CHAPTER 1: The Handsome Professor is my Ninong!

1366 Words
"Greyana Lorenzo!" "Present!" I said it out loud when my Prof called my name when he did roll call for the class. He then looked at me and paused for a second. He seemed to be checking if I was okay so I smiled. He then turned his attention back to his attendance sheet and continued the roll call. Siya si Professor Craig Benjamin Salazar, the most hot and handsome Professor in the universe. Ninong ko din siya at boyfriend ko, char! It's just my fantasy that he's my boyfriend since I was young. Napakalabo rin namang magkatotoo dahil anak ang turing niya sa akin. He is my Dad's friend. Bandmate niya noon si Dad sa sikat na grupo na Oh4. Hanggang ngayon napapanood ko pa yung mga videos nilang nagpe-perform noon. He's also Mom's friend. Natatandaan ko pa kung paano niya ko alagaan noong bata pa ko at hiwalay pa si Mom and Dad. Kaya imposibleng jowain niya ko. Napatingin ako sa buong klase na tahimik na nakamasid kay Prof Ninong. Akala mo naman ay talagang nakikinig yung mga babae kong kaklase, pero ang totoo kanya kanya sila ng pantasya sa Ninong ko. Tulala sila dahil napaka-gwapo naman talaga ni Ninong. Pantasya siya ng mga kababaihang estudyante ng Lateneo University. Kinabog pa niya yung mga nagugwapuhang varsity player ng basketball at ibang mga lalakeng modelo sa eskwelahan namin. Kakaiba kasi ang karisma ni Ninong. Apart from his handsome, hot and manly look, napakatalino rin niya and matured. Mas gusto ko ang kagaya niyang mature kaysa sa ibang mga lalakeng estudyante na parang bata kung mag isip. Nasa 40's na siya pero hindi nababanaag ang edad sa kanya. Masyado niya kasing inaalagaan ang sarili niya. Mahilig siyang mag gym kaya matipuno ang pangangatawan niya. Nobody's perfect pero para sa akin ay napakaperpekto niya. He is my first love and even though I have feelings for him, I know it's very impossible for him to love me back. He's just a fantasy, an illusion and a dream na kahit kailan ay hinding hindi magkakatotoo. I remember I was 5 years old when I felt something strange about him. Yes, limang taon pa lang ako noon at hindi ko alam kung paano at bakit ako nagkaroon ng ganitong pakiramdam sa kanya. Nagtungo kami ng family ko sa U.S noong 15 years old ako at ngayong 19 na ko at nanditong muli sa Pilipinas ay nanatili siya sa puso ko. Second year college na ko ngayon sa kursong business administration. When I graduated high school in the U.S, my Mom and Dad decided na dito na lang ako mag kolehiyo sa Pilipinas. Kina Uncle Alex at Tita Pearl ako unang nanirahan ng isang taon. Masaya naman akong kasama sila at mga pinsan ko kaso pinilit ko si Dad na mag condo na lang ako. Bukod kasi sa malayo ang pinapasukan kong school sa bahay nina Uncle Alex ay strict din siya. Para siyang si Dad. Hatid-sundo ako ng driver sa kotse kaya ni hindi man lang ako makagala after school. Minsan kailangan ko pang magdahilan ng kung ano ano sa driver kapag gusto kong sumama sa hang out ng mga kaibigan ko. Itinatawag pa yun ng driver kay Uncle Alex kung papayag siya. May time na hindi siya pumapayag, may time naman na pumapayag nga siya kaso inoorasan ako. Kaya ang saya ko nung pumayag si Dad na sa condo na ko mag stay. Pumayag si Dad pero sa kondisyon na sa malapit na condo unit ni Ninong ako pipirmi para may magbabantay pa rin daw sakin. Kinausap ni Dad si Ninong. Nagkataon na available ang katabing unit niya kaya agad yun inasikaso ni Ninong para doon ako manirahan. Kay Ninong ako inihabilin ni Dad. Kahit alam kong may panibagong magbabantay na naman sa akin ay napakasaya ko naman dahil makakasama ko siya. Nung nasa first year college ako bihira ko lang siya makita sa school, pero sa bawat pagkikita namin at pag uusap ramdam ko yung pagbilis ng t***k ng puso ko na kagaya pa noon. Ngayong kasama ko na siya sa tinutuluyan kong condo at professor ko pa siya, napakasaya ng puso ko. Ngayong araw ay eksaktong 38 days na simula ng makasama ko siya. "Alright class, what are the three major branches of biology." Ninong asked with his deep voice. Boses pa lang niya napakagwapo na at nakakanginig ng laman. Biological Science ang subject niya. I shook my head sa mga iniisip ko at nag focus na kay Ninong. Kung gaano kasi siya kagwapo ganoon din siya ka-striktong teacher. "Does anyone know? I have taught you this many times but you still haven't learned it!" Mariin niyang sabi. "Tomorrow is our prelim exam." Kanya kanya naman ng tingin ang mga kaklase ko sa libro. Yung sa sobrang kagwapuhan kasi ni Ninong lahat ng mga kaklase ko ay lutang habang nagtuturo siya, kabilang na ako. Ang sarap niya kasi pagmasdan habang nasa harapan at nagsasalita kaya nakakawala sa sarili na tipong wala ng papasok na iba sa utak mo kundi ang presensya niya. "Ms. Lorenzo!" He said in a masculine voice. Nagitla ako ng tawagin niya ko. Bubuklatin ko pa lang sana ang libro ko ng matigilan ako. He was staring at me waiting for me to stand up and recite. "Ninong..... I mean Sir ahm... ano po... The two major branches....." "Three girl!" Napatingin ako sa katabi kong si Kate na friend ko nang sabihin yun. Palihim silang nagtatawanan ng mga kaibigan kong si Angela, Hershey, Linette at Marian. "I mean three... the three major branches of biology are.......!" Nag-iisip ako hanggang sa may maisip ako. "Anatomy....." "Wrong!" He said loudly. "Anatomy is one of the branches of biology but I'm asking for three main braches." "Sorry Sir, I lost my mind when you taught that in class." Nasabi ko na lang. Yung nagpakatotoo lang naman ako at kahit kasi gaano ako mag-isip sa sagot sa tanong niya ay wala talaga akong maisip. Kung bakit kasi hindi ko namana yung pagiging matalino ni Mom, kahit man lang sana yun minana ko sa kanya kaso lahat na lang ay kay Dad ko nakuha. Nagtawanan ang mga kaibigan ko at mga kaklase. Napahaplos naman si Ninong sa batok. Kapag ganun ang reaction niya ay disappointed siya. "How about you, Ms. Santos, Ms. Fernando, Ms. Gaza and Ms. Dela Cruz." Isa-isang tinawag ni Ninong ang mga kaibigan ko. Tumayo silang apat. I stopped myself from laughing. "Ms. Lorenzo, I'm not telling you yet to sit down." Padikit na yung butt ko sa upuan nang sabihin yun ni Ninong kaya tumayo uli ako. Palihim na nagtawanan ang mga kaibigan ko. Wala rin sila maisagot at panay lang ang tinginan sa isa't-isa. "What about different types of liquor. I'm sure you five know that." Ninong said sarcastically. "Yes Sir! whiskey, vodka, rum...." Siniko ko si Kate ng sabihin yun. Yung sineryoso talaga niyang sagutin yung sarkastikong tanong ni Ninong. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Si Ninong naman ay matalim ang tingin sa amin. Naalala ko nang sunduin niya ko kagabi sa bar kung saan kami nag iinuman magkakaibigan at pauwiin ako. Pati ang mga kaibigan ko ay pinauwi na rin niya. I was stunned when I suddenly remembered something about the incident last night while in my room. "Teach me how to be yours. Please teach me Ninong!" Oh my gosh.. ano bang pinagsasasabi ko kagabi?! Yung sobra akong nalasing na hindi ko na alam yung mga pinagagagawa ko. "Your body on mine is what I crave!" "You are mine sweetie!" "You're mine and mine alone!" Hala ano yun? sinabi ba yun ni Ninong?! Naalala ko nang haplusin niya ang pisngi ko at dahan-dahang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Oh god, did he kiss me?! "Yana, I said you may now sit." Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang sinabi ni Ninong. Nakaupo na pala ang mga kaibigan ko kaya umupo na rin ako. Inalis ko na sa isip ko ang pangyayari kagabi. Sigurado namang hindi ako hahalikan ni Ninong. Napaka imposible nun. That only happens in my dreams. May ilang beses ko ng napanaginipan na hinahalikan niya ko so I'm sure I was just dreaming last night. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD