Chapter 4

1219 Words
CARMELA Nang medyo naging okay na ako ay lumabas na ako sa banyo. Paglabas ko ay tahimik ang buong paligid. "Saan kaya siya nagpunta?" Tanong ko sa sarili ko. Hinahanap ko siya pero hinihiling ko rin naman na ‘wag na siyang bumalik pa. Sinuot ko ang damit ko kanina. Pero naiilang ako dahil wala akong suot na panty. Hindi ako sanay na wala akong suot na panloob. Kinuha ko ang kumot at binalot ko ang sarili ko. Humiga na ako sa kama dahil nakakaramdam na ako ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Lalo na mahapdi rin ang p********e ko. Napabalikwas ako nang bangon dahil sa lakas ng kalampag na narinig ko mula sa labas. Lumabas ako para silipin kung ano ang nangyari. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang dalawang tao na naghahalikan. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Patuloy lang sila sa paghahalikan at hindi nila ako napansin. Umatras ang paa ko at mabilis kong sinara ang pintuan. Alam ko na hindi ko maibibigay sa kanya ang satisfaction na nais niya. Ano ba kasi ang kaya kong gawin? Eh umalis nga siya noong nalaman niya na v*rgin pa ako. Hindi rin ako kagaya ng iba na magaling at alam ang ginagawa lalo na sa kama. Eh wala nga akong alam. Kahit nga halik ay hindi ko alam gawin. Palpak pa ako Hindi ko siya mahal pero nasasaktan ako. Masakit pala na makita na niloloko ka ng harap-harapan. Oo wala akong karapatan dahil hindi naman namin mahal ang isa’t-isa. Pero asawa niya ako. Sa mata ng batas at sa mata ng Diyos ay asawa niya ako, mag-asawa kaming dalawa. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Bumuhos ang luha ko sa hindi malamang dahilan. “Carmela, pigilan mo ang sarili mo. Bakit ka ba umiiyak? Bakit ka ba nasasaktan?” tanong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok siya na magulo ang buhok at wala ng saplot pang-itaas. “Bakit gising ka pa?” tanong niya sa akin. “M–Matutulog na rin po ako,” nauutal na sagot ko sa kanya. “Hindi ko alam kung sulit ba ang pera ko sa ‘yo. Hahayaan kita ngayon pero sa susunod ay gawin mo na ang trabaho mo.” sabi niya sa akin at mabilis siyang humiga sa kama. Kahit ako ay nagtatanong na rin sa sarili ko kung sulit nga ba ako para sa milyones niya. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na may asawa na ako. Ang tanging hiling ko na lang talaga ngayon ay payagan niya akong pumasok sa university. Kahit iyon na lang. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nakayakap sa akin si Oliver. Narinig ko na Drake ang tawag sa kanya ng ibang tao. Pero para sa akin ay mas bagay sa kanya ang Oliver lalo na mas matanda siya sa akin. Habang nakatingin ako sa kanya ay marami na naman ang tumatakbo sa isipan ko. Iniisip ko kung paano ko ba siya mapapasaya? May pag-asa kaya na maging okay kami? Matutunan ko rin kaya siyang mahalin? Ano ba ang mga paborito niya? Ngumingiti rin kaya siya ng totoo? Iyong ngiti na masaya. Nakita ko na gumalaw siya kaya natataranta ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko kaya mabilis kong inalis ang braso niya sa tiyan ko. “Ouch!” nagulat ako dahil nahulog ako sa kama niya. Napahawak ako sa balakang ko. Hinilot ko ito ng bahagya. Nang tumingala ako ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi talaga kayang salubungin ang mga mata niya. Wala naman akong emosyon na nakikita sa mga mata niya. “G—Good morning, S–Sir.” kinakabahan na bati ko sa kanya. Bumangon na siya at hindi niya ako pinansin. Kaagad kong pinagdikit ang hita ko dahil naalala ko na wala pala akong panty. “K–Kuya, puwede po ba akong pumasok sa school?” lakas loob na tanong ko sa kanya. “Anong sabi mo? Kuya?” kunot noo na tanong niya sa akin. At ramdam ko ang galit sa boses niya. “Sorry, hindi ko po kasi alam ang itatawag ko sa ‘yo.” nakayuko na sagot ko sa kanya. “I’m your husband kaya paano mo naisip na tawagin akong kuya? May mag-asawa ba na kuya ang tawag ng babae sa asawa niya? Fvck!” galit na sabi niya at padabog na pumasok sa loob ng banyo niya. “Ang tanga mo talaga Carmela. Tama naman siya, walang mag-asawa na kuya ang tawagan. Dahil sa katangahan mo ay baka lalong hindi ka payagan na pumasok sa school.” naiinis rin ako sa sarili ko ngayon. Hinintay ko siyang lumabas sa banyo. Paglabas niya ay napaiwas agad ako ng tingin dahil nakahubad siya. Para bang normal na lang sa kanya na nakahubad sa harapan ng iba. Kung sabagay ay maganda ang katawan niya at walang dapat ikahiya. “Anong sinasabi mo kanina?” tanong niya sa akin. Habang nagsisimula na siyang magbihis. “Papayagan mo ba akong pumasok sa school?” lakas loob tanong ko ulit sa kanya. “Kung hindi ako papayag. Anong gagawin mo?” tanong niya bigla sa akin. “Hayaan mo po sana ako. Pangako, hindi ako magiging pabigat sa ‘yo. May part time job po ako.” “Anong part time job mo?” tanong niya sa akin. “Sa bakeshop po,” sagot ko sa kanya pero mukhang galit siya sa akin. “Can you stop that po thing! Masyado na ba akong matanda sa paningin mo!” sigaw niya sa akin. “Sorry p–I mean sorry, O–Oliver.” saad ko sa kanya. “Oliver huh?” “Ano ba ang mas gusto mo? Drake or Oliver?” tanong ko sa kanya para alam ko at para hindi na siya magalit sa akin. “Kahit ano basta hindi kuya.” “”Why are you smiling?” tanong niya sa akin. “Wala,’ mabilis na sagot ko bago ako pumasok sa loob ng banyo. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako biglang ngumiti. Masyado siguro akong nadala dahil ang cute niya kanina. Pagkatapos kong maligo ay may binigay siya sa akin na damit. Noong una ay naghesitate pa ako dahil baka damit ng babae niya. “Wear that, hahayaan kita sa nais mo. Ayoko lan ng problema, higit sa lahat ay umiwas ka sa mga lalaki. Subukan mo lang akong lokohin dahil pap*tayin ko sila.” seryoso na sabi niya na nagbigay ng kilabot sa puso ko. “Makakaasa ka, gusto ko lang makapagtapos sa pag-aaral ko.” nakayuko na sabi ko sa kanya. “Pumunta ka sa kilala kung doctor. Hindi ka puwedeng mabuntis. Ayokong magkaanak sa ‘yo.” “Sige,” mahina na sagot ko sa kanya. Parang sampal sa akin ang sinabi niya. Pero kahit ako ay hindi ko rin nanaisin na magkaanak sa kanya. Lalo na ganito kami at masyado pa akong bata para maging isang ina. Ayoko na maranasan ng anak ko ang nararanasan ko ngayon sa piling ng ama niya. Alam ko na simula pa lang ito ng paghihirap ko sa piling niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD