mesa ang nasa pagitan naming dalawa. “Wala lang ‘to. Kagaya pa rin ng mga problema ko dati. Reputation issues lang.” “Hindi na basta basta ang reputation issues kapag artista ka na.” nakangising saad niya. “Eh ano bang magagawa? Nangyari na eh. tss..” “Baka naman kasi kung ano ano na namang pinaggagagawa mo. Lagi ka namang careless kumilos.” sumandal siya sa upuang bakal. “Hindi ko dapat ‘yun kasalanan. Eh ano naman kung may maka-date akong iba sa Ball? Love team lang naman kami.” “Sige, mangatuwiran ka lang. Lahat na lang nirarasunan mo. Alam mo namang hindi gano’n ang kaso ‘diba?” panenermon niya sa’kin nang nakangiti pa rin. Alam kong ayaw akong nato-trouble nito pero sa tuwing may problema ako ay tatawanan talaga niya muna ‘ko bago tulungan. Napahinga na naman ako nang malalim at napanguso na lang. “Okay lang ‘yan, okay na ‘yan. At least hindi ka pa tanggal sa trabaho. Galingan mo pa para hindi ka matuluyan.” nang-aasar na saad niya sabay tawa nang nakakainsulto. “Eh kung ikaw kaya ipatanggal ko rito?” “Bakit? Ikaw ba nagpasok sa’kin dito para magkaro’n ka ng karapatang ipatanggal ako? Mukhang malakas ka sa may-ari ng bahay na ‘to ah?” Nginisihan ko siya, “Hindi mo pa nasasabi sa’kin kung bakit tatlo pa talaga kayong nandito sa QC.” Nawala ang ngiti niya’t napalitan ng pagkunot ng noo, “Huh? Anong tatlo?” Luminga-linga muna ako sa paligid upang tignan kung may ibang tao. Wala naman pero hininaan ko nang husto ang boses ko. “Meron pa bang ibang tatlo sa buhay ko bukod sa inyo nina Kuya Daniel at Kuya David?” “Ano? Nandito rin silang dalawa?” pabulong din ngunit gulat na gulat niyang tanong. Napaderetso ako nang upo mula sa pagkakasandal sa upuan, “Wag n’yong sabihing hindi n’yo plinanong puntahan ako rito.” pabulong kong asik. Napahilamos sa mukha niya si Kuya Delio. Umiling-iling siya’t napatingin sa kawalan bago ako muling hinarap at nagsalita. “Sa’n mo sila nakita?” “Si Kuya Daniel nasa UP tapos si Kuya David nasa McD.” “Psshh.. Okay, at least ako ang pinakamalapit sa’yo.” “Bad trip nga eh, sana si Kuya Daniel na lang nandito.” kunwaring dismayadong saad ko sabay busangot. “E’di sa ibang bahay na lang ako mag-a-apply as driver kung ayaw mo sa’kin dito.” inis na sagot niya. Humalakhak ako, “Lagi ko naman nang ayaw sa existence mo. Dapat sanay ka na.” “Pagsilang palang sa’yo at pagkakita ko palang sa sanggol na ikaw, nakakairita na agad.” “Isinilang talaga ‘ko para inisin ka.” “E’di dapat pala binalibag na kita no’ng pinahawak ka sa’kin ni Mama.” “Nabuhay ako kasi hindi mo deserve ng mapayapang buhay dahil pasaway ka.” Hindi na sumagot si Kuya at biglaan siyang tumayo sa kinauupuan niya nang mapalingon siya sa entrance ng bahay. Napalingon din ako sa tinitignan niya at napatayo rin agad nang makita si Gael na nakasandal ang gilid sa bukas na pintuan. Matalim itong nakatingin sa amin habang nakahalukipkip. “Good morning, Sir.” nakangiting bati ni Kuya sa kanya na may kasama pang saludo. Hindi sumagot si Gael at itinuon ang matalim nitong tingin kay Kuya. Nagkatinginan kami nang ilang ulit ni Kuya. Ipinasok ko ang inuupuan ko kanina sa mesa para medyo tanggalin ang awkwardness. “Have you washed the car already?” “H-Hindi pa po, Sir.” “Then what are you doing here? Do your f*cking job!” How dare you shout at my brother? Napapikit ako sa pagpigil ng emosyon ko, pero mukhang ‘di ko yata talaga kaya. “Bakit ang bastos mo sa mga tauhan mo? Lagi ka bang nagka-cutting sa E.S.P. subject n’yo?” halos pasigaw at sarkastiko kong tanong kay Gael. Bahagya man siyang nagulat ay nagseryoso agad ito ng reaksyon. Kita ko sa peripheral vision ko na tumingin din sa’kin si Kuya. “Are you defending our driver now?” “I’m not just defending him. I’m calling out your attitude. Lahat na lang ng maids at drivers binabastos mo. Ganyan ka ba talaga ka-walang hiya?” “Why are you calling out my attitude just now when I’m doing it all the time before?” “Eh sumusobra ka na eh! Ikaw na nga ang mali, nangangatuwiran ka pa! So sadyang masama talaga’ng ugali mo?” alam kong sumisigaw na talaga ‘ko at baka dinig na ng buong masyon ang boses ko. Lumambot ang mukha ni Gael at napalunok siya. Bakit nga ba napakagaspang ng ugali ng lalaking ‘to? Kahit pa nga magalit sa’kin ang mga magulang nito dahil sinisigawan ko siya sa sarili niyang pamamahay ay wala na ‘kong pakialam. Kung hindi nga lang ‘to anak ng Congressman ay baka nasapak ko na ‘to. “Ma’am, Sir, ‘wag na po kayong mag-away. Okay lang po ako. Pasensya na po kayo. Gagawin ko na po ang trabaho ko.” Saglit kaming natahimik at kapwa kami ni Gael napatingin kay Kuya. “Excuse me po.” muling wika niya sabay bow at lakad paalis. Napabuntong hininga ako. Pumasok ako sa loob ng bahay at balak kong lagpasan lang siya dahil nakatayo siya sa pintuan pero hinawakan niya ako sa braso. “I’m sorry.” mahinang sabi niya. “Hindi ka dapat sa’kin mag-sorry.” hinatak ko ang braso ko kaya’t nabitawan niya ito. Deretso akong lumakad papasok sa loob ng bahay at nagpunta sa kusina. Subukan niya lang akong sundan dito, mabubulyawan ko pa siya ulit. Uminom ako ng kaunting tubig galing sa fridge, pagkatapos ay pinuno ang baso ng orange soda. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa dining table habang unti unting lumalagok ng orange soda. Naglilinis ng sink si Shane, yung isa sa mga maids dito. Mukhang malinis naman na sa paningin ko ang sink pero sobra sobra kung makakuskos. Dahil sa naturally insecure personality ko ay hindi ko napigilang mapansin ang kaputian at kakinisan ng balat niya. Feeling ko, mga ilang skin care sessions pa ng ilang taon ang kailangan kong bunuin para ma-achieve ang fair skin na meron siya. Dinaig pa ako ng taong naglilinis araw araw sa isang mansyon. “Hi, Ma’am. Good morning. Andyan ka pala.” saad niya nang maramdaman siguro ang presensya ko sa likod niya. “Good morning.” walang sigla kong sabi dahil hindi naman na good ang morning ko. “Nag-almusal na ba kayo Ma’am?” “Hindi pa eh, siguro maya maya na.” “Nako. ‘Wag n’yo nang patagalin ‘yan Ma’am. Baka ipatawag kayo bigla ni Direk. Dapat laging may laman ang tiyan n’yo.” Umiling ako at ngumiti. Hindi lang siya makinis, maganda pa. Yung kilay niya parang may maintenance ng ahit sa sobrang ganda ng shape, mas mahaba rin ang pilik-mata niya kaysa sa’kin, halatang pagod ang malaki ngunit namumungay nitong mata, napakatangos ng ilong niya na halos pagkamalan mo siyang anak ng foreigner, idagdag pa ang pink kissable lips niya. Hawig pala siya ni Anne Hathaway. Kung may real life cinderella siguro ay baka siya na ‘yun dahil sa blue nitong maid’s uniform na nagpapamukha pa rin sa kanyang prinsesa. Hindi ko akalaing mapapa-sana all ako sa physical attributes ng isang maid. Huminto siya sa paglilinis at naghugas ng kamay, “Ipaghanda ko na po kayo ng almusal.” “Ay, hindi na. Ako na lang mamaya.” “Upo ka lang diyan, Ma’am. Ako na po bahala sa inyo.” nakangiti niyang saad. Bahagya na lang akong tumawa. Mapilit siya, e’di okay. “Shane.” “Ma’am?” “Ilang taon ka na?” “27 po.” “Mas matanda ka pala sa’kin. So Ate Shane pala dapat itawag ko sa’yo.” “Wag na po. Mas bata rin naman po yung ibang tao rito sa bahay pero ‘yaya’ pa rin po tawag nila sa’kin. Kayo nga lang po ‘yung gumagalang sa’kin dito. Medyo nakakapanibago nga po.” “Ayun nga dapat ang tamang pagtrato sa lahat ng tao, Ate Shane.” “Si Ma’am talaga eh.” nakangiting wika niya habang nagtitimpla ng kape. Pagkatapos niya sa kape ay nagbukas siya ng kalan para lutuin ang paborito kong morning combo. Tatlong loaf bread na may palamang cheese at sunny-side-up egg. “Sorry kung itatanong ko ‘to.. pero bakit ka napunta sa ganitong trabaho? I mean, marangal naman ‘to pero ba’t ‘di ka sa mas mataas ang sahod? Sa ganda mo kasi, marami kang mapapasukan.” Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Shane at para bang napaisip siya. “Ayun na nga po Ma’am eh, ganda lang ang meron ako. Wala naman akong pinag-aralan. Wala rin akong talent o ibang kayang gawin bukod sa paglilinis.” “Well, at least alam mong maganda ka. Ayos na ‘yun.” Matapos ma-prito ang itlog ay nagpalaman na siya ng cheese sa loaf bread. “Ma’am, mukhang close na po kayo no’ng bagong driver ah?” “Ah.. Hindi naman. Nangamusta lang ‘yun dahil nakikita niya ‘kong namomroblema kanina. Feel ko natural lang sa kanya ang pagiging thoughtful.” “Siguro nagagandahan po sa inyo ‘yun, Ma’am. Naku, sana all. Ang gwapo nga rin no’n para maging driver eh, kamukha ni Joshua Garcia.” Muntik na ‘kong mabulunan sa iniinom kong soda dahil sa sinabi niya. Ang dami talagang nagsasabing gwapo si Kuya Delio pero bakit ‘di ko makita? Gano’n yata talaga kapag kapatid mo. “Hmm.. sakto lang naman.” saad ko habang pinipigilan ang tawa. “May girlfriend na kaya ‘yun?” wika naman niya na tumitingin sa ere na para bang nag-i-imangine. Wala pa. Hmmm.. Actually, bagay kayo ni Kuya. Lumapad ang ngiti ko sa pag-iisip na magandang ship ‘to. “Bakit ‘di mo siya tanungin?” “Eh.. baka po iba isipin niya. Nahihiya naman po ako.” Nagpakawala ako ng impit na tawa. Knowing Kuya, oo dapat mahiya talaga sa kanya. Ayaw kasi ni Kuya na inuunahan siya ng babae. Pero seeing Shane naman, sigurado akong liligawan ‘to ni Kuya kapag ni-reto ko. “Curious lang ako, bakit lahat ng maids dito magaganda? Para kasing sinadya ng amo n’yo na lahat kayo maganda dapat.” Napahinto siya at nag-isip pa ng isasagot. Para siyang takot base sa reaksyon niya. Tumingin siya sa’kin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Tinignan ko siya at pinararating ng mga tingin ko na kung ano man ang iba pang nangyayari sa bahay na ito ay pwede niyang sabihin sa’kin at hindi siya mapapahamak. “Sa tingin ko po, mapagkakatiwalaan kayong tao. Pero nahihiya pa rin po akong sabihin sa inyo ang dahilan.” “Hindi kita pipilitin pero sana, hindi masama ang ginagawa ng mga amo n’yo sa inyo.” “Hindi po. Sa totoo lang, sila nga po ang nag-alis sa’min sa masama.” “Saang masama naman nila kayo inalis?” Tumitig lang siya sa’kin. Alam kong ‘yun ang ayaw niyang malaman ko pero gusto kong may madulas siyang salita na magbibigay sa’kin ng hint kung ano ‘yun. “O baka naman akala n’yo lang na inalis kayo sa masama pero hindi pala talaga.” dagdag ko pa. “Hindi po. Kaya ako nag-s-stay dito dahil sa utang na loob ko sa kanila sa pagligtas nila sa amin.” Tumango-tango ako, “Nirerespeto ko ang desisyon mong ilihim ‘yan.” “Salamat po, pasensya na po.” “No, you’re fine. Pero sana alam mong walang lihim na hindi nabubunyag, Ate Shane.” Napalunok siya’t tumango na lang. Ipinalaman niya na rin ang sunny-side-up na itlog sa tinapay. Bago ko isubo ang tinapay ay naalala ko ang iba kong mga kasama. “Ate Shane, nag-almusal na ba ‘yung mga katrabaho ko?” “Ah opo, kumain na po sila kanina no’ng kinakausap po kayo ni Sir Ricky.” “So nag-amusal na rin si Gael?” “Wala po pala siya rito kanina. Hindi ko po alam kung kumain na ba.” Nailapag ko sa platito ulit ang tinapay, “Ate, pabantay po or patakip ng cloche. May i-che-check lang ako saglit.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng kusina. Inilibot ko ang paningin ko sa malawak na living area pero wala siya rito. Hays.. ba’t ba kasi napalaki ng bahay na ‘to! Baka nasa labas? Binuksan ko ang isa sa dalawang pinto ng double-door at lumabas. Sinilip ko ang parking lot. Andito naman ang limang kotse niya so hindi siya umalis. Pumasok ulit ako sa bahay at dumaan naman sa likod. Tahimik ang court at walang tao sa bleachers. Nagpunta rin ako sa kubo pero walang tao. Nagtanong din ako sa mga tauhang naglilinis at nagdidilig ng mga halaman kung nakita ba nila siyang dumaan dito pero hindi raw. Bumalik na lang ulit ako sa loob ng mansyon. Umakyat ako sa 2nd floor at sinilip ang lahat ng recreation rooms pero lahat ay madilim lang. Tss.. baka nasa kuwarto niya ‘yun. Wala na akong nagawa kun’di umakyat ng 3rd floor. Hiningal pa ‘ko sa pag-akyat sa hagdan. Pumwesto ako sa tapat ng pinto ng kuwartong kaharap lang ng kuwarto ko. Hinintay kong mapawi muna ang hingal ko bago kumatok ng tatlong beses. Nakakatok na ako nang mapansing may doorbell button palang nakakabit sa gilid ng pintuan sa taas ng lockpad niya. Walang nagbukas ng pinto. Muli akong kumatok na mas malakas pa sa katok ko kanina. Eh sa ayokong gamitin ang doorbell eh. Naghintay ako nang ilang segundo bago muling kumatok ulit na mas malakas pa kaysa huli kong ginawa na halos magiba na ang pinto. “I told you to f*cking use the doorb—“ Napahinto siyang bigla sa pagsigaw at gulat na tumingin sa’kin. Pasimple akong sumilip sa loob ng kuwarto niya para malaman kung may kasama ba siyang babae sa loob pero mukhang wala naman. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nanatili ang pagtitig nito na may kasamang gulat na ekspresyon. “Nag-almusal ka na?” walang ganang tanong ko. “W-Why are you asking?” Kung kanina’y parang dragon na nagbubuga ng apoy sa galit, ngayon ay para na siyang tutang matamlay kung magsalita. “May problema ba kung magtanong ako?” “H-Hindi pa.” “Bakit hindi ka pa nag-aalmusal?” medyo napataas ang boses kong tanong. Hindi ko na ma-contain ang gigil ko sa lalaking ‘to eh. Nagbago ang facial expression niya’t unti-unting sumilay ang ngiti, “Heto na. Mag-aalmusal na po ako, Captain.” Nang tuluyan na siyang makalabas at maisara ang pinto ay agad akong tumalikod para bumaba na rin sa kusina. Ramdam kong nakasunod siya pero hindi ko siya nilingon hanggang sa makaupo ako sa mesa. Sinimulan ko nang kainin ang inihanda ni Ate Shane para sa’kin nang maupo na si Gael sa tabi ko. “Good morning, Sir. Ihanda ko na rin po kayo ng almusal.” ”Thank you.” “Hinanap pa naman kayo ni Ma’am para makakain lang.” Nailunok ko nang mabilis ang nginunguya ko, “Hoy! Hindi ah! Dinaanan ko lang siya no’ng pumunta ko sa kuwarto ko!” “Ay sorry naman po. ‘Wag ka na magalit Ma’am.” nakangising sabi ni Ate Shane. Pinakalma ko ang sarili at pinaningkitan na lang siya ng mata bago sumubo ulit. Wala pang tatlong minuto ay naubos ko na agad ang pagkain ko. Muntik ko nang maibuga ang kape dahil deretso ko itong nahigop kahit sobrang init pa, pero tiniis ko na lang ang sakit ng paso at pasimpleng tumikhim. Saglit kaming natahimik... “I’m sorry.” sabay na sabay naming saad. Napayuko kaming dalawa sa awkwardness. “I’m sorry, I almost ruin your career. Hindi ko naisip agad na makakaapekto sa love team natin ang ginawa ko.” Naghintay ako ng sagot niya pero nanatili siyang nakatingin lang sa’kin. “But why did it needs to be a big deal? Look at you now, people’s sympathy is yours! Ni wala pa ngang balitang pinapakalat na tayo na! And yet, you’re the victim and they think your loyal as if we have a real relationship! Are you happy now? Because I think you should be happy because they like you that much!” “Are you really sorry?” Bakit nga ba ako humihingi ng sorry pero nagagalit din ako at the same time? Oh c’mon, Deya! Tone down your attitude! “Yes!” pagalit ko pa ring sagot. Naiinis pa rin ako sa naisip na lusot ng management na si Kyle ay date ko sa Grand Ball as a friend habang si Gael naman ang legit na date ko talaga. So anong mangyayari sa Ball? Threesome kami sa walk? Mukha pa rin akong homegrown b*tch sa paningin ng mga tao. “I’m sorry because you’re being forced to do something against your will.” Napatahimik ako sa sinabi niya. “I honestly don’t care about my image. Say what they wanna say. My loyalty’s not to showbiz anyway.” Tinitigan ko lang siya, sinisikap intindihin ang mga sinasabi niya kahit hindi ko alam kung saan ang mga ito nanggagaling. “Okay lang kung ayaw mong makipag-date sa’kin, but what I don’t want to see is you dating another man. That would be my hatest scene ever in this whole d*mn life. Call me selfish, but I can’t stand seeing you happy with someone else.” Hindi ko alam ang isasagot kung kaya’t nanatili akong tulala sa kanya. Pinigilan ko nang saglit ang paghinga dahil sa biglaang pagiging iregular ng pagtibok ng puso ko. Inalis kong agad ang tingin ko sa kanya’t humarap na lang sa mesa. Mainit pa ang kape ngunit tuloy tuloy ko itong ininom hanggang maubos. “Mag-almusal ka na.” Tumayo ako sa kinauupuan ko’t mabilis na umalis sa kusina. ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ **Third Person’s POV** “Numero singko, umaarangkada’t nangunguna! Malapit na ang finish line! Siya na kaya ang susunod na kampyon?” wika ng lalaking announcer. Malapit na nga ang finish line. Siya ang kasunod ng runner number 5. Alam niyang mahihirapan na siyang habulin ito ngunit pursigido siyang manguna. Hindi lang kasi ito para sa kanya, kun’di para sa eskwelahan at sa mga guro’t kaklaseng umaasa sa kanya. Ang venue kasi ng sports division ay dito sa mismong school nila dahil ito ang hosting team taon taon. Naiisip niyang hindi siya maaaring matalo sa home court nila. Sinikap niyang mas bilisan pa ang takbo. “Aba teka teka! Ang otso, ang otso ay humahabol! Malapit niya nang mapantayan ang singko! Mukhang umiinit ang laban bago ang finish line, mga kaibigan!” Lumakas ang tilian ng mga manonood, partikular na sa panig ng eskuwelahang pinagmulan niya na ang iba ay nakasuot ng asul na jersey at ang iba nama’y ang asul nilang P.E. uniform. Halos magwala ang mga ito sa kasisigaw at katatalon sa pag-cheer sa pambato nilang estudyante. “Ayan na! Ayan na!” Napasalampak siya sa rubber running track matapos maabot ang finish line. Nakahiga man sa field ay nasuot niya ang ngiti sa mga labi dahil sa pagkapanalo. “Arrgghhh! Bw*set!” asik ng runner number 5 na nakasuot ng dilaw na jersey. Bumangon siya sa pagkakahiga’t nakipagkamay sa number 5 ngunit sinamaan lamang siya nito ng tingin at tinalikuran. Natawa na lang siya sa hindi matanggap na pagkatalo ng kalaban. Kinamayan niya na lang ang iba pang mga kalaban na lahat ay naging sport naman at natanggap ang pagkatalo nila. Sa muling pag-anunsyo ng Elementary Track and Field Division Champion ay muling naghiyawan sa saya ang kanyang mga ka-eskuwela. “The best ka talaga!” sigaw na salubong ng kanyang best friend sa pagpunta niya sa bleachers. “Muntik na nga eh.” “Destined talaga na ikaw ang manalo!” “Baka pambato ng Grade 5 ‘yan!” Agad na yumakap sa kanya ang class adviser na coach niya rin sa track and field, “Syempre, kanino pa ba ‘to magmamana, e’di sa coach!” “Congratulations!” “Dito ka pa ba magha-highschool?” tanong ng isa pang teacher na coach naman ng mga panlaban sa track and field high school division. “Opo.” “Ayun! Ipapanalo mo rin ang high school team soon! Mas magiging magaling ka pa kasi tutulungan ka ng mga Kuya mo.” Itinuro ng teacher ang mga lalaking high school track and field players na nakaupo sa isang tabi sa bleachers at nagkukuwentuhang tila ba may sariling mundo. Marami man sila ay napukol ang atensyon niya sa isang tao lamang. Ang lalaking ito ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan nitong nakapalibot. Hindi niya alam ngunit tila tumigil ang mundo niya nang makita ang mga ngiti ng binata. Masyado pa siyang bata para maramdaman ang ganitong bagay at kakaiba nga ito sa lahat. Tinawag ng teacher ang mga lalaki at nagsitayuan ito upang lumapit sa kanila. “Mga track and field players din sila from 2nd year high school.” Sinikap niyang ituon ang atensyon sa gurong nagsasalita sa harap niya kung kaya’t nakatingin na siya sa kausap, ngunit nasa isip niya na muling tignan ang binatang nasa tabi na lang ng teacher. “Ito si Kuya JB...” pakilala ng guro sa isang matangkad at medyo maskuladong maitim at singkit na lalaki. “...Kuya Stephen...” isang lalaking ‘di katangkaran, payat, at moreno. “...Kuya Hiro...” isang lalaking matangkad, mapusyaw ang kulay ng balat, at singkit. “...At Kuya Gael.” Nalaman niya na rin ang pangalan ng lalaking ito. Nang magtama ang tingin nilang dalawa’y tila hinipan siya ng hanging habagat. Sa isip niya, ito na siguro ang sinasabi nilang crush. Hindi niya pa ‘yun nararanasan pero baka ito na ‘yun, ang magkaroon ng paghanga sa isang tao. “Emma, huy!” Nagitla siya mula sa pagpapantasya nang alugin ng guro ang kanyang braso. “Ang sabi ko, i-maintain mo ang lusog ng pangangatawan mo. Nag-va-vitamins ka ba?” “A-Ah.. Opo.” “Good! ‘Wag mo lang hahayaan ang sarili mong maging botsog pagdating mo ng high school ah? Isang taon pa, baka ‘di ka na makatakbo niyan.” “Syempre naman po. Parang malabo naman po yata akong tumaba. Wala po sa lahi namin ‘yun.” Dahil sa pagiging cute niya at ng boses niya bilang bata ay natawa na lang ang teacher. “Keep up the good work, champ!” “Thank you po.” Bago umalis ang mga high school track and field players kasama ang coach nila ay binati pa siya ng mga ito ng “congratulations” ngunit tila ba ang pagbati lang ni Kuya Gael ang narinig niya. Napangiti siya nang maisip na makakadaupang palad niya pa ang binata nang maraming pagkakataon sa school at sa mga trainings kapag nag-high school na siya. “Ako dapat ang panalo. Nakatiyamba ka lang.” wika ng isang boses ng babae mula sa likod niya. Nang harapin niya ito ay nalaman niyang ito pala si runner number 5. “Nakatiyamba man ako o hindi, wala na sa’yo ‘yun dahil tapos na ang laban. Hindi ako nandaya at ‘yun ang mahalaga.” “I hate you! Wala pang nakakatalo sa’kin ever since, but you came to ruin my record!” “Paola, tama na ‘yan.” singit ng isang ginang na humila dito upang pigilan ang ginagawang pakikipag-away ng bata. “Magtutuos pa tayo!” “See you next year, Paola.” nakangising sagot niya. Napailing na lang siya’t muling tumalikod upang magpunta sa mga ka-eskuwela. Ang track and field kasi ang huling laban sa lahat kung kaya’t alam niya na may mga resulta na ang ibang mga sports competition. Luminga-linga siya sa paligid at hinanap ang kasama niyang uuwi. Ilang saglit pa ay nahagip na ng mata niya ang hinahanap na nasa pinakadulo ng area ng kupunan nila. Kasama nito ang isa pa nilang kaklaseng lalaki. Malungkot itong nakapangalumbaba’t kalong kalong ang isang malaking chess board habang tila kino-comfort ng lalaki nilang classmate. “Doi!" Dahil sa nakikita niyang lungkot ng kakambal ay nasa isip niya nang baka talo ito sa laban at nakahanda na siyang aluin ito. Tumakbo siya papalapit sa kinauupuan ng kakambal. “Tsk! Pwede ba Kian, umalis ka nga muna rito!” singhal niya sa classmate nilang mukhang kanina pa kinakausap ang kakambal niya. Agad na dinampot ni Kian ang raketa niya ng badminton at takot na umalis. “Kumusta sa chess?” Pag-iling lang ang naging tugon nito. “Doi, okay lang ‘yan! Meron pa namang next year eh. Bawi ka na lang.” “Nasasabi mo ‘yan kasi champion ka.” “Uy.. nagkataon lang ‘yun. Ako kasi ang champion ngayon. Hindi natin alam kung ikaw na ang champion sa chess next year.” “Pa’no mangyayari ‘yun? Eh siguradong hindi na ako ang ipanlalaban ng school sa chess next year.” papaiyak na saad ni Doi. Humikbi ito at tuluyan nang humagulhol sa pag-iyak. “Hindi na ako ‘yung pipiliin nila, Emma. Hindi na ako makakalaban ulit.” Niyakap niya ang kakambal, “Huy hindi ah.. Kapag ginalingan mo ulit sa intrams, ikaw ulit ‘yun. Sure ako.” “Hindi na.. Kasi 2nd placer lang ako...” Napabitaw siya sa pagkakayap sa kakambal. “HA? 2ND PLACER KA?” Tumango tango si Doi habang patuloy na umiiyak. “CONGRATS!” Tumalon talon muna siya sa tuwa bago muling niyakap ang kakambal. “Hindi ka naman pala talo, Doi! Bakit ka umiiyak?” “Kasi 2nd lang ako. Dapat champion din ako gaya mo.” Tumayo siya’t binitbit ang chess board at hinila ang kakambal para makatayo rin. “Yehey! 2nd placer ang kambal ko sa chess! Ang galing galing niya!” sigaw niya habang tumatalon talon habang hawak hawak ang dalawang kamay ni Doi. Hinila niya ang kakambal papunta sa maraming tao na mga guro’t ka-eskuwela nila at ipinagsigawan ang pagkapanalo nito. Dahil dito’y unti-unting sumaya si Doi. Naisip nito na ang kakambal talaga ang makakapawi ng kahit anong lungkot na daraan sa buhay. “Dahil 2nd placer ang kakambal ko sa chess, ililibre ko siya ng ice cream!” sigaw niya sa gitna ng maraming tao habang iwinawagayway pa sa ere ang chess board. Natutuwa ang mga taong panoorin ang kambal. Nakuha rin nila ang atensyon ng mga high school track and field players na nakaupo sa bleachers. “Ang cute nila ‘no?” ani Stephen. “Mga bata talaga..” komento naman ni Hiro. Napalingon si JB kay Hiro, “Makabata naman ‘to! Bakit? Matanda ka na ba?” “Ibig kong sabihin, mas bata sila sa’tin.” “Siguro ang gaganda nila kapag nag-high school na.” muling saad ni Stephen. “Eww! Pedophile!” anas ni JB. “Siraulo! Sabi ko nga kapag nag-high school na ‘diba? Ugok!” “Aminin mo nang pedo ka talaga Stephen. Anong grade na ulit ng jowa mo?” nakangising singit ni Hiro. “G-Grade 6. Bakit ba? Two years ahead lang naman tayo ah!” Nagtawanan naman sina Hiro at JB sa pang-aasar kay Stephen. Si Gael naman ay kanina pa nananahimik sa tabi. Pinagmamasdan ang maingay na batang hanggang ngayon ay ipinagmamalaki ang kakambal na nanalo sa chess at nagpaparoo’t parito sa mga lines ng bleachers. Wala naman siyang ibang iniisip. Natutuwa lang siya dahil sa pagkabibo nito. Napapangiti siya sa tuwing makikitang humahalakhak ito habang may kausap at tila ba napakasaya ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD