Kabanata 4

844 Words
Pagkatapos ng last subject ni Shane sa hapon ay hindi pa siya umuwi dahil tuturuan pa niya si Dion ng mga diniscuss sa tanghali at hapon. Hinanap niya ito, nilibot niya ang buong campus pero wala ito. "Nasaan kaya yun,? ang lalaking yun talaga sakit sa ulo! Siguro kasama nanaman ang barkada niya." Inikot niya ulit ang buong school dahil baka nagkasalisi lang sila pera wala talaga. "Sana magkasalubong kami ngayon." Sabi niya ng nakatingala sa langit. "May gagawin pa kong project na ipapasa sa makalawa." Nagwithdraw siya gamit ang student ATM dahil bibili siya ng mga materyales para sa activity na gagawin niya bukas. Naglalakad na siya pauwi pagkatapos niyang mabili ang kailangan niya. Habang naglalakad si Shane ay may bumangga sa kanya, nagmamadali itong tumakbo. Dahil sa pagkabangga ay natapon ang kinakain niyang fishball at materials na binili niya para sa project. "Sorry!" sabi ng taong nakabangga sa kanya. Nagulat sila ng makita ang isa't-isa, lalo na ang lalaki. Binitawan ni Shane ang mga dala niya at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang lalaki upang hindi ito makawala. "Wala kang kawala sakin ngayon!" ang lalaking nakabangga sa kanya walang iba kundi si Dion. "Bitawan mo nga ko, nagmamadali ako!" mahigpit ang pagkakahawak ni Shane sa damit ni Dion kaya hindi siya makawala. "Wala akong pakialam, bakit hindi ka pumasok ng tanghali at hapon? Saan ka ba nagsusuot at ang hirap mong hagilapin?" "Wala kang pakialam!" "May pakialam ako dahil bayad ang pagtuturo ko sayo" "Eh di sabihin mo kay dad na tinuruan mo ko, very easy." "Tumigil ka nga, sa tingin mo ganun katanga ang daddy mo para maniwala siya? Titingnan niya ang grades mo, anong paliwanag naman ang sasabihin ko sa kanya kung sakali?" "Babawi na lang ako next time." "Huwag ka ngang patawa, kapag pinakawalan kita ngayon mahihirapan nanaman akong hanapin ka. Kaya sumama ka sakin dahil may gagawin tayong project na ipapasa sa makalawa." Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak kay Dion. "Sa makalawa pa yan, may bukas pa naman. Hay epal ka talaga sa buhay ko." Inis na sabi ni Dion, sa isip niya ay kung hindi lang babae si Shane ay baka nasipa na niya ito. "Ako pa talaga ang sinabihan mong epal ha, akala mo naman ako ang gagawa ng grades mo. Hoy ikaw ang gagawa nun kaya puwede ba makipagtulungan ka na lanh sakin para matapos na to.!" "Bitaw na nga, baka nandyan na sila pareho pa tayong mapahamak!" "Mapahamak? Kanino? Puwede ba wag ka ng magpalusot hindi mo ko maloloko no!" "Hindi kita niloloko, totoo ang sinasabi ko!" Nakita ni Dion na malapit na ang humahabol sa kanya, dahil ayaw siyang bitawan ng Shane ay napilitan siyang sipain ito kaya natumba ang dalaga. Sumigaw si Dion ng "Sorry". "Loko ka talagang lalaki ka, sisipain din kita kapag nagkita tayo.!" balik na sigaw niya dito. "Aray, ang sakit ng likod ko. Natapon pa yung kinakain ko!" Nakita niya rin na nadumihan ang mga binili niya kaya bibili ulit siya ng bago. "Sino naman kaya yung humahabol sa kanya?" May nakasalubong siyang tatlong lalaki at narinig niyang hinahanap nila si Dion. Napaka pasaway niya talaga, buhay prinsepe na nga siya. Lahat ng gusto niya ay nabibili niya. Tiyak na kapag nalaman ito ng ama niya ay magaalala nanaman ito. Makabili na nga lang ng bagong materyales. Kausap ang sarili niya. Dion POV Napansin niyang wala na ang mga humahabol sa kanya. "Akala nila maiisahan nila ko, makakabawi rin ako. Mga gago sila!" Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Kevin. "Kumusta? Nakuha niyo ba ang pera?" "Opo boss, ikaw nasaan ka na? Ayos ka lang ba?" "Oo, mga gagong yun akala nila maiisahan nila ko. Hindi nila ko kaya." "Mabuti at maayos ka, saan ba tayo magkikita para maibigay ko sayo itong pera?" tanong ni Kevin. "Mamayang gabi, sa hideout natin." "Okey copy." Pinatay na niya ang tawag at pumasok sa isang fastfood para kumain. Naisip niya si Shane. Ayaw talaga akong tantanan ng babaeng yun, ang tigas ng ulo niya kaya alam kong hindi kami magkakasundo. "Ano kayang gagawin ko sa babaeng yun para sumunod sakin? Hindi naman siya natatakot sakin kapag tinatakot ko siya!" Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya sa condo niya. Naligo siya at nagpahinga, nahiga sa kama. Ilang minuto pa lang siyang nakatulog ng may nagdoorbell. "Sino naman kaya yun?" bukod sa kanyang ama na bumili ng condo niya ay wala ng ibang nakakaalam kung saan siya nakatira. Naisip niya na baka ang kanyang ama. "Kapag si daddy ito at pinagalitan ako humanda talaga sa akin ang babaeng yun sa pagsusumbong niya. Binuksan na niya ang pinto. Nagulat siya sa kanyang panauhin. "Hello!" Bati sa kanya ni Shane. "Paano mo nalaman ang location ko? walang ibang nakakaalam ng condo ko except kay dad!" "Hmmm.. wala ba?" "Si dad?" "Yup." "Ganun na ba kayo kaclose para ipaalam pa sayo ang location ko?" "Tutor mo ko kaya sinabi niya rin sakin ang location ng condo mo para mapuntahan kita kapag hindi kita makita. Gaya na lang ng hindi mo pagpasok sa tanghali at hapon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD