Lalo akong ginanahan manood ng basketball dahil kasama ko si Ninong. Nag enjoy din naman siyang manood kahit ilang minuto na lang yung nalalabing oras sa game. Panay din ang palakpak niya kapag nakakashoot ang team namin.
Ilang minuto pa ang nagdaan at natapos ang laro. Nanalo ang school namin sa laban. Lalong umingay sa paligid dahil sa hiyawan ng mga schoolmates kong nanonood ng oras na yun.
Maya maya ay lumapit samin si Denver at Kalix kaya binati namin sila. Binati din sila ni Ninong.
"Congrats!" Kinamayan ni Ninong at tinapik sa balikat si Kalix para batiin.
"Thank you po Sir!" Parang nahihiyang sabi ni Kalix. Hindi niya expect na manonood si Ninong.
Bumaling na siya sakin matapos siya batiin ni Ninong at niyakap ako. "Congrats Kalix!" Tinapik tapik ko siya sa likod. Napansin ko yung nakabandage na sugat niya sa bandang kilay nung masiko ng kalaban.
"Okay ka lang!" May pag aalala kong sabi.
"Yeah, don't worry I'm okay!" Sagot niya.
"Are you going home na?"
"Oo!" Sagot ko. Kasama ko si Ninong kaya malamang sabay na rin kami uuwi. Napatingin ako kay Ninong na madilim ang mga mata habang salitan kaming tinitignan ni Kalix. Tinawag si Kalix ng coach nila kaya nagpaalam na siya samin.
Sabay na kaming umuwi ni Ninong sakay ng kotse niya. Samantalang magkakasama pa rin ang mga kaibigan ko.
"Yana is Kalix your boyfriend?" Tanong niya pagsakay namin sa kotse niya. Tinanong na niya yun kanina at sinagot ko na rin. Siguro dahil sa nakita niya kanina kaya niya uli yun tinatanong. Naisipan kong sabihin na rin sa kanya yung totoo.
"Nong kasi po, kami pero hindi talaga kami." Sambit kong hindi makatingin sa kanya.
"What, can you please make it clear?" Nakakunot noo niyang sabi.
"Eh kasi naging kami po ni Kalix dahil sa... sa ano po, sa game naming magkakaibigan. Dare nila sakin yung jowain si Kalix for 1 month. Nakakadalawang linggo na kami." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Siguradong pagagalitan niya ko.
Nagulat ako ng mahina niyang hampasin ang manibela ng kotse.
"Damn! Greyana ganyan ka na ba mag isip ngayon. I didn't expect you to act this way! Sa U.S mo ba natutunan yan, o dahil sa barkada mo dito?" He said in his deep voice. Panay ang haplos niya sa batok niya. Nasa mukha niyang disappointed sakin.
"Wala naman yun Nong, alam naman din ni Kalix na game lang yun."
"Stay away from him from now on. Huwag mo na ituloy yan please lang, paglalaruan ka lang ni Kalix. Wala ka bang alam sa mga babaeng sinasamahan niya?"
"Ano?" Nagtataka kong tanong sa sinabi niya.
"Yana baka itake advantage niya lang yung sitwasyon niyo. Huwag ka ng sumama sa kanya? Or baka naman..." Natigilan siya at pailalim na tumingin sakin. Parang nababasa ko na yung naglalaro sa isip niya.
"Ninong bukod sa kiss wala ng iba pang nangyari samin. Parati niya kong niyayaya sa condo niya pero hindi ako sumasama." Agad kong sagot. Tumitig siya sakin na parang binabasa ang mga mata ko.
"But you still let him kiss you!" Mariin niyang sabi. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang paningin. Yung tinig niya hindi na gaya ng kanina na para siyang si Dad at Uncle kung pagsabihan ako, ngayon parang may halong panibugho ang nasa itsura niya.
"Lumayo ka na sa kanya. Tapusin mo na yung usapan niyo bago pa siya merong gawin sayo." Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya dahil mukha namang okay si Kalix at ramdam kong seryoso na nga siya sakin. Pero ayoko ring magtiwala at wala naman din ako planong seryosohin siya. Ayoko ring maging pasaway kay Ninong kaya tama lang na sumunod ako sa kanya.
"Okay po!" Sagot ko.
Medyo kumalma siya sa sinabi ko. Inistart na niya ang kotse at pinaandar na yun. Hindi na kami nag-usap pa hanggang makarating kami sa condo. Diretso akong umuwi na sa unit ko. Agad akong naligo dahil naalibadbaran ako sa init sa Arena kanina.
Matapos ko maligo at magpatuyo ng buhok ay pumwesto na ko sa kama. Umupo ako at sumandal sa headboard at kinuha ang cellphone ko. Unang bumungad sakin sa instabook ang post ng isang teammate ni Kalix sa basketball. Mukhang may victory party sila sa pagkapanalo nila. Bukod sa kanilang mga player ay may mga babae din doon. Naalala ko yung sinabi ni Ninong na may mga sinasamahang babae si Kalix. Kapag kaharap ko siya mukha naman siyang seryoso. Malamang seryoso nga talaga siya, seryoso siyang ibilang ako sa mga babae niya. Wala naman sakin si Kalix pero naiinis ako. Parang sa sarili ko ako naiinis na pumayag ako sa dare na yun na jowain siya. Bakit nga ba ako pumayag sa ganun?! Ngayon ko lang narealize ang pinagagagawa ko dahil sa sinabi ni Ninong.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. Si Ninong agad ang nasa isip ko kaya agad kong tinungo ang pinto at binuksan.
"Yana, are you going to sleep na? Hindi ka pa kumakain, come let's eat!" Nakangiti niyang sabi.
"Eat?" Bigla akong nakaramdam ng gutom sa sinabi niya. Naalala kong kanina pa nga pala sa canteen nung kumain kami at hindi pa ko naghahapunan.
Lumabas ako ng kwarto. Nakahawak si Ninong sa kamay ko habang palabas kami ng unit ko at pumasok sa unit niya.
Kapapasok ko pa lang naaamoy ko na ang paborito kong carbonara.
"Wow! Luto mo 'to Ninong?" Namangha kong sabi pagdating namin sa dining table. Alam ko namang marunong at masarap siya magluto pero hindi ko expect na mag eeffort siya ngayong gabi. Bukod sa carbonara ay meron ring crispy baked chicken wings na paborito ko rin.
"Pasensya ka na kinulang ako sa oras kaya yan lang nailuto ko baka kasi makatulog ka na kaya nagmadali ako magluto." Parang nahihiya niyang sabi. Napatingin ako sa bouquet ng bulaklak na nasa table. Kinuha naman yun ni Ninong at inabot sakin.
"For you! Happy Valentine's day!" Bahagyang namumula ang mukha niya pagkaabot niya nun sakin.
"Wow Ninong thank you po. Diba binigyan niyo na ko ng flower kanina." Sabi ko nang maalala ang rose na bigay niya.
"Yeah pero iba yan!"
"Iba?"
"Yeah, just sit down here!" Inalalayan niya ko paupo sa isang upuan. Umupo naman siya sa tapat ko. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ng oras na yun kinikilig ako na nagtataka rin kung bakit siya ganito ngayon. Para kaming nagde-date dalawa at napakasaya ng puso ko.
"Para tayong nagde-date Ninong!" Hindi ko napigilan sabihin.
"Uhm yeah. Today is Valentine's day, maraming nagde-date ngayon!" He said huskily.
"Kaso hindi naman tayo couple eh!" Sambit ko.
"Couple lang ba yung pwedeng magdate. I'm your godfather and you're like a...like a daughter to me. So it's a father and daughter date!"
"Ha?" magulo yung explanation niya pero ayos na yun kahit father-daughter date ito para sa kanya, napakasaya ko pa rin.
"Diba Nong magkasama kayo kanina ni Pauline? Nag date din kayo?" Parang may tumusok sa puso ko sa tinanong ko.
"Nagdate? Pauline?" Nagtataka niyang tanong.
"Nakita namin kayo sa canteen kanina. Binigyan mo pa nga siya ng flower eh." Hindi ko nakontrol na tignan siya ng masama.
"Flower? Wait, nakasabay ko lang siya pagpasok sa canteen kanina."
"Nakasabay?"
"Yeah!" Sagot niya. Napatitig ako sa kanya kung totoo ang sinasabi niya. Hindi siya nakatingin sakin dahil kumakain siya ng chicken pero bakas naman sa mukha niya na totoo ang sinasabi niya. "Wait nakasabay ko lang siya yun na agad ang assume mo?"
"Sabi kasi ni Hershey nakita niya si Pauline na bumaba sa car niyo last week kaya nag assume kami na kayo ni Pauline."
"Bumaba sa car ko?" Nag isip siya. "Yeah I remember nung pinasakay ko siya sa car ko. Rush hour that time maraming estudyante yung stranded sa sakayan ng bus nung napadaan ako dun kaya pinasakay ko yung ilan sa kotse ko kasama dun si Pauline." He explained to me.
"Talaga? So hindi lang siya yung sinakay mo sa kotse mo?" Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.
"Yeah... Pinagchi-chismisan niyo ba kong magkakaibigan?" Sinamaan niya ko ng tingin
"Hindi po... Napag usapan lang namin." Sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa kaya tumahimik na rin ako. Nakahinga ako ng maluwag na wala pala ako dapat pangambahan tungkol kay Pauline dahil hindi silang dalawa ni Ninong.
May mga pinag usapan pa kami ni Ninong at sa ilang sandaling iyon ay masaya kami pareho. May ilang beses na kaming kumain ng magkasama pero kakaiba ang gabing yun. Napakasaya ko at tingin ko naman ay masaya din siya. First time na meron akong nakadate ng Valentine's day at si Ninong pa.
"Are you happy?" Tanong niya habang naghuhugas siya ng pinggan. Ayaw niyang pumayag na ako ang maghugas kaya tumayo na lang ako sa tabi niya at pinapanood siya.
"Sobra!" Sagot ko. Ngumiti siya. "Ngayon pa lang ako merong nakadate ng Valentine's day. Tapos ikaw pa. I'm so happy!" Mas lalo siyang natuwa sa sinabi ko.
"But I remember you said na meron kang naging dalawang boyfriend sa U.S!" Sambit niya. Naalala kong naikwento ko yun sa kanya last time.
"Ilang araw lang naman yung tinagal namin Nong. Kasi pinipilit nila ko makipagséx sa kanila kaya inayawan ko."
"But you like to do that with me." Sabi niyang nakatitig sakin.
"Eh... Kasi po. Ano naman po yun nalasing lang po ako kaya ganun ang pinagsasasabi ko." Yung nahiya na naman ako sa kanya na pinaalala niya pa yun.
"What if I say let's do it now!"
"Po?" Napatingin ako sa kanya.
"Oh diba natakot ka ngayon?" Bahagya siyang tumawa. "Kaya huwag kang magpakalasing kung hindi mo kayang dalhin ang sarili mo. Sa tyan nilalagay ang alak hindi sa utak." Panenermon niya sakin.
Yung hindi naman ako natatakot sa sinabi niya at pakiramdam ko nga ngayon ay gusto ko yung sinabi niya. Naalala ko na sinabi ko kanina sa mga kaibigan ko na hindi ko haharutin si Ninong pero ngayon feeling ko hindi ko yun mapanindigan.
Pinisil niya ang ilong ko. May sabon ang kamay niya kaya tumawa siya ng malagyan nun ang ilong ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"You're so cute when you're angry!" Tumatawa niyang sabi. Kumuha naman ako ng sabon at pinahid ko din sa mukha niya.
Matapos niya maghugas ng pinggan ay pinauwi na niya ko.
"Ninong kasi po diba sira yung aircon ng kwarto ko. Sobrang init kaya ayoko matulog dun!" Sambit ko ng maalala yung aircon ko.
"May electric fan ka naman." Agad niyang sabi.
"Mainit pa rin po kahit may electric fan. Pawis na pawis nga ako kanina nung nakaupo ako kahit kaliligo ko lang eh."
"Sleep here tonight if you want. Wala naman si Andrei, pwede ka sa room niya. Bukas bumili na lang tayo ng bagong aircon mo."
"Talaga po!" Natuwa kong sabi. "Eh Ninong Valentine's day naman ngayon ano kaya kung tabi na lang tayo." Nabigla kong sabi. Parang gusto ko tuloy matuwa na nasira ang aircon ko.
Kaso sigurado naman akong hindi siya papayag.
"No, are you out of your mind? You can't sleep next to me. Kahit malakas ang aircon magiging mainit pa rin kung tatabi ka sakin." Agad niyang pagtanggi.
"It's okay, gusto kitang katabi Ninong!" I insist. I feel like I'm totally insane now na gusto ko talaga siyang makasama at kung may gawin man siya sakin ay okay lang.
"I told you not to begin, Greyana!" Mariin niyang sabi.
Natahimik ako at nag isip ng sasabihin sa kanya.
"Basta gusto kong matulog sa kwarto mo katabi ka Ninong!" Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at tinungo ang kwarto niya.
♥️