Mabilis lang na lumipas ang isang linggong puro pakikipagsapalaran...
Sanay naman ako maging working student pero mas malala ang pagod at puyat na dinadanas ko ngayon. Kung dati ay nakakatulog ako sa library kapag inaantok ako, ngayon ay wala akong takas sa trabaho. Kahit sobrang nakakapagod ay hindi ko pwedeng ipakita ‘yon habang nasa taping. Medyo nakakatulong din naman sa pag-arte dahil mas emosyonal ang tao kapag nakakaramdam ng pagod. Road to best actress na ‘to.. charot.
Kanina pa ako pagulong gulong sa higaan pagkatapos magising 1 hour ago. Break ko ngayon sa pag-aaral at pagtatrabaho pero hindi ko alam kung break nga ba dahil binabagabag ako ng mga pag-aaralang codes and cases. Sobrang sarap mag-quit dahil natanggap ko na ang payroll na nakakontrata sa pag-aartista at nakakatamad ito sa laki. Mayaman na ‘ko eh, so bakit pa ako magsisikap? Pero at the same time ay ayokong magpadala. Gusto ko pa ring may ‘Atty.’ sa pangalan ko sa lapida kapag namatay ako.
“Do you remember? When word was bond.. A fleeting promise in the light of the dawn, Barren December under a falling sky.. The end of days and a reason to die...”
Hinayaan ko munang tumugtog nang ilang saglit ang ring tone ko na Ghost Walking ng Lamb of God bago ko ito tamad na sinagot. Ni hindi ko tinignan kung sino ba ang tumatawag.
“Deya speaking, hello?”
“Deya! Buti naman at sinagot mo ang tawag ko!” sagot ng isang pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.
Sinilip ko ang phone ko upang makita ang pangalan kung naka-save ba ito sa contacts ko pero unknown number lang. Ibinalik ko sa tenga ko ang phone.
“Sorry, may I know who I have the pleasure of speaking with?”
“Uy grabe maka-english, Deya ah? Nag-no-nosebleed ako. Iba na talaga ‘pag artista na. ‘Wag mong sabihing nakalimutan mo na ang Tita Agnes mo?”
“T-Tita?”
“Yes, this is your pretty Tita Agnes. Oha! English din ‘yoooon!”
F*ck it! Ang ganda ganda ng araw biglang tumawag ‘to para sirain.
Hindi ko naman talaga kadugo si Tita Agnes. Asawa siya ni Uncle Badang na kapatid ng tatay ko. Sina Uncle Badang at Tita Agnes ang tinirhan namin ni Doi sa Cavite noon para mag-aral sa private school noong high school palang kami. Noon, hindi na sila gaanong nagkakasundo dahil ayaw ni Tita ang pagiging full time albularyo ni Uncle. Lagi niyang binubungangaan si Uncle na wala raw itong silbi, walang kuwentang asawa, at kung ano ano pa. Naalala kong bago ako matapos ng high school ay umalis si Uncle sa bahay at nagpakalayo layo. Wala silang anak. Siguro nga dahil sa ganoong hindi nila pagkakasundo. Hindi ko alam kung tuluyan na ba silang naghiwalay o kung bumalik ba si Uncle sa bahay nila.
"Ahh.. K-Kumusta naman po?"
"Ayos naman! Nag-aalaga ako ng mga anak ko."
"Anak po?"
"Oo, walo na nga sila ngayon eh. Lahat batik." saad nito sabay tawa.
Bruhang 'to! Akala ko nagkaanak siya sa ibang lalaki bigla.
Nagpakawala na lang ako ng plastik na tawa rin.
"Nagpalit po pala kayo ng number?"
"Ah oo, ayoko na kasing tini-text ako ni Bernardo."
"So, 'di n'yo na po pala talaga pinauwi si Uncle sa bahay?"
"Eh ayaw niyang umuwi eh. Nangangamusta lang sa text pero ayaw namang bumalik. Hay nako! Ewan ko diyan sa Tito mo kung normal pa ba ang pag-iisip niyan!"
Naisip ko si Uncle Badang bigla. Kung 'di siya nakauwi nang maraming taon, kumusta na kaya siya ngayon? Kawawa lang sila pareho ni Tita dahil ramdam kong mahal pa rin naman nila ang isa't isa, 'di lang sila magkasundo ng prinsipyo.
"Busy ka ba ngayon, Deya?"
"Aaahhh.. m-medyo po. Marami rin po kasi akong pinag-aaralan ngayon."
"Dapat magpahinga ka naman. Puro ka trabaho at aral eh. Holiday naman ngayon, pasyal ka naman dito. Nababagot din akong kausapin ang mga anak ko, hindi naman sumasagot 'tong mga 'to kapag kinakausap."
Tss.. kahit pa wala akong ginagawa ngayon, ayokong pumunta sa kanya. Bruha ang tiyahin kong 'to. Hindi ko nga alam bakit nagustuhan 'to ni Uncle Badang eh saksakan naman ng sama ang ugali. Marami nang taon ang lumipas ngayon lang siya nagparamdam. Kilala siya ng buong angkan namin na lalapitan o papansinin ka lang kapag mayaman ka o kapag may mahihita siya sa'yo. No’ng tumira kami ni Doi sa kanila, kung pagmalupitan at alilain niya kami ay parang siya ang nagluwal sa'min ng kambal ko. Oo, siya ang nagpapaaral sa'min no'ng time na 'yun pero hindi dahilan 'yun para tratuhin niya kami na parang hayop sa bahay niya.
"Sorry Tita. Kung pwede ko lang gawin 'yan eh. Kaso hindi ako pwedeng walang isagot sa klase. Next time na lang ho siguro."
"Gano'n ba? Sige. Punta ka lang dito anytime kapag libre ka na. Welcome na welcome ka rito lagi."
"Salamat po. Mag-aaral na po ako. Bye po." wika ko sabay baba ng linya.
Naisip ko na naman ang kalagayan ni Uncle. Inalagaan niya kaya ang sarili niya sa mga nagdaang taon? Ano kaya ang ikinabubuhay niya ngayon? Hindi pwedeng gamiting panghanapbuhay ang pag-aalbularyo dahil ang serbisyo nito ay libre para sa kahit kanino. Ano naman kayang ginawa niya para mag-survive sa South?
Wala akong contact kay Uncle. May number siya pero wala ako no'n, sh*t dapat pala nagbakasakali ako kung meron si Tita. Wala ring lumalabas sa f*******: na profile niya kapag sini-search ko ang Bernardo Mercado Fontanilla o kahit anong combination ng pwedeng pangalan niya sa sss. Ang alam ko lang ay ang huling lugar kung saan namin siya nakita ni Doi pero hindi ako sigurado kung nandoon pa rin siya.
Bumalikwas ako sa kama at inayos ang sarili. Nagmadali akong mag-toothbrush, maligo, at magbihis, pagkatapos ay agad akong naglakad palabas ng bahay.
Sa pagbaba ko sa living area ay kita ko sa peripheral vision ko sina Hiro, Brie, at Heather na may kanya kanyang ginagawa ngunit nagsilingunan sa akin nang dumaan ako. Hinayaan ko lang sila at dere-deretsong naglakad hanggang makarating ako sa gate.
"Ma'am, sa'n po kayo pupunta?" tanong sa akin ng guard na nakapuwesto sa entrance ng parking lot.
"Aalis."
"Di po kayo pwedeng umalis nang hindi alam ni Sir Gael."
“Sinabi niya ba ‘yan sa inyo?”
“Gano’n po talaga dito Ma’am. Kahit sino po, bawal pong umalis kapag walang permiso ni Sir.”
“Since wala naman po akong pinirmahang kontrata na susundin ko ‘yan, aalis ho ako kung gusto ko. Pasensya na ho kayo. Sabihin n’yo na lang po sa amo n’yo na matigas talaga ang ulo ko.”
Mabilis kong isinuot ang helmet ko, sumakay sa motor, at pinaandar ito sabay harurot palabas ng parking. Tinatawag pa ako ng guard ngunit binalewala ko lang.
Tinahak ko ang kahabaan ng kalsadang teritoryo ng pamilya Diaz. May isa pang gate pero lalabas ako kahit pa anong pigil ang gawin nila sa’kin. May naririnig akong boses na parang naka-mega phone sa kung saan pero wala akong pakialam.
Binagalan ko na nang malapit na ako sa dambuhalang gate.
“Emma, you can’t leave. Come back here.” saad ng isang boses lalaki na nanggagaling sa lahat ng nakakabit na speaker sa mga puno.
Neknek mo come back!
Iginiya ko ang motor papalapit sa gate. Automatic kasi ang pagbubukas nito at hindi ko naman mapupuwersa. Nakasandal ang guard na naka-shades sa loob ng guard house sa gilid at alam kong tulog ito. Bumaba ako sa motor at pumasok sa loob ng guard house.
May parang control panel na nasa gilid sa loob ng guard house at napakaraming buttons dito na iba’t iba ang kulay ngunit walang label. Psshh.. bahala na ‘to.
Pinindot ko ang blue button sa gilid at may tumunog na alarm sa buong kapaligiran. Natanaw ko mula sa malayo na nagsasara ang mga bintana at pintuan sa mansyon. Imbis na pagbukas ay lock down button yata ang napindot ko.
“Sh*t! Stop pressing those buttons!”
Napalingon ako dahil bukod sa mga speakers ay may boses din na lumabas sa pader ng guard house. May maliit na intercom speaker din pala rito at parang may mic din kaya’t ito naman ang pinag-interesan kong kalikutin.
Kada pindot ko sa isang maliit na gray button sa baba nito ay umiilaw ng red ang maliit na bumbilyang nakakabit sa speaker.
Ano kaya ang mute at unmute dito? Kapag nakailaw o kapag hindi? Pinindot ko itong muli at hinayaang nakapatay ang red na ilaw.
“Hoy. Naririnig mo ba ‘ko?” salita ko habang nilalapit ang bibig sa intercom.
“You think you can go outside?” sagot ng lalaki sa kabilang linya. This time ay hindi na umaalingawngaw ang boses niya sa labas, ibig sabihin ay dito na lang sa maliit na speaker niya ako kinakausap.
“Yes, I can. I’m not bound by the rules of this place. So please open the gate or else, I’ll call the cops.”
“Where are you going?”
“Why do you mind? Just open this f*cking gate.”
Dinig kong bumuntong hininga ang lalaki sa kabilang linya, “Fine. I’ll go with you.”
“Sino ba ‘tong kausap ko?” singhal ko.
Naghintay ako ng ilang saglit sa sagot niya ngunit wala akong narinig. Hinampas hampas ko ang speaker.
“Hoy!”
Sobrang tahimik na nito, mukhang wala na siya sa koneksyon ng speaker.
“Grrr! Bw*set!” nasipa ko ang basurahang lata kung kaya’t nagising ang guard.
Umayos siya ng upo at nagbaba ng sumbrero.
“Buksan mo ang gate.” utos ko sa kanya.
“B-Bakit po?”
“Basta buksan mo na lang!”
“Wag mo munang bubuksan.”
Pareho kaming napalingon ng guard sa entrance ng guard house.
“Ano na namang kalokohan ‘to?” asik ko kay Gael.
“Papayagan kitang umalis pero sasama ako sa’yo.”
“Bakit ba ang epal mo ha?” tinulak ko siya kaya’t bahagya siyang napaatras.
Natanaw kong may personnel nang kumukuha ng nakahinto kong motor at mukhang balak itong ibalik sa parking lot. Mahuhusay ang mga tao niya dahil laging napapaandar ang motor ko kahit walang susi.
“Hoy sandali! Wag n’yong kunin ‘yan!”
Susugod na sana ako ngunit iniharang ni Gael ang katawan at ikinulong ako sa mga bisig niya.
Gusto ko sanang manlaban ngunit nanigas ang katawan ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang pagyakap niya ay parang isang bagay na mahabang panahon kong inasam at kinasabikan. Hindi ko maintindihan.
“I just want to protect you. It’s not safe outside.” bulong niya sa tenga ko habang nakakulong pa rin ako sa braso niya.
This should be considered harassment pero bakit saliwa ang nararamdaman ko? Parang may kung ano mula sa dibdib ko na gustong sumabog. Nakakuyom ang kamao ko sa pagpigil sa kung ano mang nararamdaman ko at alam ko ring nanginginig ako ngayon.
“Bitawan mo ‘ko.” bulong ko rin sa kanya.
“Sasama ako sa pupuntahan mo.”
Naubusan ako ng salitang sasabihin. Pwede kong sapakin ‘to ngayon para makawala ako pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw na ayoko pero walang lumalabas sa bibig ko.
“Silence means yes, so I think we should go now.”
Bumitaw siya sa pagkakayakap ngunit hinawakan niyang agad ang kamay ko. Para akong manikang de gulong na nagpahila lang sa kanya hanggang makarating sa kotse niyang nakahinto na malapit sa gate.
Binuksan niya ang pinto ng front seat at bahagya pa akong itinulak sa loob para sumakay. Nakapagtatakang hindi ako pumapalag.
Pagsakay niya sa driver’s seat ay tsaka nagbukas nang dahan dahan ang malaking gate sa harap namin. Pinaandar niya na ang sasakyan at napako lang ako sa kinauupuan ko.
“Saan ang lakad?” tanong niya.
“Not sure. Gusto ko lang i-check kung nandoon pa ba ang pupuntahan ko. Kaya nga ayoko sanang may sumama sa’kin para kahit mapagod ako kakahanap, at least ako lang ang pagod.”
“Hindi mo ako kailangang intindihin. I can be your driver for the day.”
“Kung ako sa’yo, nagpahinga na lang ako.”
“Doing what I love is what I consider my rest time.”
“So you love driving?”
“No, I actually hate it.”
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ang gulo rin nito kausap eh ‘no?
“But I love doing it for you.”
Napahinto ako saglit bago nagpakawala ng malakas na tawa.
“Don’t start it. No one’s good with cheesy lines for me.”
Napabuga siya ng hangin na para bang na-fu-frustrate, “So, saan nga tayo pupunta?”
“Barangay Pamplona Uno, Las Piñas.”
“Okay, lagi akong nagpupunta diyan.”
“Ang layo ah? For what?”
Nanahimik siya at parang nag-isip ng sasabihin.
“J-Just visiting a friend.”
“Hmm.. That friend’s so special to have a visit from afar.”
Sumeryoso ang mukha niya ngunit agad din siyang ngumiti na halata kong pilit. Hmmm.. Ano o sino kaya ang pinupuntahan mo sa Las Piñas?
“How have you been during the past 10 years?”
“Quite good. Have faced a lot of challenges, been facing them until now, actually. But that’s how I continuously learn in life.”
Nanahimik siya nang saglit bago muling nagsalita, “Where did you go to College?”
“PUP Sta. Mesa.”
Tumango tango siya habang nakatingin pa rin sa daan.
“You’ve changed, do you?”
Ha? Ayan na naman tayo sa ‘di ko ma-gets na tanong eh. Ang wirdo naman kung i-co-confirm mo sa tao kung nagbago ba siya o hindi, kung ‘yun ba talaga ang ibig niyang sabihin.
Pinilit kong medyo tumawa, “I think so.. of course, we’re growing.”
Bumuntong hininga siya matapos marinig ang sagot ko.
“Do you really have interest in showbiz?”
Pa’no ko ba sasagutin ‘to? Nasabi ko sa cast meeting noon na aksidente lang akong nakapasok bilang artista kaya alam niyang hindi ko ‘to sinadya. Pero alangan namang sabihin kong nag-apply kasi talaga akong p.a. niya. Syempre magtataka siya kung bakit sa dami ng artista, sa kanya ko pa gustong maging p.a.. Baka mag-feeling pa ‘to o mahalata niyang siya ang puntirya ko kung bakit ako napunta rito.
“Hindi naman gaano pero since may talent naman ako, e’di gagamitin ko na rin para hindi masayang. Pagiging Attorney pa rin talaga ang gusto ko kaya ‘di ko mabitawan ang law school.”
“So nagbago na rin pala ang pangarap mo.”
Pinaningkitan ko siya ng mata kahit na hindi naman siya nakatingin sa’kin. As far as I know, wala namang nagbago sa pangarap ko. Mula noon, gusto ko naman talagang maging abogada.
“What do you mean?”
Tumawa siya na parang sarkastiko bago ako sinagot, “You told me before that being an actress is your ultimate dream.”
Ano raw? Sinabi ko? Sinabi ko ‘yun sa kanya? Kailan? Hindi ko maalalang nag-usap kami ng tungkol sa mga pangarap simula nang makilala ko siya.
“When did I tell you that?”
“High school.” mahinang sagot niya.
Nanahimik ako at tumingin na lang sa side window sa kanan ko.
“I can’t remember...” bulong ko naman na hindi ko alam kung narinig niya ba.
Hindi na siya muling nagsalita pa kung kaya’t sa palagay ko ay hindi niya nga siguro narinig, o baka hindi na lang talaga siya sumagot.
Lumipas ang ilang minuto na wala na ni isang nagsalita sa aming dalawa.
Pumikit ako, baka sakaling makatulog, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin ako madapuan ng antok.
“Palit tayo, ako naman ang mag-da-drive.” saad ko nang maidilat ang mata.
“Wag mo akong alalahanin at matulog ka na lang diyan.”
“Hindi kita inaalala. Gusto ko lang maranasan mag-drive ng mamahaling kotse.”
Lumingon siya sa’kin na bahagyang nakaawang ang mga labi at ipinakita ang hitsurang takang taka ngunit mabilis din itong nag-focus muli sa daan.
Napangisi ako sa kalokohan ko. Bakit naman ang cute niya mag-react?
Itinikom niya na ang bibig niya at muling bumutong hininga, “I will let you do it some other time, not now ‘coz it’s a long drive.”
Muli kaming nanahimik. Tinamaan ako ng pagka-bored kung kaya’t nagkalikot ako ng phone. Nagpunta ako sa messenger at tinignang muli ang conversation thread namin ni Cris. Nag-reply na ako sa chat niya no’ng isang linggo pero mukhang ako naman yata ang hindi niya isi-seen. Understandable dahil alam ko naman kung gaano ka-busy maging doktor.
Tinignan ko ang latest chat ni Doi na sinend niya two days ago na hindi ko pa pala nasi-seen.
TUE AT 5:56
Naiyakap mo na bako kay Papa Gael?
Kita ko namang online siya ngayon kaya’t nagtipa ako ng reply. Lintek na babae, ‘di pa rin natutulog.
Minsan papapuntahin kita sa taping para ikaw na mismo yumakap.
Eh nalagyan mo na ba ng label yang Kian mo?
Ilang saglit pa ay na-seen niya na ang reply ko. Sumunod agad ang tatlong tumatalong tuldok na palatandaang nagta-type siya ng reply niya. Nag-abang ako ng ilang minuto ngunit napakahaba yata ng reply ng g*ga. In-exit ko na ang messenger at ni-lock ulit ang screen ng phone ko.
Heto na ang nakakainis na traffic, ang nagpapabagal ng mga biyahe at ng takbo ng ekonomiya ng bansa.
Napansin ko sa harap ang car stereo. Agad ko itong pinindot para buksan.
“Baby.. now that I found you I won’t let you go.. I build my world around you.. I need you so.. baby even though.. you don’t need me now...”
Inilipat ko ng ibang FM station ngunit mas corny ang mga kantang itinutugtog kaya’t muli kong ibinalik sa una.
“Baby baby, when the first we met, I knew in this heart of mine.. that you were someone I couldn’t forget, I said right.. and I bide my time...”
Sinabayan ko na lang ang kanta, “Spent my life looking for that somebody, to make me feel like you.. Now you tell me that you wanna leave me, but darling I just can’t let you...”
Nilingon ko si Gael at seryosong nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa daan. Napansin ko namang mula nang buksan ko ang radyo ay maya’t maya siyang nagpapakawala ng malalim na hinga na para bang namomroblema siya. ‘Di kaya masama ang epekto sa kotse niya kapag binuksan ang stereo?
Nang matapos ang kanta ay inilipat ko ito sa AM at nakinig ng mga morning news sa DZJL. As usual ay mga updates sa mga isyung panlipunan mula sa hoarding ng sibuyas hanggang sa agawan ng teritoryo ng mga bansa.
“Samantala, anak na babae ng Chinese businessman na si Jason Chen, iniulat na nawawala matapos itong umalis ng kanilang residence tatlong araw na ang nakakalipas. Ayon sa pamilya Chen, ang huling mensaheng natanggap nila mula sa kanilang unica ija ay noong gabi pa ng Lunes kung kailan ito--“
Nagitla ako nang patayin ni Gael bigla ang radyo. Napansin ko namang ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at ang pagbakas ng mas lalo niyang problemadong mukha.
“The battery will be drained.”
Tahimik na lang akong sumandal sa kinauupuan ko at ipinako ang tingin sa daan sa harap.
Ang k.j. naman nito. Ano naman kung ma-drain ang battery? Pwede naman siyang bumili ulit ng bago sa dami ng pera niya. Tss...
~~~ ~~~ ~~~
Nailimpungatan ako. Matagal na palang nakahinto ang sinasakyan ko. Lumingon lingon ako sa paligid. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kotse.
Sumilip ako sa labas, naka-park ito sa parang isang drive and dine. Napakaraming mga kotse at restaurants sa paligid. Nasaan naman kaya ako ngayon?
Isang lalaki ang papalapit sa kotseng kinalalagyan ko. Kahit pa naka-shades at mask ito ay kilala ko siya sa lakad at hubog ng katawan.
Pumasok siya sa loob ng sasakyan at inilapag sa dashboard ang mga dala niyang plastic na sa amoy palang ay alam ko nang pagkain ang laman. Tinanggal niya na ang shades at mask niya at kinalkal ang nasa loob ng mga plastic.
“Nasa’n na tayo?”
“We’re in Pamplona Uno already.”
“Woah. Huling punta ko rito, bukid lang ‘to ah?” bulong ko sa sarili.
“Eat now.”
Tinignan ko ang nasa plastic. Kinuha na kasi ni Gael ang mula sa isang ‘di ko kilalang brand pero tinira niya ang sa McDo. May medium fries at double cheeseburger na pinakapaborito ko mula noon. May Starbucks rin na kulay yellow ang laman pero hindi ko alam ang flavor dahil ‘di naman ako nagpupunta o nag-o-order doon.
“Expensive sh*t for social climbers.” bulong ko habang tinitignan ang cup ng Starbucks.
Napalingon siya, “You should try them sometimes.”
“Okay lang i-try ko, basta ba libre eh.” saad ko sabay lamon ng cheese burger.
“Still scrooge as before.” wika niya sabay ngisi bago ubusin ang pagkain niya.
Maya maya ay muli niya nang pinaandar ang kotse kahit kumakain pa ako. Sumipsip ako sa binili niyang Starbucks at nanlaki ang mata ko dahil lasang mango ‘to, isa rin sa mga paborito ko. Nanahimik ako at hindi pinahalatang nasarapan ako sa Starbucks.
“So saan dito ang pupuntahan natin?”
Tumingin tingin ako sa daan. Sa dami ng bagong tayong establishments ay halos mawala ang familiarity ng lugar sa utak ko. May mangilan-ngilang stores na alam kong nakita ko na dati at nag-o-operate pa rin hanggang ngayon.
“Deretso lang.”
Dahan dahan niyang pinaandar ang sasakyan.
“Do’n sa kanto.”
Pumasok kami sa eskinitang eksaktong kasya lang ang isang sasakyan. Sa parteng ito ay tahimik pa rin. Pinaliko ko si Gael sa kaliwa at dito’y masikip pa rin ang sementadong daan, ngunit napapaligiran ng nagtataasang mga damo at talahib.
“I know this place.” mahinang sabi ni Gael. Hindi ko siya pinansin at patuloy na ginuide sa dapat daanan.
Dinaanan namin ang kurbang kalsada pakanan. May mga bahay na sementado rin sa ‘di kalayuan ngunit lahat ito ay abandonado. Umabante lang nang bahagya ang sasakyan at natanaw ko na ang barong barong na sadya ko ilang metro ang layo mula sa kalsada.
“Andito na tayo.” saad ko.
Tila naman natigilan si Gael. Bumakas ang takot sa mukha niya. Inabangan ko siyang mauna munang bumaba ngunit nanatili siyang nakatitig sa daan sa harap.
“May problema ba?”
Lumingon siya sa akin na bakas pa rin ang pinaghalong pagtataka at takot sa mukha, “W-Wala naman. Tara na.”
Agad siyang lumabas ng kotse at tumakbo paikot upang pagbuksan ako.
Tinahak namin ang pilapil papunta sa bahay. Ako ang naunang maglakad, nakasunod lang sa’kin si Gael. Tanaw ko ang usok mula sa likod ng bahay, palatandaang may tao pa rito. Sana lang ay ito pa rin ang taong gusto kong makita.
Huminto ako sa harap ng pinto na gawa lang sa pinagtagpi-tagping yero. Huminga ako’ng malalim bago kumatok. Tumunog naman na parang lata ang pinto kaya’t sigurado akong maririnig ito ng tao sa loob. Ilang saglit pa ay nagbukas ito ay iniluwa ang lalaking nakasuot ng asul na t-shirt at itim na jersey shorts, mahaba ang halos puti nang buhok at balbas, at may nakataling pulang panyo sa ulo.
“Uncle!”
Agad kong niyakap si Uncle Badang. Buti naman at hindi siya mabaho, amoy gamot lang na expected ko na dahil nga albularyo siya.
Sa pagbitaw ko ng yakap ay hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinignan mula ulo hanggang paa.
“Nararamdaman kong pamangkin kita, pero hindi ko maalalang may pamangkin akong ganyan kaganda. Anong pangalan mo?”
“Uncle, si Deya ‘to!”
“Deya?”
Tumango tango ako.
“Ah! Dearra!”
Ay sorry naman.. dapat pala buong first name.
“Napakabata mo pa no’ng huli tayong magkita. Mabuti’t naalala mo pa kung nasaan ako.”
“Syempre naman Uncle! Ito yata ang bright mong pamangkin!”
Ngumiti si Uncle bago napatingin sa kasama ko.
“Uncle, si Gael po, katrabaho ko.”
“M-Mang Badang, long time no see po...” sabi ni Gael na bakas pa rin ang takot sa mukha.
“MAGKAKILALA KAYO?” sabay naming gulat na tanong ni Uncle.
Tila lalo namang nadagdagan ang tensyon sa ekspresyon ni Gael dahil sa sabay na reaksyon namin ni Uncle. Nagpalit palitan kami ng tingin sa isa’t isa.
Pagkuwa’y tinitigan ni Uncle si Gael. Si Gael naman ay bahagyang umiling nang paulit ulit. Saglit pang tumitig si Uncle sa kanya bago ito tumugon ng paulit ulit ding tango. Hindi ko na naman ma-gets. Paano sila nagkaintindihan sa gano’ng usapan?
Tumawa nang kaunti si Uncle, “Akalain mo nga naman. Magkasabay pa talaga kayong dadalaw sa akin. Magsipasok kayo.” saad niya habang mas binubuksan pa ang pinto niyang tila malapit nang matanggal.
Napapaisip tuloy ako kung bakit sila magkakilala. Ano naman kayang sasadyain ni Gael dito kung dadalawin niya si Uncle?
Puno ng mga built-in shelves ang loob ng bahay ni Uncle na lahat ay may kung anong mga gamot na nakasilid sa garapon na iba’t iba ang sizes. Sa gilid naman ay mesang may mga halamang gamot din. May kandilang itim na nakasindi sa tabi ng pintong lulusot sa likod na parte ng bahay kung saan nagmumula ang usok kanina. May estanteng may mga nakapatong na orbs, voodoo dolls, at kung ano ano pang mga bagay na weird sa paningin ng normal na tao ngunit lahat ay panlaban lang naman sa mga sumpa, kulam, at maligno.
Naupo kaming dalawa ni Gael sa nag-iisang mahabang sofa na mukhang nanggigitata sa kalumaan pero hindi naman marumi.
Nakangiting nagkalkal ng kung ano si Uncle sa kusina niya, “Ano bang gusto n’yo? May tsokolate ako rito, gatas, o gusto n’yo ‘yung special tea kong masarap na katas ng manok?” wika niya habang hinahawakan ang maalikabok na sachet ng chocolate at milk energy drinks na tila expired na dahil sa hindi pagkakagalaw ng maraming taon.
“Uncle, okay lang kami. Kakakain lang namin bago kami pumunta rito. Eh ikaw ba? Nakakain ka na ba?”
“Patuloy akong binubusog ng mabuting espiritu.”
“Ayan na naman tayo Uncle eh. Baka nagpapalipas ka palagi ng gutom dito.”
Tumawa siya nang malakas, “Edi sana hindi n’yo na ako natagpuan dito kung ganyan ang ginagawa ko.” Lumakad siya papunta sa amin at naupo sa monobloc sa harap namin.
“Oh heto Uncle, tikman mo.” saad ko sabay abot sa kanya ng fries na hindi ko nakain kanina.
Dumungaw siya sa plastic, kumuha ng isang fries at pinakatitigan ito bago kainin.
“Hmmm.. Matagal tagal na rin akong hindi nakatikim nito! Ano nga ba ulit ang tawag dito?”
“Fries ho. Huli siguro kayong nakakain niyan no’ng magkasama pa kayo ni Tita ‘no?”
“Siguro nga. Mahabang panahon na rin talaga.” sabi ni Uncle na mababakas ang kaunting lungkot sa mukha habang ngumunguya ng fries.
Saglit kaming natahimik. Nilingon ko si Gael sa tabi ko. Nakatitig lang ito sa sahig at parang wala sa wisyo.
“Kumusta na ang Tita mo? May balita ka ba sa kanya?”
Hindi ko pwedeng sabihing tumawag si Tita kanina. Tiyak kong iisipin niyang naalala ko lang siya dahil do’n which is totoo naman pero ayoko siyang magtampo.
“Wala ho eh. Nagpalit po yata ng number.”
Bumuntong hininga si Uncle.
“Hayaan n’yo na ‘yun Uncle.” tinapik ko ang kaliwang balikat niya, “Hindi ka pa ba nagsawa sa ka-toxican nun?”
“Ka-toxican?”
“Ka-toxican Uncle. From the root word toxic. Toxic means lason. Parang lason ang ugali.”
Muli siyang tumawa ngunit pagkatapos ay nakangiti itong umiling. Nag-abang ako ng sagot mula sa kanya ngunit pinili niyang manahimik. Mukhang aminado rin siyang toxic nga si Tita, pero sa kabila ng lahat na-mi-miss niya pa rin. Hay.. pag-ibig nga naman...
“Sa’n pala kayo nagkakilala?” tanong ko naman sa kanilang dalawa ni Gael.
Nagtinginan silang dalawa at tila ba nagkakabasahan ng isip.
“Mabait ang batang ito. Noon kasing namalengke ako sa bayan, nakita niyang nahihirapan ako sa mga bitbit ko. Hinintuan niya ako ng kotse. Akala ko nga kikidnapin ako. ‘Yun pala, pasasakayin ako sa kotse niya at ihahatid ako rito sa bahay. Mula no’n, naging magkaibigan na kami.”
Nakita ko namang parang lumuwag ang paghinga ni Gael at nawala rin ang bakas ng takot sa mukha niya.
“Nice. Mabait ka pala.” bulong ko kay Gael kasabay ng nakakaloko kong ngisi. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na tumingin sa sahig.
“Akalain n’yo ‘yun, ang mahal kong pamangkin at ang isang kaibigan ay magkatrabaho pala, sabay pa akong pupuntahan dito sa bahay ko. Pagkakataon nga naman, ‘diba iho?”
“A-Ah.. Opo, hindi ko po t-talaga akalain na pamangkin n’yo po pala si Deya. Ang g-galing.” sagot naman ni Gael habang hinihimas ang sarili nitong batok.
Dahan-dahan akong tumango tango. Kahit maganda ang pagkakakuwento ni Uncle kung paano sila nagkakilala ni Gael ay hindi ako satisfied. Nararamdaman kong may tinatago sila sa’kin. Pero ano ‘yun? At bakit? Sino ba talaga si Gael kay Uncle at nagagawa ng sarili kong kadugo na maglihim sa akin para lang pagtakpan siya?
Kung mula sa lahi ng mga aswang si Gael, imposible ‘tong mangyari. Sa pagkakakilala ko kay Uncle ay hindi talaga ito kakampi sa masama. Kailangan kong malaman kung ano man ang tinatago nila.