CHAPTER 3: Craig and Andrei

1512 Words
Nagkaroon ng biglaang meeting si Ninong kay Dean kaya after my last class ay umuwi na ko. He called me para sabihin na umuwi na ko at huwag ng pumunta pa sa kung saan saan. May date dapat kami ni Kalix pero umayaw na ko dahil sinabi ni Ninong na sabay kami uuwi at ngayon ay hindi ko naman pala siya makakasabay. Pagdating sa condo ay agad akong humilata sa kama. Ngayon ko naramdaman ang pananakit ng ulo ko dahil sa hangover ko sa kalasingan kagabi. Habang nakahiga sa kama biglang nagrehistro sa isip ko yung mukha ni Ninong habang nakaupo sa gilid ng kama at hinahaplos ang pisngi ko. My gosh parang totoo talagang nangyari yun kagabi. Pinilit ko pang isipin yung pangyayari pero wala ng pumapasok sa isip ko. Totoo kaya yun? Pero kahit naman noong bata pa ko hinahaplos na niya ang pisngi ko, pero bata pa ko nun. Parang awkward naman kung hahaplusin niya ang pisngi ko ngayong dalaga na ko. "Oh god Greyana you need to focus, you should stop overthinking. Wala lang ang lahat ng yun sa Ninong mo, it's just in your mind. Pinagpapantasyahan mo lang siya kaya kung ano anong pumapasok sa isip mo." I told myself. Baka kaya nga ako nagkakaganito dahil sa mga pantasya ko. Bata pa lang ako ganito na ko sa kanya. Anak ako para sa kanya. Ibinilin ako sa kanya ni Mom and Dad at ginagawa naman niya ang nararapat. Tanggap ko naman na hindi siya ang lalakeng para sakin, ang kailangan ko na lang ay panindigan yun. I got out of bed and cleaned my condo. Siguradong pagagalitan na naman ako ni Ninong kung makita niyang makalat ang unit ko. After a few minutes of cleaning my room, naisipan kong pumunta naman sa unit ni Ninong na katabi ko lang. Nililinis niya minsan ang unit ko kaya lilinisin ko din ang unit niya para matuwa naman siya sakin. Bad mood siya kanina sa klase dahil nag inuman kaming magkakaibigan at umuwi pa kong lasing. Kahit man lang sa paglilinis ng tirahan niya makabawi ako. Alam ko yung passcode ng unit niya kaya nakapasok ako sa loob. Napakalinis sa loob ng pad niya at parang wala na kong kailangan linisin pa. Nagmasid masid na lang ako sa loob. Mas malaki yun compare sa akin. 2-bedroom unit ang kanya samantalang sa akin ay meron lang isang kwarto. My feet took me to his piano. Mahilig siya sa instrument na yun. Piano ang instrument niya sa banda nila nina Dad noong araw. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa lid ng piano. Picture nilang apat ang nandoon na member ng bandang Oh4. Si Ninong ang pianist, si Dad ang guitarist at vocalist, si Tito Axel and drummer at si Tito Lucas na guitarist din. Madalas magkwento sa akin si Mom ng tungkol sa banda nila na pasaway raw noon sa school. Si Mom ang SSG President ng school at parati niyang nakakaaway noon si Dad dahil sa pagiging pasaway raw ng banda nila na ipinagbabawal niya noon na magperform sa loob ng school. Yun pala ay si Dad ang mapapangasawa niya dahil ipinagkasundo sila sa isang kasal ng mga lola at lolo ko. Nakwento rin niya sa akin na nagkagusto sa kanya si Ninong noon pero si Dad ang minahal niya. Tapos ngayon heto ako at palihim na ginusto si Ninong na ka-love triangle ng mga magulang ko noon. Gusto ni Ninong si Mom na isa sa dahilan kaya malabong gustuhin ako ni Ninong. Nagawi ang paningin ko sa katabing picture frame. Napangiti ako nang makita ang picture ni Ninong kasama ang isang batang lalake. Anak ni Ninong ang batang yun na si Andrei, apat na taong gulang. Nasa U.S ako nung nalaman kong nagkaanak siya sa girlfriend niya kaso 5 months pa lang yung baby nung naghiwalay silang dalawa tapos iniwan kay Ninong yung anak nila at yung babae nagpunta sa Canada at tuluyan ng hinayaan kay Ninong ang anak nila. Wala naman ako masyadong alam sa pangyayaring yun sa buhay ni Ninong at narinig ko lang na pinag uusapan ni Mom and Dad. Pinapaalagaan ni Ninong si Andrei sa Ate niyang nakatira malapit sa condo. May sariling pamilya na rin yung ate niya at wala namang problema na iniiwan doon ni Ninong ang anak. Hinahatid muna ni Ninong doon ang anak bago pumasok sa trabaho at susunduin naman pag uwi niya. Nag aaral na rin ang bata at malapit lang din ang eskwelahan niya. Mahirap ang sitwasyon ng mag ama pero kinakaya naman nilang dalawa. Bigla tuloy akong naguilty na dumagdag na nga ako sa aalagaan ni Ninong nagpapasaway pa ko. May ilang minuto pa kong nag stay sa pad niya hanggang sa magdecide na kong umuwi na. Hindi pa pala ko nakakapagpalit ng pambahay at uniform pa rin ang suot ko. Naisipan kong maligo na muna. Matapos kong maligo, paglabas ko ng bathroom nagulat ako ng bumungad sa paningin ko si Ninong. Nasa kitchen siya at may kinukuha na kung ano sa loob ng maliit na cabinet. "My gosh Ninong nagulat ako sayo!" Sambit ko ng matigilan ako sa pagkagulat sa kanya. Mainit siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nakaharap siya sa cabinet dahil may hinahanap siyang kung ano pero ang paningin niya ay nasa akin. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa katawan kaya bigla akong nailang sa titig niya. Parang natauhan din siya kaya agad niyang ibinaling na sa loob ng cabinet ang paningin. "I bought food, let's eat... Nandoon na rin si Andrei." Sabi niyang nanatiling nakatingin sa cabinet. "Ha! Sige magbibihis lang ako." Umalis na ko sa kinatatayuan ko at tinungo ang kwarto para magbihis. Natuwa ako sa sinabi niyang nandyan si Andrei kaya mabilis akong nagbihis. Nakaramdam din ako bigla ng gutom. Black tshirt at shorts ang sinuot ko. Hindi na ko nagbra dahil hindi naman ako sanay na nagsusuot nun kapag nasa bahay lang. Wala na si Ninong paglabas ko ng kwarto ko kaya lumabas na din ako at pumunta sa katabing unit ni Ninong. "Mama pretty!" A small voice greeted me as I entered the unit. I was happy with what he said. Yung ilang beses kong itinuro sa kanya na ganun ang itawag niya sakin at ngayon ko lang narinig na banggitin niya. Ate kasi kung tawagin niya ko. "Andrei!" I smiled widely. He came up to me and hugged me. "Look, we bought food at jabee." Tinuro niya ang dining table. Busy si Ninong na inaayos ang mga pagkain. "How about Mama pretty. I have no food, I'm so hungry." "Dad also bought you food." Sagot niya. Lumapit siya sa Daddy niya habang hinahain sa dining table ang mga pagkain. Natakam ako ng maamoy yung pagkain kaya lumapit din ako. "Hmm ang sarap ng chickenjoy!" Sambit ko. "What time did you go home?" He asked seriously while setting the dining table. "Uhm 5:40 I think!" Sagot ko. "Why? It only takes 10 to 15 minutes to travel from school to here." Nakakunot noo niyang sabi. "Eh nahirapan po ako sumakay ng bus nakipag gitgitan lang ako sa mga pasahero... mahirap din sumakay ng jeep or taxi!" Kinumpleto ko na ang explanation ko para hindi na siya magtanong pa. Hindi na siya nagsalita pa. Umupo na si Andrei kaya umupo na rin ako sa tabi niya. Yung sa araw araw kulang na lang ay dito ako sa unit nila tumira dahil dito din ako kumakain. "Wash your hands first!" Ninong said with authority. Tumayo uli kami ni Andrei at nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay. Maya maya ay sumunod din doon si Ninong. "I already taught you how to wash your hands properly, right?" Sabi ni Ninong kay Andrei. Kinuha niya ang liquid handwash soap at sinabunan ang kamay ni Andrei. Binanlawan din niya yun pagkatapos. Nagmadaling bumalik na si Andrei sa dining table matapos siyang mahugasan ni Ninong. "I remember I also taught you how to wash your hands when you were young." Sabi niya habang nakatingin sa kamay ko habang sinasabunan ko yun. "Yeah but I forgot it! Can you teach me again Ninong?" Pagbibiro ko sa kanya. Syempre hindi naman ako seryoso dun. Nagulat ako ng kunin niya ang mga kamay ko at kuskusin yun ng kamay niya. Banayad niyang hinahaplos haplos ang kamay ko para linisin. Lahat ng bahagi doon maging sa pagitan ng mga daliri ko ay hindi niya pinalagpas. Normal lang naman kung paano niya linisin yung kamay ko pero hindi ko mapigilan kiligin. Ngayon ko lang nahawakan ang mga kamay niya at napakalambot nun. Para akong nakukuryente sa kung paano niya haplusin ang kamay ko. Napatingin ako sa mukha niyang seryoso habang hinuhugasan ang mga kamay ko. Matapos ng isa ay ginawa niya rin yun sa kabilang kamay ko. Pansin kong mas matagal kung paano niya linisin yun at paulit ulit niyang ginagawa at mas gusto ko din naman. "Dad please hurry!" Andrei said kaya para akong natauhan. Maging siya ay ganun din. "Okay baby!" Ninong looked at Andrei. I pulled my hand that he was holding and rinsed. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD