Nagsimula ng mag lecture si Ninong. Pinilit kong magfocus sa mga tinuturo niya dahil I'm sure mamayang gabi ay may recitation pa rin kami sa condo.
"Yana!"
Lumingon ako sa likod nang tawagin ako ni Kalix. Nilapit niya ang upuan niya sa upuan ko sa likuran.
"Come with me to my pad later after class." Bulong niya sakin. Tumingin ako sa kanya na namumungay ang mga mata habang nakatitig sa akin. Last week nung maging boyfriend ko siya, pero dare lang yun ng mga kaibigan ko nung naglaro kami ng spin the bottle. Nung sumentro kasi sakin ang bote at dare ang pinili ko, yun yung dare nila sakin, ang jowain si Kalix sa loob ng isang buwan. Isa siyang varsity basketball player at isa sa kagwapuhan sa school. May gusto siya sa akin pero hindi ko naman siya type. Pero ngayon ng dahil sa isang game ay jowa ko na siya. Alam naman niya na game lang yun dahil sinabi ko sa kanya baka kasi mag expect siya na totohanan kami.
"No!" Agad kong sabi. Nasa iisang condo lang kami pero nasa ibang floor siya at may ilang beses na niya kong niyayaya sa unit niya pero agad ko yun tinatanggihan. Hindi naman kasi totoong magjowa kami at may idea na ko sa mangyayari kung sasama ako sa kanya. Wala sa isip ko ang basta basta ibigay ang sarili ko sa kung sino man. Birhen pa ko at ibibigay ko lang ang sarili ko sa mapapangasawa ko. Isa yun sa parating sinasabi sa akin ni Mom dahil siya ay tanging si Dad lang ang lalake sa buhay niya.
Naalala ko nung nagka boyfriend ako sa U.S. 16 years old ako nung una akong magka boyfriend ng amerikano kaso ilang araw lang ang tinagal ng relasyon namin dahil pinipilit niya kong magséx kami. Dahil ayoko yun gawin ay hiniwalayan ko na lang siya. Nagka boyfriend uli ako when I was 17 na kano din pero ilang araw lang uli ang tinagal dahil nalaman kong may namamagitan din sa kanila ng kaibigan kong Amerikana din. Ang dahilan niya sakin ay sa kaibigan ko daw niya naranasan yung hindi ko kayang ibigay sa kanya.
Sa dalawang beses kong nabigo sa pag ibig ay hindi na muli ako sumubok. I realized that men are just like that, they only love you if you give them what they want and if you don't, you have no value to them. Kaya nung nagdecide ang parents ko na dito ako sa Pilipinas magkolehiyo ay hindi na ko tumutol. Baka isang Pilipino talaga ang forever ko.
Bigla ko na namang naalala yung pangyayari kagabi sa kwarto ko. Sinabi ko ng ibibigay ko ang sarili sa mapapangasawa ko pero ano yung pinagsasasabi ko kay Ninong? Malala na talaga ang tama ko sa kanya kung totoo nga yung mga naaalala kong sinabi ko sa kanya habang lasing ako kagabi.
"Let's go to the mall na lang, let's watch a movie.. please..." He begged me.
Napaisip ako sa sinabi niya. Bigla ko ring nagustuhan na manood ng sine kaya naisip kong pagbigyan siyang sumama sa kanya.
"Okay!" Nginitian ko siya.
"Yes!" Tuwang tuwa niyang sabi na kulang na lang ay magtatalon siya.
"Mr. Morales!"
Sabay kaming napatingin ni Kalix kay Ninong ng tawagin siya. Matalim ang mga tingin ni Ninong habang salitan kaming tinitignan ni Kalix. Nasa harapan siya at pang anim na row kung saan ako nakaupo, may kalayuan yun pero kitang kita ko ang mga mata niyang matalim na nakatingin sa amin at ang nag uumigting niyang panga.
"What branch of biology that deals with the study of physical processes and phenomena in living organisms?" Mariin na tanong ni Ninong kay Kalix. Agad namang tumayo si Kalix.
"Ah biochemistry Sir!" Mag pag-aalinlangan na sagot ni Kalix.
"Wrong!" Ninong said out loud. His jaw clenched and eyes darkened with anger pati tuloy ako ay kinabahan.
"I want you to memorize the different branches of biology and their definition. You're going to recite it tomorrow infront of the class before the exam. Do you understand Mr. Morales?"
"Po?" Nabiglang sabi ni Kalix. Sa dami kasi ng branches ng biology as if naman na mamemorize niya agad ang mga yun hanggang bukas.
"You'll get a zero grade from me on your performance if you can't do it tomorrow, do you understand?" Mariin niyang sabi.
Panay ang kamot sa ulo ni Kalix. "Yes Sir!" Mahina niyang sabi.
"Now you can leave my class!" He said in a cold voice.
"What Sir?" Parang nabinging sabi ni Kalix. Alam kong strikto si Ninong pero sa isang buwan na professor namin siya ngayon lang siya nagpalabas ng estudyante sa klase niya at nagalit ng ganito nang dahil lang sa hindi nasagot ng tama ang tanong niya.
"I said you can now leave my class, go to the library and start memorizing." Ninong said.
"Noted Sir!" Kalix immediately replied. "See you at the canteen later!" Bulong niya sakin at hinaplos ang buhok ko bago siya kumilos palabas ng classroom.
I looked at Ninong, his face darkened as if he was going to swallow me alive. Hindi ko maintindihan kung bakit pati sakin ay nagagalit siya o siguro sadyang hindi lang talaga maganda ang mood niya ngayong araw.
Nagpatuloy na siya sa pagle-lecture hanggang sa matapos yun. May kasunod pa kaming klase kaya agad kaming lumabas matapos ang klase kay Ninong.
"Yana!" Napahinto ako sa paglabas ng pinto ng classroom nang tawagin niya ko. Kaya bumalik ako at lumapit sa kanya na nakaupo sa table. Hinintay pa niyang makalabas ang lahat ng mga kaklase ko bago siya nagsalita.
"How do you feel now? I left food on your dining table, did you eat it?" Iba na ang mood niya ngayon hindi gaya kanina. Naalala ko yung iniwan niyang pagkain sa unit ko. Yung parati niya naman yun ginagawa pero hindi ko mapigilan kiligin kahit alam kong ginagawa niya yun as part of his obligation as my guardian.
"Opo Nong, thank you po. I'm fine na po!" I smiled sweetly at him. Natuwa din ako nang makita ang pagngiti niya na para siyang kinikilig.
"Please don't drink if you have class the next day like what you did last night. Estudyante ka pa lang dapat nga hindi ka umiinom ng alak. You must be a responsible student." He said softly.
"Ha? Eh!" Hindi ko naman sure kung magagawa ko talaga yun. "Thank you Nong for taking care of me last night." Sambit ko na lang nang maalala ang pagaasikaso niya sa akin kagabi.
Kahit nainis akong sinundo niya ko sa bar kagabi at pinilit umuwi ay thankful pa rin ako sa kanya. Halos hindi na ko makalakad kagabi dahil sa kalasingan ko kaya niya ko binuhat at kung hindi niya ko sinundo hindi ko na sure kung anong nangyari sa akin.
"That's fine. Your Mom and Dad told me to look after you so you're my responsibility."
"Okay po!" I smiled at him. Alam ko namang ginagawa niya ang lahat ng ito dahil siya ang guardian ko at yun ang ibinilin ng mga magulang ko sa kanya na kaibigan niya.
"So please be responsible too. The next time this happens again I will definitely tell your Dad about it. This will be your last warning, okay!"
"Po?" Naisip kong ganito din yung sinabi niya last time nung uminom ako at nalasing pero hindi niya pa rin ako sinusumbong kay Dad. Siguro ayaw din niya na mapagalitan ako ni Dad o baka ayaw niyang ibalik ako ni Dad sa U.S kung malalaman niya yung pinaggagagawa ko dito.
"Do you understand?" He said. Malalim siyang tumitig sa mga mata ko. Yung ganitong tingin niya yung feeling ko wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa sinasabi niya.
"Opo Nong!" I replied.
Pumasok na naman sa isip ko yung mga pinag usapan namin kagabi na hindi ko alam kung panaginip ba o totoong pangyayari. Itatanong ko ba yun sa kanya? Paano kung totoo at hindi yun panaginip lang? Ngayon pa lang parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan sa mga pinagsasasabi ko sa kanya.
"Eh Nong....!" Nagdadalawang isip ako pero gusto ko malaman.
"Yes?" Sambit niya. Nakatitig siya sakin kaya parang biglang umurong ang dila ko.
"Ano po... ahm.. I'll go to my next subject na." Tuluyan ng umurong ang dila ko. Baka sadyang panaginip lang din ang pangyayari kagabi, dahil kung totoo yun dapat binanggit na niya sakin.
"Alright!" He smiled.
Tumalikod na ko at didiretso na sanang lalabas sa pinto nang tawagin niya uli ako.
"Yana!" Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Po?"
"Your last subject is at 5pm, right?" He asked.
"Yes po!" Sabi kong nakatingin at nakatingala sa kanya. Sa height kong 5'4 ay para akong nanliit sa 6ft height niya.
"Let's go home together. I'll wait for you." I looked up at him, staring into his light brown eyes that stared directly at me. It felt like he was staring into my soul trying to read me.
"Ahm just text or call me when your class is over. Let's just meet at the parking or... sunduin na lang kita sa classroom mo."
"Po?" Sambit ko. May ilang beses na rin naman kami sabay na umuwi pero bakit parang may kakaiba sa ngayon. Parang may kakaiba rin sa kung paano niya yun sabihin sakin. May kakaiba rin sa titig niya. Feeling ko nanlalambot ako sa titig niya.
I shook my head para alisin yun sa isip ko. Kahit gusto ko siya, alam ko namang imposibleng magustuhan niya ko kaya tinanggap ko na rin sa sarili kong hindi siya ang lalake para sa akin.
Bigla kong naalala yung usapan namin ni Kalix.
"Eh Ninong kasi po may pupuntahan pa po ako mamaya...." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Where? With Whom?" He immediately asked. His jaw clenched. Nakakunot noo din siya habang nakatitig sakin. Yung tingin niya ay kagaya kanina habang nagagalit siya kay Kalix.
"Kasi ano po... si Marian nagyaya po sa mall!" Sagot ko. Sigurado kasing hindi niya ko papayagan kung malalaman niyang sasama ako sa lalake. Isa sa ibinilin ni Dad sa kanya ang huwag ako hayaang sumama sa lalake at mag boyfriend. Kaya for sure ikagagalit niya at hindi siya papayag kung malalaman niyang sasama ako kay Kalix. Alam rin niyang doon sa condo namin nakatira si Kalix.
Doon din nakatira si Marian sa condo namin pero sa ibang floor din siya kaya siya ang idinahilan ko. Umiwas ako ng tingin kay Ninong dahil baka maisip niyang nagsisinungaling ako.
Napahaplos siya sa batok niya. "Okay, may pupuntahan din ako sa mall. I'm going to buy something. Isabay na lang natin si Marian."
"What?" Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Yung pursigido talaga siyang sabay kami umuwi. Baka nakakahalata rin siyang si Kalix ang kasama ko kaya binabantayan niya ko.
Nakatingin lang siya sakin na naghihintay ng sagot ko.
"Okay po!" Nakayuko kong sabi. No choice ako kundi sumama na sa kanya.
"Alright, you can go now to your next class!" He smiled. Nagbago na ang mood niya. Dumating na yung mga estudyanteng susunod niyang klase kaya lumabas na ko ng classroom niya.
♥️