Chapter 10

1248 Words
CARMELA Umiwas ako ng tingin pero nagulat ako dahil bigla akong hinila ni Oliver palapit sa kanya. Hinayaan ko na lang siya. Ramdam ko ang palad niya sa likod ko. Nakatingin sa akin ang babae na humalik sa kanya kanina. At para niya akong kakainin ng buhay. “Who are you?” nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin. “She’s my new employee,” si Oliver na ang sumagot. “Really? She is so lucky dahil isinama mo pa siya dito?” “She needs to do her job.” mariin na sagot ni Oliver. “And what kind of job? To be your FUBU? Based on her appearance she's like trash or she is your new maid?” natatawa na tanong pa ng babae. Yumuko ako dahil ayokong makita ang mata niya. Alam ko ang nasa isipan niya. Kaya mas nakakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Masakit ang mga lumabas sa bibig niya. “It’s none of your business, Laureen.” “Okay fine. Pero i-pangako mo sa akin na ako pa rin ang papakasalan mo. Enjoy your toy dahil magiging madamot na ako sa susunod.” saad nito at hinalikan ulit sa labi si Oliver. He has a fiancee? Pero bakit niya ako pinakasalan? Ano ba talaga ang plano niya sa akin? Bakit ba niya ito ginagawa? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko. “Stay here, may kakausapin lang ako.” paalam niya sa akin. “Okay." “I’m warning you, don’t talk to anyone.” Saad niya sa akin at iniwan na ako. Nakakapit sa braso niya si Laureen. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Umatras ako at nagtago sa madilim na parte ng venue. Tahimik lang akong nakatayo at nakamasid sa kanya. Halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanya. Sino ba ang hindi magkakagusto sa katulad niya. Isa sa pinakamagaling at mayaman na businessman. Higit sa lahat ay makisig siya at gwapo. Kaya lahat ng mga babae ay talagang ibibigay ang sarili nila sa isang katulad niya. Pero kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na hindi siya makilala. Pero ito ako, nandito ako at kasama ko siya. Nagugutom na ako pero nahihiya naman akong kumuha ng pagkain. Hindi ko na rin makita si Oliver. Naglakad na lang ako papunta sa restroom para umihi. Pero paglabas ko ay may lalaki akong nakabangga. "Sorry, Miss." Nakangiti na sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako pabalik sa loob. Pero nagulat ako dahil bigla na lang niyang nilagay sa balikat ko ang coat niya. Kaya huminto ako. "Sa tingin ko kasi nilalamig ka. Use my coat, don't worry. I'm harmless." Nakangiti pa rin na sabi niya sa akin. He look nice at gwapo rin siya. Sa tingin ko ay mas matanda siya sa akin. He's right nilalamig ako dahil sa damit ko. Pero alam ko ang mangyayari kapag tinanggap ko ang coat niya. Kaya mas pipiliin ko na tanggihan siya. "Thank you for your concern. Pero hindi ko ito matatanggap. I'm sorry pero okay lang ako." Saad ko sa kanya at akmang huhubarin ko na ang coat niya ay bigla akong nagulat. "What's the meaning of this?!" Sigaw sa akin ni Oliver. "Nilalamig siya, bro kaya pinahiram ko ng coat ko." Ang lalaki na ang sumagot kay Oliver. Inalis niya ang coat sa katawan ko at tinapon niya ito. Ako ang nahihiya sa ginawa niya pero wala naman akong lakas ng loob na ipagtanggol ang lalaki. "Let's go home now." Galit na saad niya sa akin sabay kaladkad sa akin palabas. "Bro, you're hurting her." "Mind your own business, Lee." Mariin na saad ni Oliver sa lalaki. "But yo—" "I'm warning you." Halatang galit na siya sa lalaki. "Sorry po, Sir. Okay lang po, salamat po sa concern niyo." Lakas loob na saad ko sa lalaki. "Oliver, nasasaktan ako." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya. "Masasaktan ka talaga! Hindi ka talaga nakikinig sa akin." Saad niya sa kin at pabalya akong pinasok sa loob ng limousine. "Pero wala naman akong ginawang masama. Siya ang naglagay na lang bigla sa balikat ko ng coat niya. Bakit ba galit ka? Hindi ko nga siya kilala." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "He touched my property." "Sa 'yo lang naman ako. Sa 'yong- sa iyo lang. Sa tingin mo ba? May kaya akong gawin para sa sarili ko. Hindi ako aalis. Hindi ako tatakas at higit sa lahat hindi kita lolokohin." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at kagaya pa rin ng dati. Wala pa ring emosyon ang mga mata niya. Galit lang talaga ang laging nakikita ko sa mga mata niya. "Ano ba talaga ang balak mo sa akin? Bakit mo pa ako pinakasalan kung may fiancee ka naman pala." "Wala kang karapatan na magtanong sa akin." Natameme ako sa sinabi niya. Tama siya nakasulat 'yun sa kontrata na pinirmahan ko. Yumuko ako at dahan-dahan na umupo sa sahig. At tahimik na umiiyak. "Suwayin mo ako o gawin mo ang mga ayaw ko ay malilintikan ka sa akin. Lalo na ang daddy mo." Pagbabanta niya sa akin. "May tanong ako sa 'yo." Lakas loob na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. "Sa tingin mo ba? Mahirap ba akong mahalin? Wala bang pag-asa na magustuhan mo ako? Sana kahit hindi mo ako magustuhan ay i-trato mo naman akong tao. Bigyan mo naman ako ng kahit kaunting kalayaan. Hindi kita lolokohin. O gagawan ng masama." Sabi ko sa kanya. "You want me to answer your question? And my answer is NO. Sa tingin mo ba mamahalin kita? You're not my type. Pinagtyatyagaan lang kita para naman masulit ko ang pera ko na nawala. Ang bahay niyo nga sana ang kukunin ko. But your father offered me his own daughter. Nagmakaawa siya na ikaw na lang ang ibabayad niya sa akin. "Sagot niya sa akin na dumurog ng husto sa puso ko. Hindi na ako nagsalita pa. Dahil sapat na sa akin ang lahat ng mga sinabi niya. Ang sakit lang na marinig. Na ipinambayad ako ng sarili kong ama sa lalaking pinagkakautangan niya. Ang ama na dapat pomoprotekta sa akin. Ang siyang ama na hinayaan akong magdusa at masira ang buhay ko. Hindi ba talaga ako importante sa kanya? Hindi ba niya ako mahal? Tanong ko sa sarili ko. "Do you want to know the exact amount na hiniram ng tatay mo?" "M-Magkano?" "20 million." Mabilis na sagot niya sa akin. Para akong pinag-bagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Kaya pala ganito siya kalupit sa akin. Sa laki ng halaga na kinuha sa kanya ng daddy ko ay kulang pa nga siguro ang buong buhay ko para maging bayad kay Oliver. At kung sakali naman na ibabalik ko sa kanya ay hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng ganun kalaki na pera. "Now tell me. Are you worth it for my money?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko alam kung tama ba na ako ang naging kabayaran sa 'yo. Pero sisikapin ko na maibalik sa 'yo ang pera na 'yun. Hayaan mo lang akong magtrabaho at mag-ipon." Sabi ko sa kanya. "Mag-iipon? Magtatrabaho?" Sarcastic siyang tumawa. Alam ko na imposible pero susubukan ko pa rin. At kailangan ko rin na kumbinsihin ang sarili ko na dapat hindi ko siya mahalin. Na sana hindi ko siya matutunan mahalin. Maghihintay ako na dumating ang araw na maging malaya ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD