GABE HINDI na niya ako ulit kinausap pagkatapos niyon. Ang akala ko pa naman, may magbabago na sa aming dalawa. Magandang pagbabago. I don't expect much. Just a little bit more conversation. Hindi Iyong para akong may sakit na nakakahawa na halos hindi niya ako tapunan ng tingin. Maganda naman ang pakisama sa kanya ng pamilya ko di ba? Kahit nga si Nanay hindi naitago ang pagkagusto sa kanya para sa akin. Mali ba ako ng basa sa kanya? 6:30AM na ako nakarating sa eskwelahan. Nasa may tarangkahan pa lang ako ng building ay tanaw na tanaw ko na si Matt. Ang daming nakapaligid sa kanya. As usual, kasama na naman niya sina Gian at Rick. Mayroon ding dalawang babae na kay Matt nakatutok ang atensyon. Kulang na lang kainin nila si Matt dahil sa kalandian nila. Lalo tuloy akong nairita.