Kabanata 5

937 Words
Feel at home si Shane sa condo ni Dion. Bago siya pumunta sa condo ng lalaki ay nagpalit muna ito ng pambahay. "Ano namang ginagawa mo dito? Wala naman tayo sa school." "Nakalimutan mo na ba? Tutor mo ko, kailangan kong gampanan ang trabaho ko. Kailangan sa darating sa na first quarter examination natin kahit hindi mataas ang grades mo ay makapasa ka man lang. Iyan din ang gusto ng daddy mo. "Ano naman maitutulong nun sakin? May pera naman ako, nabibili ko lahat ng magustuhan ko. Saka ang diploma, palamuti lang yan sa mga mayayaman. Pero sa mga mahihirap, yan ang kailangan nila." sabi niya ng nakatingin kay Shane. Nasaktan si Shane sa sinabi ni Dion pero hindi niya ito pinahalata. "Anong palamuti? Kahit ang pinakamayamang tao sa buong mundo sinasabi na mahalaga ang edukasyon. Dahil ang learning hindi lang natatapos ng kolehiyo. Patuloy kang matututo kung gusto mong may matutunan, kaya wag ng matigas ang ulo. Hindi naman kita pinaghihigpitan di ba?" "Really? Kaya pala hanggang dito nakarating ka." "Ang ibig kong sabihin maging responsable ka. Papasok ka sa klase natin araw araw, at gagawa ka rin ng mga homework mo. Kapag meron kang hindi naintindihan, tawagan mo ko or itext. Basahin mo yung librong binigay ko sayo dahil malaking tulong yun sayo as beginner.Yun lang puwede ka ng gumala kahit saan." "Nasasabi mong madali lang dahil matalino ka." "Nasasabi mo ring mahirap dahil hindi ka naka focus. Yung barkada mo, yan ang nagpapadistract sayo. Saka yung kanina, bakit ka ba hinahabol kanina? Ano bang kalokohang ginawa mo?" "Wala ka na ron, its my business. Stay away." "Ok, hindi ako makikialam sa business mo. Pero magfocus ka sa studies mo." Lumakad si Dion papunta sa kwarto niya. "Matutulog muna ako, pagod ako." "Ok lang, paggising mo na lang tayo magsisimula sa discussion natin." "May lakad pa ko mamaya paggising ko." "Saan naman? Sa barkada mo nanaman? Kasasabi ko lang na magfocus ka sa study mo bago yang monkey business mo!" "Oo na, pagkatapos kong matulog tapusin nanatin yung discussion mo." "Mabuti naman naintindihan mo." Nakangiti siya kay Dion. Pumasok na si Dion sa kanyang kwarto para matulog. "Siya pa ang galit, ako na nga ang nageeforf para turuan siya." Sinilip ni Shane si Dion sa kanyang kwarto kung totoong natutulog ito. Hindi niya napigilan na hindi pumasok sa kwarto at lumapit sa binatang natutulog. Napatingin siya sa mukha nito. "Napaka inosente ng mukha mo kapag tulog. Sana ganyan din kapag gising at kausap mo ko,sayang gwapo ka sana." Nakita niyang gumalaw ito. "Baka kung ano pa isipin niya kapag nakita niyang nandito ako sa kwarto niya. Makalabas na nga." Inayos niya ang mga ituturo niya kay Dion para paggising nito ay agad silang magsisimula. Sa paghihintay niya kay Dion, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa. Tumunog ang alarm clock at nagising siya. Tiningnan niya ang oras sa phone niya. "7:30 pm na, nakatulog pala ako." Tumingin siya sa paligid at napansin na parang walang tao. Nagtaka siya kung sino ang naglagay ng kumot sa katawan niya. Napansin niya na may nakadikit na papel sa kumot kaya kinuha niya ito. "Have a nice dream!" Agad siyang tumayo at pumasok sa kwarto ng lalaki. Nakabukas ito kaya pumasok siya, wala si Dion sa buong kwarto. "Ang lalaking yun talaga nakakainis! Kakaadvise ko lang sa kanya tapos ito ang gagawin niya?" Marami na siyang topic na namissed, napagiiwanan na siya. Hindi ito puwede, kapag nakita ko siya ulit hindi ko na siya iiwan. Hindi ko aalisin ang paninhin ko sa kanya. Anong oras na, siguro ay pupunta nanaman siya sa barkada niya. Ano bang napapala niya sa barkada niyang hindi naman nakakatulong sa kanya kundi puro katarataduhan lang? kausap ang sarili niya. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang lalaki. Nang sasagot na siya ng hello ay binabaan siya nito. "Binabaan ako?" Tinawagan niya ulit ito. "Sagutin mo Dion!" naiinis ang dalaga. Sinagot naman ni Dion. Gising ka na pala? Maayos ba ang tulog mo? For sure maayos dahil kinumutan kita!" bungad ni Dion kay Shane. "Loko, totoo pala yung panaginip ko na tumakas ka, ang galing ng plano mo ha! Kunwari matutulog ka, para maving kampante ako kaya nakaidlip ako kahihintay sayo!" galit si Shane. "Umidlip? Hindi kaya, natulog ka talaga!" pangaasar niya kay Shane. "Yun ang plano mo, ang makatulog ako para makatakas ka!" "Kaya ko namang tumakas ng hindi dumadaan sa pinto!" patawa tawang sabi ni Dion. Biglang may naalala si Shane. Kung hindi ito tulog ay narinig niya ang mga sinabi niya kanina sa kwarto. Diyos ko po nakakahiya. "Bakit tahimik ka diyan?" nagtatakang tanong ni Dion sa dalaga. "Pumunta ka dito para malaman mo" pilosopong sagot ni Shane. "Sige na, ibababa ko na to." "Wait lang, narinig mo ba yung sinabi ko kanina? Nung tulog ka?" tanong ni Shane "Anong sinabi?" tanong din ni Dion. Nagtanong siya, ibig sabihin tulog talaga siya? Bulong niya sa sarili. "Akala ko ba gising ka? bakit hindi mo narinig yung mga sinabi ko? Pinagloloko mo ba ko?" "Natulog ako pero saglit lang, nakita kitang tulog kaya kumuha ako ng kumot para kumutan ka. Ikaw kasi, madaling magtiwala." Salamat naman! Nakahinga ng maluwag si Shane dahil hindi narinig ni Dion ang mga sinabi niya rito. "Madali talaga akong magtiwala kaya sana huwag mong sayangin yung pagtitiwala ko!" Binabaan siya ni Dion. "Hello! hello! Binabaan na siya nito. "Akala mo ikaw lang ang tuso" nakangiting sabi ni Shane. Tinawagan niya si Dion para matrace niya ito. Oo, magaling siya sa ganung bagay. Bilib na ba kayo sa katalinuhan niya? Kaya deserve niya ang scholarship niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD