Hindi makapaniwala si Periwinkle sa nakikita. Nasa isang napakalaking silid siya na ngayon at puro karangyaan ang kanyang nakikita. Maging ang sinasabi niyang napakamahal na brilyante at ibat-ibang klaseng bato ay tila palamuti lamang sa silid na iyon. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa lahat ng kanyang nakikita sa kinatatayuan. Maging simpleng kagamitan dito ay yari sa ginto. Ngunit isa pang nagpagulo sa kanyang isipan ay bakit sa isang iglap lamang nasa ibang lugar na agad sila ng lalaki. Halos minuto lang mula ng yakapin siya nito, nasa batis pa sila ngunit ngayon. Heto at nasa isang marangyang silid na siya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Anong klaseng tao ba ang lalaking kaharap niya na ngayo'y tila aliw na aliw sa pagkalito niya. Tila nakadagdag lamang sa pagkalito ni