CARMELA Umalis si Papa sa tabi ko. Bigla na lang lumapit sa akin ang daddy ko. Mabuti na lang at wala na ang iba naming kasama kanina. Ako na lang mag-isa dito mesa namin. “Wala ka bang kahihiyan? Bakit ka narito? At sa matanda na ‘yun ka pa pumatol. Wala ka man kinuha na pera sa ex-husband mo. Wala ka talagang pakinabang.” galit na saad niya sa akin. Mukha siyang kalmado pero iba ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa kanya. Ang baba ng tingin niya sa akin. Sa sarili niyang anak. Nasasaktan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Hangga’t kaya ko ay wala akong balak na kausapin siya. “May problema ba, Mr. Soriano?” biglang dumating si papa. “Ano relasyon niyo ng anak ko?” tanong ni daddy. “Binili ko siya kay Mr. Ford,” natatawa na sagot ni papa.