Ika-limang Kabanata

4997 Words
Lumagok ng isa si Gianna sa hawak niyang wine glass at pilit na inabot ang braso ni Gael na nakapatong sa table, “Gael, it’s your showbiz anniversary this Friday, right? Any plans?” “Nah.. trabaho lang. And besides, I know the company will do something about it.” hindi tumitinging sagot ni Gael. “Well, then let’s go out of town. My treat.” “Uy sama sama!” singit na naman ni Hiro na tumatayo tayo pa sa upuan niyang parang bata. “No! It’s just for me and Gael. Just the two of us.” in-emphasize niya ang ‘just the two of us’ habang inilalapit ang mukha niya sa gilid ng mukha ko. “No, thanks.” walang ganang saad ni Gael. Tumayo si Gael at hinatak si Hiro para sumama sa kanya sa kung saan. “Pleasure to meet you.” Agad kong tinanggap ang pakikipagkamay ni Kyle. Lumipat siya ng upuan sa kaninang puwesto ni Gael sa tabi ko. “It’s nice to meet you as well.” “How old are you? You look so young.” Nag-smirk ako, ”What do you think?” “Uhmmm.. Hard to guess, because you won’t be in this role if you’re a teenager but you look one.” Tinawanan ko siya, “I’m 25.” “Makes more sense.” “And you?” “28.” “Really? I thought you’re younger than me.” pangbobola ko na ikinatawa niya. “No. Hiro, Gael, and I were all 3 years far from going beyond the calendar.” “I see.” tipid kong sagot. “A while ago, Hiro’s telling something about you.” Napatingin ako sa kanya. Bina-backstab nila ‘ko? “He said, you were his schoolmate when you were in high school. Gael and Hiro were in 10th grade while you were still in 7th. He even mentioned that both of you were close friends back then. It’s just really weird that you can’t remember him at all.” “T-Talaga?” “Yup. Sabi niya pa nga, binet niya pa na kung mag-a-audition ka raw sa cast calling for leading lady ng movie na ‘to, talagang ikaw ang makukuha. Wala ka raw pinagbago. Still gorgeous as before. Famous students nga raw kayo ng kambal mo noon sa school n’yo because of your intelligence and talents.” “Hindi ko rin alam kung bakit wala akong ma-recall sa high school moments ko. Baka nasobrahan lang ako sa mga laws na ini-input sa utak.” pinilit kong tumawa. “Yeah, you’ll get to remember them as soon as you get out of the hellish law school.” “Excuse me. Can I have my seat now?” Pareho kaming napalayo sa isa’t isa ni Kyle nang marinig ang parang inis na boses ni Gael mula sa likod namin. Doon ko lang din na-realize na sobrang lapit pala namin sa isa’t isa ni Kyle habang nag-uusap. Agad namang tumayo si Kyle at bumalik sa upuan niya. “Chill ka lang pre.” wika ni Hiro sabay tawa nang nakakaloko habang papaupo sa seat niya. Kita ko naman na sinamaan ni Gael ng tingin si Hiro. “Magsimula ka nang maglipat mamaya sa bahay.” seryosong sabi sa’kin ni Gael. Inuutusan ba ‘ko nitong Gael na ‘to? “Ba’t ako lang? Eh ‘diba lahat naman kami?” “Kasi nakalipat na kami sa bahay nila last week pa. Expected na kasi namin na doon talaga pipiliin ni Direk mag-stay.” sabat ulit ni Hiro. “Aaahh.. Okay, sige.” “Akala mo ikaw lang ang pinapalipat agad ‘no? Ang assuming ah...” hirit ni Hiro. Sinipa na naman ni Gael sa ilalim ng mesa si Hiro. “Ang sakit ah! Kanina ka pa ah!” “Di lang ‘yan aabutin mo sa’kin kapag ‘di ka pa nanahimik diyan.” Ngumuso ulit si Hiro. Bagay naman sa kanyang magpa-cute dahil sa singkit niyang mata at medyo malusog niyang pisngi. “Saan ba ‘yung bahay nila?” tanong ko. “I’ll accompany you after this event.” wika ni Kyle. “No need. Marunong naman yata siyang mag-locate ng address.” tutol ni Gael. “Sa totoo lang, mahina ako sa directions. Pero okay lang, matutunton ko rin naman, medyo matatagalan nga lang ako.” Ngumisi si Kyle, “Edi I’ll go with you na nga lang pauwi then hatid na kita sa bahay ni Gael, para at the same time may tutulong sa’yo to pack up things.” “Ako na lang ang maghahatid at magsusundo sa kanya, since ako naman ang may-ari ng bahay.” authoritative na saad ni Gael. “It’s okay Gael, magpahinga ka na lang at ako na’ng bahala kay Deya.” “You go wherever you wanna go and I’ll accompany Deya.” “Wala naman akong pupuntahan kaya ako na.” “I said, I’ll be the one to do that.” Nabigla nang bahagya ang mga nasa table nang medyo tumaas at naging madiin ang boses ni Gael. “O-Okay...” Pala-desisyon naman ‘tong si Gael. Gusto lang tumulong ng tao sa’kin aagawan niya pa ng eksena. Tss.. bida bida. ~~~ ~~~ ~~~ Halos mabingi ako sa katahimikan naming dalawa sa kotse niya. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Gael at naiinis nga ako kung bakit ang bagal niya magmaneho. Isa pala itong Range Rover. Hanggang ngayon ay nalulula pa rin ako sa sasakyang ito kahit na dalawang oras na akong nakasakay dahil alam ko kung gaano ito kamahal. Hindi ako nabibilib dahil siguro'y sanay ako sa hirap. 'Di ko maiwasang tanungin sa sarili kung bakit unfair ang mundo. Bakit may mga sobrang yayaman ngunit may sobrang hihirap naman? Kung ang binili na lang ay hindi masyadong magarang kotse at itinulong ang ibang pera sa mahihirap, mas maganda sana. "Kamia, Sampaguita, or Ilang-ilang?" tanong ni Gael kung saang dorm residence ba ako. Nabalik ako sa wisyo at tsaka ko lang na-realize na nasa UP na pala kami. "Ilang-ilang." Medyo binilisan niya na ang pagpapatakbo. Hindi ko alam kung bakit kahit isang 'Hi' man lang galing sa kanya ay hindi ko narinig kanina. Seryosong seryoso lang siya sa pag-da-drive at matalim na tinitignan ang daan. "Dito lang ang room ko sa ground floor." "You're alone in one room?" "Yup. Ayoko kasi ng may roommate." Nanahimik na siya at inihinto ang kotse sa tapat ng Ilang-ilang Residence Hall. "Gael, pwedeng pahintay ako saglit? Magbibihis lang ako tapos balikan kita dito." "Sure." simple't walang ganang sagot niya. Dali-dali akong lumabas ng kotse at pumasok sa room ko. Hinubad ko muna ang boots at suot kong dress na sobrang nakakainis na dahil sa hindi talaga sila komportableng suotin. Hindi ko na binago ang hairstyle ko at nagtanggal na lang ng make up. Pagkatapos ay nagbihis na ng casual na damit, sky blue na tank top at khaki cargo pants na paparisan ko ng white rubber shoes mamaya. Binilisan kong iligpit ang mga damit kong nakakalat na naiwan ko kanina sa paghahalungkat. Isinalansan ko ito sa pinakamadali at pinakamaayos na paraan sa red kong maleta. Pati ang mga naka-display sa study table ko at mga nakasabit sa pader ay madalian kong pinagtatanggal at ipinasok sa isang box. Kaunti lang ang mga gamit ko kaya mabilis lang 'to. Syempre hindi ko rin kakalimutang dalhin ang gitara ko. Binuksan ko muna ang pinto tsaka binitbit ang mga gamit ko. Natanaw ko si Gael na nakasandal sa gilid ng nakaparadang kotse niya at nakahalukipkip. Nakapako ang tingin niya sa pinto ng room ko at ngayon nga na lumabas na ako ay sa akin naman nakatuon ang paningin niya. Tumayo siyang deretso ngunit bahagyang napatigil nang medyo umabante na ako. Nanatili siyang nakatingin sa mukha ko nang walang reaksyon. Huminto rin ako para makipagtitigan portion habang naghihintay na tulungan niya sa bitbit kong maleta, backpack, at medium-sized box na medyo mabigat. "Pwede na bang ipasok 'to sa kotse mo para makalipat na 'ko?" Nagitla siya na tila ba natauhan sa pananaginip ng gising. Hindi na siya nagsalita, binuksan ang likurang pinto ng kotse niya at hinablot ang dala kong box. Matapos malagay ang box ay padaskol niya ring hinila ang maleta at sinakay rin sa likod, sapilitan niya ring hinila na parang snatcher ang backpack ko at gitara. Anong problema nito? Nang maisara niya na ang likurang pinto ng kotse ay nag-abang ako na buksan niya ang pinto naman ng passenger's seat para sa'kin. Pero bigo ako dahil sumakay na siya sa driver's seat. Tss.. 'Di man lang nagpaka-gentleman kahit ngayon lang. Sumakay na lang din ako sa front seat at pabagsak na isinara ang pinto ng kotse. Mabilis na umandar ang sasakyan ngunit agad ding bumagal nang makarating kami sa highway. Nagmamaneho si Gael na para bang ingat na ingat ito sa karga niya sa kotse niya. Isang tahimik na biyahe na naman ang mangyayari. Hindi yata na-bo-bored ang mokong sa katahimikan. Baka introvert talaga siya, gano'n din ako kaya wala talaga kaming mapag-uusapan. Makalipas ang trenta minutos ay pumasok ang kotse sa isang malaking gate. Hindi mahahalata ng kahit sinong gate pala ito dahil sobrang plain lang na iginaya pa ang kulay sa semento. Naglakbay ang sasakyan sa sementadong daanan na napapaligiran ng malawak na taniman. May mga puno ng niyog na in order ang pagkakatanim na tila nagsisilbing mga poste sa gilid ng daan. Sa field naman ay iba't ibang mga puno na ang nakatanim at sa malayo nga ay matatanawan ang isang tree house na nakatayo sa gitna at isa pang malaking kubo. May mga taong nagdidilig ng mga halaman at naglilinis. Umabot pa siguro ng 15 minutes ang pagtahak sa daan bago ko natanaw ang isang napakalaking bahay. Sinasabi ko na nga ba't sa isang mansyon nakatira ang taong 'to. Parang higit pa nga sa mansyon, siguro'y pwede na itong matawag na kastilyo ng hari't reyna sa laki. White ang exterior cladding ng bahay, brown ang fascia at soffit, at gray ang pinaka bubong. Pumasok pa kami ulit sa isang gate na white. Inikutan namin ang isang malaking pabilog na fountain. Inihinto niya ang kotse sa mismong harap ng bahay na may kahoy na double-door. Agad siyang lumabas ng kotse at nag-abang ako ulit kung pagbubuksan niya ba ako pero dumeretso lang siya sa likod para ibaba ang mga gamit ko. Yamot akong bumaba na lang din ng sasakyan. May mga maids na tumakbo para tulungan siyang dalhin ang mga gamit ko. May isang lalaki rin na parang tauhan ang nagmamadaling lumabas ng bahay. "Sir, ba't kayo pa po ang nagmaneho? 'Di n'yo na lang po ako tinawagan para ipag-drive kayo." "I wanna drive. None of your business." walang gana niyang sagot sa feeling ko ay personal or family driver nila. Bwict. Walang respeto. 'Di marunong makipag-usap nang maayos. Pumasok na kami sa bahay at gano'n na lang ang pagkamangha ko sa disenyo nito sa loob. May isang malaking gold chandelier sa taas at ang sahig ay gawa sa marble. Parang mahihiya kang tumapak sa kintab nito at mag-aalangan ka ring umakyat sa hagdan na parang gawa yata sa narra wood. "Dito po tayo Ma'am sa kuwarto n'yo, sunod po kayo sa'kin." sabi ng isang maid na maganda. Wait.. Ang gaganda ng mga maids dito. Parang mga barbie ang hubog ng katawan nila at ang f-flawless. Pinaningkitan ko ng mata si Gael na lumiko sa kaliwa at pumasok yata ng kusina. 'Wag niyang sabihing pati sa maids ay kailangan may pleasing personality siyang standard! Umakyat kami sa malaking hagdan sa kanan. "Ako na po." sabi ko sa maid habang inaagaw ang maleta ko at gitara. Dalawa kasi silang may bitbit ng mga gamit ko, yung isa ay sa backpack at box naman. "Hindi na Ma'am. Magaan lang po sa'min 'to." Nahihiya kasi ako sa mga mestisang 'to na taga-bitbit lang ng gamit ng kung sinong tulad ko. Sana lang 'di sila inaabuso ng pamilya ni Gael. Pagdating naman sa taas ay isang malaking corridor ang nadatnan ko. Parang hotel ito na may napakaraming doors sa magkabilang gilid. May isang pintong bumukas at iniluwa nito si Hiro na naka-shirt ng yellow at boxers na white. Bakat ang laki ng batuta nito sa harap na agad kong iniwasang tignan. "Yow! Emma is in the houze!" "Deya." pagtatama ko. "Oh.. sorry Deya. Ansungit naman!" Pinanood na lang namin ang maid habang sini-set up ang code ng magiging kuwarto ko. Pina-type ako ng maid ng sariling pin code na siyang magiging lock ng pintuan. "Napakaangas.. Diyan ka pa talaga sa tapat ng kuwarto ni Gael ah? Easy access talaga..." "Huh?" "Wala. Sabi ko maganda diyan sa kuwarto na 'yan hehe." Narinig ko naman na magkatapat nga kami ng kuwarto ni Gael. Ano naman yung sinasabi niyang easy access? Nang tuluyan nang magbukas ang kuwarto ay ipinasok na ng mga maid ang kakarampot kong gamit. Pambihira 'tong kuwartong 'to oh.. Kasinglaki na yata 'to ng buong bahay namin sa probinsya. Parang magiging maganda ang tulog ko rito sa queen-sized bed. "Thank you po." malambing na sabi ko sa mga maid bago sila umalis. "Wow! Parang mas maganda nga 'tong kuwartong 'to kaysa kuwarto namin." Napalingon ako kay Hiro na ang kapal ng mukha at talagang pumasok pa sa room. "Labas." "Hala. Ba't mo 'ko pinapalayas, eh 'di naman sa'yo 'yung bahay?" "Kahit na, dito ako pinapatira pansamantala kaya private space ko 'to." kalmado ngunit authoritative na saad ko. "Love?" Sabay kaming napalingon sa pintuan. May babaeng sumulpot doon galing yata sa isang room. Si Hiro malamang ang tinatawag niyang 'love'. "Love, ba't ka lumabas ng kuwarto?" agad na wika ni Hiro habang nilalapitan ang babae. "Sino siya?" "Ah, si Em-- Deya. Yung bagong ka-love team ni Gael sa Still Into You." "Oh hi Deya, I'm Brie, Hiro's girlfriend." nakipagbeso beso siya na tinanggap ko naman. "May girlfriend pa pala 'yang makulit na 'yan?" pabirong sabi ko. Natawa si Brie, "That's why I love him." 'Di tulad ni Hiro, hindi pamilyar ang mukha ni Brie sa akin. Si Brie ay may pagka-chubby ang pangangatawan at morena. Kahit hindi siya masasabing sexy ay maganda ito. Emphasized nga lang ang pagkamorena niya at pagkamaputi naman ni Hiro dahil sa kalayuan ng kulay nila. Nakikita ko sa kanya ang pagiging totoo niya sa sarili at sa mga taong kaharap niya. "Naks! Pagbutihin mo boi!" saad ko sabay suntok nang mahina sa kanang braso ni Hiro. "Di ka ba nanonood ng t.v.?" tanong ni Hiro sa'kin. "Hindi. Nanonood lang ako kapag news na ang palabas." "Aahh.. Kaya pala hindi mo rin kilala 'tong girlfriend ko." Napataas ako ng kilay. "Dating contestant siya ng Next Big Star." hinampas ni Brie si Hiro sa kaliwang braso at sinamaan ng tingin. "Ay, s-sorry.. 'Di kasi talaga ako nanonood ng t.v. kapag hindi balita. Nasobrahan yata ako ng focus sa pag-aaral." "Don't mind him. Hindi naman ako sikat masyado. Tsaka hindi naman kailangang kilala ka ng lahat ng tao kapag artista ka." Wala akong naisagot kay Brie kundi ngiti. "Itong girlfriend mo, beautiful inside and out. Kaya 'wag mong lolokohin ah?" "Jinudge mo naman agad ako!" "Di ko sinabing manloloko ka, sabi ko lang 'wag mong lolokohin!" Tumawa ulit si Brie, "I think we should give time to Deya to set up her things here." Ngumiti naman nang nakakaloko si Hiro, "Siguro nga, balik na tayo sa kuwarto." Tila nabasa naman ni Brie ang isip niya at nagtawanan sila sa isa't isa. Sinikap ko namang tanggalin ang mapait na reaksyon sa mukha ko nang muli silang lumingon sa akin. "See you later, Deya." sweet na paalam ni Brie sa akin habang kumakaway pa ang kamay at kinakaladkad ni Hiro palabas. Tumango lang ako habang nakangiti rin at hinintay na tuluyan silang makalabas bago i-lock ang pinto. Nang libutin ko ang paningin sa loob ng kuwarto ay tinamad akong mag-ayos ng gamit. Parang kung ilalabas ko kasi ang mga gamit ko ay makakasira lang 'to sa luxury design ng room. Nakita ko ang isang malaking cabinet. Alam ko na, ilalagay ko na lang ang mga damit ko doon. Hinila ko ang maleta papalapit at binuksan ang double-door ng cabinet. Gano'n na lang ang pagtataka ko dahil ang cabinet ay puno na ng damit. Inusisa ko ang mga nakasabit na dresses at mga nakatuping blouses at pants sa babang compartment. Kanino kaya 'tong mga damit na 'to? Ang gaganda, bet na bet ko, dark colors at gothic style. Kung sino man ang may-ari ng mga ito ay pareho kami ng taste pagdating sa damit. Siguro dito na lang din talaga sa maleta ang mga damit ko, tutal temporary lang naman 'to. Tila ba nabuksan ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Kung titignan pala'ng maigi ang buong kuwarto ay fit sa personality ko ang design nito. Pinasadya talaga ito ng kung sino mang natutulog dito dati para maging ganito kaganda. Kung ang may-ari nito ay isang aswang, balewala rin naman ang ganda nito. Mawawala rin sa kanila ang mga kayamanan nila kung patuloy silang gumagawa ng masama kung sakali. Napalingon ako sa android phone ko na nakapatong sa kama nang tumunog ito. May text yata ako. Agad ko itong dinampot at tinignan. Go here at the ground floor. Dinner's ready. Galing ang text sa isang unknown number. Napakunot ang noo ko't inisip kung kanino ko ba 'to posibleng matanggap. Ground floor at dinner... Nasa taas ako ng mansyon ni Gael at alas sais na kaya hapunan na talaga. Pupunta ba ako sa baba dahil dinner na? Eh hindi ko nga alam kung kanino ba talaga 'to galing. Baka wrong send lang 'to kasi never kong binigay ang number ko sa kahit kanino sa mga taong nandito sa bahay na 'to ngayon. Umupo ako sa kama at inisip kung re-replyan ko ba 'tong text, hahayaan ko lang, o bababa ba ako. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto at agad naman akong tumayo para pagbuksan. "Ma'am, punta raw po kayo sa baba sabi ni Sir Gael." "S-Sige. Pupunta na 'ko. Saglit lang kamo. Salamat." Agad kong isinara ang pinto nang tumalikod na ang maid. So totoo ngang dinner na sa baba? Sino bang makakaalam ng number ko sa kanila at talagang i-te-text pa ako? Huminga ako nang malalim at nanalamin. Hinubad ko ang sapatos ko at pinalitan ito ng tsinelas bago lisanin ang kuwarto. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Tila alam naman ng isa pang maid na nakatayo sa sala na sa dining area ang punta ko kaya sumenyas siya na tinuturo ang direksyon nito. Tinamaan ako ng hiya nang masulyapan ang dining area. Pa'no ba naman kasi, wala ang mga kapwa ko artista sa table. Si Gael lang at ang sa tingin ko ay pamilya niya. "Sige po, Ma'am. Punta na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Gael. Hindi niya po kasi gagalawin ang pagkain niya hangga't wala kayo." Gano'n na lang ang gulat ko nang magsalita ang isang maid mula sa likuran ko at tinutulak pa ako papuntang dining area. "A-Ate, nahihiya ako.. sobra..." bulong ko sa maid. "Wag po kayong mahiya. Mababait po sila." "Sure ka?" Tumango nang nakangiti ang maid.. pero hindi pa rin ako kumbinsido. "Ate, samahan mo naman ako." "Sure po kayo?" Ako naman ang tumango pero nasa mukha ang pagmamakaawa. Tumingin ang maid sa pamilya at hinawakan ako sa braso. Inakbayan ko naman siya na parang close friends kami. Lumakad kami sa dining area at nadatnan kong nakataas ang kilay ni Gael habang nakatingin sa amin ng maid. "Hehe. Sa'n ba 'ko uupo? hehe.." tanong ko habang nakatingin sa maid. Iniurong niya pahila ang upuan sa tabi ni Gael. "Shane, why are you here?" bossy na tanong ng prinsipe. "Sabi ko samahan niya 'ko." agad kong pangangatuwiran para 'di pagalitan ang maid. Sumenyas ako sa maid na umalis na at nag-bow ako bilang pasasalamat ngunit hindi na muna ako umupo. "Good mor-- good evening po." bati ko sa ibang mga taong nakaupo sa kani-kanilang upuan. Lahat sila ay nagsisikain na ngunit pansin ko ngang hindi pa ginagalaw ni Gael ang pagkain sa harap niya. "Good evening din, iha. Saluhan mo na kami." Masiglang sabi ng lalaking may edad na na parang tatay yata nila. "Salamat po." Umupo ako nang dahan-dahan sa upuang inurong ni Shane kanina na nasa tabi ni Gael. Ang long table ay 6-seaters, 8 seaters pala kung isasali ang magkabilang dulo nito. Nakapuwesto ang tatay ni Gael sa isang dulo ng table. Mukha itong may lahing Español sa hitsura at mahahalatang may kagwapuhan din ito noong bata pa. Nasa tabi naman nito ang isang babaeng may-edad na rin na siguro'y nanay nila. Makikita na ang bakas ng pagkananay nito dahil sa pangangatawan ngunit tila hindi kumupas ang ganda nito. Sa kabilang tabi ng tatay ni Gael ay isang batang lalaki na parang nasa 7 or 8 years old. Hawig ito ni Gael kaya alam mo talagang kapatid niya ito. Sa kabilang tabi ng bata ay nakapuwesto si Gael at ako naman ang sunod. Sa kabilang side, sa tabi ng nanay nila ay may isang magandang babaeng nakaupo. Medyo kamukha rin ito ni Gael ngunit mukhang mas bata ito. Kapansin pansin ang maumbok nitong hinaharap kahit pa nakasuot ng t-shirt. Sa tapat ko naman ay nakapuwesto ang isa pang babae na hindi gaanong maganda pero hindi naman malayo ang hitsura nito sa kanila. Pamilyar din ang mukha nito sa'kin. Siguro'y part din siya ng high school ko na nakalimutan ko na. Nakatingin ito sa akin nang matalim habang ngumunguya. Tulad ng katabi nito ay mayroon din itong malaking dibdib. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko at nahiya sa liit nito. Sana all may malaking hinaharap... Mukhang galit galit sila kapag may pagkain. Mas lalo tuloy akong nahiya makisabay sa kanila. Napalunok ako at nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. "Eat now." wika ng katabi ko. "Where are our workmates?" pabulong kong tanong sa kanya. Ngumiti ito nang nakakaloko, "In their respective rooms." "Di sila kakain?" "They'll eat after us." Anong trip nito at ako lang ang inimbitang kumain kasama ang buong pamilya niya? Hayst. Nagugutom na talaga 'ko. Kumuha ako ng kanin na nakalagay sa isang bandehado. Sumandok lang ako ng kaunti. Nakita ko ang nakasalansan na mini bowl at napansin kong ang mga choice ng ulam nilang lahat ay nakalagay sa kaniya kaniyang bowl sa puwesto nila. Kumuha na rin ako ng isa at naglagay doon ng kaldereta. Pansin ko naman na nagsimula nang kumain si Gael. Susubo na sana ako nang maisip na baka hindi ito totoong kaldereta kung aswang ang nagluto. Pasimple kong hinalukay ang ulam ko sa bowl. Kung ang ordinaryong tao ay madadaya nila ng pambulag sa pagkain, ang lahi namin ay hindi. May kakayahan kaming makita ang tunay na bagay sa likod ng mga mahikang nilalagay ng ibang nilalang. Normal lang naman itong kaldereta at hindi naman karne ng tao kaya itinuloy ko na ang pagkain. "Ayan lang ba ang kakainin mo, 'nak? Kumuha ka pa ng iba." saad ng nanay nila. "Okay na po ito, salamat po." "Ikaw si Deya, tama ba?" "O-Opo." Ngumiti ito at sumandok ulit. "I'm Jennifer, Gael's mom. Now I understand why you are always his topic." "Nice meeting you po." pabebeng saad ko. 'Di ko na-gets 'yung huli niyang sinabi. "This is my husband Eliazar." "Congressman Eliazar." pagtatama ng babaeng katapat ko. "That's okay, you can call me Tito or even Dad." "What the hell!" pagprotesta ni Gael. "What's the matter?" tatawa tawang sabi ng tatay ni Gael. Kaharap ko pala ang isang congressman nang walang kamalay malay. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa hiya. Naalala ko ang kotseng ginamit ni Gael noong una ko siyang makita sa UP. Kaya pala 8 ang plate number dahil siguro ay sa tatay niyang congressman 'yun. "I bet you already know that Gael is our eldest..." pagpapatuloy ng ni Tita Jennifer. Actually, hindi ko po alam. "...Heather's our second child..." turo niya sa babaeng katapat ko. Nanatiling poker face ito at parang hindi ako gustong makita, "Yes, I know her." saad nito. "That's good." Nag-smirk si Heather. Bakit parang hindi ako welcome sa kanya? And what did she said? She knows me? "...Helena's the third one..." tinapik niya ang babae sa tabi niya na mas bata. Nginitian ako nito at lumabas ang isang dimple nito sa kanang pisngi. Kagandang bata. "...and Gab's our bunso." sabay tingin niya naman sa batang lalaki na naka-smile din at kumaway pa sa akin. "W-What a lovely family..." pang-uutong hirit ko. "Thank you." sagot ni Tito Eliazar. "How about you now? What made you leave Cavite?" Ano nga ba? Ang alam ko, College? "Made a decision po to live here in Quezon City instead. Para po mas malapit sa university na papasukan." "I mean, I've heard sa mga bata na you left sooner. As I remember, you haven't finished high school there and transferred to a different school agad." Pinigilan kong mapakunot noo dahil hindi ko maalalang ginawa ko 'yun. Parang may naputol na sandali ng buhay ko. Parang sa pakiramdam ko ay hindi ako ang taong gumanap sa buhay ko noong high school. "Oh.. yes.. I-I transferred sa ibang school lang po noong high school. Nagkulang po kasi ang budget for expenses ng Tita namin na nagpapaaral sa amin kaya nilipat po kami ng kambal ko sa mas murang school." "Well, that's okay. Sorry if I asked you about that. Hinanap ka kasi ng mga tao noong nawala ka. But at least, somehow, you've got reunited with some of your friends and of course Gael." ngiting ngiting saad ni Tita Jennifer. Parang nahihirapan akong huminga. Nahihirapan akong i-digest ang mga naririnig ko. Dumadami ang mga tanong ko sa utak. Kung hindi ko alam ang mga nangyari noon, baka alam ni Doiry kung bakit. Siya kasi ang nakakaalala sa mga kakilala namin na hindi ko na maalala ngayon. Kailangan ko siyang tanungin tungkol dito. "You're Deya now. We've known you as Emma. Why change nickname? Care to explain?" biglaang mataray na tanong ni Heather. Hindi ko alam... Basta ang alam ko ako si Deya. "Just.. changed preference. I think to be called Deya's cuter than Emma." Nag-smirk ulit ito na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ko. 'Diba dapat sila ang pinagpapaliwanag ko tungkol sa diumanong pagkaaswang nila? Bakit parang mas lumalabas na ako ang may tinatago? "Let her finish her food." seryosong wika ni Gael. "Sorry, iha. Gusto ka pa kasi naming mas makilala. Hindi ka namin nakausap sa Cavite noon. 'Di bale, mas marami tayong time para diyan dahil nandito ka na." sabi ni Tito Eliazar. Ngumiti lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Tama ang sinabi mo Tito Eliazar. Mas marami na tayong time para magkilala. Mas marami na akong time para masawata kayo sa paghahasik n'yo ng lagim dito sa Maynila. ~~~ ~~~ ~~~ Isa isa nang nilalapag sa table ng waiter ang mga order namin. Amoy palang ng pizza ay natatakam na ako. "Anong meron? Niyaya mo pa talaga 'ko rito sa favorite nating restaurant. Siguro masaya ka 'no?" pambubuyo na naman ni Doi. "Or the other way around." "Huh? Bakit? Nag-away ba kayo ni Gael?" Napahilot ako sa sentido ko. Hina-highblood na naman ako sa kambal ko. Nang makaalis ang waiter ay nilantakan agad ni Doi ang isang slice ng 12 inches Hawaiian pizza. Favorite niya kasing flavor 'yun at ako naman ang lalamon mamaya sa 12 inches din na Spinach pizza na paborito ko. "Doi, what happened in high school?" Napahinto siya sa pagkagat sa slice. "Deya, bakit mo ako tinatanong, eh pareho lang naman tayong nag-high school?" "Diba lumipat tayo ng school? Bakit tayo lumipat?" "Wew.. ako pa tinanong eh hindi ko nga alam bakit bigla bigla kang nag-decide na mag-transfer no'ng 4th year." "Ako ang nag-decide na mag-transfer?" Kumunot ang noo ni Doi, "Saan ka ba nauntog at nagka-amnesia ka bigla? Eh as far as I know wala namang nangyaring aksidente sa'yo. Kasi kung meron, malalaman ko 'yun kasi isusugod ka sa ospital, syempre ako at sina Tito at Tita lang kasama mo sa Cavite kaya kahit saan ka mapadpad malalaman ko 'yun at ako magbabantay sa'yo, tapos mag-re-recover ka pa syempre, tapos sunod naman na malalama--" "Doi, stop. Please." "Okay, okay, okay." saad niya sabay subo ulit ng pizza. "Pero what's with our high school? Is there something relevant?" "Aside from flirts and heartbreaks, I don't think so." sagot niya habang ngumunguya. "I mean, hindi 'yung about sa'yo. 'Yung about sa'kin naman." "Sa'yo nga 'yun." "Ano?" "Matino akong estudyante dati, Deya. Ikaw lang naman 'tong maraming friends.. and lovers noon kaya ikaw 'yung maraming flirts at heartbreaks. Angas mo nga eh, kasi kahit gano'n ka, hindi pa rin kita matalo sa academics kahit tumambling pa 'ko." "What about those people that we know?" Kumuha siya ulit ng isang slice. Pangatlong slice na yata niya 'yan, "Let me correct you, 'you', not 'we'. Hindi ko sila kilala, ikaw ang nakakakilala sa kanila." wika niya bago kumagat sa kakakuha niya lang na slice. "Eh ikaw nga 'yung nakakakilala sa kanila 'diba? Ikaw nga nagsasabi sa'kin na schoolmate natin sila." "Hanggang do'n lang ang alam ko. But other deeper stuff about them, nah.. Ikaw lang ang nakakaalam no'n dahil ikaw ang nakasama nila kasi kayo kayo 'yung mga star sa campus. Sa mga geeks at nerds lang ako ng school dati sumasama, duh!" Napaisip ulit ako. Kung kilala ko pala sila noon, parang walang saysay rin ang pag-alam ko kung aswang ba ang lahi ni Gael. Baka nga kasi talagang sangkot siya sa krimen at hindi sa pang-aasawang. Sumipsip ako sa mango shake. Umiling ako nang maramdaman ang bigat sa ulo ko. "Pero kahit papa'no, alam mo na hindi sila aswang 'diba?" "Hindi ko rin alam. Pwede naman kasi silang makisama sa'yo nang hindi mo 'yun nalalaman." May point si Doi do'n. Pero kung naaalala ko lang talaga ang mga pangyayari noon, hindi ko na kailangan pang mag-aksaya ng oras sa pag-alam kung may kasamaan bang nananalaytay sa dugo ni Gael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD