Kabanata 31

1655 Words

" Saifron, kumusta na ang iyong pakiramdam? Wala ka pa rin bang maalala? " tanong sa kanya ni Silvanna. Sinabi niya dito na wala syang maalala at tanging pangalan lamang niya ang naaalala niya. Nasa kubo muli ang babae para dalhan siya ng pagkain. Kakaiba ang mga pagkain na dinadala nito pero napipilitan nalang siyang kainin dahil hindi tumitigil si Silvanna kapag ayaw niyang kumain. Masarap naman ang pagkakaluto pero dahil nga hindi niya kilala ang mga pagkain ayaw sana niyang kainin. Minsan parang gusto na niyang umalis sa lugar na ito pero ewan ba niya tila may kung anong bagay ang pumipigil sa kanya. Sa pagkakatanda niya mahigit pitong araw na siya sa lugar na ito. Masyado ng matagal kung susumahin. Kailangan na niyang kumilos para mahanap si Periwinkle at ang kanyang kapatid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD