Kabanata 8

877 Words
Gusto siyang ihatid ni Dion, pero tinanggihan niya ito. Matamlay itong sumagot at umalis na. Pagsakay niya ng jeep, naisip niya ang sinabi ni Dion. "Totoo nga siguro ang sinabi niya dahil nasasaktan ako ngayon. Siguro, papansin nga talaga ako dahil wala akong kaibigan. Komportable ako sa kanya kaya nacarried away ako. Hindi ko napansin sumobra na pla ako, hindi ako nakapag preno." tumingin siya sa bintana ng jeep at napansin niyang umuulan. Bigla kong naalala ang lalaking naka bonet. Nasaan kaya siya ngayon. Hindi ko man makilala ang mukha mo pero sigurado ako makikilala ko ang boses mo. Kausap ang sarili habang nakadungaw sa labas ng jeep. "Narito na kayo Miss." Sabi ng driver. Siya na lang pala ang naiwang pasahero sa jeep na yun. Naglakad ako pauwi sa bahay namin. Iniisip ko pa rin lahat ng sinabi sa akin ni Dion. Siguro ay kailangan ko ng dumistansya sa kanya. Tanggapin ko na na walang gustong makipag kaibigan sa akin. Kinabukasan... Nakayuko siyang naglalakad sa hallway papuntang classroom kaya nagkabanggaan sila ng isang estudyante. "Ano ba, are you blind? masungit ang babaeng nakabangga niya. "Sorry, sorry talaga." pinulot ko ang mga gamit na nabitawan niya. "How about my uniform? Natapunan na ng coffeeng dala ko? My god tatanga tanga ka kasi." dinuro duro niya ko. Sasampalin niya sana ako sa aking mukha pero may kamay na pumigil sa kanya. Hinatak niya ang babae palayo sa akin at humarang sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang lalaki. Si Dion ito. Nataranta ang babae ng makilala kung sino ang kaharap niya. "Dion ikaw pala!" "Kaibigan ko siya, bakit gusto mo siyang saktan?" tanong ni Dion sa babae. Umatras ang babae. Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya na kaibigan niya raw ako? Bulong sa aking sarili. Nakatalikod sa kanya si Dion dahil nakaharap siya sa babae. "Tingnan mo nga itong uniform ko, ang dumi dumi. Dahil yan sa katangahan ng kaibigan mo."Nakatinhin siya ng masakit kay Shane habang nagsasalita kay Dion. Kinuha ni Dion ang wallet niya at hinagis sa mukha ng babae tatlong libong piso. "Bumili ka ng bago mong uniform pero wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kaibigan ko, mas lalong wag na wag mo siyang sasaktan kundi ikaw ang malalagot sa akin. Naiintidihan mo?" Tuminhin ng masama ang babae kay Shane sabay umalis. Niligtas nanaman niya ko. Bakit ganun, bakit pakiramdam ko siya yung lalaking nakabonnet. Baka nagkakamali lang ako. Humarap si Duon sa akin. "Are you ok? Are you hurt?" tanong niya sa akin. Hindi ako nagpa carried away sa concern na pinapakita niya sa akin. "Hindi ko kailangan ng tulong mo, isa pa hindi pa oras para turuan kita." "Hindi raw kailangan ng tulong, huwag ka ngang maarte diyan. Ikaw na ngang tinulungan ikaw pa ang galit." "Huwag mo nga kong sundan." sabi ko kay Dion. "Bakit? Galit ka ba dahil sa mga sinabi ko kagabi? Bakit totoo lang naman ang sinabi ko anong masama run?" "Oo, totoo lahat ng sinabi mo. Looner ako, wala ako ni isang kaibigan.Kahit isa walang gustong makipag kaibigan skin kaya malungkot akong tao. Wala akong pinagkaiba sa isang nerd. Kaya dumidikit ako sayo,para maipakita ko rin sa kanila na normal din akong tao. May kaibigan din ako gaya nila. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo kung ayaw mo kong maging kaibigan." Hindi ko napigilan ang emotions ko. Bakit pagdating kay Dion nasasabi ko lahat ng nasa isip ko, naipapakita ko yung totoong ako. Pero anong magagawa ko kung ayaw naman niyang makipag kaibigan sa akin. Natahimik si Dion sa mga sinabi ni Shane. Nang tatalikod na si Shane ay hinawakan niya ang kamay nito at hinila. Nagulat si Shane ng yakapin siya ni Dion. Nanlaki ang mga mata nito kung kayat walang lumabas sa bibig niya. "Simula ngayon kaibigan mo na ko at kaibigan na rin kita. At bilang kaibigan mo poprotektahan kita sa lahat ng bagay. Hindi ko hahayaang may manakit sayo. Hindi kita iiwan, pangako yan. Papasok na rin ako sa klase, makikinig din ako sa mga pangaral mo at aattend sa mga tutorial mo. Promise yan!" Kumalas si Shane sa pagkakayap ni Dion at ngumiti. Sabay pakita ng kanyang phone. "Nakarecord lahat ng sinabi mo, kaya dapat hindi mapako lahat ng promise mo." "Ikaw talaga napaka tuso mo, paano mo pala nalaman ang hideout namin? Pinatrace mo ba? "Bakit ko pa ipapagawa sa iba? Kaya ko naman gawin.!" "Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko sa pagdating mo o hindi eh, baka lalo lang magulo buhay ko sayo nyan eh!" natatawang sabi ni Dion. "Grabe ka sa words na guluhin ha. tara na nga may klase pa tayo." "Sabi mo kanina mamaya pa magsisimula klase natin?" "Oo mamaya pa, pero kanina ko pa yun sinabi. umaandar din ang oras kaya bilisan mo na." hinawakan niya ang kamay ni Dion at hinila. Natatawa na lang si Dion na sumunod kay Shane. Masaya silang pumasok sa kanilang klase ng araw na yun. Para kay Shane ay ang araw na yun ang pinaka masayang nangyari sa kanya sa school dahil may isang taong tumanggap sa kanya bilang isang kaibigan. Hindi na siya magisa, kaya naman gagawin niya ang lahat para mapabuti at mailayo sa gulo si Dion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD