“Anong masasabi mo sa pagkakasangkot mo raw sa pagkawala ni Divine Chen?”
“Totoo bang nag-imbistiga ang mga pulis sa bahay n’yo?”
“Naka-date mo raw ba si Divine Chen bago siya nawala?”
Dinig na dinig ko mula rito sa hallway ang mga tanong ng sumasalubong na isang batalyon ng media kay Gael. Tanaw ko ring ni hindi niya hinintuan ang mga ito para sagutin. Tsk tsk tsk... Well, since kasama niya ako lagi, alam kong wala siyang kinalaman sa pagkawala ng taong ‘yun. Isa pa, hindi niya rin naka-date ‘yun at hindi ko nga nakita ni anino ng Divine Chen na ‘yun sa mansyon. Hindi ko alam kung hindi nga ba ‘yun nagpunta o masyado lang akong busy. Actually, pareho kaming busy ni Gael. Alam kong hindi siya ‘yun, pero kung ang pamilya niya ang pag-uusapan, hindi ko alam.
Mas nangingibabaw na ngayon ang issue ng pagbibintang kay Gael kaysa issue ko sa Grand Ball. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi na ako gaanong pinag-uusapan o maiinis dahil may taong napaghihinalaan sa isang bagay na hindi niya talaga ginawa. Feeling ko naman, hindi na siguro ako tatanungin ng kung ano ano ng media kapag ako naman ang dumaan.
Heto na, dadaan na ‘ko sa kanila.. in 3, 2, 1...
“Ms. Deya, anong masasabi mo sa bali-balitang na-li-link ka raw kay Kyle?”
Oww, sh*t...
“Kung isa lang ang magiging ka-date mo sa darating na Grand Ball, sino talaga ang pipiliin mo? Si Kyle o si Gael?”
“Napipilitan ka lang bang maging ka-love team si Gael Diaz at si Kyle Parker talaga ang gusto mo?”
Hindi naman krimen ang isyung ‘to kaya hindi ko ‘to tatakasan.
Huminto ako at confident na tumayo sa harap ng napakaraming mikropono. Ang weird lang dahil parang mula sa iba’t ibang channel gayong sa iisang channel lang naman ako nagtatrabaho.
“Hi, good afternoon. First of all, the three of us were just friends. I just started my career in showbiz and we’ve just known each other for almost a month, so I don’t know why they’re putting so much pressure on us...”
Keri mo ‘yan, Deya.. Kaya pang idilat nang maayos ang mata kahit nakakasilaw na talaga ‘yung maya’t mayang pitik ng mga camera.
“...And besides, I don’t have a romantic relationship with anyone as of the moment so as far as I know, I don’t have any commitment or responsibility with anyone. It takes time to like or love someone, and I’m not the kind of girl who can easily be impressed or tamed by a guy.”
“Ms. Deya, a follow up question, is it true that Gael is your high school sweet heart? The throwback picture circulating in social media, is that you?”
“Is it true that he dumped you before and your using Kyle as a revenge?”
Where did that came from?
“Not that I’m aware of. That’s all for now. Thank you.” saad ko sabay sagasa kuno sa kanila na hindi ko naman nagagawa since hinahawi na sila ng mga guards ko.
What the f*ck is that picture circulating in social media? Arrgghhh! This is what I hate in this job! Stealing your photos without your permission and you can’t do anything because it’s legal for them to do so because of the f*cking contract!
Matagumpay naman akong nakasakay sa kotse sa kabila ng dami ng humaharang. I don’t wanna be pissed of with the media staff because they’re just doing their job pero ‘di ko maiwasang ma-stress sa dami at ingay nila. Napahinga na lang ulit ako nang malalim nang makaupo sa back seat ng kotse.
Napalingon ako sa katabi ko. Kung problemado ako ay para naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya.
Muntik na siyang mapabuntong-hininga pero pinigilan niya’t lumingon sa’kin. Nagbigay siya ng pekeng ngiti.
“Yes, I’m just tired. Thanks.”
Alam ko namang hindi siya okay dahil sa isyung kinakaharap niya ngayon. Tss.. Akala ko ba wala siyang pakialam sa image niya? Baka iniisip niyang pwede siyang makasuhan o makulong. Pero bakit naman iisipin niya ‘yun kung wala talaga siyang kinalaman?
“Sa’n po tayo, Ma’am, Sir?” saad ni Kuya Delio habang nakangiting hawak ang manibela.
“Just send us home.”
“Sir, yes, Sir!” ganadong sagot ni Kuya at agarang pinaandar ang kotse. Mabagal lang dahil napakarami pang tao ang nakaharang sa daraanan.
Napangiti na lang ako dahil sa taas ng energy ni Kuya. Mukhang nasa mood ang loko. Nawala rin kaagad ang ngiti ko nang lumingon sa katabi ko na matalim nang nakatingin sa’kin. Anong problema na naman nito sa’kin?
Tumingin muna ako sa side window habang nasa biyahe. Mabilis kaming nakarating sa bahay mula sa buong maghapong taping. Napapikit na lang ako nang maisip na may klase pa ‘ko mamayang gabi. Dahil sa sina-sideline ko lang ang pag-re-review habang nasa taping, as usual ay kaunti na naman ang na-review ko.
Pagpasok sa bahay ay hindi na muna ako nagbihis at deretsong nagpunta ng kusina para kumain dahil nagmamadali ako.
Sumadok ako ng kanin. As expected, lumapit si Ate Shane dahil gusto niyang pagsilbihan ako.
“Ma’am, ako na po. Umupo na lang po kayo diyan.”
Inagaw niya sa’kin ang pinggan ko at sandok ngunit pagkakuha ay napahinto siya at dilat na dilat na tumingin sa’kin. Inilapag niya ang pinggan sa mesa at hinawakan ang mga braso at leeg ko.
“Ma’am, ayos lang po kayo?”
“Ha? Oo naman. Gutom lang at nagmamadali.”
Kinapa kapa niya rin ang sarili niya pagkatapos ay muli akong kinapa.
“Mainit talaga kayo, Ma’am. Hindi po ba mabigat ang pakiramdam n’yo?”
Huminto ako’t pinakiramdaman ang sarili. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Okay lang siguro ako.
“Hindi Ate eh. Baka galing sa lamig ang kamay mo kaya akala mo mainit ako. Normal lang naman pakiramdam ko.”
“O-Okay po.”
Ipinagpatuloy niya ang pagsasandok ng kanin. Kumuha na rin siya ng ulam na adobong manok at nilagay sa isang mini-bowl. Pagkalapag niya ay kumuha na rin siya ng tubig.
“Thank you, Ate Shane!”
Nag-bow siya ngunit hindi siya umalis sa dining area at parang tinitignan ako. Na-co-conscious tuloy ako pero hinayaan ko na lang siya since baka may kailanganin din akong ipaabot habang nandito.
Lumagok muna ako ng tubig bago sumubo. Ehh? Bakit parang pumangit ang lasa ng ulam eh ito rin naman ang inulam ko kaninang umaga?
Habang tumatagal ay parang nawawalan ako ng ganang kumain.
“Ate Shane, ayoko na kumain."
“Teka lang po.. sigurado po kayo na ayaw n’yo na?”
Tumango lang ako at uminom ng tubig.
“Hala.. Bakit ‘di po kayo matakaw ngayon? Ayos lang po ba talaga ang pakiramdam n’yo?”
Maka-matakaw naman ‘to! Para namang grabe ako lumamon.. pero parang gano’n nga actually...
“Ayos lang talaga ‘ko, Ate Shane. Sayang pero ‘di ko na talaga kaya kumain. Akyat na ‘ko, salamat.”
Agad akong umalis sa dining area para makaakyat na sa kuwarto ko, pero bago ko pa magawa ay sinalubong ako ni Gael sa living area at siya naman ang kumapa sa balat ko. Hoy hoy, lalaki ka at walang permission to touch me tapos bigla bigla ka na lang humahawak sa’kin?
“Deya, you’re hot.” saad niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.
“I know, thank you for the compliment. Please let me go.”
“N-No! I mean, yes. But right now, you have a fever.”
“Wala akong lagnat. Imagination mo lang ‘yan.”
“That was the dumbest gaslighting I’ve ever heard.”
“Wala ‘kong panahon makipagtalo sa’yo ngayon. Kailangan kong mag-aral para sa klase ko mamaya.”
“Hindi ka mag-aaral at hindi ka papasok!”
“Kung hindi mo ako napapayagang lumabas mag-isa sa bahay mo, hindi mo ako mapipigilang pumasok sa klase ko!”
Huminga ako nang malalim at dahil do’n ay mas lalo kong naramdaman ang hilo. Hindi.. hindi pwede 'to.
“Papasok ako mamaya sa ayaw at sa gusto mo. Kung pipigilan mo ‘ko, idedemanda na talaga kita.”
Tinalikuran ko siya at mabilis na umakyat sa hagdan. Hindi ko na siya narinig magsalita at hindi na rin ako pinigilan. Hays.. buti naman.
Nang makarating sa 2nd floor ay hingal akong huminto sa hallway at sumandal sa kahoy na pader. Nahihilo na talaga ‘ko at para na ‘kong masusuka. Kaya ko naman ‘to. Nagkakasakit ako pero kaya ko pa rin namang kumilos at pumasok. Sakit lang ‘to, strong girl ako.
Aakyat na sana ako papuntang 3rd floor nang may marinig na parang pintong bumubukas mula sa isang leisure room. Agad kong binuksan ang glass door ng gym ngunit iniharang ko lang ang katawan ko para hindi tuluyang magsara at para masilip ko kung sino ang tao rito nang hindi ako napapansin.
Iniluwa ng pinto ng art room si Heather na naka-apron at nakapungos ang buhok. Mukhang pagod ito sa kung ano mang ginawa sa loob ng art room. May hawak itong kutsilyo sa kanang kamay at pitcher na tila puno ng laman. Maigi ko itong tinitigan. Dim kasi ang lights ngayon dito sa floor kaya inaaninag ko pang maigi ang tinitignan ko. Dumapa ako para bumaba ang puwesto ng ulo ko at hindi ako agad mapansin.
Sa unti unti niyang paglapit sa kinapupuwestuhan ko ay mas malinaw ko siyang nakikita. Kulay pula ang likidong laman ng pitcher at may mga bahid ng kaparehong likido sa kutsilyong hawak niya. May mga talsik din siya sa leeg at suot niyang apron. Napatingin siya sa gawi ng puwesto ko kaya’t mabilis kong ipinasok ang sarili sa gym at gumapang upang magtago sa pagitan ng multipress at leg press hack squat. Napapikit ako nang tumunog ang isa pa sa mga equipments na nahawakan ko. F*ck!
Idinungaw ko ang ulo ko at mabilis na itinago nang makita siyang pumasok sa gym. Kahit wala siyang tunog na nililikha ay ramdam ko ang unti unti niyang paghakbang palapit. Mabuti na lang at patay ang ilaw rito kaya alam kong hindi niya ako agad makikita. Huminto siya sa paglakad. Alam kong pinapakiramdaman niya kung may iba bang tao. Eh ano naman kasi sa kanya kung may ibang tao sa mga rooms dito kung wala siyang ginagawang masama?
Pumikit ako at pinigilan nang kaunti ang paghinga. Naramdaman ko ang matinding sakit ng ulo sa pagpikit ko kaya’t muli akong dumilat na ikinaikot ng paningin ko. Muntik na ‘kong matumba at naitukod ko ang daliri ko sa bakal ng leg press. Sinikap kong maging relax para hindi ma-out of balance ulit. Ayokong sa ganitong paraan ako patayin ng sakit na ‘to.
Nakaramdam ulit ako ng mga hakbang sa sahig. Alam kong palayo ito sa’kin kaya panatag akong hindi niya na ako makikita rito. Sumilip ako mula sa kabilang side ng multipress at confirmed na wala nang tao. Mabilis akong sumilip sa glass door upang tignan kung saan papunta si Heather. Lumabas ako ngunit itinago muna ang katawan sa pintuan upang sumilip sa direksyong nilalakaran niya. Imbis na hagdan ay elevator ang pinasukan niya. Shoot! Hindi ko tuloy alam kung pababa ba siya o pataas.
Tumakbo ako papunta sa elevator at tinignan ang digital sign kung ng direksyon nito. Pataas.. Tinakbo ko ang hagdan papuntang 3rd floor ngunit hindi muna ako sumampa sa hallway. Dumungaw muna ako at inabangan ang paglabas niya sa elevator. Kung hindi siya lalabas dito, ibig sabihin ay sa pinakataas siya pupunta.
Ilang saglit pa ay nagbukas ang elevator at lumabas siya mula rito. Binabaan ko ulit ang pagkakadungaw ko upang hindi niya masyadong mapansin. Pumasok siya sa isang kuwarto. Tuluyan na ‘kong umakyat sa pasilyo at patay-malisyang lumakad. Sa sarili niyang kuwarto siya pumasok, kita ko pa ang kaunting bakas ng pulang likido sa lever handle ng pinto. Dahan dahan akong lumapit.. sana paint na lang ‘to.. sana water color na red na lang ‘to o fruit juice...
Napalunok ako nang makompirmang dugo ito ng tao. Nagagalit ako sa kanila at naiinis ako sa sarili ko. Kaninong dugo na naman ba ‘to? Kaninong buhay na naman ang nawala para lang mabusog ang mga halimaw sa bahay na ‘to?
"Ate?"
Napalingon ako sa nagsalita at napaatras sa pinto ng kuwarto nang makita kung sino ito.
"H-Hi. Nandito ka.. w-wala kang pasok ngayon?"
"Linggo ngayon, Ate."
"Ah.. Oo nga pala. Sorry... Mukhang nasosobrahan na talaga 'ko sa pagod." umabante ako papunta sa pinto ng kuwarto ko.
"May sakit ka."
Napalingon akong muli sa sinabi niya. Pinagkalat ba agad nina Ate Shane at Gael na may sakit ako? Ang weird naman kung gano'n.
"Uhmm.. wala 'to. Magpapahinga lang ako tapos okay na 'ko ulit."
"Kailangan mong magpahinga nang mas mahabang oras. Hindi ka lang basta pagod."
Magtitipa na sana ako ng unlock code ko sa pinto nang may ma-realize.
Nilingon ko siya at tinignan sa mata, "How do you know that I'm sick?"
Nakatitig lang siya sa mukha ko at halatang nag-iisip ng isasagot.
"K-Kasi.. ramdam ko... At halata sa'yo. Mukha kang nanghihina."
Napangisi ako at tumango na lang, "Iinom na lang siguro ako ng gamot. Pasok na 'ko. Magpahinga ka na rin kung may klase ka bukas."
"Get well soon, Ate."
"Thank you."
Sa pagpasok ko sa kuwarto ko ay lalo kong naramdaman ang panghihina. Mabilis akong nag-shower sa mainit na tubig at nagbihis ng pambahay. Medyo guminhawa man ay ramdam ko pa ring hinihila pababa ang katawan ko.
Napatingin ako sa oras, 6:30 PM na. 8-10 PM ang klase ko. Kung iidlip ako, e'di halos wala na rin akong ma-re-review.
Imbis na sa kama ay sa study table ako dumeretso at ipinagpatuloy ang mga naputol na lessons na ni-re-review ko kanina sa taping. Sa wakas, makakapag-focus na rin ako...
Naduduling ako at parang nagsasayaw ang mga letrang binabasa ko sa reviewer. Napahawak ako sa ulo ko. Siguro kailangan ko lang tukuran 'tong ulo ko para mabawasan ang hilo. Alam kong kahit papa'no, may pumapasok sa utak ko.
"...such acts of underground sales and marketing of genuine goods undermines the property rights and good will of the rightful exclusive distri--"
Hinarangan ng isang patak ng dugo ang binabasa ko. Ilang saglit ko itong pinagmasdan hanggang sa nasundan ng isa pang patak kasabay ng pagdilim ng buong paligid.
Dinig kong nagbukas ang pinto ng kuwarto ko. Not tonight, intruder...
"I told you not to study anymore!"
Pa'no ka nakapasok sa kuwarto ko?
"Deya! Sh*t!"
...
...
...
**Gael's POV**
"Too much stress and overfatigue..." Heather said after checking Deya's lower eyelids.
She's still unconscious. Her nose stopped bleeding a while ago after Heather put a cold compression on her head.
"Platelet count's too low, it's close to thrombocytopenia which had caused the bleeding earlier. She needs to take rest more often."
I looked at her pale face. She's in slumber like sleeping beauty that I'll kiss her if that will wake her up and take away all the sickness and pain she's going through.
Heather let out a sigh. I saw her shook her head and glanced at Deya before looking at me.
"Thank you. I'll take care of her. 'Wag na 'wag mong hahayaang makalapit sina Helena at Gab sa kanya." I instructed my younger sis.
"But how about you? Aalagaan mo lang ba siya? You're also tired and you are a student too. You'll also not attend your class later?"
"You already know my answer to your question."
She again sighed. Why does she need to ask that when she knows that I'll never leave Deya behind?
"Section 81 states that it can be cancelled if the patent is invalid..."
Pareho kaming napalingon ni Heather nang magsalita si Deya. We checked and her eyes are peeping as if it's going to open anytime.
"...However, if there's a claim, cancellation may be affected to such extent only as per Section 61.2."
"Just a delirium." Heather said.
"No!"
Aalis na sana ng kuwarto si Heather nang biglang sumigaw si Deya. Pareho ulit kaming naalerto.
"No! How can you prove that, huh? That is legally and logically wrong!"
Ang kaninang nakasilip niyang mga mata ay tuluyang nagbukas. Iniangat niya nang kaunti ang ulo niya at tumingin tingin sa paligid, pagkatapos ay sa aming dalawa naman ni Heather.
"My class.. What time is it? I have a class tonight!"
She attempted to get up but Heather held her arms and pinned her on the bed.
"No classes tonight. Just rest."
"No! My grades.. I don't want to fail!"
She struggled and managed to got up. She attempted to stand straight and walk but even before taking a step, she stumbled and fell onto my arms.
Her languid eyes are now fixed on mine. I lifted her up back to her bed. She stayed still, not saying anything but holding her head.
“I need to attend my class.. I don’t want to fail...” sabi niya sa mahinang mahinang boses habang nakatingin sa’kin.
Nakatukod ang siko ko sa kama habang nakaharap sa kanya. Her temperature’s not changing, still high since we got home.
“I know.. but you’re sick. You need to recover first before you go to your classes.” I almost whispered.
“Will I still be a lawyer?”
I paused for a moment while still looking at her. Seems like she’s not in her normal state of mind right now. She’s always like this when she’s ill, but she’s easier to deal with.
“Yes, in no time, you’ll be a brave and well-known lawyer. You’ll be notable for fighting for the rights of the poor and the marginalized just like your goal.”
She smiled, “But how about my acting career? I don’t wanna lose it.”
“You’ll also be a phenomenal actress like what you always dream of. Just rest now and you can be anyone you want to be.”
“By the time I’ve achieved all my dreams, will you be with me?”
I again halted. I’m out of words to say. I wish she can say these words to me even when she’s rational. I badly need her every f*cking hour, every f*cking day.
“O-Of course, I’ll be with you.. Even if you walk away from me.. I will never leave you, I will stay by your side.”
“Why would I do that?”
“I.. m-might not be enough for you.”
She just blankly stared at me. Since she’s disoriented, I know she’ll not be able to process what I just said.
“Do you want a crab soup?”
“Yes, I feel so cold, but why can’t I see snow? It should be raining snow here now.”
Lumingon palang ako kay Heather ay hininaan niya na ang aircon. She did a hand sign saying that she has to go. I just nodded, she’s complaining a while ago about remote check ups she needs to do, so her help is enough for today.
I covered Deya’s body with a comforter. She’s shivering in cold.
“Just stay here. I’ll make your favorite crab soup.”
“Okay.”
I went out of her room, gently closed the door, and proceed to the kitchen. I don’t know how to cook literally anything except for her favorite soup. It’s been so long since the last time I prepared this for her.
I scanned the selection of stuff in the kitchen and look for a pot that suits the volume that I need to make. I took a medium-sized non stick stockpot and set it aside, washed my hands and started to chop onion, garlic, spring onion, and ginger.
“Sir, ikaw ba ‘yan?”
I got a bit startled because of Aling Liza’s voice, one of the old maids here. I managed to hide my shock and just stared at her with a ‘what-are-you-implying?’ look.
“Kung sino mang masamang espiritu’ng sumapi kay Sir, lumabas ka!” she hysterically said.
“Stop fooling around. You’re busting my focus.”
“Sir, sa dalawang dekada kong paninilbihan dito, ngayon lang kita nakitang nagluto! Ano bang nakain mo?”
I didn’t respond and just continue what I’m doing.
“Ay hala! Anong nangyari kay Sir? Siya ba ‘yan?” Shane also entered the kitchen.
“Can you all please stop shouting?”
“Sir, ako na po niyan. Ihatid ko na lang sa kuwarto ni Ma’am Deya mamaya.” Shane tried to take the kitchen knife from my hand, but I quickly took it away from her.
“I can and want to do this myself. Please go back to your own errands.”
I saw through my peripheral vision that they looked at each other out of awe. They bowed and quietly walked out of the kitchen.
“Shane?”
Shane hurriedly went back, “Sir?”
“Can you please show me where they’re hiding the salt?”
“Pero Sir—“
“I won’t tell anyone. I’ll be the one to turn it back without them knowing. And I’ll make sure it won’t hurt me.”
She opened the compartment below the kitchen chattels and took out the overly sealed jar of salt. The soup will taste different if I’ll put the artificial flavoring they regularly use when preparing dishes.
“Thank you.”
She again bowed and exited the kitchen.
I, at last, can cook peacefully. Every ingredient I put in the pot brings happy memories, every mix brings an odd weight in my chest. Ano na kayang mangyayari sa’kin kung sakaling hindi ko pa siya nakita ulit? I guess, my life will be more miserable.
I smiled after seeing the finish product. I can’t taste it myself but I trust the process, I carefully measured the seasonings so it won’t be so bad. I transferred a part of it in a bowl and carried it through a tray since there’s a bed table in her room.
My forehead creased when I saw that the door to her room is a bit open. I know I locked it a while ago, so who else knows her door’s unlock code? I can hear another voice from inside, seems like someone entered and now talking to her. I slowly walked towards the door and stopped to listen.
“Sabi ko naman kasi sa’yo eh, ako na lang muna ang kikilos dito. Pinapabayaan mo na siguro ang sarili mo.” a man’s voice said, sounding so worried.
“K-Kuya, mag-ingat ka sa mga gagawin mo.” she responded in a weak voice.
Kuya? Who could that be?
“Magpagaling ka lang. Ako na muna ang bahala rito.”
I kicked the door for it to widely open, exposing Delio while he caress Deya’s forehead. Nararamdaman ko ang dugo kong umaakyat sa ulo ko.
“S-Sir...”
Kita ang pinaghalong gulat at takot sa mukha ni Delio.
“What. are. you doing here?”
**Third Person’s POV**
Lumibot ang magkakaibigan sa campus. Katatapos lang ng klase nila. Dapat sana ay hanggang alas kuwatro pa ang klase pero dahil may program sa campus stadium ay early dismissed ang lahat ng academic activities. Alam naman kasi ng school management na hindi makakapag-focus ang mga estudyante sa pag-aaral kung dudungaw sila sa idinaraos na program.
Ngayon ang araw ng mga auditions at try-outs sa darating na inter-high school sports and talent competition next next month. Naatasan sina Hiro at Gael sa filming at featuring ng program sa social media, habang ang iba nilang mga kaklase ang tumutulong sa mga organizers ng auditions at try-outs para mas maging maayos ang events.
Nag-umpisa na ang ibang mga eliminations. Unang nagpunta sina Hiro at Gael sa dancing kung saan may sumasayaw nang isang grupo sa stage.
“Parang magandang anggulo rito.” saad ni Gael na nakapuwesto sa distansyang kita ang judges at mga sumasayaw sa stage.
Nagpunta naman si Hiro doon at ipinuwesto ang camerang nakakabit sa tripod, “Hmm.. Ayos, i-roll ko rito tapos sa gitna mamaya.”
“Uy, ano ba naman!” reklamo ni Hiro nang may humarang na estudyante sa harap ng lente ng camera.
“Mga pre, tabi lang kayo kasi may nag-re-record oh.” sabi naman ni Gael habang sumesenyas na pinapausog ang mga lalaking humarang at tinuturo ang camera sa likod nila.
Tinignan ng lalaki si Gael mula ulo hanggang paa bago ito nagsalita, “We want to watch the program here. Take your stupid videos somewhere else.”
“Aba, sino ka ba? ‘Di mo alam kung sino ‘yang inaangasan mo!” sigaw ni Hiro mula sa likod. Nang marinig naman ito ng mga lalaki ay ngumisi sila at tila naghahandang upakan ang dalawa.
Mabilis namang umatras si Gael at pinigilan nang magsalita pa si Hiro, “Sa iba na lang muna siguro tayo mag-film.”
“Teka, sino ba ‘yang mga ‘yan? Ang yayabang eh, sumbong mo nga sa mama mo para matanggal dito—“
“Tama na. Umiwas tayo sa gulo. Mamaya na lang tayo rito kapag wala na sila.”
“Men, ano ba naman—“
Hinila na ni Gael si Hiro upang makalayo sila sa mga lalaki. Muling inilibot ni Gael ang tingin niya upang maghanap ng ibang eliminations. Napansin niya ang isang mahabang pila mula sa bungad ng hallway na tila ba papunta sa theater room.
“Miss, anong pila ‘to?” tanong niya sa isang babaeng nakapila.
“Classical singing contest audition po.”
“Ayun, dito muna tayo.”
Sinundan naman ni Hiro ng tingin ang mahabang pila, “Punta tayo sa pinakadulo.”
Habang papalapit sila sa theater room ay naririnig na nila ang tunog ng pinaghalong piano at violin. Nang marating nila ang mismong pinto nito ay narinig na nila ang kasalukuyang kumakanta at nasilip ni Hiro sa maliit na siwang ng sirang bintana ng room sa gilid.
“Bro, ayan ‘yung nanalo sa Elementary Track and Field last month oh.”
“Tingin.” isiniksik ni Gael ang ulo niya sa tabi ni Hiro upang masilip din ang loob.
Nakita’t napakinggan nila ang isang batang babaeng nakasalamin na kumakanta ng ‘My Heart Will Go On’ ni Celion Dion habang tinutugtugan ito ng music teacher ng piano.
“Ang galing niya.” anas ni Hiro.
Nanahimik lang si Gael. Dahil dinig din naman talaga sa labas ang boses at musika ay hindi na siya nakisilip. Umayos na siya ng tayo at tumingin sa mga nakapila.
Gano’n na lang ang gulat niya nang makita ang isa pang babaeng kamukhang kamukha nito na siyang susunod nang sasalang sa audition. Nakatingin ito sa kanya ngunit agad ding umiwas nang mapatingin siya rito. Dahil hindi siya mapakapaniwala ay muli niyang sinilip sa butas ang babaeng kumakanta sa loob at pagkatapos ay muling tinignan ang babaeng nasa pila. Tila namangha siyang magkamukhang magkamukha nga ang dalawa, wala nga lang suot na salamin ang nasa pila.
“K-Kambal mo ba siya?” tanong niya sa babae.
“Opo.” simpleng sagot nito habang hindi tumitingin sa kausap.
“Mag-interview tayo.” singit ni Hiro sa likod na agad ding nagulat nang makita sa harap nila ang kambal ng nasa entablado. Gaya ni Gael ay napadalawang tingin din ito sa nasa loob at nasa labas.
“Videohan ka namin para sa showforce ng school sa social media.
“Ho?” gulat na sabi nito.
“Madali lang naman ‘to eh. Titingin ka lang sa camera tapos kapag sinabi kong ‘action’, sasabihin mo, ‘Makakapasok ako sa audition na ‘to at ang school namin ang mananalo sa classical singing competition dahil sa’kin, dahil magaling ako at maganda!”
Mas lalong nagulat ang babae sa inutos ni Hiro sa kanya. Napalunok siya at napatingin sa crush niyang kasama nito. Hindi niya alam kung kaya niya bang gawin ‘yun, hindi dahil sa kulang siya sa confidence o masyadong mayabang ang statement, pero dahil nasa harap siya ng crush niya ngayon. Binabalot siya ng matinding hiya at parang gusto niya nang lamunin ng lupa.
Hinintay niyang kumontra ang crush niya sa sinabi ni Hiro pero walang pagtutol na bumabakas sa mukha nito. Iniisip niya kung bakit. Maganda ba ang tingin ng crush niya sa kanya? Bakit kailangan siyang ipahiya ng ganito?
“A-Ah.. sige po...”
“Ayun! Sige wait lang.. okay, action!”
“Makakapasok ako sa audition na ‘to at ang school namin ang mananalo sa classical singing competition dahil sa’kin, dahil magaling ako at maganda!” confident at may conviction na saad niya.
“Nice!”
Nagtawanan naman ang mga babaeng nasa pila na kaklase ni Emma.
“Seriously? Ginawa niya talaga ‘yun?”
“So pathetic! Utu-uto!”
Muli siyang napalunok. Sa isip niya, isa na namang epic fail ang nagawa niya. Bakit nga naman siya nagpa-uto kay Hiro? Isa na namang katangahan ang ginawa niya sa campus.
Tinitigan ni Gael ang mga babae.
“Baby Gael, bakit ka naman nakatingin sa’kin? Ang ganda ko ngayon ‘no?”
“Assuming! Sa’kin kaya siya nakatingin!”
“Gusto ko lang sabihin na kung naiinggit kayo, mas mabuting itikom n’yo ang mga bibig n’yo.”
Natahimik nga ang mga babae. Hindi nila masabon si Gael dahil alam nila kung sino ito. Napahiya sila at mas pinili na lang nilang lunukin.
Hindi naman makagalaw ngayon si Emma sa kinatatayuan niya sa pila. Mas lalo siyang ninerbyos, kung kanina’y sa pagkanta sa entablado lang siya kinakabahan, ngayon ay dinadaga ang dibdib niya sa narinig mula sa crush. Nagtatanong siya sa isip kung bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa niya ulit nakadaupang-palad ang binata na kailangan niyang mag-focus sa performance? Iniiwas niya ang mukha niya upang hindi mapansin ang alam niyang kanina pa namumulang pisngi niya.