CARMELA
Absent ako ngayong araw kaya sa bahay nila ako tumuloy. Hinatid ako ng driver niya. May pasok siya sa opisina. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mapanghusgang mga mata ng kanyang ina. Para bang may ibang ibig sabihin ang tingin niya sa akin. Para bang ang dumi kong babae at pinandidirihan niya ako.
"Alam ko na hindi ka magtatagal dito. Magsasawa rin sa 'yo ang anak ko. Kaya sulitin mo na ang mga araw mo dito. Sisiguraduhin ko na hindi ka magiging buhay prinsesa dito. Hindi ang isang katulad mo ang nais ko sa anak ko." Saad niya sa akin at mabilis na umakyat sa itaas.
Ako naman ay naiwang nakatulala. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ba siya galit sa akin. Pero bakit sa akin siya nagagalit? Hindi ko rin naman kagustuhan na tumira dito. Kung ako lang ang masusunod ay hinding-hindi ako titira sa bahay na ito. Pero wala akong choice dahil anak niya mismo ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Pinunasan ko ang mga luha ko.
“Kaya mo ito, Carmela. Kaya mo,” kumbinsi ko sa sarili ko.
Umakyat na ako sa silid ko. Pagpasok ko ay nakakalat ang mga gamit ko sa maleta at lahat ng iyon ay nasa sahig na. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nito. Pero kaagad na nakuha ang atensyon ko ang larawan namin ni mommy na ngayon ay punit na. Mabilis ko itong pinulot. Nagsimula ng bumuhos ang luha ko.
Anong klaseng tao sila. Bakit kailangan pa nila itong gawin? Naghanap ako ng tape para ayusin ang larawan namin ni mommy. Ito na lang ang larawan na meron ako. Lahat kasi ng larawan namin ni mommy ay sinunog na ng stepmother ko. Kaya ito na lang ang naitabi ko at talagang tinatago ko pa.
Iyak ako ng iyak habang inaayos ko. Sinimulan kong lagyan ng tape at pinagdikit-dikit ko. “Sorry, mommy. I wish you were here. Pero alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi kana babalik. I’m sorry, mom and I really missed you.” kausap ko sa larawan niya.
Minsan ay hindi ko maiwasan na magalit sa sarili ko. Galit ako at sinisisi ko ang sarili ko. Sana ako na lang ang namatay at hindi ang mommy ko. Nang dahil sa akin kaya nawala siya. Kung nakinig lang ako sa kanya ay hindi sana ito mangyayari. Apat na taon pa lang ang lumipas at talagang sariwa pa rin ang lahat sa akin. Nang maayos ko na ang larawan ay naghanap ako ng lugar na puwede kung pag-taguan para hindi na nila makita. Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nila ito sinunog.
Niligpit ko rin ang mga gamit ko na nakakalat sa sahig. Nang matapos na ako ay bumaba na ako. Pagbaba ko ay sinalubong ako ng isang katulong at binigyan niya ako ng panlinis.
“Ang sabi ni Senyora ay maglinis ka raw sa likod ng bahay.” sabi niya sa akin.
“Okay po,” sagot ko sa kanya.
“Ihahatid kita, para hindi ka maligaw.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Salamat,” pasasalamat ko sa kanya.
“Ako nga pala si Vivian.” pakilala niya sa akin.
“Ako naman si Carmela.”
“Bagay sa ‘yo ang pangalan mo. Ang ganda-ganda mo, sobrang amo ng mukha mo. Kaya siguro nagustuhan ka ni Senyorito Drake.” sabi niya sa akin.
“Hindi niya ako gusto. Alam ko na alam niyo kung bakit ako nandito.” malungkot na sabi ko sa kanya.
“Ang hirap rin pala kapag mayaman noh? Kasi gagawin kang pambayad ng magulang mo.” sabi niya kaya tumigil ako sa paglalakad.
“Ayy, sorry. Hindi ko sinasadya.”
“Okay lang tama ka naman eh. At sa case ko, ay mahirap. Kasi kailangan kong gampanan ang pagiging anak ko. Kailangan kong gawin at sundin ang mga bagay na hindi ko naman talaga gusto.” malungkot na sabi ko sa kanya.
“Alam ko na magiging okay ka. Kapag may kailangan ka ay sabihan mo ako. Hindi man ako matalino ay madiskarte naman ako. Hindi kita matutulungan sa pera pero sa mga gawaing bahay ay makakaasa ka sa akin. Simula ngayon ay magkaibigan na tayo.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Oo magkaibigan na tayo.” sabi ko sa kanya.
Mukha naman siyang mabait kaya alam ko na magkakasundo kami. Nang ma-ihatid na niya ako dito sa likod ng bahay ay pumasok na ulit siya sa loob ng bahay para gawin na rin ang trabaho niya.
Nagsimula akong magwalis ng mga dahon. Marami rin kalat, sa tingin ko nga ay tambakan ito ng mga basura. Hindi naman ako maarte kaya pinulot ko ang mga ito. Ayaw ko rin kasi na magalit sa akin ang mommy ni Oliver. Kaya lahat ng ipapagawa niya sa akin dito sa bahay ay susundin ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglilinis. Dahil inabutan na ako ng dilim. Pero hindi pa rin ako pumasok dahil kaunti na lang matatapos na ako.
At nang matapos na ako ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko rin na nakauwi na si Oliver. Kakarating lang niya. Kasama niya ang kapatid niya. At bigla ring lumabas mula sa kusina ang mommy niya.
“Nandito na pala kayo, anak.” nakangiti na sabi nito.
Hindi man lang sumagot si Oliver at nakatingin lang siya sa akin.
“Eww.. Bakit ang baho mo?” reklamo na sabi ng kapatid ni Oliver.
“What happened to you?” malamig na tanong sa akin ng asawa ko.
“Nag–”
“Nagpresenta siyang maglinis sa likod ng bahay. Mapilit siya kaya hinayaan ko na lang.” ang biyenan ko ang sumagot sa tanong ng anak niya.
“Umakyat kana at maglinis ng katawan mo.” Galit na utos niya sa akin.
Mabilis naman akong umakyat at hindi binigyang pansin ang mga narinig ko mula sa kapatid at mommy niya. Mga salita na kapag pinansin ko ay magdudulot ng matinding k*rot sa puso ko.
Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo. Kinuskos ko ng maigi ang katawan ko dahil ayoko na may matirang amoy ng basura sa katawan ko. Pero nagulat ako dahil may biglang pumulupot na mga braso sa katawan ko.
“It’s me,” bulong ni Oliver sa tainga ko. Dahil magpupumiglas na sana ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na pareho kaming walang saplot. At ramdam ko ang kahagdaan niya sa likuran ko. Nagsimulang maglakbay ang mga palad niya sa katawan ko. Hanggang sa hinawakan niya ang dalawa kong dibdib.
“Ohhh,” napaungol ako ng mahina dahil minasahe niya ang dibdib ko.
“Are you still sore?” tanong niya sa akin.
“Medyo masakit pa,” sagot ko sa kanya. At sobrang nahihiya ako kaya uminit bigla ang pisngi ko. Pinaharap niya ako sa kanya at tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Naiilang ako pero sinubukan ko na makipag-titigan rin sa kanya.
“I want you,” saad niya sa akin.