CARMELA
Habang nakahiga ako dito sa kama ko ay may narinig ako na kalabog sa kabilang silid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa silid ni Oliver. Hindi ko na lang sana papansinin pero nasundan pa ito.
“Ahhhh, Drake. Faster…” may narinig ako na halinghing mula doon. Boses ng babae na kasama kanina ni Oliver.
Kaagad ko namang tinakpan ang tainga ko para hindi ko marinig. Bumangon ako at kaagad kong hinanap ang earpods ko. Halos i-full ko ang volume ng cp ko para lang hindi ko marinig ang ingay ng babae. Humiga ako sa kama ko at pumikit na para makatulog. Ayokong umiyak dahil may pasok ako bukas sa school.
Nagising ako na may mabigat na nakatanday sa dibdib ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay si Oliver ang bumungad sa akin. Pinagmasdan ko siya pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay mabilis kong inalis ang braso niya sa katawan ko. Bumangon ako at pumasok sa loob ng banyo.
Mabilis lang akong naligo. Pagkalabas ko ay gising na siya at nakaupo sa may kama. Nakatingin siya sa akin. At kagaya pa rin ng dati ay seryoso at wala pa rin kahit na anong emosyon sa mga mata niya.
“Isasabay kita,” sabi niya sa akin bago siya pumasok sa silid niya.
Nagtataka ako dahil katabi ko siya natulog. Iniwan ba niya ang babae niya? Kaysa na mag-isip pa ng mag-isip ay mas minabuti ko na lang na ayusin ang mga gamit ko. Hinintay ko siya dahil ang sabi niya sabay kaming dalawa.
“Magbreakfast muna tayo,” sabi niya sa akin.
Nakaligo na siya at nakasuot siya ng suit. Tumango naman ako bilang sagot. Napansin ko na hindi naka-ayos ang necktie niya kaya lumapit ako sa kanya. Inayos ko ito at binalewala ko ang tingin niya sa akin. Nang matapos ako ay nauna siyang lumabas sa silid ko.Habang pababa kami ay nakatingin lang ako sa likod niya. Bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.
“Stop staring at me. I’m not comfortable.” sabi niya sa akin.
“Sorry,” mahinang sabi ko.
Nagsimula na ulit siyang humakbang pababa. Hindi ko na siya pinagmasdan.
“Gusto mo ba ng kape?” nahihiya na tanong ko sa kanya.
“Yes,” mabilis na sagot niya sa akin.
Nauna na ako sa kanya at mabilis na pumasok sa may kusina. Kaagad kong hinanap ang kape. Pero napahinto ako dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Kahit na nahihiya ako ay bumalik ako para tanungin siya.
“Black or with cre–”
“Black,” mabilis na sagot niya sa akin.
“Okay,” sagot ko at patakbo akong bumalik sa kusina.
Medyo naiinis na ako dahil hindi ko alam kung may asukal ba o wala. Kaya ang ginawa nilagyan ko na lang. Paglabas ko sa kusina ay nakaupo na silang lahat at nakatingin sa akin. Ang tingin na para bang nais nilang maglaho na ako. Inilapag ko sa tabi niya ang tasa ng kape at umupo na ako sa tabi niya.
Kumuha lang ako ng isang pancake at ‘yon ang kinain ko. Nang maubos ko ang isa ay nagulat ako dahil nilagyan pa niya ulit ng isa pa. Hindi na ako nagsalita at kinain ko na lang ang nilagay niyang pancake. Nang matapos na ako ay hinila na niya ako palabas.
Ito ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng kotse niya. Nagtaka ako dahil wala siyang driver. Siya mismo ang magmamaneho.
“Next time don’t put sugar in my coffee.” sabi niya sa akin.
“Okay,” mahina na sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.
“What’s your schedule for today?” tanong niya sa akin habang nasa biyahe kami.
“May class ako, nine am to two pm. Pagkatapos ay papasok ako sa bakeshop hanggang seven pm.” sagot ko sa kanya.
“Dapat nasa bahay ka na ng nine.” sabi niya sa akin.
“Okay,” sagot ko sa kanya at hindi na ako nagprotesta.
Naging tahimik ang buong biyahe namin hanggang sa nakarating na kami sa University.
“T–Thank you sa paghatid. Ingat ka sa pagmamaneho,” muntik pa akong pumiyok.
Hindi siya sumagot. Pero expected ko naman na hindi siya magre-react. Lalabas na sana ako sa kotse niya pero bigla na lang niya akong kinabig at hinalikan sa labi. Hindi ako tumugon, kaya bumitiw na siya agad. Ako naman ay mabilis na lumabas sa kotse niya. Medyo nailang pa ako dahil nakatingin sa akin ang ibang mga estudyante.
Alam ko na nagtataka sila dahil may magarang sasakyan ang naghatid sa akin. Kalat na kasi dito sa school na palugi na ang negosyo ng daddy ko. Habang ang mga stepsister ko ay buhay mayaman pa rin. At ngayon ay papalapit na sila sa akin.
Kahit kailan ay kontrabida talaga sa buhay ko ang tatlong ito. Pero hinahayaan ko na lang sila dahil sanay na ako sa mga ugali nila.
“Mukhang masarap ang buhay mo sa mansyon ni Drake?” tanong niya sa akin.
“Oo nga, sabi ko kasi kay mommy na dapat isa na lang sa atin ang ipakasal doon ay hindi naman siya pumayag. Mukha namang walang ginagawa kay Carmela ang heartless billionaire na ‘yun.”
“Nakakainggit naman. Gusto ko rin maramasan na hinahatid ng isang Drake Oliver Ford.” saad pa nang isang bruha.
Parang gusto ko sila sabihan na dapat ay sila na lang ang nasa kalagayan ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko at iniwan ko na sila. Pumasok ako sa loob ng classroom namin.
“Carmela, absent ka kahapon.” salubong sa akin ni Marco.
“Masama kasi ang pakiramdam ko.” sagot ko sa kanya.
“Ganun ba? Ito pala, ginawan kita ng mga notes ng mga lessons natin kahapon.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you, Marco.” nahihiya na sabi ko sa kanya.
Si Marco ay nanliligaw sa akin. Kahit na sinabihan ko siya na tumigil na ay hindi pa rin siya tumitigil. Ang sabi niya ay hayaan ko na lang daw siya. Maghihintay daw siya kung kailan ko siya magugustuhan. Pero ngayon ay alam ko na wala na talagang pag-asa na sagutin ko siya. Kasi kahit na magustuhan ko pa siya ay hindi magbabago ang katotohanan na kasal na ako.
“Marco, can we talk?” tanong ko sa kanya.
“Ano ‘yun?” tanong niya sa akin.
“Makikiusap sana ako sa ‘yo. Kung okay lang,” sabi ko sa kanya.
“What is it, Car?”
“Stop kana. Huwag mo na akong ligawan.”
“Bakit?” nagtataka na tanong niya sa akin.
“May boyfriend na ako,” sagot ko sa kanya.
“Mahal mo ba siya? Siya ba ang naghatid sa ‘yo kanina?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Oo,” mabilis na sagot ko sa kanya. Kahit na ang totoo ay nagsisinungaling lang ako sa kanya.
“Sige, titigil na ako pero kapag sinaktan ka niya ay liligawan ulit kita.” saad niya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap.
Hindi naman ako nakagalaw agad sa ginawa niya sa akin. Pero kaagad ko siyang itinulak dahil nasa harapan ko na ngayon si Oliver na madilim ang mukha. Tiim bagang siyang nakatingin sa akin. Na para bang anumang oras ay kakaladkarin niya ako at sasaktan.
“Sorry,” sabi sa akin ni Marco.
“Balik na tayo sa room.” sabi ko sa kanya at nauna na akong naglakad kaysa kay Marco.
Nilagpasan ko si Oliver pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi niya.
“Umuwi kana ngayon din.”