CARMELA Kanina pa ako nakatingin sa salamin. Parang hindi ko magawang lumabas sa silid ko. Nakakapanibago kasi ang itsura ko. Lalo na may kinuha si papa na glam team na nag-ayos sa akin. Nakatingin ako ngayon sa salamin at tinatanong ang sarili ko kung ako ba talaga ito. Ibang-iba kasi ang itsura ko ngayon. Suot ko ang isang red cocktail dress. Maliit pa ang tiyan ko at hindi halata na buntis ako. “Anak, are you ready?” Tanong sa akin ni Papa Primo na ngayon ay nakasuot “Kinakabahan po ako.” sagot ko sa kanya dahil ‘yun ang totoo. “Huwag kang kabahan. I got you,” natatawa na sabi ni papa sa akin. Natatawa na lang rin ako. Habang nasa biyahe ay busy si papa sa pakikipag-usap sa secretary niya. Ako naman ay nakatanaw lang sa bintana. Sa loob ng maraming taon ay hindi ko man lang nara