Kabanata 9

917 Words
Makalipas ang dalawang buwan, unti unting nagbago si Dion. Araw araw na itong pumapasok sa klase, nagkakaroon na rin ng pagbabago ang mga nakukuha niyang marka sa tuwing magkakaron ng mga shorts exam. Masaya si Shane dahil nakikita niya na mabuting tao si Dion sa kabila ng pagsali nito sa isang Gang. Yun nga lang ay mabilis itong mapagod sa pagaaral. "Patunayan mo yung sinabi mo, gusto mo bang iparinig ko sayo yung nirecord ko?" si Shane "Wala naman akong sinabing uubusin ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga libro!" "Okey, sige babawasan ko. Happy?" "Nagpapatawa ka ba? Kung ikaw kaya mong basahin lahat ng yan, ibahin mo ko. Hindi ko kayang basahin lahat ng yan, sasakit lang ulo ko diyan eh!" reklamo ni Dion. "Sasakit ang ulo mo dahil hindi ka nakafocus sa studies mo. Nakafocus ka sa ibang bagay, katulad na lang ng Gang na yan." "Huwag mo nga kong pakialaman sa bagay na yan." "Dion concern ako sayo, concern ako sa pagaaral mo. Ayokong masayang yung perang binabayad sakin ng daddy mo." "Haist kainis, oo na sige na manahimik ka na diyan. Masakit sa tainga yung boses mo eh!" Napangiti si Shane sa sinabi ni Dion. "Actually, binibiro lang naman kita. Hindi talaga yan ang babasahin mo." Binigay niya kay Dion ang isang bond paper. Every week gumagawa siya ng reviewer, binubuod niya ito para madaling tandaan ni Dion ang mga aralin nito. Gumagawa rin siya ng test reviewer para malaman niya kung may natutunan si Dion sa klase. "This coming friday may weekly test ulit tayo. Kaya pupunta ako ulit sa condo mo mamayang gabi." "Sa condo ka ba matutulog? nakangisi si Dion na kinainis ni Shane. "Baliw, bakit naman ako matutulog sa condo mo? Nasa tamang pagiisip pa ko para matulog sa condo mo no.!" "So kapag wala ka na sa tamang pagiisip matutulog ka sa condo ko?" "Ewan ko sayo pilosopo ka talaga kahit kelan eh." hindi mapigilan ni Shane matawa. "Sus, kunwari ka pa. Ang sabihin mo namimiss mo lang ako kaya gustong gusto mo pumupunta sa condo ko. Gusto mo lagi nakikita kagwapuhan ko." pangaasar niya kay Shane. "Puwede ba manahimik ka, san banda yung kagwapuhang sinasabi mo ha?" Inilapit ni Dion ang mukha niya kay Shane. "Bakit hindi ka ba napopogian sakin?" Nagulat si Shane dahil magkalapit ang mukha nila ni Dion. Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib niya kaya hindi siya agad nakasagot. "Hoy tulala ka diyan, nakakatawa reaksyon mo." tawa ng tawa si Dion kaya naman hinampas siya ni Shane ng libro. "Ewan ko sayo, magaral na nga tayo!" Ramdam ni Shane ang pamumula ng kanyang mukha. Bakit ganun, bakit ang bilis ng pintig ng puso ko. Parang may kung ano sa tiyan ko kanina, hindi ko maexplain. Posible kaya na...Hindi, hindi puwedeng mangyari. Bulong ni Shane. Yumuko siya at sinimulan magbasa ng mga dinidcuss sa klase. Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa isang restaurant. Ililibre siya ni Dion dahil nakapasa siya ng dalawang beses sa weekly test nila. Hindi siya makapaniwala na makakakuha ng mataas na marka si Dion. "Mahal siguro sa restaurant na to, bakit kasi dito mo pa ko dinaka? Puwede naman sa karinderya na lang." "Huwag mo ng isipin yung babayaran ko dito. Special ka sakin kaya gusto kong dito ka dalhin." Nagulat si Shane sa sinabi ni Dion pero hindi niya iyon pinahalata. "Next time ikaw naman ang manlibre sakin, dahil yung tutee mo nakakuha ng mataas na score.." Biro niya kay Shane. "Hindi pa ngayon, hindi pa kita kayang ilibre sa ganito kamahal na restaurant. Someday na lang, kapag nakapag tapos ako ng pagaaral at may magandang trabaho." "Oh sige, hintayin ko yan ha." Si Dion na ang umorder ng makakain nila dahil hindi familiar si Shane sa mga pagkain na nasa menu. "Kaya mo naman pala makakuha ng mataas na score eh. Mas mataas pa yung score mo kaysa sa iba nating classmates, proven lang yan na kapag nakafocus ka at nagaral ng mabuti magiging maganda ang resulta. Kahapon nga tintxt ko ang daddy mo binalita ko sa kanya kung anong update sa studies mo." "Kaya pala tumawag sakin kahapon. Sabi niya keep up the good work." "See, pati daddy mo proud sayo. Kaya sana tuloy tuloy mo yung magandang ginagawa mo. Masaya ang daddy mo sa mga achievements na nakukuha mo." "Sa totoo lang ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga ganyang bagay. Siguro mali lang ako ng pagkakaintindi kay daddy nuon." "Kasi nga for the past years puro kalokohan ang mga pinaggagawa mo. Kaya ngayon, show him that you are a good and better person." Matamis siyang ngumiti kay Dion. "Thank you, madami akong narealize ngayon." Gumanti siya ng ngiti kay Shane. "Basta promise mo na magaaral ka ng mabuti." "Oo naman, promise magaaral ako ng mabuti kahit sumasakit na mata ko kakabasa." "Promise mo yan ha!" "Oo nga kulit mo talaga, baka nirecord mo nanaman yan ha." sabay silang natawa sa sinabi ng binata. "Hindi no, may tiwala ako sayo kaya alam kong tutuparin mo yung promise mo." Dumating ang order nila at nagsimula na silang kumain. Masaya silang nagkukuwentuhan ng kung anu ano habang sila ay kumakain. "After natin kumain mamasyal tayo, pang relax lang. Puro na lang aral ang boring." yaya ni Dion kay Shane. "Sure, no problem." "San mo gusto pumunta? tanong niya kay Shane. "Hmm, sa mall na lang siguro. Matagal na rin akong hindi nakapasyal sa mall eh." sagot niya kay Dion. "Ok sige magmall tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD