Nasa canteen kami ng mga kaibigan ko at kumakain nang dumating si Ninong. Napangiti ako ng makita siyang bumungad sa pinto na agad din naman nawala nang makita kong kasunod niyang pumasok si Pauline na isang model at nanalong Ms. Lateneo nung nagdaang beauty pageant sa school namin.
"Look lantaran na talaga sila!" Napatingin ako kay Hershey nang sabihin niya yun. Naalala ko nung sinabi niya nung nakaraang linggo na nakita niyang bumaba sa kotse ni Ninong si Pauline. Tingin ko naman walang girlfriend si Ninong dahil sa loob ng isang araw ay halos kulang na ang oras niya na pagsabayin ang trabaho at pag aasikaso kay Andrei pero bigla akong nagdalawang isip ngayon.
"Siguro bigay ni Sir Craig yung flower." Sabi ni Kate na nakatingin sa bouquet ng bulaklak na bitbit ni Pauline.
"Bagay naman din sila!"
"Huy hindi ha mas bagay kami ni Sir."
"Diba bawal ang professor-student affair sa school natin?"
"Secret affair pwede!"
Naririnig ko ang pinaguusapan ng mga kaibigan ko pero ang isip ko ay nakatuon kay Ninong. Umupo siya sa isang table na katabi ni Sir Harry na isa ring Professor. Umupo din doon si Pauline. May mga dumating pang babae na kaibigan ni Pauline at tumabi din sa kanila. Si Sir Craig at Sir Harry naman parang may pinag uusapan. May hawak na papel si Sir Harry at doon nakatuon ang pansin nila habang nag uusap.
"Let's go girls 5pm na baka matraffic pa tayo." Pagyaya ni Angela kaya tumayo na kami at umalis para magtungo sa basketball game.
"Jinky hindi kayo manonood ng basketball?" Tanong ni Linette sa isang kaibigan ni Pauline nang mapadaan kami sa table nila. Napatingin sa akin si Ninong pero dahil busy sila ni Sir Harry ay saglit lang niya ko tinignan.
"Hindi eh!" Sagot ni Jinky.
Sumakay kami sa kotse ni Marian papunta sa Arena. Sa harap ako nakaupo habang yung apat ay nasa likod. Kinuha ko ang cellphone sa bag nang marinig ko yun na tumunog. Nakita ko ang text ni Ninong at binasa yun.
Ninong: Are you going to the game? how do you go there?
Sinagot ko ang text niya.
Yana: Sumabay po kami sa kotse ni Marian
Ninong: Alright, take care. Make sure to be at home at 9pm. Okay!
Yana: Okay po.
Tinago ko na ang phone ko matapos namin mag usap. Kasasara ko pa lang ng bag ko nang tumunog uli yun. Nagtext uli siya.
Ninong: Don't come near Kalix okay. Please stay away from boys.
Stay away from boys, yung parati ko naririnig kay Dad yun at kay Uncle Alex pero bakit kay Ninong parang iba ang dating.
"Tignan niyo guys yung post ni Pauline sa instabook." Pinakita sa amin ni Linette ang instabook niya na may post ni Pauline. Picture yun ng bitbit niyang bulaklak kanina na may caption na "Thank you handsome for the beautiful flower! Happy Valentine's Day!"
"For sure si Sir Craig ang tinutukoy niya." Agad na sabi ni Kate.
"Feeling ko din. Bawal ang Professor-Student affair kaya syempre hindi siya magbubulgar." Sagot ni Hershey.
"Bulgar na nga sila eh!" Sambit ni Linette.
"Someone's hurting. Huwag kayong ganyan!" Panunukso ni Marian sakin.
"Ang bagal mo naman kasi Yana kung ako sayo matagal ko ng namukbang si Sir!" Nagtawanan ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Kate.
"Oo nga girl pasukin mo na sa kwarto niya. Sa ating lahat ikaw lang yung pwedeng makagawa nun. Don't waste the opportunity." Sabi ni Angela.
"Grabe kayo hindi ko yun magagawa!" Agad kong sabi.
"Do it. Si Kalix nga na MVP jowa mo na ngayon eh." Sabi ni Hershey.
"Iba naman si Ninong. Ninong ko yun at Professor ko hindi ako papatusin nun." Sambit ko.
"Maghubad ka sa harap niya ewan ko na lang kung hindi ka pa patusin." Tumatawang sabi ni Marian.
"Tama tama!" Sabay-sabay nilang sagot. Natatawa na lang ako sa sinasabi nila. Palibhasa sa kanila ay madali lang sabihin at gawin yun pero sa akin ay malabo. Yung mga pinagsasasabi ko nga lang nung nalasing ako noon hiyang hiya na ko eh, yung ako pa kaya ang gagawa ng first move. No way, hinding hindi ko yun gagawin kahit gaano ko pa kagusto si Ninong.
Pagdating namin sa Arena ay nagwa-warm up ang mga player. Game 1 ng final game kaya marami rami na ang taong nandoon pagdating namin, mabuti at meron pa kaming napwestuhan sa kalagitnaang row. Kalaban ng school namin ang Adamstone University.
Kumaway kaway si Hershey sa mga player. Jowa niya kasi si Denver na isa rin sa varsity player. Nakita siya ni Denver kaya umakyat ito sa audience. Umakyat rin si Kalix nung nakita niya kami.
"I thought you will not come!" Sabi niya paglapit sakin. Hinimas niya ang pisngi hanggang chin ko.
"I told you pupunta ko!" Nginitian ko siya.
"Mabuti pinayagan ka ng siraulo mong Ninong!" Sarkastiko niyang sabi.
Hindi na lang ako nag react pa sa sinabi niya. Tinawag na siya ng teammate niya kaya nagpaalam na siyang bababa.
"I'll go back na!" Ngumiti siya at nilapit ang mukha sakin at hinalikan ako sa noo tsaka siya bumaba at bumalik na sa court. Sa halos dalawang linggo naming magjowa, may ilang beses na rin kami nagkiss. Masarap siya humalik na kagaya nung naging dalawa ko ring jowa sa U.S. Yun nga lang hanggang halik lang ang kaya kong ibigay sa kanila.
"How sweet!" Panunukso sakin ni Kate pag alis ni Kalix. "Totohanin mo na kaya girl!"
"Malabo yun!" Agad kong sabi.
"Mukha namang seryoso na si Kalix eh!" Sabi pa niya.
Naisip ko rin na parang seryoso na nga si Kalix kahit alam naman niyang laro lang ito. Kahit seryoso na siya hindi ko naman magawang seryosohin siya. Malayong malayo siya sa katangian ni Ninong.
Hay bakit nga ba si Ninong parati ang pinagkukumparahan ko sa isang lalake. Kahit pa sinong lalake alam kong wala naman makakahigit pa kay Ninong. Naisip ko bigla si Pauline. Valentine's day ngayon kaya kung sila na nga, malamang magka-date sila ngayon. Pero pano kung sila na nga? Ngayon pa lang hindi na matanggap ng puso ko.
Nagsimula na ang game kaya doon na nafocus ang pansin ko. Wala naman ako masyadong alam sa larong basketball basta ang alam ko lang kapag nakashoot ang isang player ay puntos yun para sa team nila kaya panay ang hiyawan namin sa tuwing nakaka shoot ang team namin.
Mabilis na lumipas ang oras. 3rd quarter na at lamang ng five points ang team namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ng marinig ko yun na tumunog. Pagtingin ko ay may text si Ninong. Marami rin pala siyang missed calls na hindi ko nasagot dahil sa ingay sa loob ng Arena. 7:30 pa lang naman at usapan namin 9pm dapat nasa condo na ko kaya hindi ko alam kung bakit siya tumatawag. Binasa ko ang text niya.
Ninong: Where are you sitting?
Bakit niya tinatanong kung saan ako nakaupo?!
"You're not answering my call?" Napatingin ako sa lalakeng tumabi sakin nang marinig ko ang pamilyar na tinig na yun.
"Ninong!" Sambit ko ng mabungaran siya sa tabi ko.
"Kanina ko pa kayo hinahanap?" Sabi niyang nilapit ang mukha sa akin. Maingay sa paligid dahil sa hiyawan ng audience.
"Si Sir!" Sambit ni Kate nang makita siya.
"Hi Sir!" Bati sa kanya ng mga kaibigan ko. Ngumiti naman si Ninong.
"Hindi ko kasi marinig yung phone ko dahil maingay!" Dahilan ko sa kanya.
"Okay!" Sagot niya.
"Bakit ka po nandito?" Nagtataka kong tanong. Iniisip ko kasi na magkasama sila ni Pauline.
"Why? Bawal bang manood ang teacher niyo?" He smiled at me.
"Hindi ko kasi alam na nanonood din pala kayo ng basketball. Si Andrei? Diba susunduin mo siya kina Ate." Tanong ko nang maalala siya.
"Mahilig ako manood ng basketball pero sa TV, sa live hindi masyado dahil maingay. Gusto ko lang manood ngayon." Nakangiti niyang sabi.
"Tomorrow ko susunduin si Andrei kay Ate."
"Ah okay po!" Napangiti ako sa tuwa na nandito siya. At least nandito siya at kasama ko, hindi si Pauline.
♥️