Kabanata 3

1460 Words
Tala High School Masayang naglalakad si Shane papunta sa classroom. Napalingon siya sa gilid dahil may narinig siyang nagaaway sa likod. Sinisigaw ng intuition na na puntahan ito. Nang sumilip siya ay nakita niyang may binubugbog. Sa tingin niya, binubully ng grupong iyon ang lalaking binugbog. Nakinig siya sa paguusap nila. "Siya ba kevin ang sinasabi mong nagtraydor sa grupo natin?" Parang pamilyar ang boses ng nagsalita. Sa isip ni Shane. "Opo boss, siya po yun. Kumampi na siya sa kabila." Sagot ng isang kagrupo nila. "Walang hiya ka Robin, kung alam ko lang na babaligtad ka sa grupo. Hindi na lang sana kita tinulungan makapasok sa grupong ito." Nang humarap ang lalaki ay nakita ni Shane ang mukha nito. "Siya si Dion?!" Medyo malakas ang boses niya kaya narinig siya ng grupo dahilan para mapalingon sila sa dalaga. Hindi niya alam kung anong gagawin. Inutusan ni Dion ang dalawang lalaki na kunin at dalhin sa kanya. "Teka lang, bitawan niyo nga ko!" Lumapit sa kanya si Dion, "Malas mo dahil nakita ka namin." "Wait lang, mabuti naman at nakita. Hindi na kita hahanapin." "What are you saying?" "Magpapakilala ako, ako si Shane Alcaraz. And I am your tutor." Natawa ang lalaking binugbog nila na nagngangalang Robin sa sinabi ng dalaga. Natahimik siya dahil tiningnan siya ng masama ni Dion. "Hoy babae, hindi ako nakikipaglokohan sayo. Gaya ka rin ba ni Robin? Isang spy? Ipinadala ka ba ng kabilang grupo para magspy sa amin?" "Anong spy? I told you Im your tutor. Your father talked to me and he said turuan daw kita at gabayan sa studies mo hanggang sa makagraduate ka ng high school para naman daw hindi nakakahiya sa mga teachers na pumasa ka lang dahil sa pagiging principal niya. Halikana, magsisimula na ang klase. "Your crazy woman, ang galing mong magpalusot. Pero sorry ka na lang dahil wala ka ng kawala." "Totoo nga ang sabi ng daddy mo na mangyayari to." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at ipinakita ang video ng kanyang ama na nagsasabing ang dalaga ang magiging tutor niya. "Oh? Naniniwala ka na? Tara na, ilang minuto na lang magsisimula na ang klase natin." "Bitawan mo nga ko, hindi ka ba natatakot sakin? Tingnan mo nga ang paligid mo." Tiningnan ni Shane ang paligid. " Ano naman katatakutan ko? Hindi naman kayo kakain ng tao db?" Natawa si Robin sa sinabi ng dalaga, but this time sinuntok siya ni Kevin "Tumahimik ka diyan." Sigaw sa kanya. "Kevin, kayo ng bahala sa Robin na yan. Kakausapin ko lang ang babaeng to." "Opo boss." "Boss? Sa TV ko lang napapanuod ang mga ganitong eksena. Grabe na talaga, some of the kabataan ngayon." Hinawakan ni Dion ang kamay niya at duon dinala sa likod ng banyo. "Hoy ikaw, hindi mo ba ko kilala? Hindi ka ba natatakot sa akin ha? Lumapit si Shane kay Dion at pinakatitigan ang mukha nito. Magkalapit ang mukha nila kaya napaatras si Dion. "Grabe, wala kang delekadesa. Ganun ka na ba kadesperada? Hahalikan mo ba ko?" "Yun ba ang iniisip mo? Na hahalikan kita? Asa ka." Tumalikod siya, hinawakan ni Dion ang kamay niya at isinandal siya sa pader. Isang inches na lang ang pagitan ng kanilang labi. "Huwag mo kong hahamunin, iba ako kapag hinamon ng babae." Pumikit si Shane dahil mas lumapit pa sa kanya si Dion. Napadilat siya dahil tinapik siya ni Dion sa pisngi. "What are you thinking? Na hahalikan kits? In your dreams woman!" "Tara na nga, pumasok na tayo." "No, I have something to do. Just leave me alone." "Hindi puwede, dahil naka kontrata ako." Nainis sa kanya si Dion kaya lumapit ito sa kanya at nagtitigan sila. "Ganito na lang, sabihin mo kay daddy na tinuruan mo ko at ganun din ang sasabihin ko para tuloy pa rin ang sahod mo. Yun naman ang rason kaya tinanggap mo ang offer ni dad because of money right?" "Bahala ka, basta gagampanan ko pa rin ang tungkulin ko bilang tutor mo. Trabaho ko na turuan ka kaya wether you like it or not Im your tutor, you are my tutee and Im your boss." "f**k, ayaw talaga magpatalo. Sundin mo ang sinasabi ko, dodoblehin ko ang bayad sayo." "Sorry ka, dahil hindi ako nasisilaw sa pera. Kaya tara na, pumasok na tayo. Kapag hindi ka sumunod sakin isusumbong kita sa daddy mo, kapag hindi ka pa nagtino ipapadala ka niya abroad. At alam kong ayaw mo dun." Ngumiti siya kay Dion ng may pangiinsulto sabay lakad paalis. "Babae ka!" Sigaw na pagmamaktol niya After ng klase, dinala niya si Dion sa library. "Ano namang kalokohan to?" "Hindi ito kalokohan, malaki ang maitutulong nito sayo." "May business pa kong gagawin, anong oras ba to matatapos?" "Business? Barkada nanaman, yan ang kalokohan. Hindi ko maintindihan, ano bang meron sa barkada na yan? Why most some people are addicting to waste their time doing something useless. Kapag nagdrugs sila, nagsisigarilyo at nambubully. Akala nila siguro, kapag ginawa nila yan, they are cool bit they are wrong. Yan ba pinoprove niyo? Proving os nothing kapag useless ang ginagawa mo. Its nothing. And its a big no specially to your health." Mahabang litanya ni Shane ka "Kahit anong sabihin mo diyan wala akong pakialam." "Same to you, kahit anong pagrereklamo mo diyan wala rin akong pakialam. Im just doing my job, kaya walang personalan." "Ano bang oras matatapos itong pagtuturo mo?" "Gagawa ako ng test review para malaman ko kung nakinig ka sa klase at kung may natutunan ka. Kapag ang score mo ay perfect you may go. Pero kung may mali ka kahit isa or dalawa, yun ang ipapaliwanag ko sayo. Pero kung madami kang mali, uulitin kong idiscuss sayo. Kaya kung ako sayo next time makikinig ka na para hindi na tayo tatagal dito sa library, is that clear?" Hindi sumagot ang binata, bagkus ay tumingin lang ito sa maamong mukha ni Shane. "Sagutan mo yan, mga discussion natin yan kanina. Galingan mo para makaalis ka na rito, Goodluck." Ngumiti siya kaya lalong nainis si Dion sa kanya. Natapos ang test paper. "Siguro naman perfect to dahil more than one hour mong sinagutan to." "Nangiinsulto ka ba?" Tumingin siya kay Dion at ngumiti at may inabot na papel. "Ayan, summarize na yan ng mga diniscuss kanina. Mga keywords para matandaan mo." "Habang chinecheckan ko test paper mo basahin mo yan." Hindi siya pinakinggan si Shane, sumandal siya sa mesa at natulog. "Yan ba ang gusto mo? umabot tayo ng mahabang oras sa pagtuturo ko sayo? May pasok pa tayo sa ibang subject kaya hindi to matatapos. Hindi lang ikaw ang may personal na gagawin,may mga personal na gawain din ako!" "Oo na, bilisan mo na para matapos na to!" Ngumiti sa Shane sa binata. "Pasalamat ka, concern ang daddy mo sa future mo. Hindi lahat nabibiyayaan ng ganyang buhay, kaya ikaw pahalagahan mo kung anong buhay meron ka ngayon." "Wala kang alam, wag kang feeling close!" Nakita ni Shane ang emosyon ni Dion kaya hindi na ito nagsalita pa. Natapos siya sa pagcheck ng papel ni Dion. "Congrats, madaming bagsak. Pero ok lang, hindi naman ako nagexpect. Unang araw pa lang naman ito, kapag nakita kong may improvement sa mga quizes at exam mo kahit once na lang tayo magkita. Kaya galingan mo, ang gagawin ko na lang ay bibigyan kita ng reviewer para may mabasa ka. Ang sabi sakin ng daddy mo ok lang daw kahit hindi mataas ang mga grades mo, basta pumasa ka ok na sa kanya. Mahirap bang gawin yun Dion? Lahat ng layaw mo sinusunod ng daddy mo, ang gusto niya lang ay makapag tapos ka ng pagaaral ng may matutunan ka at magkaroon ng magandang buhay." "Yan ba ang intro mo sa discussion natin? Uulitin ko sayo. Wala kang alam kaya wag mo kong sermunan." Saglit silang nagtitigan, si Shane ang unang umiwas ng tingin dahil hindi niya matagalan ang titig ng binata. Para bang punong puno ng emosyon ang mga mata nito, napaka misteryoso. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtuturo, nagpanggap si Dion na nakikinig hanggang sa tumunog ang bell kaya napangiti ang binata. "Pano ba yan, tumunog na ang bell" "Oh masaya ka na?" tanong ng dalaga "Oo naman." "Sige na, iligpit mo na mga gamit mo. Yang binigay kong libro sayo, basahin mo yan araw araw ha. Bukas tatanungin kita kung talagang nagbasa ka." habilin ni Shane "Oo na, tapos na yung time mo sa pagtuturo. I have to go, kita na lang tayo sa room." "Make sure na sa classroom ka didiretso" sigaw ng dalaga. "May nakalagay na keep silents kaya wag kang sumigaw!" Napatingin si Shane sa ibang estudyante kaya agad siyang humingi ng pasensya sa mga iyo. "Sorry po!" Pagtingin niya sa binata ay nakalabas na pala ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD