" Anong ginagawa mo dito?!" eksahederang tanong ni Peri sa lalaki. " Teka, ako yata ang dapat magtanong niyan dayuhan. Ano ang ginagawa mo sa silid ko?!" galit na tanong nito. " S-Silid nya?! Patay ako!" bulalas niya sa sarili. " S- Silid mo? Ibig sabihin hari ka din?!" gulat na tanong niya dito. Tsaka niya ilinibot ang mata sa bawat sulok ng silid. Napakarangyang silid din niyon at katulad ng naunang kwarto na pinagdalhan sa kanya nong lalaking nagpakilalang hari ay napapalamutian din ito ng ginto at iba't-ibang uri ng mamahaling bato. " Hari din kaya sya? Grabe naman sa kahariang ito, marami ang hari! Pero patay ako! Dalawang hari na ang nagawan ko ng kasalanan, pagnagkataon baka chopchopin nalang ako ng mga ito." kabadong sabi ni Periwinkle sa sarili. Napakunot ang noo nito.