Kabanata 6

951 Words
Naglakad lakad si Shane. Tinanong niya ang sarili kung ito ba ang lugar na kinaroronan ni Dion. Tiningnan niya ang paligid at ito ay madilim, mukhang napagiwanan ng panahon dahil sa kalumaan. It looks like a place na parang tirahan ng mga ipis at daga dahil sa dumi nito. Kung sa tao naman, pinagtataguan ng mga taong adik o mga taong gumagawa ng masama. "Ano bang lugar to? Bakit pumupunta siya sa ganitong lugar?" Lalo siyang nacurious sa mga pinaggagawa ni Dion. Napalingon siya dahil parang may tumitingin sa kanya kaya nagpatuloy siyang naglakad ng mabilis. Hinanap ni si Dion. Natatakot na ko, nasaan ka na kasi Dion. Kausap ang sarili niya. May humarang sa kanyang tatlong lalaki. "Pare, ang swerte natin!" sabi ng lalaking nakangisi sa akin. "Oo nga pare!" Mga adik ba to? Nabasa ko sa libro, kapag nakita ka ng mga taong ganito, walang modo, bastos, ay lalo ka nilang tatakutin kapag nakita nila natatakot ka. Hindi ko puwedeng ipahalata na natatakot ako. "Oh anong tinitingin niyo diyan? umalis nga kayo diyan baka masapak ko pa kayo!" lakas loob kong sabi sa taong lalaki "Wow pare matapang." "Pare, gusto ko ang mga babaeng matatapang, para axciting. Alam mo na pare ang ibig kong sabihin!' ngisi sa akin ng isang lalaki. "Loko to ah." bulong ko sa aking sarili "Oo nga pare para hindi boring." sagot naman ng isang panget. Tumingin sila kay Shane. "Miss naliligaw ka ba Miss? Gusto mo hatid ka na namin?" tanong sa akin ng isang lalaking maitim. "Mga loko kayo, hindi ako naliligaw. May hinahanap ako at kilalang tao yun dito." "Ako ba yun Miss?" pamimilosopo ng isa. "Ano ka ba pare? Ako yung hinahanap niya, di ba Miss? Ako yung hinahanap mo?" "Parehong hindi kayo ang hinahanap ko, umalis na nga kayo diyan sa daanan!" sigaw ko sa kanila. "Halika na Miss samahan kana namin." sabi ng lalaki. Napaatras si Shane ng unti unting lumapit ang tatlong lalaki sa kanya. "Ano ba!" patuloy ang paglapit sa kanya ng tatlong lalaki kaya hindi na nagdalawang isip si Shane na tumakbo. Habang hinahabol, nagsisigaw siya ng tulong. Narinig niya ang sigaw ng isa, "Maling lugar ang napuntahan mo Miss. Walang makakarinig sayo sayo dito para tulungan ka!" Tumatawa pa sila. "Oh panginoon ko, tulungan mo po ako, huwag mo po akong pabayaan!" hindi niya napansin ang malaking bato sa dinadaanan kaya nadapa siya. Nasugatan ang tuhod niya. Masakit at mahihirapan siyang tumakbo nito o kahit maglakad. Nakita niyang papalapit na ang dalawa. Pinilit niya pa ring tumayo. Kinakabahan na siya. "Lord please save me.! "Ikaw Miss ang tigas ng ulo mo, sinabi na nga naming tulungan ka na namin. Yan tuloy ang napala mo." "Oo nga, paano ba yan? Mahihirapan ka na niyan maglakad, ang malala pa hindi ka na makakatakbo ng mabilis." "Lubayan niyo ko,!! Ano ba kayo! Des oras ng gabi, nandito kayo sa ganitong lugar? Hindi ba kayo hinahanap ng magulang niyo? Ang babata niyo pa pero ang babastos niyo!" pangaral ni Shane sa tatlong lalaki. "Ikaw nga rin Miss eh, ganitong oras nandito ka sa lugar na to." pamimilosopo sa kanya ng isa. "May hinahanap nga ako, umuwi na nga kayo mga pakialamero!" sigaw niya sa mga ito. "Sa tuwing nagsusungit siya pare lalo akong ginaganahan sa kanya." ngisi ng lalaki. "Tama ka pare, matagal na rin pare nang may babae tayong natikman." "Ang babastos niyo, subukan niyo lang lumapit pagsisipain ko kayo." Tumatawa sila habang lumalapit kay Shane. " Sabi ng wag kayong lumapit eh." sigaw niya. Sa kakaatras niya ay natumba siya. Nakaramdam siya ng matinding takot para sa sarili niya. "Lord, iligtas mo po ako." bulong niya sa kang sarili. "Wala ka ng kawala Miss." patawa tawa pa ang tatlong lalaki. Tumingin sila kay Shane at ngmuti, napapikit na lang si Shane at naimtim na nagdarasal. Naramdaman niyang may kamay na humawak sa ulo niya. "Please lubayan niyo ko." umiiyak na siya. "Tsk, ikaw kasi. Sinabi ko na sayong huwag mo kong sinusundan." Pamilyar sa kanya ang boses na yun kaya napadilat siya. Nakita niyang si Dion ito. Humarap si Dion sa tatlong lalaki, "Mga g*go kayo, pagtitripan niyo pa tong panget na to." "Panget! ako ba yun? bulong sa sarili. "Magisa ka lang ngayon Dion ah,! akala mo kaya mo kami! Nakikita mo ba? Tatlo kami oh." "Alam ko hindi ako bulag, marunong din akong magbilang! Saka anong magisa? Baka ikaw ang bulag diyan!" ngisi niya sa tatlong kupal. "Oo nga." sigaw ng mga anim na lalaking dumating, mga kasamahan ni Dion ito na nasa likod niya. Nagtinginan ang tatlo sa isat isa. "Oh ano, nanginginig na ba mga tuhod niyo? lalo silang natakot ng may nakita silang mga pamalo ng mga kasamahan ni Dion kaya nagtakbuhan sila. "Mga duwag pala ang mga g*gong to eh!" tawa niya. Nang humarap siya kay Shane para tanungin kung ayos lang ito. Bigla siyang niyakap ito ng mahigpit kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Maraming salamat at dumating ka." Nagulat si Dion dahil napaka higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Shane. "Ikaw kasi, sinusundan mo pa ko." "Ikaw kasi, tinakasan mo pa ko!" sagot niya kay Dion. "Huwag muna tayong magaway ngayon, may sugat ka. Gamutin muna natin." Si Shane naman ang nagulat dahil kinarga siya ni Dion. "Ibaba mo nga ko." parang batang nagpupumilit bumaba. "Huwag ka ngang malikot, ang bigat mo pa naman. Magdiet ka nga." pangaasar niya kay Shane. "Sabi mo wala munang asaran." "Ano ba sabi ko? Yung totoo lang naman." "Seryoso? Maguumpisa ka nanaman?" "Ok ito na po madam.." "Baba mo nga ko, kaya ko naman maglakad." Hindi siya pinakinggan ni Dion, diretso siyang naglakad habang karga si Shane papunta sa kanilang hideout.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD