CHAPTER 5: Valentine's Day!

1343 Words
"Thank you Sir!" Kinikilig na sabi ni Marian nang abutin niya ang isang pulang rosas mula kay Ninong. Nilalapitan at binibigyan niya kasi ng rose lahat ng mga babae na tinatawag niya habang nagro-roll call siya ngayong Valentine's day. Napakaingay sa classroom namin dahil may ibang babae na hindi kinakaya ang kilig kaya napapatili pa, kaya tilian at tawanan ang bumalot sa apat na sulok ng classroom namin. Naalala ko kagabi ng pag usapan namin ang tungkol sa sweetness ni Andrei na sinabi niyang nagmana sa kanya. At ngayon hindi nga maikakailang napaka sweet nga niya. "Greyana Lorenzo!" He called my name out loud and looked at me. May iba't-ibang kulay ng mga rosas ang nasa ibabaw ng table niya. May ilang kaklase ko ang nagrerequest kung anong kulay ang gusto nilang ibigay sa kanila pero hinayaan kong siya ang pumili ng ibibigay niyang rosas sa akin. Nakita kong kinuha niya ang puting rosas tsaka siya lumapit sakin at nakangiting inabot yun. Bigla kong naintindihan yung kilig na nararamdaman ng mga kaklase ko nung abutan sila ng bulaklak ni Ninong dahil ramdam na ramdam ko ngayon ang kilig. "Happy Valentine's Day!" He looked at me smiling. "Thank you po!" Feeling ko nagba-blush ako dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Kahit marami kaming binigyan niya ng bulaklak at walang malisya yun ang sarap sa pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa cloud 9. Sa araw-araw na lang mula ng makasama ko siya hindi ako nauubusan ng kilig sa katawan dahil sa kanya. "Sorry Sir, I'm late!" Dumating bigla si Kalix kaya sa kanya natuon ang atensyon namin. "Excuse me po Sir!" Sambit ni Kalix dahil nakaharang si Ninong sa daraanan niya patungo sakin habang may bitbit na bouquet ng bulaklak. Umatras naman si Ninong. "Yana for you!" Inabot sakin ni Kalix ang bulaklak. Nakangiti siya at nagba-blush pagkaabot niya nun sakin. Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko sa panunukso sa aming dalawa. Hiyang hiya naman ako kaya parang nadagdagan pa ang pamumula ng mukha ko kanina. Panay ang panunukso sa amin ng mga kaklase namin. "Enough!" Biglang tumahimik sa klase ng sumigaw si Ninong. Hindi ko na siya napansin na bumalik na sa upuan niya sa harapan. "Parang galit si Sir!" Bulong sakin ni Marian pag alis ni Ninong. "Ha?" "Oo nga! Lagot ka Yana! Diba strict na Ninong sayo si Sir. Malamang may palo ka pag uwi mo mamaya!" Pagbibirong sabi ni Kate. Naalala ko bigla yung sinabi niya kagabi na ayaw niyang may lumalapit sa aking lalake. Lately pansin kong mas nagiging strict na siya sakin. Parang mas malala pa kay Dad at Uncle Alex. "Yana, will you watch our game later? Manood ka naman para ganado ako!" Nakangiti niyang sabi habang nakaupo siya sa likod ko. "May laban kayo? Sige manonood kami." Sambit naman ni Marian na narinig ang sinabi niya. "Okay!" Nginitian ko si Kalix. Natuwa naman siya na pumayag akong manood ng laban nila ng basketball. Napatingin ako kay Ninong habang pinagpapatuloy ang pagro-rollcall at pamimigay ng bulaklak. Napaisip ako kung papayagan ba niya kong manood ng basketball mamaya. "Mr. Morales are you ready to recite the different branches of biology?" Matalim na tumingin si Ninong kay Kalix. "Po? Eh Sir sorry po hindi ako nakapag memorize kahapon nagpractice po kasi kami ng team ko ng basketball. May laban po kami mamaya!" "I know you're one of the great athlete in our University but you should give focus on your subjects too. Basketball is just an extracurricular wala kang grade na makukuha diyan." Napakamot naman ng ulo si Kalix. Hindi na nagsalita pa si Ninong. Kinuha niya ang test papers na nasa ibabaw ng table niya para ipamahagi sa klase. "This professor a bullshít, parang pinag iinitan niya ko!" Narinig kong mahinang sabi ni Kalix sa mga katabi niya. "Yeah bro!" Sambit ng katabi. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya sa tawag niya kay Ninong o sasang-ayunan ko siya na pinagiinitan siya. Pansin ko din naman yun lately. Dati kasi parating sinasabi ni Ninong na suportahan ang mga atleta namin dahil sila ang nagbibigay karangalan sa eskwelahan namin. "Pass your paper when you're done and you may leave!" Ninong said. Isa-isang tumayo ang mga kaklase ko at pinasa ang mga papel nila matapos nila sagutan. Bigla akong napressure na iilan na lang kaming nakaupo at nag e-exam. "Mauna na ko girls!" Sabi ni Kate na tumayo para ipasa ang papel niya. "Ang dami pang blangko sa papel mo Kate ipapasa mo na?" Sabi ko sa kanya. "Hindi ko na kaya masakit na ulo ko!" Sagot niya. Umalis na din ang iba pa naming kaibigan na sina Angela, Hershey at Linette. "Tangína Yana dugong dugo na yung utak ko pakopya nga!" Sabi ni Marian na tumingin sa papel ko. "Hayup tapos ka na agad sa identification!" Sabi niya ng makita ang papel ko. "Nagreview kasi ako kagabi kaya marami akong alam!" Pagyayabang ko sa kanya. "Kung hindi mo pinapunta si Jacob sa pad mo kagabi edi sana nakapagreview ka! Pasarap lang ginawa mo." "At least nasarapan!" Maharot niyang sabi. "You two, are you done?" Natigilan kami ni Marian nang marinig ang tinig. Nasa harapan na pala namin si Ninong ng hindi namin napapansin. Mabilis kaming bumaling ni Marian sa test paper. "Hindi pa po Sir!" Sambit ni Marian. "Stop chatting then and mind your own paper!" Ninong said with authority. "Sa last part na po ako Sir!" Sambit ko. Tumingin siya sa answer sheet ko. "Good!" He said. Nakangiti siya nung tumingin ako sa kanya. May nagpasa sa kanya ng answer sheet kaya doon na nabaling ang pansin niya. Bumalik na rin siya sa table niya. Natuwa ako sa sinabi niya kaya lalo akong ginanahan. Feeling ko nainspire ako sa kanya. Matapos ko masagutan lahat ng mga tanong ay tumayo na ko para ipasa kay Ninong ang answer sheet ko. "Bahala ka na jan girl!" Paalam ko kay Marian na parang tulala na lang dahil wala ng maisagot. "Ayoko na din, ipapasa ko na 'to wala na ko maisip!" Tumayo na din siya at sabay kaming nagpasa ng papel. Umalis na kami matapos namin ipasa ang papel. Nasa pinto na kami nang bigla kong maalala na magpaalam kay Ninong na manonood ng basketball game kaya bumalik ako. Nauna ng umalis si Marian. Napatingin sa akin si Ninong habang nglalakad ako pabalik sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ng desk niya. "Nong, pwede po ba ko manood ng basketball game mamaya sa Arena!" Kinakabahan ako habang sinasabi ko yun. Gusto kong manood ng basketball kaso baka hindi niya ko payagan. Nagsalubong ang kilay niya at gumalaw ang panga niya sa sinabi ko. Naisip ko agad na hindi siya papayag. "Nong diba sabi niyo we have to support our own athlete kaya gusto ko po manood." Hindi ko alam kung effective ang sinabi kong yun. Napahaplos siya sa batok niya. "Is Kalix your boyfriend?" He said with his deep voice. "Po? Hindi po Nong!" Agad kong sagot. Tumitig siya sa mga mata ko na parang binabasa kung totoo yung sinasabi ko. He paused for a second na parang napapaisip kung papayagan niya ko. "Just be sure to come home before 9." Natuwa ako ng marinig yun sa kanya. Parang may alanganin sa tinig niya pero at least pinayagan niya pa rin ako. Before 8pm tapos na yung basketball game kaya makakauwi ako bago ang sinabi niyang oras. "Yeess! thank you po, Ninong!" Nayakap ko siya sa tuwa nang payagan niya ko. Naipulupot ko pa ang mga braso ko sa bewang niya sa sobrang kagalakan ko. May lumapit samin para ibigay sa kanya ang papel kaya bigla akong natauhan. Agad akong umalis sa pagkakayakap sa kanya. Ninong was smiling when I looked at him. "Thank you po uli!" Tumalikod na ko para lumabas. "Sana all Ninong si Sir!" Panunukso sa akin ng kaklase kong nagpasa ng papel kay Ninong paglabas namin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Maswerte talaga ako na Ninong ko ang gwapong Professor namin. Pwede ko siyang hawak hawakan at yakapin ng walang malisya sa kanya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD