Ika-sampu

4782 Words
“Ang gwapo mo rito Uncle!” “Aba syempre naman! Hanggang ngayon pa rin naman ah?” “Eh kasi naman, ang haba na ng buhok mo! Balbas mo palang, mas mahaba pa sa buhok ko eh.” saad ko habang patuloy na tinitignan ang album kung nasaan ang picture ni Uncle no’ng binata pa siya. Nasa likod kami ng bahay niya ngayon. Kanina pa kami nagkukuwentuhan habang nakaupo sa harap ng bonfire at kumakain ng inihaw na palaka. Ito yung feeling na bihira mo na lang mararanasan sa buhay kapag tumatanda ka na. Yung pagkakataon na para ka lang tambay at malaya sa mga responsibilidad. Napahinto ako sa pag-re-relax nang ma-realize ang oras. Sh*t! Halos magdidilim na pala! “Huy Gael, maggagabi na oh! Hindi pa ba tayo uuwi? May shoot pa tayo bukas!” sabi ko sabay sara ng album ni Uncle. Parang wala lang itong pakialam at patuloy lang na ngumunguya ng palakang nakatuhog sa stick. “Hoy!” binato ko siya ng maliit na bato at tumama ito sa ulo niya. Napapikit siya at napahimas sa ulo niya, pagkatapos ay tumingin ito sa’kin na may blangkong ekspresyon. Ilang saglit lang ay binalewala niya akong muli at nagpatuloy sa pagkain. “Tss.. bahala ka.” “Anong oras ba ang taping n’yo?” tanong ni Uncle. Tumayo ako’t nagpunta sa loob upang kuhanin ang phone ko. Habang naglalakad ulit palabas ay binuksan ko na ito upang tignan ang GC namin sa messenger para sa announcement ni Direk. Sa reactions ng announcement ni Direk ay nakita kong naka-react na ng ‘thumbs up’ si Gael. Kanina pa kasing alas tres ‘to sinend at ‘di man lang pinaalam sa’kin ng mokong. 11 A.M. pa ang start ng taping bukas sa New Era University Professional School. Sa pagbalik ko sa kinauupuan ko sa bonfire ay sinamaan ko muna ng tingin si Gael na nakatulala sa sahig habang ngumunguya. Napatingin ako sa phone ko na biglang tumunog ang messenger tone. Sa pagbukas ko nito ay isang ‘Hi’ mula kay Cris na nasa unahan ng conversation threads ang bumungad sa’kin. Napangiti ako. Holiday nga pala ngayon kaya baka break niya rin sa ospital, though alam ko rin na wala namang holiday para sa mga doktor, o baka ngayon lang nakahanap ng time na replyan ako, tss.. whatever, basta nag-chat siya. Nagtipa ako ng ‘Not busy today?’ na reply sa kanya. Ilang saglit pa ay na-seen niya ‘to kaagad. 18:57 ‘Just finished my rounds, will do it again later. I’m in my office at the moment.’ ‘Are you alone in your office?’ Bakit parang iba ‘yung dating sa’kin ng sarili kong tanong? Parang akala mo papasukin ko siya sa opisina niya at.. arrghh! Ang creepy mo Deya! 18:59 ‘Since this is a private hospital, yes.’ ‘And you’re not afraid at all?’ Nag-laughing emoji reaction siya sa chat ko. ‘Why would I?’ ‘You don’t believe in ghosts?’ ‘I haven’t seen one in my entire life and I’ve been working in this hospital for 5 years now, still haven’t seen even a trace of them.’ ‘Wala ka lang kasing third eye.’ ‘I’m a doctor, so if that’s true, ayoko na lang magkaron niyan.’ Ako naman ang nag-laughing emoji react sa chat niya. ‘Btw, may taping ka ba ngayon?’ Magta-type na sana ako ng reply pero na-realize ko na hindi ko nga pala pinapaalam sa kanya na artista ako. Hindi naman niya malalaman, unless nag-scroll siya sa sss at nakita ang mga posters ng movie. O ‘di kaya, sinundan niya ‘ko no’ng nakaraan? ‘I’m guessing you’ve seen our movie teaser.’ Lumitaw ang thumbs up reaction niya sa chat ko. ‘Are you hiding it? Well, you can’t because media exposes everything.’ ‘Akala ko kasi wala kang time mag-FB.’ ‘So you’re really hiding it from me?’ ‘Sa una lang, kasi gusto kong maging normal ang tingin mo sa’kin.’ ‘Magiging abnormal ka ba sa paningin ko kung alam kong artista ka?’ Hindi muna ako sumagot at hinayaang naka-seen lang ang chat niya. 19:06 ‘To be honest, nagtampo ako sa’yo no’ng nalaman ko. Hindi na sana kita i-cha-chat pero di ko natiis eh’ Medyo natawa naman ako do’n. May pagtampo palang nalalaman kaya ‘di ako chinat ng isang linggo. Hindi ako natiis? Jowa yarn? ‘Sorry if I tried hiding it from you. Bagong salta lang din naman ako sa showbiz. Gusto ko lang malaman kung paano ka makikitungo sa isang ordinaryong tao lang na gaya ko noon.’ ‘Even if you’re not an actress, you’re not just an ordinary lady for me. When I met you, I found something special in you. I don’t know if that’s for everyone’s point of view or it’s just me.’ Mga matatalino talaga, ang hahaba ng banat. Loading pa ‘yung kilig bago maramdaman. “What’s for dinner?” “Ay kabayo!” Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang magsalita si Gael mula sa likuran ko. Bakit sa likod ko pa? Nakaupo naman ‘to kanina sa harap ko. “Anong dinner? ‘Di ka pa ba nabubusog? Kakakain mo lang ng inihaw halos ngayon lang!” “That’s for snack. I’m asking for the dinner.” Luminga ako’t wala na pala si Uncle dito sa labas. “E’di tignan mo do’n sa kusina si Uncle! Malay mo naman naghahanda na ‘yun ng hapunan. ‘Di yung dinidistorbo mo ‘ko dito.” “We’ll check it.” saad niya sabay hatak sa braso ko. “Hoy! Bakit kasama pa ‘ko?” “We’re visitors here, but we should have the courtesy to help the owner of this house.” Sinamantala niya ang takang reaksyon ko para hilahin ako papasok sa loob ng bahay. Nang makarating kami sa kusina ay agad na napatingin sa’min si Uncle na naghihimay ng talbos ng sili. “Tulong kami sa pagluluto mo, Mang Badang.” nakangiting wika niya habang nakatingin kay Uncle. “Hindi na kailangan. Magsiupo na lang kayo riyan.” “Okay lang po, mas gusto namin ‘to. Kaysa wala po kaming ginagawa. Bihira lang naman kami makapunta rito eh.” “S-Sigurado ka ah?” Naghugas ng kamay si Gael, kumuha ng kutsilyo at isang sayote. Pumwesto siya sa isang flat na space at naglapag ng chopping board. Binalik ko naman ang atensyon ko sa phone ko upang i-chat ulit si Cris. May mga chats na siya at ang pinakahuli nga ay ‘Hey, are you still there?’ Mag-ta-type na sana ako para magpaalam na sana pero hinatak na naman ako ni Mr. Demanding. “Chop the onion, garlic, and ginger.” Napabuga na lang ako ng hangin at inilagay ang phone ko sa bulsa ko. “Do something instead of chatting with a retard.” mahinang sabi niya habang tinatangkang balatan ang sayoteng nakapatong sa chopping board. Naningkit ang mata ko sa narinig, “Anong sabi m—“ Iniharang ni Uncle ang kamay niya sa mukha ko. Pagtingin ko sa kanya’y ngumiti ito’t umiling tanda na pinipigilan niya ako sa gusto kong pagbatok sa lalaking kasama namin. Padabog kong kinuha ang isa pang kutsilyo at chopping board matapos maghugas ng kamay. Sinimulan kong balatan at hiwain ang sibuyas, hindi naman kasi ako naiiyak kapag naghihiwa nito. Maya maya’y sumisinghot na si Gael na nasa tabi ko. Ayan, umiyak ka loser! Lumipat siya ng space at doon na lang trinabaho sa kabilang tabi ni Uncle ang sayote. Madali kong natapos ang paghiwa sa sibuyas, bawang, at luya. Pinuntahan ko siya’t sinilip sa ginagawa niya. Pfft-- ang loko, ‘di matapos tapos at hirap na hirap sa pagbabalat ng isang sayote pa lang. Nagpilit pang tutulong sa pagluluto eh hindi naman pala marunong. “Ako na diyan golden boy. Baka mag-alas-nuwebe na lang, ‘di pa maluto ang tinola ni Uncle dahil sa kabagalan mo.” Inagaw ko ang kutsilyo sa kanya at mabilis na binalatan at hiniwa ang tatlong sayote habang nanonood siya. “It’s a girl thing so I’m not that good.” “Dedepensa pa eh no! Girl thing girl thing.. Hindi ka lang talaga marunong! Palibhasa may sangkatutak kayong maids na handang magluto para sa’yo ng kahit anong gusto mong ulam. You’ll not survive in the wild.” “Who says I’ll go in the wild? Ano ako? Wild animal?” Oo, animal ka. “This is a wild world hiding in shimmer. Minsan akala mo mga disenteng tao ang kaharap mo, but they’re just hiding their demons inside.” naniningkit na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakanganga siyang tumitig muna sa’kin bago sumagot, “Ano namang konek no’n sa paghihiwa ng chayote?” “Ang punto do’n ay basic lang ‘to, kung sa basic ‘di ka na marunong, lalo na sa mas mahihirap na bagay.” “So this is your definition of basic?” “One of the basics, mister.” “So you’re judging all the things that I can do just because of this? Why do women always generalize things?” “The bottomline is you’re too spoiled. You’re getting what you want without working hard for it.” Lumapit siya sa’kin at madiing sumagot, “Lahat ng meron ako ngayon ay pinaghirapan ko. Minamaliit mo na ba ‘ko? Bakit kung makapagsalita ka ngayon parang hindi mo ako kilala?” “Tama na ‘yan.” Kapwa kami napalingon ni Gael nang magsalita na si Uncle na naghuhugas ng mga parte ng manok. “Wag kayong magtalo sa isang bagay na malayo sa inyong nararamdaman. Ang pakikipagtalo para lang mapatunayang tama ka ay walang saysay, lalo na’t kung sa taong mahal mo ito pinipilit patunayan.” Humalukipkip ako at bumalik sa labas. Naupo ulit ako sa puwesto ko kanina. Patuloy na nag-aalab ang bonfire at wala akong ginawa kun’di ang tumitig sa apoy. Hindi ko naman talaga siya kilala. Tss... Lumipas ang ilan pang minuto ngunit nanatili akong nakatulala sa apoy. Hindi ko alam kung anong iisipin. Wala rin akong maramdaman bukod sa pagod. Alam mo ‘yung feeling na okay ka naman pero parang may mali? “Minsan ba, nararamdaman mong malungkot ka kahit walang dahilan?” Napalingon ako sa boses na nagmula sa gilid ko. Nakatingin si Uncle sa apoy. Tumitig lang ako sa kanya. Oo man ang sagot ko sa tanong niya ngunit pinili kong hindi umimik. Umiling siya at ngumisi bago muling nagsalita, “Malamang ay hindi mo na ito naaalala, pero sinabi ko sa’yo noon na kung totoo ang nararamdaman, kahit anong gawin mo rito ay hindi mo ito maiaalis sa puso ng tao.” Kung sinabi man ‘yun sa’kin ni Uncle noon, oo nga’t hindi ko na maalala. Pero ano naman kayang naging usapan namin noon para magsabi siya sa akin ng mga ganoong bagay? Muli akong tumingin sa apoy. “Sa totoo lang, isa rin ‘yan sa mga nagawa ko na pinagsisihan ko.” Ano naman ngayon ang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan. “Hindi ka sana maguguluhan ngayon. Pero lahat nga naman ng bagay ay itinakda. Kaya’t nakatakda rin ang anumang mangyayari sa hinaharap, bunga ‘to ng mga nagawa natin sa nakaraan.” Muli ko siyang nilingon, “Kung bibigyan ka ba ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, gagawin mo?” wala sa sariling tanong ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ba ako nagtatanong ng ganito. Siguro para may masabi lang? Tumingin siya sa’kin kasabay ng pag-iling, “Bakit ako babalik?” “Para itama ang mga mali.” sagot ko. “Kung babaguhin mo ba ang nakaraan ay nakasisiguro kang magiging tama rin ang kasalukuyan?” Naghahanap ako ng katuwiran ngunit hindi ako makasagot. Nanatili akong nakatitig kay Uncle. Tumawa siya, “Hindi mo dapat tapalan ng band-aid ang sugat na sobra sobrang nagdurugo.” Nauunawaan ko ang ibig sabihin ni Uncle. Hindi ko lang talaga maisip kung bakit bigla kaming napunta sa ganitong usapan. “Hindi lahat ng naiisip mong magpapabawas ng hirap at sakit ay gagawin mo na, Dearra. Minsan ay kailangan mo lang itong maramdaman upang mas maging malakas. Sa ngayon ay hahayaan na kitang maranasan ang lahat ng ‘yan.” Naguguluhan man sa sinasabi ni Uncle ay hindi na ako nag-usisa. Tama naman kasi siya. Kahit nahihiwagaan ako, alam kong darating ang panahon na maliliwanagan ako sa lahat. ~~~ ~~~ ~~~ Hiniram ko muna ang iPad ni Gael para mas mabasa ko nang malinaw ang mga case digests ko. Ayoko namang tumunganga rito sa bahay ni Uncle habang naghihintay ng bukas para umuwi. “Nako mahirap ‘yan bata! Hindi ako tinatamaan niyan!” Napabangon ako sa pagkakataob sa kama nang marinig ang boses at pagtawa ni Uncle. Hinawi ko ang kurtina sa pintuan para tignan kung nandito ba sila sa sala pero wala, wala rin ang kahoy na folding table dito. Mukhang nasa labas sila. Sumilip ako sa labas. Nandoon ang mesa, may nakapatong na tatlong bote ng alak. Nakaupo silang dalawa’t magkaharap. “Kukuha lang ako ng baso.” “Ako na po.” Mabilis na nagpunta si Gael sa bahay at napahinto nang malapit na siya pagkakita sa’kin. “Iinom? Parang ‘di mag-da-drive bukas ah?” “S-Sanay naman na ‘ko. Ako’ng bahala.” “Ikaw bahala, ako kawawa?” Bumagsak ang balikat niya at nag-frown. Hindi ko napigilan ang mag-smirk dahil sa pagiging cute ng reaksyon niya. “Fine. I’ll drive tomorrow.” saad ko sabay pasok ulit sa loob at balik sa nag-iisang kuwarto para magbasa ulit. Nakatingin man ako sa iPad ay ramdam kong pumasok din siya sa kuwarto. “Hindi na. Kokontian ko lang ang inom para ‘di ako malasing.” Hindi ako tumingin sa kanya at tinaas lang ang kamay ko para itaboy siya dito sa kuwarto. “Okay lang ba? Okay lang ba sa’yong uminom ako?” Tss... Do I care kung mag-inom ka diyan? Hindi ako lumingon at nagsalita. Tinaas ko lang ulit ang kamay ko at sumenyas ng dalawang beses na umalis na siya. “Hindi ko dadamihan pramis.” Bakit ba napakakulit nitong lalaking ‘to? Hindi ko na talaga siya pinansin. Dinig kong nagbuntong-hininga siya at lumabas ng kuwarto. Agad naman akong lumingon sa likod ko para kumpirmahing ako na lang ang tao. Tumihaya ako’t nagkalikot sa iPad habang nakahiga. Bigla tuloy akong na-curious sa laman ng iPad ni Gael. Siguro in-off niya ang notifications nito kaya’t walang kahit anong nagpa-pop up habang nag-re-review ako. Pinilit kong mag-focus pero nangangati akong kalkalin ang laman nito. Inilapag ko ang iPad sa tabi ko sa kama. Kinuha ko ang isang unan at niyakap ito. Saglit lang naman eh, ‘di niya naman malalaman... Itinabi ko ang unan at mabilis na binuksang muli ang iPad. Una akong nagpunta sa gallery. May mga pictures pero parang mga luma ito. Ang weird kasi mukhang bago naman ‘tong iPad pero low quality ang mga pictures. Mukhang pinasa lang galing sa ibang device. Marites na kung marites, pero gusto kong malaman kung may makikita ba akong bakas ng pagkaaswang dito. Ang karamihan sa pictures ay grupo ng mga estudyante. May mga class picture, mga groupfie, may mga kuha sa loob ng classroom, sa campus vicinity, at ang iba ay parang nasa intrams o fieldtrip. Napansin ko na ang uniform ay katulad ng sa school namin noong high school ako. Alam ko namang pareho kami ni Gael ng school na pinasukan kaya’t ‘di na ako nagtaka. Patuloy akong nag-scroll. Hindi ko iniisa isa dahil masyadong marami. Hindi ko naman kilala ang mga taong nasa pictures. Napabagal ang pag-scroll ko nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na mga tao. Ang mga tao sa mga sumunod na litrato ay sina Gael at Hiro na, pero may mangilan-ngilan din silang kasamang mga lalaki at babae na parang pamilyar din ngunit ‘di ko matandaan. Pinindot ko na ang isang picture na silang dalawa lang nina Gael at Hiro. Napahagikhik ako dahil mukha talaga silang mga totoy at hindi pa lumilitaw ang kabuuang porma ng mukha. Gwapo pa rin naman sila pareho dito pero hindi mature. Buti na lang at hindi naman pang-emo ang hairstyle nila gaya ng iba, kun’di ay hindi ko na mapipigilan ang malakas na pagtawa rito sa kuwarto. Inisa-isa ko na ang mga sumunod na larawan. Maya’t maya akong napapatawa nang pigil dahil sa mga nakikita kong kuha nila na sobrang itim dahil sa training sa C.A.T., mga gusgusin nilang mukha dahil sa sports, at mga stolen shots na nakabusangot, nakanganga, o nakapikit. Ang sumunod na kuha ay tinitigan ko. Sigurado akong ako ito. Nasa entablado at naggigitara habang kumakanta. Zinoom ko pa para mas makasigurado dahil baka naman si Doi ‘to, pero talagang ako nga. Naka-uniform ako na aqua blue ang blouse, may linings ang blouse na navy blue na kakulay ng necktie at paldang lagpas tuhod. Mukha akong negrang nene dito. High school days syempre, mas babad sa init. Ini-slide ko pa sa susunod at ako pa rin. Stolen shot ito. Naka-P.E. uniform naman ako, may hawak akong bola ng volleyball, pawisan ngunit nakangiti sa kung saan. Kung si Doi ‘to, malamang ay nakasalamin siya. Siya lang kasi ang malabo ang mata sa’min at talagang magsasalamin sa ordinaryong araw ng klase, pero hindi siya ‘to, ako ‘to. Ang sunod ay groupfie na, pero kasama ako, si Doi, si Gael, si Hiro, at si Kian. Mga nakauniporme kami at mukha kaming nakaupo sa gilid ng elevated stage ng school. Naka-akbay si Doi sa’kin at nakaupo sa tabi niya si Kian. Nakatayo naman sa harap namin ang dalawa, si Gael na naka-piece sign at si Hiro na nakapogi pose. Marami pang group pics na kasama ako, sa lahat ng pics ay hindi ko na kasama ang kambal ko. Mukha ngang close kami nina Gael at Hiro at maraming pinagsamahan. Pero ni isa sa mga ‘to ay para bang hindi nangyari sa’kin. Nakuha ng isang stolen shot ang atensyon ko. Kaming dalawa lang ni Gael. Tila nasa corridor kami na inipunan muna ng mga upuan para linisin ang isang classroom. Nagbabasa ako ng kung anong libro na may mga papel sa ibabaw at may kagat kagat pa akong ballpen, habang si Gael naman ay nakasandal sa balikat ko at nakapikit.. Hindi ko na tinignan pa ang ibang pictures. In-exit ko na ang gallery at sa sms niya naman nagpunta. Mga network alerts lang, usapan nila ng mga dati niyang handlers at mga direktor. Wala rito ang dating conversation namin, baka nasa iPhone niya. Binuksan ko ang latest conversation thread ng isang unknown number. Lahat ng texts ay wala man lang siyang sinagot ni isa. Jan 23 2:03 AM ‘Hon, still awake?’ Mar 14 7:25 AM ‘Please eat your breakfast.’ Jun 05 5:43 PM ‘How’s your day?’ Sep 20 8:36 PM ‘I’m alone at our house rn. Wanna come?’ Sino kayang b*tch ‘to? Ang mga mas latest nitong texts ay medyo kakaiba na kung kaya’t patuloy ko silang binasa. Oct 04 10:10 PM ‘Hon, Tito Jason contacted us, Divine’s not home yet. Have you seen her?’ Oct 05 8:47 AM ‘Divine’s sister said she went there. What time did she leave your residence?’ Oct 06 9:12 AM ‘Please answer my chats and texts. The police will come over to your house to conduct an investigation.’ Today 1:01 PM ‘Hey, r u still ok?’ Base sa mga texts na ito ay may nawawalang babae. Ang pangalan ay Divine, sinasabing dumaan sa bahay ni Gael no’ng araw na hindi na siya umuwi sa kanila. October 4 ng gabi.. Ang alam ko, wala kaming dalawa ni Gael sa bahay niya no’ng time na ‘to dahil nasa taping kami. Hindi kaya.. hindi lang talaga umuwi si Divine sa kanila? Baka naglayas talaga at dumaan lang kina Gael saglit? O baka nakipagtanan? Ano kayang totoong nangyari? Sinave ko sa phone ko ang unknown number. Pagkatapos ay nagpunta naman ako sa messenger. Personal account niya ito sa pangalang G Altair. ‘Di naman halatang busy si Gael dahil napakahaba na ng chats na hindi niya pa na-si-seen. Kung i-si-seen ko ‘to lahat, malalaman niyang tinignan ko na. Hmmm.. Alam ko na, i-ma-mark as unread ko na lang para ma-highlight ulit. Pero ang problema, ‘di na maa-unseen, baka sabihin ng mga taong ‘to na isnabero masyado si Gael. Magtataka rin siya kung gano’n. Pero ano naman? Basta bahala siya, mark as unread na lang lahat. Mga simpleng convos lang ng pangangamusta ng mga kaibigan niya at ang iba ay mga offerings ng commercials o pag-feature sa kanya sa mga series. Walang kakaiba sa kanila. Ang pinaka-latest na thread ay kay Korrine. Halos kapareho ito ng nasa text messages. Parang kay Korrine din ‘yung kaninang texts na nabasa ko. Gaya ng sa texts ay sunod sunod din mula pa sa nakaraang buwan ang mga chats pero walang ni-replyan si Gael kahit isa. ‘Yung totoo? Girlfriend niya ba talaga ‘to? Ganito ba siya magtrato ng girlfriend? Mukhang kailangan kong mas lawakan pa ang pagmamanman sa bahay. Kung hindi man si Gael ang mambibiktima ay malamang na ang mga kapamilya niya ‘yun lalo na kung lahi talaga sila ng mga aswang. Huminga ako nang malalim bago bumangon at nag-Indian sit. Nag-concentrate muna ako sa mga pinag-aaralan kong batas. Hindi ko namalayan ang oras. Kapag may ginagawa ka talaga, hindi mo mapapansin. Ala-una kinse na ng madaling araw. Nang makita ko ang oras ay napahikab ako. Itinukod ko ang kamay ko sa ulo ko at muling sinubukang magbasa. Alam ko na.. Magkakape ulit ako. Pababa na sana ako ng kama nang biglang hawiin ni Uncle ang kurtina. Akay akay niya ang mokong na obviously ay lasing na lasing. Akala ko ba kokontian lang ang inom? “Oh! Knock out ang true love mo!” Mabilis akong tumabi nang ibagsak siya ni Uncle sa kama. Si Uncle naman ay parang wala lang at normal pa rin. Kilala ko talaga ‘tong hindi tinatamaan ng alak, 100% yata ang alcohol tolerance niyan sa katawan. “Eh Uncle, saan naman ako matutulog?” “E’di sa tabi niya.” “Huh? Ayoko nga!” Tumayo ako at agad kong chineck ang sahig. Ang hirap naman matulog dito. Wala kasing flooring ang buong bahay, talagang semento lang na hindi na-finish at may mga lupa lupa pa. Sa sofa naman, syempre si Uncle ang matutulog do’n. “Wala ka bang extrang kutson diyan, Uncle? O kahit banig man lang?” “Wala.” nakangisi nitong sagot. Napakamot ako sa ulo at napabuga ng hangin. Kung sabagay, malakas naman ako. Lasing lang naman ‘to. Hindi siya makakagawa ng masama. Maligno nga hindi umuubra sa’kin eh. Tsaka isang gabi lang naman. ‘Wag lang talaga akong susukahan nito at rekta ko ‘tong sasapakin. “Sige, Uncle. Matulog ka na. Dinamay ka pa talaga nito.” “Ayos lang. Matagal na rin akong ‘di nakakainom. Wala namang epekto sa’kin. Sige.. enjoy ka riyan.” “Anong enjoy? Uncle naman eh!” Tumatawa siyang lumabas ng kuwarto. Muli akong napabuga ng hangin at humalukipkip. Tinitigan ko ang lalaking nakahiga sa harap ko. Nakabukas ang apat na butones ng polo kung kaya’t hayag ang kaunting bahagi ng matipunong dibdib nito. Napasapo ako sa noo. Naiinis na naman ako sa kinalalagyan kong sitwasyon. Whooh.. kaya mo ‘to, Deya. Bahagya kong iniurong ang katawan niya para bigyan ng space ang sarili ko sa kama. Naglagay pa ako ng tatlong unang magkakahilera sa pagitan namin bago ako nahiga. Bigla kong naalala ang mga re-reviewhin ko. Ano kaya kung ‘di na lang ako matulog? Pero bukod sa klase ko kasi ay meron pa kaming taping. Baka ikaaga ko ang pagkamatay kung ‘di man lang ako iidlip at hindi ‘yun maganda dahil wala pang mailalagay na ‘Atty.’ sa unahan ng pangalan ko. Binuksan ko ang phone ko, 4:30 AM ang sinet kong alarm. Tatlong oras lang.. give it to yourself, darling. In-off ko ang phone ko at pumikit na pagkatapos ko itong itabi. Nakapikit man ay nararamdaman kong may gumagalaw sa tabi ko. Sh*t naman! ‘Wag niyang sabihing malikot siya matulog paglasing? Maya maya lang, narinig ko naman siyang umuungol. Tumalikod ako sa kanya at nagtakip ng unan sa tenga kong naka-expose para mabawasan ang ingay. Nararamdaman kong naglilikot pa rin siya. Deya, sleep.. Please sleep now.. Kaunting oras lang ang meron ka... Dinama ko ang pagod para dapuan ng antok. Gano’n kasi minsan ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog o may nanggugulo sa paligid. Iniisip ko ang lahat ng ginawa ko buong araw para isipin ng utak kong marami akong gina— sh*t! Naialis ko bigla ang unan sa ulo ko nang yumakap si Gael sa’kin mula sa likod. What the hell! Gusto ko man siyang sikuhin nang napakalakas pero may kung ano na naman sa loob ko na hindi sumasang-ayon sa gusto kong gawin. “Gael, ano ba! Lumayo ka sa’kin!” pabulong kong asik sa kanya. “Emma.. nandito ka na ulit...” saad nito sa paos niyang boses. “Hindi ako si Emma! Kaya ‘wag mo ‘kong niyayakap!” Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at sinipa ang paa niyang nakatanday sa’kin pero imbis na mapalayo ay lumapit pa siyang lalo at mas hinigpitan ang pagyakap. “Lasing ka ba talaga? O manyak ka lang na h*yop ka?” “Kailan mo pa naging ayaw sa yakap ko?” Marahas kong inalis ulit ang kamay niya at bumangon sa higaan. Tumayo ako sa baba ng kama. Ang walang hiya, naka-top less na pala! Doon na lang ako sa mesa matutulog. Pwede naman akong mag-nap do’n ng tatlong oras. Umikot ako sa kabilang side upang lumabas ngunit paalis na sana ako nang bigla niyang hatakin ang kamay ko pahiga ulit sa kama. “Idedemanda kita. Makakasuhan ka ng Acts of Lasciviousness.” “Do it if you can.” Mabilis niyang inilalim sa batok ko ang braso niya at ini-lock ang ulo ko. Habang ang isang kamay naman ay ikinawit niya sa bewang ko. Ngayon ay magkaharap na kami at naaamoy ko na ang hininga niyang amoy alak kahit pa ang nasa harap ng mukha ko ay ang leeg niya. Nakadikit sa katawan ko ang litaw na litaw niyang abs. “Papatayin mo ba ‘ko? Hindi ako makahinga.” “You can’t breathe? Is it because I’m too hot to handle?” “Ang sarap mong bugbugin.” “Bakit hindi mo ginagawa?” Napapikit ako nang mariin. Kaya ko namang kumawala rito pero bakit nga ba hindi ko ginagawa? “Bakit parang wala na lang ako para sa’yo ngayon, Emma?” “Sinabi ko na ngang hindi ako si Emma eh. Lasing ka kaya pati ibang babae mo nakikita mo sa’kin.” “Pinilit mo sigurong kalimutan ang lahat. Pati ba dati mong pagkatao?” Napahinto ako. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya pero iba ang epekto sa’kin. Hindi ko pinilit kalimutan. Sadyang nakalimutan ko lang. “Emma, I’m sorry.. I’m really sorry...” Namula ang mata niya kasabay naman ng pagsikip ng dibdib ko. “I’m sorry for everything that I’ve done...” lumabas ang mga butil ng luha mula sa mata niya. Diniinan niya pa ang pagkayap sa’kin at tila ba tinago niya ang mukha niya sa taas ng ulo ko kaya tuloy nakasubsob ako sa dibdib niya. Sunod-sunod na paghikbi ang narinig ko mula sa kanya. “I didn’t mean to hurt you. I was just so naive that time.. I wish I had the chance to tell you the truth... I’m sorry.. I love you, I’m still madly in love with you...” Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit pakinggan to the point na may namumuo na ring luha sa mata ko. Napasinghot ako. Ayokong umiyak.. Kahit kailan sa buhay ko, ayokong nakakaramdam ako ng kahinaan... Kumawala ako nang dahan dahan sa bisig niya at nakita ang napakaraming luhang pinakawalan niya. Iniangat ko nang kaunti ang katawan ko upang makabuwelo ng malakas na suntok sa mukha niya. Agad niya itong ikinawala ng malay. Umupo ako sa kama’t tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay humikbi rin ako dahil sa sakit na nararamdaman kahit na hindi ko alam kung bakit. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko pero parang useless dahil patuloy pa ring naglalabas ng likido ang mga mata ko. “Sorry. Magigising ka naman niyan bukas na bukas din.” saad ko habang tinitignan siya sa gitna ng mga paghikbi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD