Chapter 8

1293 Words
CARMELA Tumingin ako sa kanya pero wala akong emosyon na makikita sa mga mata niya. “Please, hayaan mo akong pumasok sa class ko ngayon.” pabulong na sabi ko. “Umuwi kana, ngayon din.” puno ng diin na utos niya sa akin. “Please, I’m sorry. Pero wala naman akong ginagawang masama. Nag-usap lang kami.” paliwanag ko sa kanya. “Nang magkayakap? Ano ba ang number 1 rule ko?” tiim bagang na tanong niya sa akin. “Sorry, please–” “Car, may problema ba?” biglang tanong ni Marco sa akin. “W–Wala, nagtatanong lang siya.” “Huwag mo akong suwayin dahil kakaladkarin kita pauwi.” may diin na sabi niya bago siya naglakad palayo sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag sinuway ko siya ay alam ko na magagalit siya sa akin. Pero kailangan kong pumasok ngayon. Bahala na, tatanggapin ko na lang ang galit niya sa akin. Bumalik ako sa classroom namin pero nagulat ako dahil bigla na lang akong pinatawag sa dean’s office. Kinakabahan man ay pumunta pa rin ako. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang asawa ko na nakaupo sa may couch at nakatingin siya sa akin. Lumabas ang dean at kami na lang dalawa ang naiwan dito. Lumapit siya sa akin. Napapikit ako dahil handa na akong magpasampal sa kanya. Pero hindi niya ako sinaktan. Hinawakan lang niya ang panga ko. “Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ang pag-aari ko. Ayusin mo na ang gamit mo at umuwi kana.” sabi niya sabay bitiw sa panga ko. “Please, hayaan mo akong mag-aral. Aaminin ko manliligaw ko si Marco pero pinapatigil ko na siya. Dahil ayoko na magalit ka sa akin. Nakikiusap ako, hayaan mo akong mag-aral.” umiiyak na sabi ko sa kanya. “Uwi, umuwi ka na.” malamig na utos niya sa akin. “Parang awa mo na. Kahit ito lang, hayaan mo akong mag-aral. Nakikiusap ako sa ‘yo, Sir. Parang awa niyo na po, tatanggapin ko ang lahat ng galit niyo sa akin. Kahit na araw-araw mo pa akong saktan. Hayaan mo lang ako na mag-aral. Pagkatapos ng isang taon ay ibibigay ko na ang buong buhay ko sa ‘yo.” lumuhod ako habang nakikiusap ako sa kanya. “Tumayo ka diyan at umuwi na tayo. Huwag mong hintayin na hilain pa kita palabas.” saad niya at iniwan niya akong mag-isa dito sa opisina ng dean. Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na bumalik sa room ko para kunin ang mga gamit ko. Ano nga bang magagawa ko? Wala naman akong kayang gawin. Dumiretso ako sa parking lot. Pagpasok ko ay nakaupo lang siya sa backseat ng kotse. “Sa bahay tayo,” utos niya sa driver niya. Habang nasa biyahe kami ay parang akong mabibingi dahil lahat ng kinakausap niya ay sinisigawan niya. Pagdating namin sa bahay ay kinaladkad niya ako papasok sa silid ko. “Sir, please.” “Para saan ang pakiusap mo? Para pumasok sa school at ano makipagkita sa lalaki mo?!” Sigaw niya sa akin. “Ano bang dapat kong sabihin sa ‘yo? Para paniwalaan mo ako. Hindi ko siya lalaki. Hindi ko siya gusto,” umiiyak na sagot ko sa kanya. “My decision is final. Dito ka lang, hindi ka puwedeng umalis ng bahay.” “Alam ko na alipin mo ako. At alam ko rin na wala akong karapatan na humiling sa ‘yo. Pero sana pagbigyan mo ako. Ito lang ang nais ko. Kahit ito lang, ito lang ang gusto mo. Hindi ako hihiling ng sobra o kahit ano. Hindi ako kukuha ng kahit na ano sa 'yo t-tanging ito." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Pag-iisipan ko." Sabi niya sa akin at lumabas na siya. Hinabol ko siya pero naka-lock ang pinto. Hindi ko mabuksan. Pinipilit kong hilain pero naka-lock sa labas. "Palabasin mo ako dito. Gagawin ko naman ang lahat ng gusto mo. Hayaan mo lang akong mag-aral." Umiiyak na bulalas ko. Nagring ang phone ko. Si daddy ang tumatawag kaya mabilis ko itong sinagot. "Daddy, tulungan niyo po ako. Ayoko po dito, please daddy." umiiyak na sabi ko sa kanya. "Ano bang ginawa mo? Bakit mo pinagtaksilan ang asawa mo? Hindi mo ba kami naisip?" Ang stepmom ko ang nasa kabilang linya. "Wala po akong ginawang mali. Maniwala po kayo sa akin, tita." "Kahihiyan lang at problema ang dala mo sa pamilyang ito. Wala ka talagang silbi. Dapat ginagawa mo ang lahat para mahalin ka Mr. Ford. Kailangan natin ang pera niya! B*ba! Wala kang silbi! Kaya magtiis ka diyan!" Sigaw niya sa akin bago niya pinatay ang tawag. Napaupo na lang ako sa mga narinig ko mula sa kanila. Ganito ba? Wala pa rin ba akong silbi para sa kanya? Ginagawa ko naman ang lahat. Kahit na ayaw ko ay ginagawa ko ang makakaya ko para kanila. Masama pa rin ba akong anak? Masama pa rin ako? Umiiyak na tanong ko sa sarili ko. Kanina pa ako umiiyak at ayaw ng tumigil ng mga luha ko. Buong maghapon nila akong ikinulong. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Oliver na may kasamang doktor. "Give her birth control shot." Utos niya sa lalaki. "Maganda itong misis mo, bro. Bakit ayaw mong magkaanak sa kanya? Kung ayaw mo ako na lang an—" "Do your job, Cris." "Ito naman parang hindi mabiro. Next time sa clinic mo na siya papuntahin. Para naman makapag-kwentuhan kami." Nakangisi na sabi ng lalaki. “Cris—” “Ito na nga, masyadong galit.” “Miss Pretty, hindi naman ito masakit. Parang kagat lang ng langgam,” saad niya sa akin. Hindi ako sumagot at hinayaan ko siya. Sanay naman ako sa turok ng karayom noong bata pa ako kaya hindi na ako nasasaktan. Nang matapos na akong turukan ay lumabas na ang doktor. Siya naman ay naiwan at nakatayo lang sa harapan ko. “Mawawala ako ng isang linggo. Hahayaan kita na pumasok sa university. Pero may mga mata ako na magbabantay sa ‘yo. Isang pagkakamali mo pa ay ikukulong na kita dito habang buhay. Umalis ka na rin sa trabaho mo sa bakeshop. After your class ay sa company ka magtatrabaho. May sweldo kang matatanggap.” aniya sa akin. “Salamat, pangako. Iiwasan ko na si Marco,” sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya. “Sorry,” hingi ko ng paumanhin sa kanya. Bigla na lang kasi niya akong tinulak palayo sa kanya kaya natumba ako sa sahig. “Fix yourself, sasama ka sa akin.” utos niya sa akin. “S–Sige,” sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay may damit na nakapatong sa taas ng kama ko. Kaya ko ba itong isuot? Tanong ko sa sarili ko. Masyado kasing sexy ang damit. Saan kaya kami pupunta? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa dress na kinapos sa tela. Naglagay ako ng light make-up. Pagkatapos ay lumabas na ako. Tahimik akong sumakay sa isang limousine. Pagpasok ko ay nakaupo siya at may hawak siyang baso na may alak. Naiilang ako sa tingin niya sa akin. Uupo na sana ako pero bigla na lang niya akong hinila. Napasubsob ako sa dibdib niya. Kaya bigla akong nataranta dahil nalagyan ng lipstick ang tuxedo. "Sorry," mahina na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagpunas sa damit niya. "Lalo mo lang kinakalat." Natatakot ako dahil alam ko na mahal ang damit niya. Walang pasabi niyang hinubad ang damit niya. Kaya kaagad akong umiwas ng tingin. Pero nagulat ako dahil hinila niya ako ulit at pinaupo sa kandungan niya. Nagkatinginan kaming dalawa. "Do your job."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD