Kabanata 7

1027 Words
Dinala siya ni Dion sa hideout nila. Inupo niya si Shane at kinuha ang first aid kit. "So ito pala ang hideout niyo?" "Kaharian ang tawag ko dito, hindi ito basta basta hidout." Lumapit siya kay Shane para gamutin ang sugat. "Kaharian? Itong lugar na ito? Kaharian ang tawag mo dito? Ang dumi dumi, ang baho. Dito ka palagi nagpupunta? Seryoso? Ang ganda ganda ng buhay mo tapos ipagpapalit mo lang dito? "Wala akong pakialam, dito ako ang boss. Ako ang masusunod, kaya ikaw ingat ingatan mo yung lumalabas sa bibig mo sakin." "Ganun, pero equal tayo dahil pagdating sa pagtuturo ako ang boss mo. You are my tutee and Im your tutor. Clear?" "Yan ka nanaman, hanggang dito ba naman dadalhin mo yung pagiging tutor mo? Sa ganitong oras?" "Oo nga, sa ganitong oras nandito ka?" "Magulo ka talagang kausap, kaya hindi tayo nagkakaintindihan." "Ikaw ang magulo." Napasigaw siya dahil sinadyang diinan ni Dion ang paggagamot sa sugat niya. "Aray, nananadya ka ba talaga? Ha? Bulyaw ni Shane. "Ang ingay mo kasi, hindi ako makapag concentrate." "Shut up!" sigaw ulit ni Shane. Lumapit sa kanya si Kevin at may ibinulong. "Ah sige, susunod ako." sagot naman ni Dion. Tinanong ni Shane kung ano ang ibinulong ni Kevin kay Dion. "About yun sa business namin." "Ang bata mo pa para magbusiness. Mga pinagbabawal na gamot ba yang business mo? Ikaw talaga, ang ganda ng buhay mo pero ikaw din ang sumisira." sabay batok kay Dion. "Hindi ganun ang business namin, tama na nga yang pambabatok mo. Tumayo siya. "Maiwan na muna kita dito, diyan ka lang. Huwag kang aalis diyan." mahigpit na bilin ni kay Shane at naglakad na siya paalis. "Ano bang klaseng lugar ito? Ano kayang sinasabi niyang business? At saan naman kaya siya pupunta?" kausap ang sarili niya. Dahil sa kuryosidad niya ay sinundan niya si Dion kung saan ito nagpunta. Pinilit niyang lumakad kahit medyo masakit pa ang sugat niya. Sumilip siya sa labas. May mga panauhin sila, isang babae na kulay violet ang buhok, makapal ang lipstick nito. At may limang kasamang lalaki na parang mga adik din. "Gang ba ang tawag dito?" Sa pagkakaalam ko, magulo ang mga ganito. Itong lalaking to talaga kung ano ano na lang ang pinapasok. Nakikinig siya sa usapan nila. "Divani, bakit ikaw ang nagpunta rito? Nasaan ang boss mo?" tanong ni Dion. "Alam kong iyan ang itatanong mo. Ang sagot ko lang diyan sa tanong mo is, ayaw niyang magaksaya ng oras sa mga pipitsuging grupo. Hindi ka naman daw ganun kaimportante." "Wow, asensado na talaga ang boss mo." sagot ni Kevin. "Oo, maparaan at magaling ang boss ko kaya nga mas pinili kong pagsilbihan siya kesa sa ibang grupo ng gang katulad ng grupo niyo." seryoso ang mukha ni Divani, lagi siyang nakasuot ng mga sexing damit at ni minsan hindi pa nila ito nakitang ngumiti. "Ano ba ang sadya niyo rito?" tanong ni Dion. "Ayaw ng boss ko ang isang gahaman, kaya ibalik niyo sa amin ang perang kinuha niyo sa kasamahan namin." "Yan ba ang sinabi ng mga kasamahan niyo?" tanong ni Dion na tumingin kay Kevin at ngumisi. "Ano bang parusa niyo sa mga sinungaling? Nagsisinungaling ang mga kasamahan niyo, kami ang unang nakakuha sa pera. Yun ang totoo." Seryoso na ang mukha ni Dion. "Oo, pero kami ang nauna sa transaction na yun kaya ibalik niyo na lanh sa amin ang pera para wala ng gulo." "Seriously? Huwag ka ngang magpatawa. Ibibigay ko ang perang hindi naman sa inyo?" "Ang tigas ng ulo mo, hinahamon mo ba kami? napipikon na si Divani. "Kayo ang matitigas ang ulo at hindi makaintindi. Malinaw sa batas ng gang, wala kaming nilabag na rules. Pareho tayong walang alam na may mga transaction tayo sa iisang tao, pero pagdating sa pagreceive. Dun kayo talo, kasalanan ko ba kung makupad kayo!" sagot ni Dion. "Hinahamon niyo talaga kami, maghintay kayo sa gagawin ng boss ko." "Gaya ng sabi ko, wala kaming nilabag sa batas natin kaya hindi ako natatakot sa banta niyo." matapang na sagot ni Dion. "Aalis na kami, walang patutunguhan ang usapan na to. Tara na." lumabas.na sila. "Boss, siguradong may binabalak na gawin ang gang nila." Sabi ni Kevin kay Dion "Kaya dapat lagi kang alisto at handa, sabihan mo rin yung ibang kasamahan natin." humarap si Dion kay Kevin. "Masusunod boss." Nakita ni Kevin si Shane na palapit kay Dion kaya gumilid siya sandali. Lumapit si Shane kay Dion. Narinig ko lahat ng pinaguusapan niyo, bakit ka ba ganyan? Bakit ka sumali sa ganitong grupo? At leader ka pa? Lalo lang magaalala ang dasdy mo sayo. Hindi mo ba iniisip ang magulang mo?" "OA mo naman,! Hindi kita kamag anak, hindi rin kita girlfriend. Kung maka react ka parang close na tayo ah." "Sakit ng mga sinabi mo ha." "Dahil totoo, sobra na yang pangingialam mo sa buhay ko." "Tutor mo ko kaya concern ako sa grades mo, hindi sa personal mong buhay." pagsisinungaling niya, kahit siya ay aminado na lumagpas na siya sa kanyang boundry. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ang matagal na niyang kilala si Dion. "Tutor lang kita kaya tigilan mo na yang pangingialam sa buhay ko. Alam mo nakakairita ka na eh, wala ka bang kaibigan? Siguro wala kaya ako ang kinukulit mo, pinagsisiksikan mo sarili mo sakin!" Natahimik si Shane. Nawala ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Dion ng marinig niya ang sinabi niya about sa kaibigan. Nasasaktan siya kapag sinasabihan siya ng ganun. Dahil ang totoo, ilang beses niyang sinubok makipag kaibigan, pero nauuwi lang ito sa pambubully ng mga classmates at kaedaran niya. Hindi kasi siya sanay makihalobilo. Kaya simula nun ay pinili na lamang niyang magisa. "Sige alis na ko, bukas na lang. Pumasok ka sana sa klase." matamlay na sagot ni Shane. "Ano nangyari dun? Bakit ang pormal niya bigla!" nagtataka naman si Dion. "Nasaktan yata sa mga sinabi mo boss!" sagot ni Kevin. "Yun masasaktan? Imposible." Nakaramdam ng konting konsensya si Dion dahil sa nakita niyang lungkot sa mukha ni Shane. Pero wala na siyang magagawa. Nakapag bitaw na siya ng salitang hindi na niya mababawi kailan man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD