Isang nakakapagod na araw na naman bilang isang law student ang natapos. Kahit dalawang subjects lang ang klase namin ngayon, apat na oras na puro pakikipagdebate naman sa mga profs at mga kapwa law students namin.
Nag-text sa akin si Doi na susunduin niya raw ako pagkatapos ng klase. Parang may kung anong espiritung sumapi na naman sa kambal ko para maisipang sunduin ako. Manggagaling pa kasi siyang Pasay kung nasaan ang trabaho niya kaya tumanggi ako, mukhang balak na naman yata akong asarin o usisain tungkol sa mga bagay na tungkol sa kaharutan.
Nagyaya rin kasi si Liz na gumala since wala kaming pasok sa next two days. Hindi naman weekend pero sadyang wala lang kaming pasok bukas ng Wednesday hanggang Thursday.
Nakasakay ako ngayon sa kotse niya at nakikiramdam sa lugar na dinadaanan namin.
“So where are we?”
Kanina pa nagkukuwento ng kung ano ano sa’kin si Liz at panay lang ang sang-ayon ko. Tatango lang at tatawa naman kung natatawa siya, pero sa totoo lang ay hindi ko iniintindi ang mga sinasabi niya.
“Oh.. with my uncle’s wife. As I was saying, I am wondering if black magic really exists. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na namatay sa kulam ng asawa niya si Tito.”
Biglang nakuha ni Liz ang atensyon ko nang mabanggit niya ang tungkol sa kulam.
“Your uncle’s family, are they here in Quezon City?” tanong ko na biglang nabuhay ang curiosity.
“Yup. they’re actually just a few blocks away from my apartment.”
“How about your uncle’s wife? Do you still see her around in QC?”
“Not in our block. I heard she’s with her relatives in North Ave.”
Hindi ko na sinundan pa ng tanong at muling nanahimik.
Kung sakaling totoo ngang nakulam ang tito ni Liz, may mga mangkukulam din na naririto sa QC. Ayoko mang dagdagan ang mga isipin at gawain ko, pero mukhang kailangan kong alamin dahil parang may bagong pamilya na naman ng mga mangkukulam ang nagpunta rito sa Maynila. Kailangan nilang mabawasan para maging kaunti rin ang mga nabibiktima nilang tao.
“Interested with dark magic, huh?” tila nang-aasar na sabi ni Liz habang nakangiti.
Nakahalata yata siya na biglang dumami ang tanong ko tungkol sa Tito niya.
“Y-Yeah.. Since I was a kid, I’ve been curious about them. I’m in awe to think that they’re real, so I’m investigating supernatural beings in my free time.”
“Well, there are things that science can’t explain.”
Lumiko ang kotse pakanan sa isang kanto at mula rito ay dinig ko ang malakas na dagundong ng tugtugan galing sa kung saan. Palakas ito nang palakas habang pumapasok kami sa isang street.
Ipinark ni Liz ang kotse sa tapat ng isang bar. Kita mula sa kinauupuan ko ang pangalan nito sa neon lights na ‘Galaxy’.
“Wait, you didn't tell me na bar pala pupuntahan natin.”
“Wag mong sabihing ‘di ka pa nakakapasok sa bar.”
“Nakapasok na ako pero hindi ako sanay sa ganitong mga lugar.”
“Don’t worry, I gotchu. Lawyers experienced getting drunk in a bar before passing the bar.” pag-qoute sign niya sa huling word na ‘bar’ bago ako kinindatan.
Lumabas siya ng kotse. Tss.. ano pa nga bang magagawa ko? Edi lalabas din.
Hindi naman ako gano’n ka-conservative pero sa palagay ko lang ay magkakasala ako nang magkakasala sa mga ganitong lugar. Natatakot din akong kung magiging masyado akong masaya ay baka maadik naman ako. Kilala ko ang sarili ko’t alam kong nahihirapan akong magbago kapag naaadik akong gawin ang isang bagay.
Inakbayan ako ni Liz ngunit bago kami tuluyang makapasok sa entrance ay hinarang kami ng guard.
“Ma’am, I.D. po?”
“I’m a regular customer here.” saad ni Liz.
"Siya po." sabi ng guard sabay turo sa akin.
"Excuse me?" taas-kilay kong reaksyon.
Napakamot ng ulo ang guard na para bang hindi alam ang sasabihin.
"Sorry Ma'am. M-Mukha po kasi kayong bata eh."
Oo baby face ako pero 'yung sasabihin na mukha akong bata? Bakit parang nakakainsulto?
Humagalpak sa kakatawa si Liz pagkarinig sa sinabi ng guard.
"Classmate ko siya. Magkaedad lang kami. Bakit naman ako magdadala ng bata rito?" wika ni Liz nang matapos sa pagtawa.
"Check ko lang po Ma'am yung I.D. para po sigurado. Mahirap na po kasi eh."
Nahalata kong bubwelta pa sana si Liz ng sagot kaya't pinigilan ko na.
Itinaas ko nang bahagya ang kamay ko para harangan ang mukha ni Liz, "I'll just show it then."
Tinignan niya ako at nanahimik habang pinapanood akong kunin ang Driver's License ko sa wallet.
Tumango ang guard, "25 na po pala kayo Ma'am. Para po kasi kayong 16 hehe."
"Let us pass. And please remember her." mataray na sabi ni Liz na mukhang linggo linggo yata akong dadalhin dito.
Tumabi ang guard at bumungad sa amin ang nagsasayawang mga tao sa gitna ng malawak na dance floor na may sari-saring kulay na mga ilaw. Hindi pa ako nagtatagal ay parang nahihilo na ako.
Dinala ako ni Liz sa bar counter kung saan sini-serve ang mga liquors.
"What's yours?" tanong niya sa'kin habang tinuturo ako.
"Kung ano yung sa'yo, ayun na lang din sa'kin."
Ang totoo'y hindi ako pamilyar sa mga klase ng alcoholic beverages. Gin at wine nga lang yata ang medyo alam ko sa mga 'yan.
Nag-smirk si Liz at mukhang nahihinuha niyang walang akong alam sa dapat orderin na drink.
"Are you sure? Baka magsisi ka."
"Nah, I'll be fine." tapang tapangan kong sagot.
"Two Devil Springs with cranberry, please." naka-smirk pa rin na order niya sa bartender.
Naupo ako sa bar stool at pinagmasdan ko na lang ang bilis ng kamay ng bartender sa pag-mi-mix ng order namin. Si Liz naman ay sinasabayan na ang indak ng tugtugin at nag-he-head bang na parang baliw. Ilang saglit pa ay ibinigay na ng bartender ang dalawang sosyaling baso na hindi ko alam ang tawag.
"Thanks." sabay pa naming saad ni Liz.
Binawasan ko ang alak na laman ng baso para hindi matapon. Gumuhit ang init sa lalamunan ko at napangiwi na lang.
"C'mon! Let's dance!" paghila niya sa'kin ngunit nanatiling nakapako ang pwet ko sa stool.
"W-Wait."
"Don't you like hot guys? There are plenty of them here."
Hindi ako interesado sa 'hot guys' na sinasabi niya pero inilibot ko ang paningin sa mga tao para tantyahin kung kaya ko bang makipagsabayan.
Nahagip ng mata ko ang isang sulok at huminto ang paningin ko doon nang makita ang isang tao.
Hindi man nakalantad ang mukha niya ngunit kahit saang anggulo pa o parte ng katawan niya ang makita ko ay kilalang kilala ko kung sino siya.
Nakamaskara siya na katulad na katulad ng kay Erik ng The Phantom of the Opera. Nakasuot ito ng navy blue suit. Natutuwang kausap ang isang sexyng babae na naka-red backless dress na halatang nilalandi siya.
Napainom akong muli sa hawak kong baso.
"Hey, easy. Baka ‘di ka makatagal ng isang oras kapag ininom mo agad lahat ‘yan.”
Ngiti lamang ang naiganti ko kay Liz at nagpaakay na sa gitna ng dance floor.
Deya, focus...
“You like that guy on a mask?” halos pasigaw na tanong ni Liz upang talunin ang lakas ng music.
Nabigla ako sa tanong niya. This time, alam ko nang mukha akong tangang napanganga sa harap niya.
“Good taste, huh? Don’t fret, I bet he’s just playing with the girl he’s with right now.”
“H-Hindi! Ano ka ba! Akala ko lang kilala ko, hindi pala siya ‘yun.”
Gumiling si Liz at nakipagsabayan sa mga lalaking nag-se-sexy dance sa harap niya. Hindi ko akalaing ganito pala ang hilig ng sinamahan kong tao. Pero sa pagkatao niya, alam kong hindi rin siya papayag kung sakali mang bastusin siya.
Sinabayan ko na lang din nang kaunting pag-indak habang inaanod ng mga tao.
Pasimple kong tinignang muli ang puwesto ng dalawang naglalandian. Gano’n pa rin sila’t maya’t mayang nagtatawanan sa sinasabi ng isa’t isa.
Mukhang right timing ang paghatak sa akin ni Liz dito dahil nakita ko siya. Tatandaan ko ang mukha ng babaeng kasama niya. Kung sakali mang dito sila palagiang nagpupunta ay masusubaybayan ko ang babae. Hindi ko pwedeng hintayin na lang sa balita na maisama ang babaeng ito sa mga nawawalang naka-date niya. Malaki ang maitutulong nito sa akin sa pagmamanman.
Hinahampas hampas ng babae ang bandang dibdib niya habang tumatawa. Maya maya ay idinampi na talaga ng babae ang kanyang kamay sa dibdib niya at nang-aakit na hinimas ito. Samantala’y lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa babae na para bang malapit na silang maghalikan.
“Deya, hindi ganyan basagin ang high ball glass! Dapat ibato mo!” saad ni Liz na biglang sumulpot mula sa likod ko.
Tsaka ko lang namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak ko sa baso at nakahinto na pala ako sa gitna na parang tuod.
Huminga akong malalim at muling lumagok ng vodka bago muling lumayo’t magpatianod ulit sa mga taong nagsasayawan.
Pumikit ako’t ninamnam ang ingay at init sa pakiramdam habang umiindak.
“Hi, I think I haven’t seen you here before.”
Napadilat ako ng mata at napatingin sa nagsalita na boses lalaki.
Palagay ko, nakatingin siya sa’kin pero lumingon lingon pa ako sa kabilang gilid ko para makasigurado kung ako ba talaga ang kinakausap niya.
“Ah, yeah. Dinala lang ako ng classmate ko.” sagot ko nang masiguradong ako talaga ang pinapatungkulan niyang bago sa paningin niya.
“I see. So you’re with someone right now?”
“Yup. Ayun yung kasama ko oh, that dancing lady right there.” sabi ko habang tinuturo si Liz na tila may kausap ding lalaking inaagawan niya ng drinks habang sumasayaw at tumatawa.
Tumango ang lalaki at bahagyang ngumiti.
Halos nakatingala na ako sa tangkad ng lalaking ito. Kahit pekeng kulay ang naibibigay ng mga ilaw ay halata kong may kaputian siya. Nakasuot siya ng denim jacket na hindi ko matukoy kung green ba o blue ang panloob, jeans sa pambaba, at rubber shoes na hindi ko rin matukoy ang tunay na kulay dahil sa mga ilaw.
Mapupungay ang mga mata nitong nangungusap at may matangos na ilong. Kapansin pansin din ang pangmalakasan nitong jaw line na pumapares sa mala-Richard Gomez nitong cheek bone.
"Ikaw? Ay syempre sure akong may mga kasama ka. Boys will be boys."
Natawa siya sa sinabi ko.
"No, I'm alone."
"Ohh? Sus maniwala! A guy will never go alone in a bar!" namimilog na matang saad ko.
"I go here only if hospital works are lesser.. tsaka lang ako nagkakaoras magpunta rito para ilabas ang naipong stress sa mga nagdaang araw."
"Hospital? Are you a doctor or a nurse?"
"An apple a day keeps me away." wika niya sabay tawa.
"Coooooool!" manghang manghang reaksyon ko.
Uminom ito sa hawak niyang parang wine glass.
"So I'll call you Doc?"
"Cris na lang."
"Doc Cris? Tss.. oo nga ang chaka. O sige na nga, Cris na lang."
Sabay kaming tumawa.
"How to pronounce your name?"
Napakunot noo ako sa tanong niya. Hindi pa naman ako nagpapakilala pero bakit alam niya ang pangalan ko?
"How do you know my name?"
Ngumuso siya sa bandang dibdib ko na agad ko namang tinignan. Hindi ko pa pala natatanggal ang gold pin ko sa UP Law Student Government na may pangalan at position ko as 3rd year representative.
Agad ko itong kinapa at tinanggal nang mabilisan sa pagkaka-pin sa damit ko.
“Hindi ko pala natanggal hehe.”
Napatawa ulit siya nang medyo impit.
“That’s actually pronounced as De-ya-ra,” pag-iisa isa ko sa syllables ng first name ko, “but just call me Deya.”
“Or perhaps, Deya, the future attorney.” sabi niya nang nakangiti. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya.
“Hays.. sana nga.” sagot kong may halong buntong hininga.
“That’s also me when I was in 3rd year sa med school, but look at me now, more stressed that ever.” sabay na naman kaming tumawa.
Inilibot kong muli ang mata ko sa mga tao upang hanapin kung nasaan na si Liz. Nahagip ng paningin ko ang isang babaeng parang nahihirapang umeskapo sa isang lalaking tila hina-harass siya. Nakasandal ang babae sa pader habang parang kinokorner ito ng lalaki at pinipilit na halikan sa leeg. Kitang nahihirapan ang babaeng itulak palayo ang kung sinumang umiipit sa kanya.
Pupuntahan ko na sana ang kinaroroonan nila ngunit nabigla ako nang si Masked Guy ang malakas na tumulak sa lalaking nang-ha-harass papalayo sa babae.
Natumba ang lalaki sa sahig ngunit agad din itong bumangon at mas ikinabigla ko nang suntukin nito si Gael, dahilan upang matanggal ang mask nito at tuluyang mahayag ang buong mukha sa publiko.
Nagsigawan ang mga tao sa eksenang nakikita. Mas lalo silang nag-panic nang makilala ang nasuntok na lalaki bilang ang sikat na artistang si Gael Diaz.
Kung kanina’y isa lang ang kalaban ni Gael, ngayon ay may tatlo pang lalaking nagtulungang bugbugin siya. Parang lalo yata silang nanggigil at ginanahan sa pagsuntok nang makilalang artista ang kinakalaban nila. Mukhang balak yatang magpasikat ng mga lalaking ito na makakadale sila ng sikat na tao.
Wala pang tatlong segundo ay nakalapit na ako sa kanila. Mabilis kong dinampot ang isang bote ng alak na nakita ko lang sa mesa at malakas na inihampas sa lalaking kumukwelyo kay Gael. Nasaktan man ito ngunit hindi pa sapat para tumumba siya.
“Wag kang makialam dito!” sigaw ng isa sa mga lalaki galing sa likuran ko.
“Bakit?” saad ko sabay tuhod sa sikmura nito dahilan upang mapayuko ito sa sakit.
May lalaki mula sa likod na magtatangka sanang hawakan ang braso ko ngunit agad umikot ang kamao ko papunta sa mukha niya na ikinahawak niya sa ilong niya. Agad namang nasapul ng suntok ko ang isa pang lalaking papalapit palang sana sa kaliwa.
Kumuha ng bakal na upuan ang kaninang binasagan ko ng bote at nang ihahampas niya na ay agad ko itong sinalo upang itulak sa kanya hanggang mapasandal siya sa isang haliging poste. Diniinan ko ang sandalan ng upuan para masakal siya sabay hila ulit sa upuan at mabilis na inihampas ito sa ulo niya.
May yumakap mula sa likod ko at niligkis nang mahigpit ang magkabilang braso ko kaya’t nabitawan ko na ang upuan. Bumwelo ako’t iniuntog sa kanya ang likod ng ulo ko na sa palagay ko ay tumama sa bibig o baba niya, dahilan para mapabitaw siya sa’kin. Agad ko siyang siniko nang malakas sa bandang sikmura at dito’y napatumba na siya.
Two down, two to go...
Ang dalawang natira ay naghanda sa pagsugod sa’kin. Pumorma pa sila na para bang napakalas at napakalaki ng taong kalaban nila. Sabay nila akong sinugod. Lumuhod ako at lumiyad na parang nag-li-limbo rock upang magpadulas sa pagitan nilang dalawa at nang malagpasan sila’y mabilis akong tumayo at humarap sa kanila upang sipain ang likod ng isa na ikinasubsob niya sa sahig.
Umikot ako upang bumwelo sa pagsipa at matagumpay na napaabot ang paa ko sa mukha ng isa pang lalaking papaharap na sana. Agad siyang humandusay.
Babangon pa sana ang nakasubsob sa lupa ngunit mabilis ko itong pinitikan ng braso sa bandang batok.
Ngiting ngiti kong pinagpagan ang damit ko nang mapatumba silang lahat.
Ngunit agad din akong nabalik sa wisyo nang maramdaman ang katahimikan sa paligid.
Sa pag-angat ng tingin ko ay tumambad ang mga taong nakapalibot sa akin na parang gulat na gulat o nakakita ng multo.
Umikot ako at nakita si Gael na putok ang labi, nakasandal sa pader habang gulat na nakatingin din sa'kin.
"Hoy! Anong nangyayari dito?!" sigaw ng isa pang lalaking mataba na naka-suit naman ng grey.
"Bakit ka nanggugulo dito sa bar ko?! Sinaktan mo pa ang mga regular customers ko! You'll pay all the damages or else I'll file a case against you!" dagdag niya pa. Sa sinabi niya, siya yata ang may-ari ng bar na 'to.
"Teka! Bakit parang kasalanan pa ng kaibigan ko?! Eh 'yang mga 'yan ang nagsimula ng gulo dito eh! They're harassing a girl and planning to beat a guy! Are you tolerating harassment here?!" nanggagalaiting sigaw rin ni Liz na bigla na lang sumulpot.
"Stop arguing. I'll just pay all the damages." biglang singit din ni Cris.
Kita ko namang hinilot ni Liz ang ulo niya na nagpapahayag na naiinis siya sa sinasabi ni Cris.
"Ako rin. I'll contribute."
Napalingon ako't ang babaeng muntik nang ma-rape kanina ang nagsalita.
"What?" mahinang sabi ni Liz at lalo itong na-stress.
"Ako rin." wika naman ng babaeng kalandian kanina ni Gael na ngayon ay nakakawit sa braso niya at hinihimas ang pisngi kung saan banda siya nasuntok.
"Okay! That's nice! You're paying an enabler!" sarkastikong sabi ni Liz.
Hindi man lang ba iimik si Gael? Tss.. bakit nga naman ako aasa?
Unti unting kumalma ang lahat at inayos na ng mga staff ang mga kalat na ginawa ko.
Hinila naman ako ni Liz papalabas. Gusto ko mang lingunin ang mga tao ngunit nakaramdam ako ng matinding hiya. Hindi na tuloy ako nakapagpasalamat sa mga gustong magbayad ng mga nasira ko sa bar.
Mabilis niyang pinaandar ang kotse papaalis sa lugar.
"Incredible." ngiting ngiting saad niya.
Sinukat ko kung may bakas ba ng pagka-sarcastic ang sinabi niya pero parang hindi naman.
"Incredible for ruining your night?"
Natawa siya sa sinabi ko.
"It was indeed the best of my nights so far."
"Di ka galit?"
"Why would I? Kung hindi nga lang nagprisintang magbayad ang mga pakialamerong 'yon, sinapak ko rin 'yung may-ari ng Galaxy eh."
Kumunot ang noo ko.
"Don't get me wrong. I-I'm not a trouble-maker."
Tumawa siyang parang demonyitang may sakay na bihag sa kotse niya.
"Your fighting skills are incredible. Are you a black belter?"
"My dad just taught me self-defense. Dati kasi siyang sundalo."
"I bet, it's more than that."
Sa tingin ko'y nararamdaman niyang may tinatago pa ako. Pero hindi pa oras para malaman niya. Masyado pang maaga.
"L-Let's say, I'm a trouble-maker.. in the past." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya at nakatuon ang paningin sa daanan.
Ang parteng 'yun ng sinabi ko ay totoo.
"That's deep.. I can sense it." kombinsidong sagot niya.
Pero nagbago na ako. Napakaraming taon na ang lumipas...
Hindi ako dapat ganito. Ako dapat ang unang nakakaalam na may batas. At hangga't maaari ay lumalagay dapat ako sa mapayapang paraan.
Pero bakit kanina, parang bumalik sa akin ang dati kong nakagawiang gumamit ng dahas sa mga tao?
~~~ ~~~ ~~~
"Congratulations. You've been chosen as the leading lady for the upcoming movie project, Still Into You. Magic Stardom invites you to ADS-CDN H Building for contract signing and other details to be discussed..."
Pang-ilang ulit na basa na 'yan ni Doi sa audition result email na na-receive ko galing sa ADS-CDN. Pagkatapos niyang basahin nang malakas ay titili siya sabay papalakpak at sasabihing, "Ang ganda talaga natin!", ipapadyak ang paa sa sahig, at uulitin ulit ang pagbasa.
"Tsk! Ano ba Doi! Ang ingay mo naman eh, kanina ka pa!"
"Sino bang 'di mag-iingay? Eh ang kambal ko, artista na! Ikurot mo na lang ako kay Gael ha?!" parang kiti-kiting sabi niya sabay tili ulit.
Napailing na lang ako at isinabit ang kulay red na headphone sa tenga ko para hindi siya marinig. Pinatugtog ko ang Fall For You ng Secondhand Serenade.
Kung bakit ba naman kasi konektado ang email namin sa isa't isa eh. Sinet up kasi namin ang emails namin mula no'ng college na ma-re-receive ko ang emails niya at gano'n din siya para kung sino ang unang maka-receive ay ipapaalala ito at ino-note lalo na kung urgent. As usual ay papabayaan ko na lang siya sa pag-iingay niya.
Dinalaw ko ang sss ko saglit at bumungad ang 30+ notifications na malamang ay dahil sa ilang buwan ko na itong hindi nabubuksan sa sobrang pagka-busy sa trabaho at law school.
May limang friend requests din na siyang una kong binuksan. Ang apat ay 'di ko kilala pero ang isa ay medyo pamilyar.
Cris Aaron Valdez
Ang profile nito ay studio photo ng isang lalaking nakasalamin at white coat na parang sa doktor.
Doktor?
Dali dali kong ini-stalk ang profile nito. Si Doc Cris pala na nakilala ko sa Galaxy Bar.
Walang pag-aalinlangang in-accept ko ang friend request niya at dumako pa sa mga recent posts niya.
Nakuha ng atensyon ko ang isang shared post niya na may picture ng isang magandang babae at sa baba nito ay may mga nakasulat:
MISSING
Name: Wynona Lopez
Age: 23 years old
Last seen: July 20 at Galaxy Bar, West Avenue, Project 7, QC
Contact details: 0995******* / 0956*******
Dinagdag lang ni Cris ang caption na, 'Helping a friend. Her sister has been missing for a month now. If you've seen her, please PM me or call the numbers on the original post.'
Ini-screenshot ko ang post at inusisa pa ito. Tinignan ko ang mga nasa comments ng original post.
'Hala. 'Diba naka-date ni Gael Diaz 'yan?'
'Sayang oh, maganda pa naman.'
'@Gael Diaz kinakatay mo ba mga nakaka-date mo? Hahahaha'
'Amaccana kaka-date ng mga chix @Gael Diaz'
In-off ko ang screen ng phone ko at napatulala sa kawalan. Hindi ko na maramdaman ang kantang pinapakinggan ko.
Ang babaeng nasa post ay iba pa sa babaeng kasama ni Gael sa Galaxy kahapon.
Nabalik ako sa ulirat nang hilahin ni Doi mula sa likod ang headphone.
"Zoning out, eh?"
Umiling ako kay Doi. Tumayo ako sa sofa at uminom ng Soda Orange Juice galing sa ref.
"Yung kambal ko, alam kong hindi 'yun dumidibdib sa problema."
"Hindi ko ginagawa 'yun. Wala akong dibdib." sagot ko na agad niyang ikinatawa.
Tss.. ambabaw talaga nito.
"What I mean is, hindi kita nakikitang tulala."
Tinungga ko ang baso hanggang sa maubos ang juice.
"Ay nakita ko na pala! I think that's 10 years ago.."
"Wag ka nang magpaalala ng mga nakaraan, Doi." banta ko sa kanya.
"No'ng pinatawag ka sa guidance office sa school kasi sinapak mo 'yung nam-bully kay Gael, tapos ang ending nagalit pa siya sa--"
"TAMA NA!!"
Pareho kaming nagulat sa biglaan kong pagsigaw.
Pumanaw ang ngiti sa mukha ni Doi at tumulala sa'kin.
Mas lalo akong nagulat na naibato ko pala ang basong pinag-inuman ko ng juice at nabasag ito sa sahig.
Dali-dali kong kinuha ang walis at dustpan at winalisan ang nagkalat na bubog.
Matapos 'yun ay hindi na ako kinausap ni Doi buong araw. Kung madali siyang mapatawa ay gano'n din siya kadaling magtampo.
Kung gaano naman ako kadaling manakit ng tao ay gano'n din naman ako kahirap humingi ng tawad.
Umalis ako sa apartment niya nang maramdaman kong tulog na siya. Sa araw kasi natutulog 'yun dahil sa panggabi niyang pasok sa trabaho.
Mabilis kong pinatakbo ang motor ko pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko pa rin kasing bumalik sa dorm ko.
Tutal ay nasa Pasay naman na ako, napagpasyahan kong magpunta na lang ng MOA.
Malaki na ang pinagbago ng mga dinadaanan kong lugar mula nang huli ko itong puntahan maraming taon na ang nakakaraan. Mas nadagdagan ang mga buildings at may mga bagong bukas ring establishments.
Nang makarating sa SM MOA ay pinark ko muna sa free parking sa labas ang motor ko dahil 'di naman ako magtatagal. Naglakad ako papuntang seaside.
Medyo tahimik pa ang lugar na 'to dahil maaga pa at weekday. Payapa ang lugar na ito ngunit ang isip ko ay hindi.
Sumandal ako sa barrier at dinama ang hanging nagmumula sa dagat na nasa likod ko.
Itinipa ko ang number ni Mommy sa phone. Naka-save naman ito sa contacts ko pero nakaugalian ko nang i-type na lang kapag tatawagan ko siya para hindi ko makalimutan.
Isang ring palang ay sumagot na ito.
"Hello, anak?"
"Mom.."
"Kumusta? Okay ka lang ba diyan?"
"Opo, okay lang ako." mahinang sabi ko.
"May problema ka ba?"
Palagay ko ay narinig niya ang pinakawalan kong buntong hininga.
"Wala, 'mmy. Miss lang kita. Wala ba si Daddy diyan?"
"Wala. May binili. Kakausapin mo ba?"
"Hindi. 'Wag mong sabihin kay Dadzie na tumawag ako ah?"
"Bakit naman?"
"Baka magtampo na naman 'yun na ikaw ang tinawagan ko imbis na siya."
Humarap ako sa dagat at itinukod ang isang kamay ko sa barrier.
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya, "Ikaw talaga.. bakit nga naman kasi ako ang tinatawagan mo at hindi siya?"
"Alam mo naman 'yun, Mom. Sesermunan lang ako nun nang sesermunan kahit wala naman akong ginagawa."
Tumawa ulit siya.
"Oh siya. Maghuhugas pa ako ng pinggan. May sasabihin ka ba?"
Huminto ako sa pagsasalita at muling nagpakawala ng malalim na hinga. Gusto ko mang may sabihin pero hindi ko rin alam kung paano. Ayoko rin siyang mag-isip ng mga bagay na makakapagpa-stress sa kanya. Gusto ko lang marinig ang boses niya.
"Nak?"
"Wala na po. Kinumusta ko lang kayo diyan. 'Wag n'yo rin palang sabihin kina Kuya na tumawag ako, mga sumbungero pa naman mga 'yun."
Humagikgik siya, "Okay. Sige, nak. Ingat kayo lagi diyan ni Doi ha? Wag kang magpapalipas ng gutom at galingan n'yo lagi sa school."
"Mom naman eh. 'Di na nga kami bata para bilinan pa ng ganyan."
"Hay naku, kaya kayo nag-aaway ng Daddy mo eh. Sige na, bye, love you."
"Love you too."
Hinintay kong ibaba ni Mommy ang tawag.
Tumitig ako sa kumikislap na alon ng tubig dagat at patuloy na nagpasilaw rito.
Wala akong masabihan na ayaw ko ng ginagawa kong hakbang ngayon. May parte sa utak ko na nagsasabing gusto ko pero natatakot ako na ito na naman ang makakapanakit sa'kin. Natatakot akong ito na naman ang makakapagpabago sa matagal nang nananahimik kong puso.
"Hi!"
Napalingon ako sa boses na mula sa gilid ko.
"I'm sorry, but I think you're the one who saved Gael last night. Am I talking with the right person?"
Ito pala ang babaeng kalandian ni Gael kagabi. Naka-uniform siyang pang-estudyante, long sleeve na white at grey na long tie at above the knee skirt. Nakasulat sa I.D. lace nito ang school na Manila Tytana College. Maputi ito, hindi ganun katangos ang ilong, singkit, at may napupulang labi, aakalain mo itong isang naligaw na Chinese national. Mas matangkad lang ako ng kaunti.
Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya. Pasimple kong tinignan ang baba ng I.D. niya upang makita ang pangalan niya.
Korrine Chen
B.S. Psychology
"I haven't get to thank you last night, glad I saw you here. Thank you for saving my boyfriend."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig.
"Don't thank me. I did not save your boyfriend. I just did the right thing." mataray kong sabi na in-emphasize ang salitang 'boyfriend'.
Tinalikuran ko siya at nagpunta na sa kung saan ko ipinark ang motor ko.
Nagtataka lang ako...
Hindi taga-UP o QC ang ka-date ngayon ni Gael. May kalayuan ang Pasay doon.
Isa rin kaya si Korrine sa mga bibiktimahin niya o baka naman may planong iba si Gael sa kanya?
O baka naman gusto niya lang lituhin ang mga tao na this time ay nasa malayo na ang susunod na mamamatay o mawawala...