Kabanata 2

1442 Words
Kinaumagahan "Anak dala mo na ba lahat ng mga kailangan mo sa school? Baka may nakalimutan ka pa?" "Opo nay dala ko na po lahat ng kailangan ko sa school." "Yung payong mo dalhin mo at baka umulan nanaman mamaya." habilin ng aking ina. "Sige po nay, aalis na po ako." "Sige, magenjoy ka sa school ha!" "Opo nay." Nakarating siya ng maayos sa kanyang pinapasukan. Habang naglalakad naririnig niya ang hiyawan ng mga babae at ilan pang istudyante sa pagdating ng K brothers. Siya lamang ang hindi huminto at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating pumasok siya at naupo sa bandang harapan. Para hindi siya mabored, kinuha niya ang kanyang libro at nagbasa. Ilang minuto siyang nagbabasa, napahinto siya sa dalang kaklase na nagbabangayan. Tumingin siya sa dalawa. Buti pa sila kaya nilang gawin ang mga bagay na yan sa harap ng ibang tao. They can express themselves. Unlike me, I'm quiet, alone, no one friends, hiding and I can't express myself. And I dont like it bilang ako." malungkot na bulong niya. Nahinto ang pagaaway nila dahil dumating ang adviser nila. Umayos ng pagkakaupo si Shane. Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi ng aming adviser. Nang umalis na ang adviser namin, umalis na rin ang mga istudyante dahil sasali sila sa ibang activities. Naiwan akong magisa sa classroom. "Mamaya na lang siguro ako lalabas kapag narinig ko na ang announcement, wala naman akong gagawin dun sa labas eh. Dito na lang muna ako." I continue to reading and when I got tired, huminto ako at umidlip sandali. Shane POV Hindi inaasahan ni Shane na gagawin nilang espesyal ang pagpaparangal sa nakakuha ng first place ng sunod sunod na palaro ng school. Masaya siyang ibalita mamaya sa kaniyang ina ang nakuhang scholarship. Paniguradong matutuwa ang nanay niya. Dahil sa first place niya, nakalibre siya ng isang taon na snack plus the scholarship. Pumasok siya sa principal office. " Hi, are you miss Shane Alcaraz?" "Opo sir" sagot ko sa aming principal. "Come in, masaya akong makilala ang isang istudyanteng nagbigay karangalan sa Tala High School. Maupo ka iha." siya ang tipo ng principal na masayahin at magiliw kausap. "Thank you po." "Napahanga ako sa pinakita mong katalinuhan. Alam mo ba kanina, sinabi sa akin ng mga handler sa quizes. You are relax lang while answering the quizes at mabilis kang natapos. Lalo tuloy akong naimpress sayo." Ngumiti si Shane sa papuri ng principal. "So, pagusapan natin ang scholarship mo." Inabot niya kay Shane ang form at pinapirma sa dalaga. " Kami na ang sagot sayo hanggang sa matapos ka dito sa iyong pagaaral. Lahat ng mga kakailanganin mong gamit sa iyong pagaaral ay aming ibibigay sayo ng libre at kahit piso wala kang ilalabas. Kami ang magbibigay sayo." May inabot na ATM ang principal sa dalaga. "Piling estudyante lang ang binibigyan namin niyan, kahit naka scholar pa. At ikaw ang maswerteng estudyanteng napili namin." "Maraming salamat po sir! Malaking tulong po ito sa akin, panigurado matutuwa po ang nanay ko." Ngumiti sa kanya ang principal. " You allowed lang na gamitin yan for school only, mga projects for school, ambagan for activities at iba pa. May naka assign na magmomonitor sa sinumang nabigyan ng ATM at kapag nahuli namin na ginamit ito sa walang kwentang bagay, kukunin namin at atm pero hindi ang scholarship. "Naiintindihan ko po sir, dont worry po hindi ko po sasayanhin itong opportunity na binigay niyo po sa akin. Iingatan at gagamitin ko po ito sa tama." "Mabuti naman, I know your a good one. Anyway, bukod sa pag maintain ng higher grades to all subjects. We encourage you to join all the competition, at ang magiging benefits mo diyan. Aside from fame sa school na ito, ay ang scholarship for college." Lalong natuwa si Shane sa opportuniting isinaad ng principal. Natapos ang kanilang paguusap na may ngiti sa kanyang mga labi. Shane POV Hindi naiwasan tumingin ni Shane sa labas ng bintana. Nakita niya ang lalaking pamilyar sa kanya. "Sir, anak mo po yun?" Ngumiti ang principal. "Oo, ang pasaway kong anak." Napabuntong hininga ang principal. "Hindi ko na alam kung paaong disiplina ang gagawin ko sa kanya, nais ko mam siyang iguide everyday but I can't. I'm always bussy to my work, minsan na lang kami magkita sa bahay. Tapos palagi pang nauuwi sa pagaaway. Dahil siguro sa barkada niya, he can't focus on his study. Ako ang nahihiya sa mga teacher sa tuwing may ginagawa siyang kalokohan, to be honest nakapasa lang yan dahil sa pagiging principal ko." "May kapatid po ba siya or nanay po?" "May isang brother pero nasa ibang bansa. Her mother chose to live abroad at ito namang anak ko, he chose to live with me ." Nakaramdam ng awa si Shane sa principal, dahil nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito habang nagkikwento. Successful siya but he was not happy. At nakita yun ng dalaga na hindi masaya ang principal. Humarap sa kanya ang principal. "May favor sana akong hihingin sayo." "Ano po yun sir?" pagtataka ni Shane. "I want you to be the tutor of my son. Dont worry dahil sasahuran kita. Sinadya ko talagang makausap ka ng personal para sa bagay na ito. Nakikita ko naman that your a good student and Im sure magiging magandang impluwensya ka para sa anak ko. Turuan at gabayan mo siya sa kanyang pagaaral, gusto kong makapag tapos siya ng high school ng may dignidad hindi yung dahil lang sa pagiging principal ko" mahabang litanya ng matanda kay shane. Naawa siya sa principal kaya naman pumayag na siya. Saka kind of pagkakakitaan din ito, sideline job. "Ok po sir. I accep your offer not because of the scholarship and money but your showing your kindness to me." Aside from your good student, mabuti ka ring anak. Ang sasahurin mo monthly sa pagtutor at paggabay sa anak ko ay 10 thousand, ito ang atm tanggapin mo. May laman na yan kaya puwede mo ng gamitin kahit hindi ka pa nagsisimula." "Sir maraming salamat po talaga, alam kong hindi po sapat ang salitang thank you but thank you a lot po." "Thank you rin." Binigay ng principal ang pangalan ng tuturuan niya. Siya si Dion Dela Cuesta. Isang Gang leader, palaging nasasangkot sa gulo. Palaging naghahanap ng away, maangas at hambog. Pero saksakan ng gwapo. Shane POV Naka absent ngayon ang tuturuan ni Shane kaya naman hindi pa sila nagkikita. Bukas na yung start niya ng pagtuturo. Natapos na ang program kaya umuwi na rin siya. Masaya siya ngayon sa mga nangyayari. Una, ang libreng snack ng isang taon. Pangalawa, ang scholarship niya sa high school kaya naman hindi na namomroblema ang kanyang ina sa mga gastusin. Pangatlo, binigyan pa siya ng student atm kaya naman sapat na ang panggastos niya para sa mga project and other activities. Pang-apat, libre na rin ang pagaaral niya sa kolehiyo Pang-lima, nagkaron pa siya ng sideline job bilang isang tutor at mataas ang sahod niya monthly. Napaka laki ng 10k. Inisip niyang magipon, iipunin niya ang kalahati at ang natira naman ay ibibigay niya sa kanyang ina pangdagdag gastos sa bahay. Nagwithdraw siya, plano niyang bilhan ang kanyang ina ng mga damit dahil naaawa siya dito. Bumili rin siya para sa sarili niya. Bumili rin siya ng mga gamit sa bahay, yung mga hindi nila nabibili dahil kapos sila sa pera. Bumili rin siya ng ulam at naggrocery ng kaunti at bigas. At yung natira naman ay ibibigay niya sa mahal niyang ina. Dahil libre naman ang allowance niya sa school. "Anak ang dami mong dala, kanino yan?" pagtataka ng nanay niya. "Sa atin yan nay," masayang wika ni Shane. "Ano? Saan mo naman kinuha ang perang pinambili mo diyan?" "Alam mo nay, masaya po ako ngayong araw. Halika nay upo tayo ikikwento ko po sayo." binigyan niya ng makakain ang kanyang nanay at isinalaysay niya kung saan galing ang perang pinaggastos niya. "Talaga? Congrats anak, napaka swerte ko talaga sayo." Nakangiti ang nanay niya habang si Shane ay nagkukwento ng mga nangyari sa kanya sa school. "Then binigyan din po nila ako ng scholarship para sa college. Lahat po ng gastos at gamit ay sila po ang magpoprovide." Niyakap siya ng nanay niya. "At ito pa nay, may sideline job din po ako bilang tutor ng anak ng principal. 10thousand a month po ang sasahurin ko dun nay." Naiyak sa labis na tuwa ang kanyang nanay. "Wag ka pong magalala nay, iaahon po kita sa hirap. Gagawin ko po lahat para guminhawa ang buhay natin." "Maraming salamat anak." Magkatulong silang nagayos ng mga pinamili. Mababakas sa mukha ng magina ang kasiyahang hindi mabibili ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD